• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SPORTS NEWS

  • Carlos Yulo nalimitahan ang kategoryang lalahukan sa SEA Games

    NAGKAROON ng mga pagbabagong ipinatupad ang organizers ng 33rd Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa Thailand. Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion na maapektuhan dito si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo. Isinaad ng organizers ang panuntunan na ang mga atleta gaya ni Yulo na lumalaban sa iba’t-ibang apparatus […]

  • Djokovic, wala pang balak magretiro; inspirasyon sina Ronaldo, LeBron, at Brady HINDI pa umano planong magretiro ni tennis superstar Novak Djokovic sa kabila ng kanyang edad na 36.

    Ibinahagi ng Serbian champion na patuloy siyang humuhugot ng inspirasyon mula sa mga sports icons tulad nina Cristiano Ronaldo, LeBron James, at Tom Brady… mga atleta na matagumpay pa rin sa kabila ng kanilang edad. Ayon kay Djokovic, ang dedikasyon at disiplina ng mga nabanggit na atleta ang nagtutulak sa kanya upang manatiling aktibo sa […]

  • Football star Cristiano Ronaldo nagtala ng panibagong record sa FIFA Nagtala ng panibagong record si Portuguese striker Cristiano Ronaldo.

    NAKUHA ng 40-anyos na striker ang back of the net ng dalawang beses para maitabla ang laro 2-2 sa pagitan nila ng Hungary. Siya ang naging pangunahing goalscorer sa FIFA World Cup qualifying history. Bago kasi nito maitala ang record ay kapantay niya si Carlos Ruiz ng Guatemala na mayroong 39 goals pero ngayon ay […]

  • Pacquiao vs. Crocker, pinagpaplanohang ikasa

    PINAGPAPLANUHANG ikasa ng kampo ni IBF welterweight champion Lewis Crocker ang ideyang makalaban si eight-division world champion Manny Pacquiao. Si Crocker ay naging kampeon sa welterweight division matapos talunin si Paddy Donovan sa pamamagitan ng split decision noong Setyembre. Sa ngayon, matapos makuha ang titulo, handa na muli si Crocker na sumabak sa panibagong bakbakan […]

  • Centeno tinalo ang kapwa Pinay cue artist na si Amit para magkampeon sa WPA Women’s 10-Ball World Champ

    NAKUHA ni Pinay cue artist Chezka Centeno ang kampeonato ng 2025 WPA Women’s 10-Ball World Championship na ginanap sa Bali, Indonesia. Tinalo nito ang kapwa Pinay cue artist na si Rubilen Amit sa score na 4-1, 2-4, 4-2, 3-4, 4-2. Naging mahigpit ang laban ng dalawa subalit hindi nagpabaya sa mga depensa ang 26-anyos na […]

  • Trump, nagbanta na ipapalipat ang 2026 FIFA World Cup Games mula Boston dahil sa isyu ng seguridad

    NAGBANTA si U.S. President Donald Trump na maaaring ilipat ang 2026 FIFA World Cup games mula sa Boston dahil umano sa mga isyu sa seguridad at pamumuno ni Mayor Michelle Wu. “I love the people of Boston, but your mayor is not good,” ayon kay Trump, sabay banat kay Wu bilang isang “radical left.” Aniya, […]

  • Indonesia, tinanggihan ang paglahok ng Israeli athletes sa World Gymnastics Championships

    KINUMPIRMA ng Indonesian Gymnastics Federation na hindi papayagang makapasok sa bansa ang mga atleta mula sa Israel para sa World Artistic Gymnastics Championships na gaganapin sa Jakarta mula Oktubre 19–25. Ayon sa federation chair Ita Yuliati, sinuportahan ng International Gymnastics Federation (FIG) ang desisyon ng gobyerno ng Indonesia na hindi bigyan ng visa ang Israeli […]

  • Libu-libong fans, nagbigay papuri sa yumaong si Ricky Hatton sa Manchester

    LIBU-LIBONG tagahanga ang nagtipon sa Manchester nitong nakaraang Biyernes upang magbigay-galang kay Ricky Hatton, dating world welterweight boxing champion, na pumanaw noong Setyembre 14 sa edad na 46. Kabilang sa mga dumalo sina dating heavyweight champion Tyson Fury at singer na si Liam Gallagher. Maraming tao din ang nagwagayway ng bandila ng Manchester City at […]

