contributors
-
Kuwestiyonableng CIF recipients, nagpapakita kung bakit dapat itong busisiin, alisin
INIHAYAG ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago na ang lumabas na mga bagong pangalan na tumanggap umano ng confidential funds sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay nagpapakita na kailangan busisiin at buwagin na ang confidential and intelligence funds (CIF) sa panukalang 2027 national budget. Sa ginanap […]
-
PBBM, suportado ang homegrown EV production, simula sa e-trikes
MULING isinulong ng gobyerno ang pag-develop sa locally manufactured electric vehicles (EVs), sabay sabing ang agarang layunin ay mag-produce ng all-Filipino electric tricycle bago pa sa huli ay palawigin ito sa electric jeepneys. Binisita ni Pangulong Marcos ang automotive parts manufacturer MD Juan Enterprises, Inc. sa Caloocan City para i-assess ang pasilidad ng kumpanya at […]
-
Matibay na sistema ng pagsubaybay sa mga nahatulan kaugnay sa kontrobersiya sa flood control projects, panawagan ng mambabatas
ISANG mambabatas ang nanawagan ng mas matibay na sistema ng pagsubaybay sa mga nahatulan at nasentensiyahan kaugnay sa kontrobersiya sa flood control projects. Ayon kay Akbayan partylist Rep. Chel Diokno, walang ahensiya ng gobyerno ang nagsusubaybay sa mga kriminal na nahatulan at kung naisilbi nila ang kanilang sentensya. “Hindi kaya ng DOJ ‘yan, hindi kaya […]
-
Suporta sa middle class, pag- iibayuhin ng administrasyon sa nalalabing higit isang taon na lang nito sa termino-Recto
Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto, gagawin nila ito kasabay ng pagsisikap na hindi na muling babalik sa kahirapan ang mga nakaahon na, at dadami ang makakaahon pa. Gagawin aniya ito sa pamamagitan ng mga programang magpapabilis high-impact infrastructure projects na lilikha ng trabaho, magpapalakas sa lokal na ekonomiya, makapagpapabawas sa logistics costs at hihikayat […]
-
Rapist na wanted sa Valenzuela, nalambat sa Camarines Sur
NAGWAKAS na ang maligayang araw ng isang lalaki na akusado sa kasong Rape sa Lungsod ng Valenzuela matapos matunton ng pulisya sa kanyang hideout sa lalawigan ng Camarines Sur. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang 42-anyos na akusado ay nakatala bilang No. 2 sa Top Ten […]
-
Mga produktong gawa sa pamamagitan ng force labor, i-ban
ISINUSULONG ni Albay Rep. Raymond Adrian E. Salceda ang agarang pagpasa sa panukalang batas na magbabawal sa importation at bentahe ng produktong gawa mula sa forced labor. Sinabi ng mambabatas sa House Bill No. 10848 na ang isyu ay hindi lamang dapat kaugnay sa taripa at trade relations kundi sa commitment ng Pilipinas sa human […]
-
Bangkay ng scavenger, natagpuan sa silong ng bahay sa Malabon
NADISKUBRE ang nagsimula nang maagnas na bangkay ng 45-anyos na scavenger habang bahagyang nakalubog sa baha sa silong ng isang bahay sa Malabon City, Lunes ng gabi. Sa ulat, nakalanghap ng masangsang na amoy si alyas “Merryann”, 40, na nagmumula sa silong ng kanilang bahay sa Phase 4, Flovihomes, Brgy. Tonsuya at nang kanyang tignan […]
-
PBBM, itinalaga si Mathay bilang Vice- Chairperson for Operations ng ASEAN National Organizing Council
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Tourism Secretary Dita Angara-Mathay bilang vice chair for operations of the Asean National Organizing Council (NOC) para palakasin ang paghahanda para sa pagho-host ng Piipinas sa 49th Asean Summit Meetings sa Nobyembre. Itinakda ng Pangulo ang bagong papel ni Mathay sa Administrative Order No. 48, inilabas noong Agosto […]
-
P802M nakalaan para sa 2,000 bagong public school guidance counselors
PLANO ng national government na maglaan ng P802 million sa susunod na taon para kumuha ng total na 2,021 bagong guidance counselors para sa public elementary at high schools upang mapalakas ang mental health services ng Department of Education (DepEd). “We are all for increased government spending to bolster the support system around every learner. […]
-

