• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Bukod pa sa nahawakan ang kamay ni Jerry…ELLEN, kinainggitan dahil harap-harapang na-meet si VANNESS (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SOBRA-SOBRANG kinainggitan ng Pinoy fans at netizens si Ellene Adarna dahil sa bonggang-bongga niyang encounter sa Taiwanese boy group na F4 na minus sa ginanap na concert sa Philippine Arena last Saturday, June 27.

Bukod kasi sa eksenang nahawakan niya ang kamay ni Jerry Yan sa concert ay na-meet pa niya ng harap-harapan si Vanness Wu.

Kasama rin nina Jerry at Vanness si Vic Chou, at si Ashin ng Mayday, para sa Philippine stop ng kanilang “F Forever 1st World Tour”.

Nag-viral nga si Ellen sa social media dahil kumalat ang mga litrato at video niya na super fangirling sa naturang concert. Pero ang kinainggitan nang husto ng F4 fans nang ibahagi ni Ellen ang photos at video kasama si Vanness na kuha sa backstage ng concert venue.

Makikita ito sa Instagram post na na may caption na, “Jowa Reveal.”

May video ring ipinost si Ellen na tinuturuan nila si Vanness Tagalog words tulad ng “Kamusta ka”, “Na-miss ko kayo” at  “Mahal ko kayo”.

Komento naman ng kaibigan na si Arci Muñoz, “Happy for you!! Pero parang mali?! Si Jerry di ba?! Hahaha!”Na sinagot ni Ellen ng, “both!”Napa-sana all na lang ang marami dahil talaga namang nakaka-inggit ang kanyang F4 encounter…***

Globe at SPEEd, sanib-puwersa sa ‘The 9th Eddys’

MULING masasaksihan ang malaking koneksiyon sa pagitan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ng Globe sa The 9th Entertainment Editors Choice o The Eddys sa ika-5 ng Hulyo sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts.

Para sa Globe, ang pagsuporta sa Philippine entertainment ay hindi basta “connectivity” lang. Sa paglipas ng mga taon, tumulong ang namumuno ng digital solutions na bumuo ng mas malawak, mas ligtas at mas matatag na espasyo para sa mga kuwentong Filipino na malikha, maibahagi, maprotektahan at maipagdiwang.

Ang patuloy na pangakong ito ay muling pagtutuunan ng pansin habang kinikilala ng Globe ang partnership nito sa SPEEd para sa The 9th Eddys. 

Inorganisa ng SPEEd, pinararangalan sa taunang gabi ng parangal ang pinakamahuhusay sa Philippine cinema, mula sa mga aktor, direktor, manunulat, prodyuser at mga teknikal na manggagawa na ang trabaho ay patuloy na humuhubog sa industriya.

Muling magtitipon sa The 9th Eddys ang mga nangungunang pangalan sa pelikula para sa isang gabi ng pagkilala, pasasalamat at pagdiriwang. Para sa SPEEd, ang suporta ng Globe ay may espesyal na kahulugan, na naging isa sa mga matatag na katuwang ng grupo mula noong unang taon nito.

“Ang Eddys ay taunang pagpaparangal sa mga taong nagpapanatili ng buhay sa sinehan sa Pilipinas, at ang Globe ay kasama natin mula pa sa simula sa pagkilala na ang mga kuwentong Pilipino ay karapat-dapat sa bawat plataporma, proteksiyon at pagkakataon na umunlad,” sabi ng pangulo ng SPEEd na si Tessa Mauricio-Arriola. 

“Ang partnership na ito ay nagpapaalala sa amin na ang entertainment ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang nakikita ng mga audience sa screen. Ito rin ay tungkol sa ecosystem na nagbibigay-daan sa mga artist, producer, media, brand at audience na suportahan ang isa’t isa.”

Para kay Maria Yolanda “Yoly” Crisanto, Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer, ang pagsuporta sa entertainment ay bahagi rin ng mas malaking layunin ng Globe na gamitin ang teknolohiya at adbokasiya upang lumikha ng pangmatagalang positibong epekto.

“Makapangyarihan ang mga kuwentong Filipino dahil dala nito ang ating mga pinahahalagahan, ang ating mga pangarap at ang ating mga karanasan bilang isang tao,” sabi ni Crisanto. 

“Sa Globe, naniniwala kami na ang pagsuporta sa entertainment industry ay nangangahulugan ng pagtulong na mabigyan ng pagkakataon ang mga artist at content creator, habang hinihikayat din ang audience na  gamitin ang content nang responsable. 