  • Marathon para sa West Philippine Sea isasagawa na

    PATULOY ang ginagawang imbitasyon ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa mamamayan na lumahok sa “Takbo Para sa WPS 2025”. Gaganapin ang fun run sa Bridgetowne Central Park, Pasig City ngayong Sabado, Oktubre 11. Sinabi ni Tarriela na hindi lamang ito pagtakbo at sa halip ay pagpapakita […]

  • Chot Reyes nasungkit ang PBA Coach of the Year sa ika pitong pagkakataon

    MULING paparangalan sa ika pitong pagkakaton bilang PBA Coach of the Year si TNT Coach Chot Reyes sa darating na 31st edition PBA Press Corps (PBAPC) awards night sa Lunes, October 13. Matapos dalhin ang TNT sa tatlong makakasunod na finals appearance, masungkit ang dalawang championship at mahabang 75 na laro boung season nakuha ni […]

  • NBA magbabalik sa paglalaro sa China

    MULING magbabalik ang NBA sa China matapos ang ban na ipinatupad noong 2019. Mayroong dalawang pre-season games ang laro sa araw ng Biyernes at Linggo. Ang laro ay sa pagitan ng Brooklyn Nets at Phoenix Suns na gaganapin sa Venetian Casino and hotel sa Macau. Gagawin ang laro matapos ang anunsiyo ng Chinese technology giant […]

  • Alex Eala, sasabak sa 3 sunud-sunod na WTA 250 tournaments sa Asia

    MAGPAPATULOY ang kampanya ng Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala sa tatlong magkasunod na WTA 250 tournaments sa Asia simula sa susunod na linggo. Kasunod ‘yan ng kanyang paglahok sa US Open, nagtala si Eala ng impresibong mga resulta sa tatlong WTA 125 events kabilang ang pagkapanalo sa Guadalajara 125, semifinals finish sa […]

  • Gabe Norwood, nag-anunsyo ng pagreretiro sa PBA

    Inanunsyo ng beteranong manlalaro ng Rain or Shine Elasto Painters at dating Gilas Pilipinas captain na si Gabe Norwood na ang kasalukuyang PBA Philippine Cup ang magiging huling season niya sa liga. Sa isang video, sinabi ni Norwood na ito na ang kanyang “One last conference, one last run, one last flight,” bilang pamamaalam sa […]

  • Gilas Pilipinas women’s basketball nahanay sa mga malalakas na koponan sa FIBA Women’s World Cup qualifiers

    Nahaharap sa malaking hamon ngayon ang Gilas Pilipinas Women’s Basketball team matapos na mahanay sa malalakas na koponan para sa 2026 FIBA Women’s World Cup qualifiers. Base sa resulta ng Qualifying Tournament Draw ay ka-grupo ng Pilipinas ang world ranked 3 na France, number 15 na Korea, number 12 na Germany, number 8 na Nigeria […]

  • Eala nagtala ng panibagong career-high ranking

    NAGTALA ng career-high ranking si Pinay tennis star Alex Eala. Sa inilabas na ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) ay umakyat ang ranking nito sa 54 mula sa dating 58. Inilabas ang ranking isang araw matapos ang bigo nitong first round sa Wuhan Open qualifiers laban kay Moyuka Uchikima. Itinuturing na naging abala ang 20-anyos […]

  • Magreretiro na nga ba si Lakers Star LeBron James?

    BINULABOG ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James ang mundo ng NBA matapos mag-post ng isang misteryosong mensahe sa social media kung saan binanggit niyang may malaking desisyong kanyang pinag-iisipan. Dahil dito, samu’t saring reaksyon at espekulasyon ang lumutang mula sa kanyang mga tagahanga, marami ang nagtatanong kung ito na ba ang huling season ni […]

  • English soccer player Billy Vigar pumanaw dahil sa brain injury , 21

    PUMANAW na ang dating Arsenal soccer player na si Billy Vigar sa edad na 21. Ayon sa nasabing koponan na nagtamo ng brain injury si Vigar sa isang laro na ginanap noong nakaraang linggo. Nabangga niya umano ang pader sa kasagsagan ng laro ng Chichester City. Dinala pa ito sa pagamutan at nanatili ng ilang […]