Valenzuela LGU, inilunsad ang Panatag Mental Health Program
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian at President and CEO of Mindscapes through PhilCare Mr. Jaeger L. Tanco ang Panatag Mental Health Program, ang FIRST school-based at LGU-supported mental health program sa Pilipinas, na sisimulan sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at Valenzuela City Technological College (ValTech). Layunin […]
-
Bagong Kongreso, tiwala ng publiko ang kailangan
ITO ang pahayag ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa isinagawang misa sa House of Representatives nitong Lunes kung saan nanawagan siya ng “moral recovery” sa mga mambabatas upang maibalik ang tiwala ng publiko sa Kongreso. “I have said this before and I will continue to say it: a truly Bagong Kongreso must […]
-
Pinsala sa infra at agri dahil sa Habagat, 3 tropical cyclones aabot sa P6.614-B -NDRRMC
TINATAYANG aabot na sa P6.614 billion ang naging pinsala sa imprastraktura at agrikultura at mahigit sa anim na milyong katao ang apektado dahil sa Habagat at mga nagdaang bagyong Luis, Maymay, at Neneng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ayon sa situation report ng NDRMMC, araw ng Linggo, Agosto 23, ang […]
-
DA, pinaigting ang paglansag kontra sa pekeng fertilizer
PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang kampanya nito laban sa peke at illegally manufactured farm inputs kasunod ng kamakailan na operasyon sa Nueva Ecija. Ayon sa DA, nagsagawa ang Talavera Municipal Police Station ng isang entrapment operation noong Hulyo 15 kasunod ng isang reklamo mula sa isang manufacturer ukol sa di umano’y pagbebenta ng […]
-
FETUS DINELIVER SA SIMBAHAN SA MAYNILA
PINALABAS na isang donasyon na mga damit ang isang babae na fetus na idineliver sa Malate church sa Maynila. Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) nadiskubre ng security ang fetus nitong Sabado . Nakakabit pa umano ang umbilical cord ng fetus na nakabalot sa isang duguang bedsheet . Ayon sa pulisya, diniliber […]
-
2 tricycle driver, naaktuhang bumabatak sa loob ng tricycle
KALABOSO ang dalawang tricycle driver nang mahuli sa akto na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang nakaparadang tricycle sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek bilang sina alyas “Jomar”, 26, ng Brgy., Marulas at […]
-

BAGONG PAMUNUAN NG CAVITE PRESS CORPS, NANUMPA SA NATIONAL PRESS CLUB (NPC)
PORMAL na nanumpa sa kanilang tungkulin ang bagong hanay ng mga opisyal ng Cavite Press Corps (CPC) para sa taong 2026–2028 noong Agosto 21, 2026. Sa harap ni National Press Club President Mina Navarro, isinagawa ang oathtaking ceremony na sumisimbolo sa panibagong pananagutan ng mga mamamahayag na nagsisilbing tagapagdala ng impormasyon at boses ng publiko […]
-
OCD, naghahanda na sa posibleng epekto ng Habagat, 3 weather system
NAGHAHANDA na ang Office of Civil Defense (OCD) sa posibleng epekto ng malakas na Southwest Monsoon o Hanging Habagat, pati na ang binabantayang tatlong bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).Sanggunihang Pang-heyograpiko Nagsagawa narin ang ahensya ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na […]
-
NKTI, punuan na dahil sa paglobo ng kaso ng leptospirosisPUNUAN na ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City nitong Linggo, Agosto 23 dahil sa paglobo ng mga kaso ng leptospirosis.
Bunsod nito, pansamantalang limitado ang pagtanggap ng walk-in patients sa ospital hanggang sa maglabas ng panibagong notice. Sa inisyung advisory ng pagamutan, nakasaad na nagbunsod sa naturang hakbang ang mataas na bilang ng mga pasyenteng dinadala sa emergency room. Kaugnay nito, ang mga pasyente na hindi nangangailangan ng emergency admission ay inaabisuhang makipag-ugnayan sa kanilang […]
-
‘MayHuliKa’ portal simula Agosto 24 – MMDA
MAS pinadali ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagberipika ng mga motorista sa bagong search option sa MayHuliKa portal na magsisimula sa Agosto 24. Ang idaragdag na search option ang magbibigay-daan sa mga motorista na i-check ang lahat ng violation record ng isang sasakyan sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Sa isang […]
-
Mahigpit na parusa sa sinumang pabaya sa pangangalaga ng armas, panawagan ng mambabatas
ISANG mambabatas ang nanawagan nang mas mahigpit na parusa sa sinumang pabaya sa pangangalaga ng armas. Ginawa ni Bukidnon Rep. Audrey Kay T. Zubiri ang panawagan bunsod ng magkasunod na insidente ng pamamaril sa eskwelahan sa Tacloban at Zamboanga City kung saan apat na estudyante ang napatay at ikinasugat ng iba pa. Nasangkot ang isang […]
-

