• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

Bagong social media na JING, pasabog ang launching… ARCI at ANGELI, dumalo kasama ang Swiss at Singaporean influencers

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGULANTANG ang Marina Bay matapos dagsain ng tao ang Hall 6 ng Golden Village Funan noong March 29, 2026 para sa engrandeng launch ng pinakabagong social media platform na pinag-uusapan ngayon—JING!
Punong-puno, siksikan, at halos hindi na magkamayaw ang venue sa rami ng attendees, mula sa big-time business leaders, media executives, hanggang sa mga content creators mula Singapore at Malaysia.
Isang bagay ang malinaw, may paparating na malaking pagbabago sa mundo ng social media!
At hindi lang ito basta launch ito dahil isa itong showbiz-level na event.
Pinangunahan ng Swiss content creator na si Marion Muller ang programa, habang nagpakilig at nagpa-hype ang Singaporean influencers na sina Megan Foo at Kathy Wong.
Pero teka—mas lumakas pa ang sigaw ng crowd nang makita ang mga celebrity guests.
Present sa event sina international actress na Arci Muñoz, award-winning actress na si Angeli Khang, at ang multi-talented na direktor at singer-songwriter na si Nijel de Mesa.
Pero ano nga ba ang JING at bakit ito pinagkakaguluhan?
Hindi raw ito ordinaryong social media!
Ayon sa CEO at Founder na si Glen John Labasug: “JING means Join, Interact, Network, Grow!”
At heto ang pinaka-bombang rebelasyon— mas madali ka nang kumita dito.
Hindi ka na lang magpo-post para sa likes—pwede mo nang gawing pera ang engagement mo. Agad-agad!
Dagdag pa ng Chairman at Co-Founder na si Jing Turla na kung walang mga content creators, walang komunidad.
Available na ang JING sa Google Play at Apple App Store—at libre itong i-download!
Kung ikaw ay content creator, negosyo owner, o simpleng mahilig mag-scroll…
baka ito na ang hinihintay mong break!
Huwag magpahuli! I-download ang JING ngayon at maging parte ng bagong social media revolution!
JOIN. INTERACT. NETWORK. GROW.
Sa JING—hindi ka lang viral… kumikita ka pa!

(ROHN ROMULO)

Muling naungkat ang kanilang tampuhan noon… HEART, ni-reveal na ‘first love’ si ANGELICA bilang kaibigan

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA recent episode ng “Heart World”, muling naungkat na nagkatampuhan noon sina Heart Evangelista at Angelica Panganiban

“I think sa mga choices naman talaga natin sa buhay, tapos parang yun ang ginusto nating panindigan,” pahayag ni Angelica.

Nag-agree naman si Heart at inaming kahit malayo sila sa isa’t isa noon ay, “Kahit from afar, sigurado ka ba? Happy ka diyan? Tapos parang defensive ‘yun isa, defensive ako, hanggang sa hindi na kami nag-usap.”

Nilinaw naman ni Angelica na mas ginusto nila na maayos ang lahat.

“Siguro ganun talaga pag mahal ko ang isang tao. Magiging protective ka, and then ‘pag hindi nangyari ‘yung advise mo, na ‘wag mong gắwin, mainis ka eh. Tapos natagalan masyado yun space, wala na parang nag-mature tayo at nag-grow apart talaga.”

Sambit naman ni Heart, “which is sad, kasi for me, kahit na ano, nag-isa ka lang.”

Pag-amin pa ni Angelica na sobra niyang na-miss si Heart, “may mga ganun ako, kahit na malayo na ako sa kanya, nami-miss ko siya. Parang ang ’saya siguro nito ngayon’, yun mga ganung moments lang na parang hindi ako part ng joy na ‘yun. Parang sarap mong I-celebrate, pero nasa sideline ka lang, clapping your hands.”

Hanggang nagkaroon ng pagkakataon na magkaayos na sila dahil sa mga pangyayari…

“Of course, wala kaming nararamdaman na [galit] sa isa’t isa. Kindness pa rin ang nararamdaman niyo.

“Parang usto mong yakapin ang tao, ‘yung tipong saan ko siya pupuntahan. Nag-struggle ako na hanggang gabi, iniisip ko kung ime-message ko ba siya, tapos hindi ko alam if ‘yun ang number niya,” lahad pa ni Angelica

“Ang sarap sa feeling after nu’ng mapadala ang message tapos okay na ‘yun. Bahala na, bahala ang universe, bahala na si Lord sa mga susunod na pwede pang mangyari.”

Ni-reveal naman ni Heart na si Angelica ang kanyang “first love”, hindi bilang lover, kundi bilang kaibigan.