  • Alex Eala laglag na sa Jingshan Tennis Open semis

    BUMAGSAK sa semifinals ng Jingshan Tennis Open ang Pinay ternnis star na si Alex Eala matapos talunin ni Lulu Sun ng New Zealand sa score na 6-3, 4-6, 2-6. Nakuha ni Eala ang unang set at nagkaroon pa ng 2-1 na kalamangan sa ikalawang set, ngunit sinundan ito ng apat na sunod-sunod na panalo ni […]

  • Poland pasok na sa semifinals ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship

    PASOK na sa semifinals ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship ang Poland. Tinalo ng world number 1 na Poland ang Turkey sa score na 25-15, 25-22, 25-19 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena. Nanguna sa panalo ng Poland si Wilfredo Leon na nagtala ng 13 points , siyam na atake , […]

  • Eala nananatiling paboritong manalo sa 2nd round ng Jinghan Tennis Open

    NANANATILING paborito pa rin na manalo si Pinay tennis star Alex Eala sa ikalawang round ng Jingshan Tennis Open sa China. Makakaharap niya ngayong araw kasi Mei Yamaguchi ng Japan para sa round of 16 ng torneo. Nakapasok sa second round si Eala matapos na ilampaso si Aliona Falei ng Belarus. Bagamat nasa ranked 268 […]

  • Ex-NFL star Rudi Johnson pumanaw na, 45

    PUMANAW na ang dating NFL star na si Rudi Johnson sa edad na 45. Kinumpirma ito ng kaanak ng dating Cincinnati Bengals ang pagpanaw ni Johnson. Napili si Johnson sa ikaapat na round ng 2001 NFL Draft ng Bengals. Sa edad niyang 24 ay nakatakbo ito ng 4,000 yards at 36 na puntos. Huling naglaro […]

  • Obiena nais ipaubaya sa mga batang manlalaro ang SEA Games

    NAIS ni Filipino Olympian EJ Obiena na ipaubaya na lamang sa mga bagong henerasyon ang pagsali sa Southeast Asian Games. Si Obiena,na three-time gold medalist sa SEA Games at Asian record holder ay target pa rin nitong lumahok sa SEA Games na magsisimula sa buwan ng Disyembre sa Bangkok, Thailand. Subalit nais niyang magbigay daan […]

  • Eala, abanse na matapos masungkit ang unang set vs Aliona Falei

    UMUSAD agad si Filipina tennis star Alex Eala sa Round of 32 ng Jingshan Open. Tinalo niya si Aliona Falei ng Belarus sa unang set, 6-3. Matatag ang ipinakitang laro ni Eala sa opening set, gamit ang kanyang powerful baseline shots. Sa ikalawang set, mas naging dikit ang laban ngunit nanaig pa rin ang diskarte […]

  • USA men’s volleyball team pasok na sa quarterfinals ng matapos talunin ang Slovenia

    Pasok na sa quarterfinals ng 2025 FIVB Men’s World Championship ang US team. Tinalo ng USA team ang Slovenia sa score na 19-25, 25-22, 25-17, 25-20 sa laro na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City. Bumida sa panalo ng USA si Gabriel Garcia na nagtala ng 26 points para maging susi sa pagbabalik ng […]

  • Alas men’s volleyball team nagtapos sa pang-19 sa FIVB Volleyball Men’s World Championship

    NAGTAPOS sa pang-19 na puwesto ang Alas Men’s volleyball team sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship. Nagtala kasi ng kasaysayan ang men’s volleyball team ng talunin nila ang Egypt at ang muntikan ng panalo laban sa Iran para maging third place sa group stage. Nasa ranked 18 ang France habang ang Brazil ay nasa pang-17. […]

  • EJ Obiena, wagi sa World Pole Vault Challenge sa Makati

    IKINATUWA ng mga lokal na tagahanga ang pagkapanalo ni EJ Obiena sa Atletang Ayala World Pole Vault Challenge na ginanap sa Ayala Triangle Gardens, Makati City nitong Linggo, Setyembre 21. Sa kabila ng masamang panahon nalampasan ni Obiena ang taas na 5.80 meter, katumbas ng kanyang pinakamahusay na record ngayong season, at tinalo si Thibaut Collet […]