HIGIT 3K RESIDENTE, NAKINABANG SA PEOPLE’S CARAVAN SA PAGADIAN
MATAGUMPAY na isinagawa ng National Housing Authority (NHA) ang ika-51 People’s Caravan nito na napakinabangan ng higit sa 3,000 residente ng Pagadian City. Sa ilalim ng patnubay ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan nina Region IX Manager Engr. Al-Khwarizmi U. Indanan at Zamboanga del Sur/Zamboanga del Norte/BARMM A District Manager Engr. Jessa M. […]
-
Sekyu na nakaranas ng depresyon, hinostage ang 13-anyos na kapitbahay sa Caloocan
UMABOT sa mahigit apat na oras na hinostage ng 47-anyos na security guard ang 13-anyos na kapitbahay at kasamahang guwardiya na kanyang ka-boardmate sa Caloocan City, Sabado ng umaga. Unang hinostage ni alyas Ernie ang menor-de-edad na kapitbahay na si alyas MRT habang armado ng patalim dakong alas-7:50 ng umaga sa loob ng isang bahay […]
-
20-anyos na kelot, timbog sa boga, droga sa Caloocan
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 20-anyos na lalaking sangkot sa ilegal na droga nang inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Caloocan City. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nirespondehan ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang natanggap […]
-

MMDA GM Torre, tinalakay ang hinaing ng publiko sa baha, trapiko, at kaayusan
QUEZON CITY—Tinalakay ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang mga pangunahing suliraning kinakaharap ng rehiyon, kabilang ang paulit-ulit na pagbaha, pagtatambak ng basura, matinding pagsisikip ng trapiko, at ang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan. Sa isang panayam, ibinahagi ni Torre ang mga kongkretong hakbang at pananaw ng ahensya upang matugunan […]
-
Bebot, isinelda sa sugal, droga sa Valenzuela
ARESTADO ang tatlong individuals kabilang ang 28-anyos na bebot na sangkot umano sa ilegal na droga nang maaktuhan nagsusugal sa Valenzuela City. Mahaharap sa kasong paglabag PD 1602 (Illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Lyn”, ng Brgy. Dalandanan. Sa ulat ni SDEU investigator P/MSg […]
-
Kaarawan ni Unang Ginang Liza, ‘most important day in calendar’- PBBM
PUNONG-PUNO ng pagmamahal na binati ni Pagulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes ang kanyang esposa na si Unang Lady Louise Araneta-Marcos, na nagdiriwang ng kanyang ika-67 taon na kaarawan ngayon.Inilarawan ng Pangulo ang kaarawan ng Unang Ginang bilang “most important day in the calendar.”“My dear Liza, we’re celebrating today a most important day in […]
-
PBBM sa mga Pinoy sa Ninoy Aquino Day: Pangalagaan ang demokrasya, itaguyod ang kalayaan
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino na humugot ng aral mula sa kasaysayan ng bansa at manatiling committed na protektahan ang demokrasya, kalayaan at pambansang pagkakaisa ngayong Ninoy Aquino Day.Sinabi ng Pangulo na ang alaala ng namayapang senador ay nagsisilbi bilang paalala para sa mga Filipino na manindigan sa kanilang paniniwala at […]
-
Malakanyang, dinepensahan ang panukalang P180-M evacuation centers kada rehiyon
TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa pare-parehong P180 million lump sum allocation ng gobyerno para sa bawat rehiyon para sa pagtatayo ng evacuation centers.Iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maraming paraan para i-monitor ang mga proyekto na pinondohan pero hindi natapos.“Marami po tayong paraan para makita natin kung may […]
-
Kaisa ang prosekusyon sa panawagan ni VP Sara na speedy trial
KAISA ang House prosecution panel sa pagnanais ni Vice President Sara Z. Duterte na speedy impeachment trial, ngunit dapat gayundin sana ang kanyang defense team at tumulong na iwasan ang unnecessary delays sa pagdinig. Ayon kay impeachment team spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na matagal ng gusto ng prosekusyin ang mabilis na […]
-
P136K high-grade marijuana, nasabat sa buy-bust sa Valenzuela, tulak timbog
ARESTADO ang isang hinihinalang high-value drug personality matapos kumagat sa ikisang buy bust operation ng pulisya at makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng high-grade marijuana sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek […]
-