“Whatever it is, whatever it was, you will always be my pal. As in, there’s nothing wrong that you can do kasi gan’un kita kamahal,” diin niya.

Dagdag pa ni Heart, “Masyadong solid ang core memories ko sa’yo. First love mo rin can be a sister or a friend, first love kita.

Kaya raw nag-reach out si Heart kay Angelica dahil nga mahal niya ang kaibigan.

“And I think, this is a perfect time kasi, iba rin kasi ang nagagawa ng maturity, pag marami ka nang nahaharap. So you really treasure the people who are real to you,” say ni Heart.

Kuwento naman ni Angelica, “feeling ko dito ako proud, specially noong nagkarooon na nang maturity ang Angelica, kahit anong nangyari sa atin, never at parang wala akong nasabing pangit about you. Doon ako proud sa sarili ko na, and I would love to hear stories na, masaya ka lang and masaya lang ako for you.”

Nabanggit pa ni Heart na yun mga nakasama si Angelica noon ay kasama pa rin niya ngayon at parang siya lang ang nawala. Atleast ngayon, okay na okay na uli ang kanilang pagkakaibigan.

Mensahe pa ni Heart sa kanyang pal, “Ang wish ko para sa’yo is sana ma-enjoy mo ang time mo with your daughter, though it’s time.”

(ROHN ROMULO)

Boyfriend na raw ang nakikitang foreigner guy… CATRIONA, mukhang naka-move on sa failed engagement nila ni SAM

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG naka-move on na ng bongga si Catriona Gray mula sa naging failed engagement nila ni Sam Milby.

Nakikita na ngayon si Catriona na may kasamang guy na isang foreigner. Hinuhulaan ng lahat na ito ang bago niyang boyfriend.

Wala pang statement o anumang reaksyon si Catriona, pero from a reliable source, nalaman namin na mukhang na meet daw ito ni Cat sa church. Hindi lang sure ang source namin kung Pastor raw ba ito or maybe, one of the leaders ng church.

At sey nito, nanliligaw pa lang daw. Pero hindi raw siya magtataka kung any moment, maging official na nga.

***

PINUPURI ng mga netizen ang magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Dapat daw tularan ang mga ito dahil sila mismo ay nagpa-pacify ng mga fan nila at sinasabihan nila ang mga fan na nag-aaway-away.

Hindi maganda ang naging reaction kay Shuvee Etrata nang makita nito si Donny sa isang event. Wala raw itong respeto at nag-aaway-away na mga fan nila.

Nagsalita na si Donny at nag-post din si Belle sa kanyang Instagram.

Sey nito, “Hi all! I call on everyone to let go of the negativity and hate that’s been going around. There are bigger, more important thing that’s been going around that need our attention.

“Let’s choose kindness, patience and understanding. ‘Wag na po tayong mag-away-away. Have a blessed Holy week.”

(ROSE GARCIA)

Before “I Do” Comes “The Drama,” Starring Zendaya and Robert Pattinson

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PIONEER Films Philippines brings “The Drama” to Philippine cinemas this April 4, starring two-time Emmy Award winner Zendaya and acclaimed actor Robert Pattinson in a bold romantic dark comedy from director Kristoffer Borgli (Sick of Myself, Dream Scenario).
Official Synopsis:
A happily engaged couple is put to the test when an unexpected turn sends their wedding week off the rails.
Watch the trailer: https://www.facebook.com/reel/1615631842810292
“The Drama” follows British expat and museum curator Charlie Thompson (Robert Pattinson) and literary editor Emma Harwood (Zendaya), who meet in a Cambridge café and quickly fall into a whirlwind romance. Head over heels and seemingly perfect for each other, the couple soon finds themselves planning their wedding and a future built on love and certainty.
What begins as a picture-perfect love story takes an unexpected turn when a single, game-changing confession surfaces during a drunken round of “What’s the Worst Thing You’ve Ever Done? ” — a seemingly harmless exchange among friends Rachel (Alana Haim) and Mike (Mamoudou Athie) that fractures the illusion of Charlie and Emma’s relationship, sending the couple into a spiral of doubt, tension, and emotional reckoning just before their “I dos,” as “The Drama” unravels the delicate reality and balance between truth, perception, and love.
“You think you know someone, and they can say literally one sentence that maybe they don’t even realize they are saying,” says Pattinson. “Suddenly everything has changed, and you can’t put the genie back in the bottle.” In “The Drama,” that single moment becomes the catalyst for a deeper exploration of trust, morality, and the fragile foundation of relationships.