  • Gilas Pilipinas bumaba ang ranking sa FIBA

    BUMABA ang FIBA ranking ng Gilas Pilipinas matapos ang bigo nilang kampanya sa nagdaang FIBA Asia Cup na ginanap sa Saudi Arabia. Sa inilabas na ranking ng FIBA ay nasa pang-37 na ngayon ang national basketball team ng bansa. Mula kasi noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nasa ranked 34 ang Gilas Pilipinas ng talunin nila […]

  • Alas Pilipinas natapos na ang kampanya sa FIVB Volleyball Men’s World Championship

    NATAPOS na ang kampanya ng Alas Pilipinas sa FIVB Volleyball Men’s World Championship. Ito ay matapos na hindi sila nakaporma sa Iran 21-25, 25-21, 17-25, 25-23, 22-20 sa ginanap na Mall of Asia Arena. Itinuturing na ang laro ay siyang may pinakamalaking attendance mula ng magsimula ang torneo. Mula sa simula ay naging matindi ang […]

  • Kampo ni Obiena, umaasang ‘di maaapektuhan ng rally at bagyo ang World Pole Vault Challenge

    UMAASA ang mga tagasuporta ni Pinoy Olympian Ernest John “EJ” Obiena na hindi maaapektuhan ng inaasahang malaking rally at bagyo sa Setyembre 21 ang kauna-unahang international pole vault event sa bansa, ito ang Atletang Ayala World Pole Vault Challenge, na pangungunahan ng top Filipino vaulter. Gaganapin ang prestihiyosong paligsahan sa Ayala Triangle Gardens sa Makati, […]

  • Italian skier Matteo Franzoso pumanaw na, 25

    PUMANAW na ang Italian skier na si Matteo Franzoso sa edad na 25. Nagtamo ng head injury si Franzoso matapos na aksidente sa training sessions sa Chile nitong Lunes. Ayon sa International Ski and Snowboard Federation (FIS) na nawalan ng kontrol ito sa kaniyang unang maiksing pagtalon sa training course sa La Parva slope malapit […]

  • Finland, itinumba ang Olympic champion na France sa nagpapatuloy na 2025 FIVB

    PINATUMBA ng Finland ang Back-to-back Olympic champion na France sa nagpapatuloy na FIVB Men’s Volleyball World Championship. Pinangunahan ni Finnish spiker Joonas Mikael Jokela ang naturang koponan at nagbulsa ng 20 points sa kaniyang overtime performance. Hindi naging madali para sa Team Finland na itumba ang Olympic gold medalist matapos itong paabutin ang laban sa […]

  • Alas Pilipinas nagtala ng record sa unang panalo kontra Egypt sa FIVB Men’s World Championship

    GINULAT ng Alas Pilipinas ang Egypt sa kanilang paghaharap sa FIVB Men’s World Championship. Itinuturing na isang makasaysayan ang panalo ng Alas Pilipinas dahil ito ang kauna-unahang panalo sa nasabing torneo. Nadomina ng Alas Pilipinas ang laro at naitala ang score na 29-27, 23-25, 25-21, 25-21 na ginanap sa Mall of Asia Arena. Bumida sa […]

  • Canelo Alvarez umaasang kumasa si Crawford sa panawagan nitong rematch

    UMAASA si Mexican boxer Canelo Alvarez na pumayag ng rematch si US boxer Terrence Crawford. Kasunod ito sa pagkapanaloni Crawford ng unanimous decision sa kanilang welterweight title fight. Sinabi ni Alvarez, na isa ng kasaysayan ang nasabing laban at magiging maganda pa ito lalo kung maulit at handa itong lumaban. Napaiyak si Crawford ng ianunsiyo […]

  • Pilipinas nahanay sa matinding koponan sa FIFA Futsal Women’s World Cup

    NAHANAY ang Philippine women’s national futsal team sa matitinding mga koponan para sa FIFA Futsal Women’s World Cup na gaganapin sa bansa. Sa isinagawang draw ceremony sa Bonifacio Global City Arts Center sa lungsod ng Taguig ngayong Setyembre ay makakasama ng Pilipinas sa Group A ang Poland, Morroco at Argentina. Habang sa Group B ay maghaharap […]