2,000 Pamilya sa San Pedro at Biñan, Tumanggap ng Tulong-Ayuda mula kay Gov. Sol Aragones
SAN PEDRO, Laguna — Tuloy-tuloy ang pag-abot ng tulong sa mga mamamayan sa lalawigan matapos muling magbahagi ng bigas, karneng manok, at sariwang gulay si Gobernadora Sol Aragones, Biyernes, Agosto 21, 2026. Isinagawa ang pamamahagi sa dalawang magkahiwalay na lokasyon: sa Barangay Estrella, Lungsod ng San Pedro, at sa Barangay Timbao, Lungsod ng Biñan. Sa […]
-
Maton, dinampot sa panunutok ng baril, tangkang pangingikil sa mister
KINALAWIT ng pulisya ang 31-anyos na maton nang tutukan ng baril at pagbantaang todasin ang 57-anyos na mister na tinangka niyang kikilan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na habang naglalakad pauwi ang biktima sa Barangay Tangos North pasado alas-7 ng gabi nang harangin ng suspek na si alyas “Roger” […]
-
Pangulo ng HOA sa Caloocan, todas sa pamamaril, treasurer sugatan
NASAWI ang 51-anyos na babaeng pangulo ng Home Owners Association (HOA) habang sugatan ang kanyang Treasurer nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa loob ng kanilang tanggapan sa Caloocan City, Huwebes ng hapon. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si alyas “Gina” pangulo ng […]
-

Mayor Jeannie, tiniyak sa mga kabataang Malabueño ang de-kalidad, abot-kayang edukasyon
TINIYAK ni Mayor Jeannie Sandoval na ipagpapatuloy ang mga pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na magbigay ng de-kalidad at abot-kayang edukasyon para sa mga kabataang Malabueño, kasunod ng muling pagkilala sa City of Malabon University (CMU) bilang benepisyaryo ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST). “Naniniwala tayo na ang edukasyon ang susi para […]
-
𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐭𝐨𝐦 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, p𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 n𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 s𝐞𝐠𝐮𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐬𝐚 p𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧
IPINAKITA sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations na bumaba ng 6.7 porsyento ang bilang ng mga pamilyang nakararanas ng gutom sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program na pinapangunahan ng Department of Social Welfare and Development. Batay sa pag-aaral na ginawa sa 2,400 pamilyang benepisyaryo mula Pebrero hanggang Hulyo 2026, bumaba sa 26.9% mula […]
-
PBBM, ipinag-utos ang pag-aaral sa rainwater cisterns bilang karagdagang hakbang kontra baha
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan na pag-aralan ang mga karagdagang solusyon upang matugunan ang pagbaha kasunod ng tuluy-tuloy na malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, kabilang ang posibleng pagtatayo ng rainwater cisterns o imbakan ng tubig ulan. Sinabi ni Presidential Communications Office […]
-
BI PINASALAMATAN ANG LEDAC SA PAGSAMA NG MODERNISASYON SA LEGISLATIVE AGENDA NG 20TH CONGRESS
TINANGGAP at pinasalamatan ng Bureau of Immigration (BI) ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa pagsama ng modernisasyon ng Bureau of Immigration sa Common Legislative Agenda ng 20th Congress. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, kinikilala ng hakbang na ito ang agarang pangangailangan para sa isang bagong batas na nagmo-modernise sa Bureau at papalit […]
-

Mga programa sa student mental health and protection sa ilalim ng 2027 national budget, patuloy na tutustusan ng Kamara
PATULOY na tutustusan ng Kamara ang mga programa sa student mental health and protection sa ilalim ng 2027 national budget, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, vice chairman ng House Committee on Appropriations. Ginawa ni Adiong ang pahayag sa gitna ng malawakang panawagan na imbestigahan ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University […]
-