“Sa pamamagitan ng aming partnership sa The Eddys at sa mga adbokasiya tulad ng #PlayItRight, umaasa kaming patuloy na maitataguyod ang pagkamalikhain, paggalang sa intelektuwal na ari-arian at pagkilala sa pagsusumikap ng mga taong nagbibigay-buhay sa mga kuwentong ito.”

Ang relasyon ng Globe sa Philippine entertainment ay nagkaroon ng maraming anyo sa paglipas ng mga taon. Sa pamamagitan ng #PlayItRight, ang anti-piracy advocacy nito, patuloy na hinihikayat ng kumpanya ang mga Filipino na tangkilikin ang content sa pamamagitan ng mga lehitimong platform, na nagpapaalala sa mga manonood na ang bawat legal na stream, pag-download o pagbili ng ticket ay nakakatulong na protektahan ang kabuhayan ng maraming tao sa likod ng bawat pelikula, serye, kanta o digital work.

Binibigyang-diin din ng kampanya ang mga katotohanan ng mga modernong gawi sa panonood. Sa panahong mas madali nang ma-access ang nilalaman kaysa dati, nakatulong ang Globe na mabigyang-pansin ang responsibilidad na kaakibat ng bawat pag-click. 

Sa pamamagitan ng paghikayat sa publiko na pumili ng mga lehitimong mapagkukunan ng content, sinusuportahan ng #PlayItRight ang mga karapatan sa intelektuwal na ari-arian habang tinutulungang protektahan ang mga mamimili mula sa mga panganib na kadalasang nauugnay sa mga ilegal na site, kabilang ang malware at iba pang mga banta sa cybersecurity.

Habang ipinagdiriwang ng SPEEd ang pinakamagagandang tagumpay ngayong taon sa local cinema, pinararangalan din ng partnership ang mas malaking pagkilos para palakasin ang Philippine cinema sa bawat panig, mula sa paglikha hanggang sa pamamahagi, sa lehitimong pag-access sa audience engagement, sa artistikong pagkilala hanggang sa pagpapanatili ng industriya.

Sa ika-siyam na taon nito, patuloy na iniaangat ng The Eddys ang kalidad ng paghatol ng mga entertainment editor sa bansa, dahil ang araw-araw na trabaho nila ay pakikipag-usap sa mga artista, producer, iba’t ibang platform at audience ng industriya. 

Sa muling pagtatambal ng Globe at SPEEd, ang gabi ng parangal ngayong taon ay hindi lamang isang selebrasyon ng kahusayan kundi isang paalala rin na ang mga kuwentong Pilipino ay karapat-dapat ipagmalaki, protektahan at dalhin sa mas maraming tao.

Sa ginanap na ’17th PMPC Star Awards for Music’…ANDREW E., pinarangalan ng Lifetime Achievement Award (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINARANGALAN ang King of Pinoy Rap na si Andrew E. sa 17th PMPC Star Awards for Music. 

Pinagkalooban si Andrew ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award sa event na ginanap sa Teatrino, Greenhills last June 25, 2026.

Kasamang kinilala rito ni Andrew sina Ms. Celeste Legaspi para sa Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at Mon del Rosario sa Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award. 

Kabilang sa pinasamalatan niya ang PMPC, sina RJ Jacinto and the Ventures na nagbukas ng pinto sa kanya sa showbiz, si Boss Vic del Rosario at buong Viva Records and Viva Films na ayon sa madter rapper ay siyang gumawa sa kanya bilang Andrew E.   

After pasalamatan ang iba pang mahahalagang tao, sinabi ito ni Andrew, “Of course siyempre, a big, big shout out sa ating Panginoon dahil Siya po ang talagang nagbigay sa akin ng lahat ng ito.”

Aniya pa, “Sa aking pamilya, sa aking wife na si Mylene, ‘Thank you so much,’ Fordy, Jassley, Ichiro, sa aking mga magulang and of course sa mga kaibigan, at sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po.”

Sa isang panayam, nang usisain si Andrew ukol sa naranasang 500 rejections bago natamo ang estado niya ngayon sa showbiz, sinabi ng rap icon na nagsilbi itong goal sa kanya para mas maging determinado na maabot ang tagumpay.

Mensahe pa ni Andrew sa kanyang speech…

“Kaya mga kaibigan, gawin nyo po akong salamin, sa lahat ng mga nandito, sa mga bagong artist, gawin nyo po akong salamin na iyong 500 rejection ay alintanang hindi ko inintindi, alitanang niyapos at nilagpasan, para lamang po ipakita na mayroon akong itinatagong talino, na siguro naman baka kapag makita ng mga tao ay matanggap.