  • Duplantis nagatala ng panibagong record sa Japan

    PATULOY ang pamamayagpag ni Swedish pole vault star Armand Duplantis. Ito ay matapos na makamit niya ang ika-14 na world record sa ginanap na torneo sa Japan. Siya lamang ang nag-iisang pole vaulter na nakapagtala ng 6:30 meters clearance. Mayroon na ngayon ang 25-anyoas na walong global men’s pole vault medals sa indoor at outdoor […]

  • Mga laro sa FIFA Futsal Women’s World Cup gaganapin na lahat sa PhilSport Arena sa Pasig City

    INANUNSYO ng Philippine Football Federation (PFF) na ang lahat ng mga laro para sa FIFA Futsal Women’s World Cup ay gaganapin na sa Pasig City. Ayon sa PFF, hindi na kasama ang Victorias City, Negros Occidental na maging host city. Sa isinagawa nilang komprehensibong pag-aaral sa mga logistical at operationl consideration ganun din sa nararanasang sitwasyon […]

  • British boxer Ricky Hatton pumanaw na, 46

    PUMANAW  na ang world champion na Ricky Hatton sa edad na 46. Ayon sa tagapagsalita ng Greater Manchester Police na nakatanggap sila ng tawag kung saan wala ng buhay ang boksingero sa bahay nito sa Bowlace Road, Hyde, Tameside. Hindi naman na binanggit pa ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng boksingero. Binansagang “The Hitman” […]

  • Alex Eala hindi umubra sa Indonesian player sa SP Open

    NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa SP Open sa Brazil. Ito ay matapos na talunin siya ni Janice Tjen ng Indonesia 6-4, 6-1 sa quarterfinals ng nasabing torneo. Ang nasabing pagkatalo ay nagtutuldok sa pitong magkakasunod na panalo ni Eala mula ng makuha ang kampeonato sa Guadallajara 125 Open noong […]

  • EJ Obiena, bigong nakapasok sa finals ng 2025 World Athletics Championship 

    BIGONG nakapasok ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa finals ng 2025 World Athletics Championship sa Tokyo, Japan. Nakatawid lamang ng 5.55 meters si Obiena at nagtapos sa ika-18 pwesto kapantay nina Matej Ščerba ng Czechia at Oleksandr Onufriyev ng Ukraine. Kasama ni Obiena sa Group A ang world record holder na si […]

  • US boxing champion Terrence Crawford handa ng harapin si Canelo Alvarez

    TARGET ni US boxing champion Terrence Crawford na makaukit ng record sa kasaysayang boxing. Ito ay dahil sa nalalapit na paghaharap niya kay Mexican boxer Canelo “Saul” Alvarez sa araw ng Linggo oras sa Pilipinas na gaganapin sa Las Vegas. Hindi itinuturing ng 37-anyos na si Crawford na mas angat na ito kahit na sa […]

  • SBP hinihintay pa ang kongreso para sa naturalization ni Boatwright

    IPINAPAUBAYA na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kongreso ang naturalization ni Bennie Boatwright. Target kasi ng SBP na maisama si Boatwright sa line up ng Gilas Pilipinas. Sinabi ni SBP Executive Director Erika Dy, na mula pa noong nagbukas ang 20th Congress ay nagsumite na sila ng mga kailangan na dokumento. Mula noon […]

  • Eala pasok na sa ikalawang round ng WTA 125 matapos talunin si Mansouri

    NAKAUSAD na sa ikalawang round ng WTA 125 sa Sao Paulo, Brazil si Pinay tennis star Alex Eala. Ito ay matapos na talunin si Yasmine Mansouri ng France sa score na 6-0, 6-2. Sa simula pa lamang ay dominado na ni Eala ang laro na tumagal ng isang oras at 10 minuto. Hindi makapaniwala si […]

  • Final roster ng Alas Pilipinas na sasabak sa FIVB Volleyball Men’s World Championship inilabas na

    INILABAS na ng Philippine National Volleyball Federation ang final roster ng Alas Pilipinas na sasabak sa FIVB Volleyball Men’s World Championship na gaganapin sa bansa. Nanguna sa listahan sina Bryan Bagunas at Marck Espejo na sila ang naging susi sa pagkamit ng bansa ng silver medal noong Southeast Asian Games 2019. Kabilang din sila sa […]

  • Football star Lionel Messi hindi pa tiyak kung makakapaglaro sa World Cup sa susunod na taon

    Hindi pa matiyak ni football star Lionel Messi na makasali ito sa 2026 World Cup. Ito ay kahit na nagwagi ang Argentina 3-0 laban sa Venezuela sa pagsisimula ng round ng South American qualifiers. Ayon sa 38-anyos na national captain , na apektado na ito sa mga injuries kaya hindi ito nakapaglaro ng madalas sa […]

  • Eala inaasahang tataas ang ranking kapag magtagumpay sa Sao Paulo

    Inaasahan na aangat pa lalo ang Women’s Tennis Association (WTA) ranking ni Pinay tennis star Alex Eala kapag tuloy-tuloy ang tagumpay nito sa WTA250 Sao Paulo Open sa Brazil. Matapos kasi ang pag-kampeon nito sa WTA125 Guadalajara Open sa Mexico ay nag-improve ito sa ranked 61 mula sa dating ranked 75. Unang makakaharap niya sa […]

  • Alex Eala, umangat sa World No. 61 ng WTA matapos ang magwagi sa Guadalajara 125 Open

    UMAKYAT si Alex Eala sa ika-61 puwesto sa pinakabagong WTA rankings matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa Guadalajara 125 Open sa Mexico, kung saan siya ang naging kauna-unahang Pilipina na nagwagi ng WTA singles title. Dahil sa nasabing tagumpay, tumaas ng 14 na ranggo si Eala mula sa dating ika-75. Tinalo niya si Panna Udvardy […]

  • Obiena nagkamit ng bronze medal sa torneo sa China

    NAGWAGI ng bronze medal si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa World Athletics Continental na ginanap sa Beijing, China. Nakamit ni Obiena ang 5.65 meters para tuluyang makuha ang bronze medal. Nakuha naman ni Tao Zhong ng China ang gold medal habang silver medal naman ang nakamit ni Cole Walsh ng US. Susunod na lalahukan […]

  • Alex Eala naghahanda para sa torneo sa Brazil

    AGAD na sasabak sa torneo sa Brazil si Pinay tennis star Alex Eala mataposang unang titulo niya sa WTA 125. Magtutungo ito sa Sao Paulo, Brazil para sa SP Open na magsisimula mula Setyembre 8 hanggang 14. Sa nasabing torneo ay seeded number 3 ito at makakaharap niya ang qualifier sa Round of 32. Habang seeded […]

  • Carlos Alcaraz nagkampeon sa US Open

    NAGKAMPEON si Carlos Alcaraz sa US Open matapos talunin si Jannik Sinner 6-2, 3-6, 6-1, 6-4 . Ito na ang pangalawang panalo ng Spanish tennis player kay Sinner sa grand slam final at ang pangalawang major ngayong season. Unang nagkampeon ang 22-anyos sa US Open noong 2022 at pang-anim na major championship nito. Dahil sa panalo […]

  • Mike Tyson at Mayweather maghaharap sa exhibition boxing

    Nagkasundong maglaban sa boxing ring ang dalawang legendary boxer sa mundo na sina Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr.Digital Radio Kapwa pumirma na ng kasunduan ang kampo ng dalawang boksingero para isagawa ang exhibition match sa susunod na taon. Inaayos pa ng organizers ang mga petsa ganun din ang lugar kung saan ito gaganapin. Sinabi […]

  • Historic ace: Alex Eala nasungkit ang kauna-unahang WTA title

    GUMAWA ng kasaysayan ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA title nang talunin si Panna Udvardy ng Hungary, 1-6, 7-5, 6-3, sa finals ng Guadalajara 125 Open. Sa edad na 20, ipinamalas ni Eala ang kanyang katatagan matapoçs mabigo sa unang set bago bumawi at tuluyang makuha ang […]

  • NBA All-Star Game magkakaroon ng bagong format

    MAGKAKAROON na ng panibagong format ang NBA All-Star Game sa susunod na taon. Mula sa dating dalawang team ay magiging tatlong team ito na USA vs. World. Mayroong dalawang USA team na binubuo ng walong miyembro at isang World team kung saan maglalaro ang mga ito ng single round robin format. Sinabi ni NBA Commissioner Adam […]

  • Eala pasok na sa semis ng Guandalajara 125 Open

    PASOK na sa semifinals ng Guadalajara 125 Open si Pinay tennis star Alex Eala. Ito ay matapos na talunin si Italian player Nicole Fossa Huergo, 7-6(2), 6-2 sa quarterfinals. Sa unang set ay bahagyang nahirapan si Eala laban sa 30-anyos na Italian player subalit pagpasok ng second set ay nadomina nito ang laro. Ang nasabing panalo […]

  • NBA star Derrick Rose nakatakdang bumisita sa bansa

    Nakatakdang bumalik sa bansa si retired NBA star Derrick Rose ngayong buwan. Sinabi nito na malaking bahagi sa puso niya ng mga Filipino fans dahil sa hilig nila sa basketball. Unang dumalaw sa bansa si Rose noong 2011 kasama noon sina Kobe Bryant, Kevin Durant at Chris Paul kung saan nagsagawa pa sila ng exhibition […]

  • Hidilyn Diaz kabilang na sasabak sa SEA Games

    ISINAMA pa rin ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo na sasabak sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand. Ayon sa 34-anyos na si Diaz, na sinimulan na niya ang matinding workout bilang paghahanda. Kasama ito sa Team Philippines line-up ng women’s 58 kg. category. Aminado ito na kinakabahan na siya […]

  • Pilipinas nagkampeon sa Padel Cup sa Malaysia

    NAGKAMPEON ang pambato ng bansa sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) 2025 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia. Tinalo ng Padel Pilipinas ang pitong ibang mga bansa. Pinamunuan ni Senator Pia Cayetano ay tinalo ng Pilipinas sa championship round ang Hong Kong sa score na 3-0. Habang nakuha ng host country na Malaysia ang bronze […]

  • Alex Eala, sasabak sa Guadalajara Open matapos ang historic US Open win

    MASIGLANG magsisimula si Alex Eala sa Guadalajara Open sa Mexico ngayong Miyerkules ng madaling araw (oras sa Pilipinas), matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa US Open. Makakaharap ni Eala ang Arianne Hartono ng Netherlands sa Women’s Tennis Association (WTA) 125 tournament. Matatandaang tinalo na ni Eala si Hartono sa kanilang tatlong nakaraang laban. Ang 20-anyos […]

  • Alex Eala, pasok na sa 2nd round ng Guadalajara 125 Open

    PASOK na sa 2nd round ng Guadalajara 125 Open si Filipino tennis star Alex Eala. Ito ay matapos niyang pataubin ang Dutch tennis player na si Arianne Hartono sa pamamagitan ng dominanteng performance, 6-2, 6-2 Dahil sa panalo, haharapin ni Eala ang American tennis player na si Varvara Lepchenco. Nagawa ni Lepchenco na talunin ang […]

  • Venus Williams at Leylah Fernandez pasok na sa 3rd round ng US Open women’s doubles

    PASOK na sa ikatlong round ng women’s doubles ng US Open sina Venus Williams at Leylah Fernandez. Tinalo ng dalawa si na Ulrikke Eikeri and Eri Hozumi 7-6 (1), 6-1 . Sa unang set ay nagkumahog ang dalawa hanggang makuha nila ang timpla ng kanilang laro. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkasama ang 45-anyos […]

  • Tennis legend Daniil Medvedev, iniwan na ang kanyang longtime coach

    TULUYAN nang iniwan ng tennis legend na si Daniil Medvedev ang kanyang longtime coach na si Gilles Cervara. Nangyari ang hiwalayan sa pagitan ng coach at player, ilang lingo matapos matanggal si Medvedev sa unang elimination round sa US Open. Kasunod nito ay nagpasalamat ang Russian tennis star sa guidance ng kaniyang longtime coach upang […]