For Zendaya, the film goes beyond the revelation itself. “This is Kristoffer Borgli’s version of the romantic comedy, asking us how much we’re willing to accept from another person in the name of love,” she shares. “When everything is out on the table between two people, what’s left over in a relationship on the eve of saying ‘I do’?” It’s a question that lingers—how much truth can love really hold?
Borgli describes “The Drama” as a story rooted in emotional honesty. “In your closest relationships, you should be able to share everything,” he says, as the film puts that idea to the test between two people deeply in love where the power of love collides with doubt, and feelings begin to clash with reason, leaving them in a crucial dilemma.Are you ready to share your vows with someone, knowing everything that comes with their past? Or will the weight of truth change the way you love? When everything is laid bare, are you ready to commit, for better or for worse?
Save the date to get to know Charlie and Emma’s story in “The Drama,” coming to Philippine cinemas on April 4th.

(ROHN ROMULO)

Laban ni Mayweather kay Pacquiao isang exhibition lamang

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni US retired boxing champion Floyd Mayweather na ang rematch nila ni Manny Pacquiao ay isang exhibition lamang.

Sinabi nito na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naisasapinal ang venue ng nasabing laban.
Minaliit lamang ng 49-anyos na si Mayweather ang laban kung saan marami ang naghahangad ng rematch subalit nilinaw niya na ito ay exhibition kaya hindi apektado ang boxing record nilang dalawa.

Bukod pa kay Pacquiao ay mayroong ilang mga exhibition fight ito gaya kay dating heavyweight champion Mike Tyson at ang kickboxer na si Mike Zambiids.

Alex Eala, bumaba sa World Ranking – WTA

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang bumaba ang world ranking ng Filipina tennis player na si Alex Eala matapos ang kanyang Round of 16 exit sa Miami Open 2026.

Nabigo ang Pinay star na ulitin o higitan ang semifinals appearance noong 2025, kaya’t nawala ang dating puntos na nakadagdag sa kanyang ranking.

Umabot sa 270 points ang nawala sa kanya dahil dito.

Batay sa opisyal na singles ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) nitong Marso 30, hawak na ni Eala ang rank No. 45.

Mas mababa ito ng 16 na puwesto mula sa career-high No. 29 na naabot niya dalawang linggo na ang nakalipas.

Itinuturing itong pinakamalaking pagbagsak sa WTA rankings ngayong linggo.

Muli namang sasabak si Eala sa mga susunod na kumpetisyon sa Clay Season simula Abril, kung saan inaasahang makabawi at muling makapag-angat ng kanyang world ranking.

Presyo ng gasolina sa lungsod ng Imus, pinamo-monitor ng Alkalde

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UUTOS ni Imus Mayor Alex ” AA” L. Advincula na i-monitor ang presyo ng gasolina sa Lungsod ng Imus.
Ayon sa kautusan ng Department of Energy (DOE) Exec.Nos.019 binigyan ng pahintulot si Mayor Alex “AA” Alcantara na mag-monitor sa kanyang Lungsod sa Imus hinggil sa pagtaas ng presyo ng gasolina sa bawat gasoline stations na nagsasamantala sa pagtaas ng halaga dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.
Ayon pa kay Mayor Alcantara ayaw niyang mahirapan ang kanyang mga kababayan sa biglaang dagdag presyo ng nasabing gasolina. Ang batas na galing sa Department of Energy (DOE) ay upang ipaalam sa ahensiya ang mga lumalabag sa kautusan ng mapagsamantalang mga gasolinahan at mapatawan ng kaukulang kaparusahan.
(Sonny Asignacion/ Photo by Boy Morales Sr.)

Joint hearings para sa mabilis na solusyon sa Middle East crisis impact

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang pagsasagawa ng serye ng joint committee hearings upang magpagsama-sama ang aksyon ng gobyerno at magbuo ng isang komprehensibong tugon sa sitwasyon sa Middle East, na magtutuon sa agarang tulong, economic stability, at long-term resilience.

Inihayag pa ni Dy na ang gaganaping pagdinig ay pagsasama-samahin nito ang mga pangunahing executive agencies at House leaders para pagtugmain ang mga tulong na kinakailangan para masolusyunan ang krisis mula sa maiksi hanggang sa mahabang solusyon.

“We are holding these joint hearings to make sure that the initiatives of the Legislative branch are coordinated with the Executive and are properly targeted and forward-looking. Ang kailangan natin ngayon ay malinaw na plano—hindi lang para sa ngayon, kundi para sa mga susunod na buwan at taon,” anang Speaker.