Baha at mga Isyu sa Kongreso, Tinutukan nina Rep. Yamsuan at MMDA GM Torre sa ‘Kapihan sa Manila Bay’
MAYNILA — Binigyang-diin nina Parañaque City 2nd District Representative Brian Yamsuan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang kahalagahan ng pinaigting na kooperasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan, ahensya, at lehislatibo upang solusyunan ang matagal nang problema sa baha sa Kalakhang Maynila. Ito ang pangunahing tinalakay ng dalawang opisyal […]
-
4 huli sa aktong nagpa-pot session sa Valenzuela
TIMBOG ang apat na hinihinalang drug personalities nang mahuli sa aktong gumagamit umano ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police […]
-

Budget hearing schedule, nirebisa ng Kamara
NIREBISA ng Kamara ang takda nitong mga pagdinig kaugnay sa panukalang 2027 national budget matapos ang pagkakaantala nito dala na rin sa masamang panahon habang kinukumpleto nito ang budget deliberations sa loob ng itinakdang oras. Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Rep. Mika Suansing, sa ilalim ng revised schedule, ang budget briefings ay gagawin […]
-

Pagbubukas ng Likhang Sining Niyogyugan Festival 2026:
Simpleng Pagdiriwang sa Gitna ng Krisis, Binigyang-Diin ang Agrikultura at Pangkabuhayan LUNGSOD NG LUCENA — Opisyal nang binuksan ang tatlong araw na pagdiriwang ng Likhang Sining Niyogyugan Festival 2026 sa pamamagitan ng tradisyonal na tagayan ritwal nitong Lunes, Agosto 17, 2026. Pinangunahan ang naturang seremonya ni Gobernadora Doktora Helen Tan, kasama ang kanyang kabiyak na […]
-