“Always remember, na huwag nyo pong iintindihin lalo na ang mga taong nagda-down sa inyo. Ang intindihin nyo po iyong mga taong umaasa na balang-araw, ikaw ay magniningning sa larangan na ito. At sa pagningning mo ay mahahawakan mo ang kanilang mga kamay, upang sila ay akuin sa kanilang kinalalagyan, para makasama at maka-angkas sa iyo, sa iyong tagumpay. 

“Maraming-maraming salamat po,” makabuluhang pahayag pa ng legendary Pinoy rapper.

Ilang ulit na pinasalamatan si Ashin sa successful concert…JERRY, pinaka-well applauded at ‘di rin nagpakabog sina VANNESS at VIC (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG Vice Governor ng Bulacan na si V.G. Alex Castro ay matatawag na longtime ambassador na ng Beautéderm. 

Ayon sa President/C.E.O na si Ms. Rhea Tan, mga panahon pa raw ito na nanliligaw pa lang din si V.G. Alex sa asawa ngayon na si Sunshine Garcia.

Kaya naman pareho ang mag-asawang Alex at Sunshine na very grateful kay Ms. Rei and vice versa. 

Nag-launch ng Beautéderm Parfums at mabibili na ang Sunshine at Alex parfums. Along with other like “Rei,” “Audrey” at “Rein” na wa etchos, ang babango.

Ayon kay Sunshine, nang kausapin sila ni Ms. Rei, nagpi-prepare na rin siya to launch her own perfume. Pero, inisantabi niya muna ito at mas na-excite siya sa own brand ng perfume under Beautéderm. 

Para kay Ms. Rei naman, binigyang diin niya na pinahahalagahan niya ang genuine friendship with their celebrity ambassadors na it’s more than business. 

Sa isang banda, tinanong na namin si Sunshine kung ano talaga ang totoo sa isyu na may away sa pagitan nilang dalawa ni Jopay Paguia laban kay Rochelle Pangilinan. 

Kung pagbabasehan namin ang mga sagot niya, feel namin na may something talaga sila, but at the end, professional silang lahat at sey na lang niya, “pamilya kami.”

***

WALA na sana kaming plano na manood ng FForever 1st World Tour  Concert ng F4 minus 1 kaya F3 na lang na sina Vanness Wu, Vic Chou at Jerry Yan. Kasama si Ashin ng Mayday at siyang dahilan kung bakit sila nabuo.

Pero siguradong magsisisi kami kung hindi kami tumuloy. Kung isa ka sa bumili ng ticket, lalo na sa SVIP na nasa harapan, sobrang sulit ang 21k worth na ticket. 


Bukod sa kitang-kita ang apat, kung ilang beses din silang bumaba, nakipag-kamay sa audience. Kabilang na nga rito ang volleyball playet na si Michelle Gumabao at Ellen Adarna na nakatitigan na si Jerry, nakapag-kamay pa.

Si Melai Cantiveros ay isa rin sa mga nanood at naiyak pa yata. Grabe ang sigawan sa buong Philippine Arena. Halos lahat ng pinerform nina Jerry, Vic, Vaness at Ashin ay nasasabayan, given na siyempre ang mga o.s.t. ng Meteor Gatden. 

Ang husay ni Vaness mag-perform na nakapag-offer pa ng isang kanta kay Lord, ang “Oceans” na song. Si Vic na nanggulat dahil napakagaling din.

Si Ashin ay ilang beses binanggit ng F3 na nagpapasalamat sila dito dahil siya ang dahilan kung bakit sila nabuo. 

Si Jerry Yan na pinaka-well applauded at napakahusay rin. To think na more on drama ang ginagawa niya. Naging emotional ito sa tila monologue niya about love & lost na walang duda, para kay Shan Chai o or ang namayapang si Barbie Hsu, teary-eyed din ito nang magpapaalam na sila. 

At kung umabot ng 21 years bago sila nakabalik ng Manila as a group, hoping siya na magkasama pa rin sila at hindi na gano’n katagal ang magiging paghihintay,

Gabi ng nostalgia, kilig at katuparan ng pangarap ang naganap na FForever concert sa Philippine Arena.

Sana nga maulit muli. At sana ay kumpleto na silang apat. 

Ads June 30, 2026

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Bagong renovated covered courts sa Navotas, pinasinayaan

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong renovated na Pantay-Pantay Court, at Kapalaran Court sa Brgy., San Roque at Brgy., Tangos South at S. Roldan Court kasnuod ng pagpapasinaya sa mga ito sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19th Navotas Cityhood Anniversary. Ang naturang mga pasilidad ay magsisilbing venue para sa sports, community gatherings, at iba’t ibang aktibidad. 

(Richard Mesa)

Walang hidwaan sa pagitan ng Pinas, Tsina sa kabila ng parusa ng Beijing, rhetoric laban kay Teodoro- Malakanyang

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

WALANG hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa kabila ng mainit na pagpapalitan ng pahayag sa pagitan ni Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro at Chinese officials kaugnay sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinananatili ng Pilipinas ang magandang relasyon nito sa Tsina.

Ito’y sa kabila ng babala ng Tsina kay Teodoro matapos sabihin ng huli ang pagtanggi ng Chinese Embassy sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa 2016 Arbitral Award ay nagpapakita ng “insincerity and duplicity” o kawalan ng sinseridad at pagiging mapanlinlang.

“Ang bansang China ay tumutupad sa kanilang batas at polisiya, ganoon din ang bansang Pilipinas. Si Sec. Gibo ay tumutupad lang sa kaniyang mandato bilang opisyal ng Pilipinas,” ayon kay Castro .

“Sa parte ng Pilipinas, itinuturing pa rin na maganda ang relasyon sa bansa ng China,” aniya pa rin.

“Hindi naman nagkakaroon ng rift o sigalot dahil sa mga mensahe ng ating Defense Secretary,” dagdag na pahayag ni Castro.

Nauna nang iginiit ng DFA na ang 2016 Arbitral Award ay pinal at may bisa, at kinondena ang patuloy na pagtanggi ng China na kilalanin ito.

Bilang tugon, sinabi ng Chinese Embassy na hindi nito kinikilala ang arbitration sa South China Sea at tinawag itong “a political manipulation in disguise.” Iginiit din nitong binaluktot umano ng Arbitral Award ang mekanismo ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon kay Teodoro, ang pahayag ng embahada ay nagpapakita ng tunay na intensyon ng Chinese Communist Party sa pakikitungo sa Pilipinas.

“It clearly shows their insincerity and duplicity… We condemn the arrogant display of deceitful indignation by them.”

“Hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi kaya idinadaan sa alboroto,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ni Teodoro na hindi magpapasindak ang Pilipinas.

“Hindi tayo pasisiil.”

“Ang pangulo po ang direktiba… Dapat daanin sa diplomatikong pamamaraan,” ang sinabi naman ni Castro.

“We can protect our rights, we can protect our interests in a diplomatic manner,” aniya pa rin. (DARIS JOSE)

Kelot, kulong sa pagnanakaw ng higit P300K halaga ng bisikleta

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ARESTADO ang 29-anyos na kelot matapos tangayin ang mamahaling bisikleta ng isang dalagang office clerk sa San Juan City, Linggo ng umaga.

Kaagad pinosasan ng rumespondeng mga tauhan ng Pasadena Police Sub-Station 4 ng San Juan City Police sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan, PSSg Dondon Galingan at PCpl Jhon Augustine Lopez ang suspek na si alyas “Joseph”, ng Tondo, Manila.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:45 ng umaga nang magtungo ang complainant na si alyas “Andrea”, 28, kasama ang kanyang mga kaibigan sakay ng kani-kanilang bisikleta sa isang coffee shop sa Dos Castillas St., Brgy., Pasadena, San Juan City.

Ipinarada nila ang kanilang bisikleta sa labas ng establishemento bago pumasok sa coffee shop at habang nasa loob ang complainant tinangay umano ng suspek ang kanyang bisikleta na nagkakahalag ng P316,998.00.

Gayunman, nasaksihan ng landscaper ng nasabing establishemento na si alyas “Leazer”, 34, ang insidente kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa mga bystander sa lugar at hinabol ang suspek na dahilan upang makorner ang kawatan.

Dinala ang suspek at ang nabawing bisikleta sa Barangay Hall ng Pasadena bago humingi ang mga ito ng assistance sa pulisya kaya agad rumesponde sina PCMS Santillan at inaresto si alyas Joseph nang positibong ituro ng saksi na siyang tumangay sa bisikleta ng dalaga.

 (Richard Mesa)

PBBM nakipagpulong sa mga presidential scholars…Edukasyon, pinakamahalagang bagay na maibibigay sa mga kabataan

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng edukasyon, sabay sabing ito ang “most important service” ng gobyerno na maaaring ibigay sa mga kabataan.

“Ang aking prinsipyo na ang edukasyon ay hindi ito pribilehiyo. Ang edukasyon ay karapatan ng ating mga kabataan, at importanteng importante na mag pa-training tayo, mapaganda natin ang training ng ating mga kabataan,” ayon sa Pangulo.