Ang pagdinig ay gagawin sa panahon ng session break pagkatapos ng Holy Week, na gagawin ng mga komite na sumasaklaw sa mga kritikal na sektor na apektado ng krisis, kabilang na ang isyu sa enerhiya, food security, labor, transportation, at economic management.

Paliwanag ni Dy na ang “objective of these hearings is to work with our partners in the Executive to identify solutions, not point fingers.
We want to hear directly from our economic managers and frontline agencies so we have the information we need to come with measures that can help our people cope with the impact of the Middle East conflict.”

Kabilang sa magsasagawa ng joint hearings ay ang House Committees on Energy (Rep. Jose Alvarez), Agriculture (Rep. Wlfrido “Mark” Enverga), Aquaculture and Fisheries (Rep. Tsuyohoshi Anthony “Hori” Horibata), Foreign Affairs (Deputy Speaker Maria Rachel Arenas), Ways and Means (Rep. Miro Quimbo), Labor and Employment (Rep. Ramon Jolo Revilla III), Transportation (Rep. Franz Pumaren), Information and Communications Technology (Rep. Miguel Luis Villafuerte), Economic Affairs (Rep. Antonio Legarda Jr.), at Social Services (Rep. Cheeno Miguel Almario).

Sinabi ni Dy na gagamitin ng Kamara ang findings mula sa hearing bilang suporta sa executive action at legislative measures para matugunan ang impact ng global disruptions sa pamilyang Pilipino.

“Hindi natin kontrolado ang nangyayari sa labas ng bansa, pero kontrolado natin kung paano tayo tutugon sa mga hamong ito. Ang mahalaga, handa tayo, mabilis tayo, at sama-sama tayo sa paghahanap ng solusyon,” pagtatapos ni Dy.
(Vina de Guzman)

2 TRUCK SA MAYNILA, NASUNOG

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa dalawang truck na bigla na lamang nasunog habang nakaparada sa isang parking area sa Vitas, Tondo, Maynila umaga ng Lunes.

Sa inisyal na ulat ng MPD Raxabago Police Station 1 , nagsimula ang sunog alas 11:20 ng umaga sa Coliseum de Manila Compound Vitas sakop ng Barangay 101.

Ayon sa may-ari ng truck na si Roxanne Sabangan Flores ng Rise Ville Courier Services , nakita na lamang niya ang kanyang truck na nasusunog.

Agad itong humingi ng tulong sa Barangay at itinawag naman sa bumbero .

Ayon sa BFP Manila Fire District, Intelligence and Investigation Section, sampung minuto lamang tumagal ang sunog at naapula rin bandang alas 11:30 ng umaga.

Kabilang sa mga nasunog na sasakyan ang isang 1) FOTON F. Van na kulay puti na may plate no. NJA9225 at isang (1) FOTON F.Van na kulay puti white na may plate no. CDA9651.
Wala namang residenteng nasaktan sa insidente .
Ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala ay patuloy pang inaalam ng mga awtoridad (Gene Adsuara)

LIBRENG SAKAY SA MGA TRICYCLE, IPATUTUPAD SA CALOOCAN

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang programang “Libreng Sakay” simula sa Abril 6, katuwang ang mga asosasyon ng mga tricycle para magbigay ng libreng biyahe sa mga commuter.

Ang “Libreng Sakay” ay magagamit sa oras ng traffic rush hour, mula 7:00am hanggang 9:00am at 5:00pm hanggang 7:00pm, kung saan ang mga kalahok na Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) ay makakatanggap ng Php 695 para sa dalawang oras na serbisyo kada araw.

Idineklara ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang buong suporta ng pamahalaang lungsod na magbigay ng tulong sa mga lokal na pampublikong transportasyon at tiniyak na ang mga karagdagang programa ay dapat ipatutupad bilang pag-asa sa karagdagang pagtaas ng presyo ng gasolina.

“Nais natin na tulungan ang sektor ng transportasyon at maging ang mga mananakay. Naglaan na po tayo ng pondo upang mabigyan sila ng insentibo na makakatulong sa kanilang hanapbuhay kasabay ng pagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga kababayan nating commuter,” ani Mayor Along.

“Alam ko po na malaking pagsubok sa ating lahat ang pagtaas ng presyo ng langis dahil hindi lang po transportasyon ang apektado kundi pati na rin ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan, kaya naman makakaasa po kayo na nakalatag na po ang iba pang programa upang tugunan ang kasalukuyang krisis at paghandaan pa ang ibang mga posibilidad,” dagdag niya.

Bukod sa Libreng Sakay, ang pamahalaang lungsod ay nakatakdang magpatupad ng hiwalay na libreng programa sa transportasyon kasama ang mga jeepney organization. (Richard Mesa)