SINABI ng Malakanyang na may sinusunod kasi na due process sa imbestigasyon sa flood control scandal bago pa papanagutin ang mga personalidad para mapigilan na malabag ang kanilang karapatang-pantao.Hiningan kasi ng komento si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa sidelines ng Association of the Southeast Asian Nations Summit sa Kuala Lumpur, ukol sa naging panawagan ng business groups at trade unions kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa na ng “bold, concrete steps” laban sa korapsyon upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno.“Sa mga naiinip, ang pamahalaan po ay nasa tamang pagkilos na naaayon sa batas. Nagmamadali? Yes, minamadali lahat pero hindi natin mamamadali ang lahat pero magba-violate tayo ng batas at ng human rights,” ayon kay Castro.“Kayo rin po ay mabibiktima kapag ka walang due process. So isipin natin, ang ginagawa ng pamahalaan ngayon ay may katungkulan sa due process,” aniya pa rin.Sa ulat, muling umapela ang malaking grupo ng mga negosyante sa bansa kay Pangulong Marcos, na gumawa ng mabilis na hakbang laban sa nagaganap na korapsyon sa bansa.Ayon pa sa grupo na ang talamak na korapsyon ay mas higit pa sa pagkalugi pero ang pagkasira ng tiwala ng publiko ay magdudulot ng kaguluhan.Nakasaad sa resolution na bigyan ng buong kapangyarihan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na magsagawa ng imbestigasyon at lumayo sa impluwensya ng sinumang pulitiko.Kasuhan ang lahat ng mga responsable maging anumang posisyon sa gobyerno at magpatupad ng pagbabago sa institusyon para hindi na maulit pa ang pang-aabuso at magbigay ng update sa publiko sa mga pagbabago sa imbestigasyon at ipakita sa publiko ang audit findings para matiyak ang kredibilidad.Sa katunayan aniya, ipinag-utos na ng Money Laundering Council ang ‘freezing of assets’, ang pagsasampa ng kaso at pagpapalabas ng immigration lookout bulletin orders laban sa ilang personalidad.At sa tanong kung bakit walang ipinalalabas na hold departure order, ang paliwanag ni Castro ay bahala na ang korte ang magdesisyon sa bagay na ito. Kahalintulad ng ang korte rin ang magdedesisyon sa pagpapalabas ng arrest warrants.“Hindi po natin basta-basta maaaring tawagin or sabihin na ang isang tao ay hindi ka puwedeng magbiyahe – iyan naman po ay lalabag sa batas dahil lahat naman din po tayo ay may freedom of movement, iyan po ay isang constitutional right,” ang winika ni Castro.( Daris Jose)