Sinabi ito Pangulo nang makapulong niya ang presidential scholars na suportado ng Socio-Civic Projects Fund sa isinagawang Bawat Bayan Makikinabang: Sulu program sa Sultan Jamalul Kiram Central School sa Barangay Lawm.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga estudyante na kahit na anuman ang mangyari sa kanilang buhay, ang karunungan na kanilang natamo ay hinding-hindi malulusaw.

“Hindi malulusaw ‘yan. Hindi pwedeng nakawin ‘yan. Hindi pwedeng agawin ‘yan. Nasa inyo na ‘yan, at araw-araw maaalala ninyo na ito pala ay napakalaking tulong para sa ating mga kabuhayan,” anito.

“Para mas maganda ang opportunities na dadating sa inyo. Kagaya ng sabi ko, mapapaganda ang buhay ninyo, pamilya ninyo, community ninyo, and in that way, ‘yung buong Pilipinas,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Pangulo na naglaan ang gobyerno ng P200,000 sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund sa bawat barangay sa buong bansa.

Aniya, hiniling niya na ang P100,000 ay ilaan para sa scholarships ng limang iskolar

“Sabi ko mamili kayo sa bawat barangay, mamili kayo ng lima. Bibigyan natin ng P100,000, tig P20,000 lahat para may lima ang bawat barangay,” ang winika ng Pangulo.

“Ang sabi nga namin basta mamili kayo, as much as possible, ‘yung malapit na magtapos pero baka hindi matapos dahil for whatever reason, dahil walang pangbayad, nahirapan mag trabaho… para naman ‘yung mga malapit na magka diploma ay matulungan natin,” aniya pa rin.

 (DARIS JOSE)

PNP, tiniyak na kanilang aarestuhin si Bato kapag sumipot sa impeachment trial

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kanilang aarestuhin si senator Ronald “Bato” dela Rosa kung sakaling magpakita siya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6, 2026.

Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, Hunyo 29, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co na nakahanda ang pulisya na ipatupad ang mandato nito sakaling muling magpakita ang senador.

“We are mandated to effect the arrest of Senator Bato,” ani Co.

Dagdag pa ng PNP: “If he will be appearing therein, our police force will arrest him.”

Magugunitang si Dela Rosa ay kasalukuyang may kinahaharap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, nanatiling hindi nagpapakita sa publiko ang senador matapos lumabas ang warrant niya laban sa kanya.

Ayon sa PNP, handa ang kanilang hanay na ipatupad ang batas sa oras na matukoy ang kinaroroonan ni Dela Rosa o kung kusa siyang humarap sa anumang pagtitipon, kabilang ang impeachment trial ni VP Sara.

( DARIS JOSE)

PBBM, tinurn over ang mahigit sa P82-M assistance sa Sulu

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang turnover ceremony ng P82 million na financial assistance sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) sa Sulu provincial government.

Sina Abdusakur Tan III at ang provincial federation of the Association of Barangay Councils (ABC) ang tumanggap ng tseke.

Sa ilalim ng SCPF, may P200,000 ang inilaan sa bawat barangay na may kabuuang 410 para sa Sulu.

Winika pa ng Pangulo na P100,000 mula sa bawat alokasyon ang gagamitin para pondohan ang scholarships para sa limang estudyante kada barangay.

‘Yung natirang P100,000 ay nasa inyo na ‘yun kung saan n’yo gagamitin. Dahil malakas ang paniwala ko na walang nakakaalam sa problema sa isang barangay kung hindi ang mga barangay official,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng rice assistance sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

Ani Pangulong Marcos, ang mga benepisaryo ay ‘poor at near-poor families.’

‘Yung sinasabi na kung hindi natin tulungan ay bababa sa poverty line. Sabi ko, ‘yun ang nilalabanan natin para hindi sila bumaba. Bago pa mangyari ‘yan, unahan na natin,” anito pa rin.

Tinatayang 3,000 benepisaryo sa Sulu ang makatatanggap ng tulong.

“Huwag po kayo mag-alala. Ito po ay hindi minsanan lang. Magbibigay kami ng sako ng bigas anim na beses sa loob ng isang taon. So kada dalawang buwan, meron po ulit nito,” anito.

Samantala, pinasalamatan ni Tan ang national government para sa suporta.

“Naghatid kayo sa amin ng pag-asa. Naipakita ninyo sa aming lalawigan, sa mga Tausug, na ang aming probinsya ay kailanman hindi napapabayaan at napag-iiwanan,” aniya pa rin. ( DARIS JOSE)