Mayor Jeannie, namahagi ng family food packs
BILANG bahagi ng kanyang pangakong tiyakin ang kapakanan ng mga residente sa panahon ng kalamidad, personal na pinuntahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang may 207 pamilya o 779 na indibidwal na kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center sa Lungsod ng Malabon upang mamahagi ng mga family food pack sa gitna ng mga pag-ulang dulot ng […]
-
NIA, nakatutok sa level ng tubig sa Pantabangan at Magat Dam.
ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga dam, tiniyak ng National Irrigation Authority (NIA), sa pangunguna ni Administrator Eduardo “Eddie” Guillen, na nakatutok ang kanilang tanggapan sa lebel ng tubig sa Pantabangan at Magat Dam. Batay ito sa kanilang pinakabagong ulat, nasa 178.27 meters above […]
-
Mas malaking insentibo sa mga disaster at rescue workers sa panahon ng kalamidad, panukala ng mambabatas
ISANG mambabatas ang nagpanukala na bigyan ng mas malaking insentibo ang mga disaster at rescue workers sa panahon ng kalamidad. Inihain ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas ang House Bill No. 2269, o “Magna Carta for Public DRRM Workers” na naglalayong bigyan ng 25 percent hazard pay, 50 percent standby on-call compensation, at fully […]
-
Pension ng mga seniors, itaas sa P1,500 kada buwan, hiling ng mambabatas
PATULOY sa pagbaba ang halaga ng ₱1,000 buwanang social pension para sa mga indigent senior citizens dala ng inflation at pagtaas ng cost of living. Base sa inflation, kinakailangan ngayon ng ₱1,300 para makabili na katumbas sa ₱1,000 na nabibili noong 2019. “If prices continue to rise while legislation takes time to enact and implement, […]
-
14 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASAGIP SA NAIA AT CLARK , 2 RECRUITER NASABAT
AABOT sa 14 na hinihinalang biktima ng human trafficking ang nasagip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at Clark International Airport (CIA) Terminal 2 noong Agosto 8 matapos umanong ma-recruit para magtrabaho sa Russia. Ayon sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA at CIA, nasagip ang 14 na biktima at […]
-
Kelot, kulong sa pananakot sa bebot gamit ang toy gun sa Malabon
BINITBIT sa selda ang 36-anyos na tambay nang maaktuhan ng pulisya habang tinatakot ng hawak na baril ang kausap na bebot sa Malabon City. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nagpapatrolya ang mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission sa Barangay Catmon dakong alas-12:10 ng tanghali […]
-
2 arestado sa droga sa Valenzuela
TIMBOG ang limang indibidwal kabilang ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaktuhan naglalaro umano ng iligal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa ulat, nagsasagawa ng Anti Criminality operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento nang maaktuhan ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘cara y […]
-
2 high-value drug personalities, laglag sa P1.7M shabu sa Caloocan
UMABOT sa mahigit P1.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang high‑value drug personalities matapos matiklo ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng gabi. Mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang […]
-
𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐝𝐚𝐝, 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐩𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠- Malakanyang
SINABI ng Office of the Special Assistant to the President na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa buong pamahalaan na h𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘪𝘱𝘪𝘥 𝘴𝘢 𝘳𝘦𝘭𝘪𝘦𝘧 𝘦𝘧𝘧𝘰𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘢𝘱𝘦𝘬𝘵𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥.Sa katunayan, gamit ang bilyun-bilyong probisyon sa Quick Response Funds, mabilis na naipamahagi ng pambansang gobyerno, sa pamamagitan […]
-
Mahuhuling nagtatapon ng basura, paglilinisin ng kanal at drainage system
UPANG panagutin ang mga nagtatapon ng basura, inihain ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang House Bill 10841 o Anti-Littering Community Service Act.Sa ilalim ng panukala, ang mga nagkasala ay paparusahan ng isang araw o walong oras na community service sa unang opensa, dalawang araw sa ikalawa at tatlong araw naman sa ikatlo at susunod pang […]
-
Panawagan ni Diokno sa Kamara na isabatas ang Child Safety Against Gun Violence Act, inihain
MATAPOS ang madugong pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University na ikinasawi ng dalawang katao, nanawagan ang mga mambabatas ng mas matapang na batas para maiwasan ang mga ganitong uri ng karahasan sa mga estudyante sa bansa.Sa pangunguna ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno, nagpaabot ito ng pakikidalamhati sa mga naulila kasabay ng panawagan sa Kamara […]
-
Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, nagpaabot ng pakikiramay sa trahedyang nangyari sa Ateneo de Zamboanga
NAGPAABOT ng pakikiramay si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga batang nasawi sa trahedyang nangyari sa Ateneo de Zamboanga. Ayon kay Dy, bilang ama at lolo ay masakit isipin na may mga magulang na naghatid ng anak nila sa paaralan ngayong araw, pero hindi na nila […]
-
Pasig-Marikina River Channel Improvement Project PMRCIP, malaking tulong sa matinding pagbuhos ng ulan nitong Lunes- Malakanyang
SA GITNA ng matinding pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, araw ng Lunes, kapansin-pansin ang malaking tulong ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project PMRCIP ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dahil sa proyektong ito, hindi umapaw […]
-
Security guard, timbog sa pamamaril sa machine operator sa Valenzuela
SUGATAN ang 52-anyos na machine operator ng isang pabrika matapos barilin ng security guard ng naturang pasilidad sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento na naganap ang insidente ng pamamaril pasado ala-1:40 ng hapon noong Linggo sa loob ng […]
-
Kelot, dedbol nang paulanan ng bala sa harap ng tindahan sa Malabon
HUMANDUSAY ang duguang katawan ng 35-anyos na kelot nang ratratin ng hindi pa kilalang mga suspek sa harap ng isang tindahan sa Malabon City, Lunes ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong mga tama ng bala sa ulo, likod, at kanang braso ang biktimang si alyas “Kenneth”, residente ng Dimpsite, Sito 6, Brgy. Catmon habang mabilis […]
-

Malabon LGU, mahigpit ang monitoring, paghahanda dahil sa pag-ulan na dala ng Habagat
NANATILING naka-monitor si Mayor Jeannie Sandoval at ang pamahalaang lungsod sa lagay ng panahon, waterways, at mga lugar na madaling bahain dahil sa patuloy na katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon na dala ng Habagat. “Patuloy ang ating mahigpit na monitoring at paghahanda kasama ang MDRRMO […]
-
4,579 MANILENYO LUMIKAS SA HAGUPIT NG HABAGAT; MDSW TULOY ANG AYUDA
UMABOT sa 4,579 na indibidwal mula sa 1,555 na pamilya ang nasa vacuation center sa lungsod matapos lumikas dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat. Sa pinakabagong Evacuation Update, kabilang sa mga apektadong lugar ang mga barangay sa anim na distrito ng Maynila at Baseco. Pinakamarami pa rin ang evacuees sa District […]
-
Holdaper, sugatan nang barilin ng biniktimang negosyante sa Caloocan
MALUBHANG nasugatan ang isa sa dalawang holdaper matapos barilin ng negosyanteng kanilang biniktima sa Caloocan City, Linggo ng umaga. Mahigpit na binabantayan ng mga pulis ang 44-anyos na suspek habang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan matapos isugod ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief […]