• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hindi nababahala sa ikinakasang pagsasagawa ng malaking demonstrasyon sa November 30

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mabahala kaugnay ng isasagawang malaking rally na itinakda sa November 30 na isa umano sa layunin ay may maipakulong ng sangkot sa flood control mess.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi ganoon kabilis ang gumawa ng kaso at agad na maibilanggo ang sinomang sangkot.
Kaya nga ang tanong ni Castro, ‘ano ang magiging resulta kung hindi kumpleto ang ebidensiya sa paghahabla at baka kapag nadismiss ang asunto ay baka lalo pang dumami ang magsagawa ng rally.’
Kaya mas makabubuti aniya na kumpletuhin ang ebidensiya at makagawa ng matibay na case build up ng sa gayon ay masigurong maisasampa ang kaso sa korte.
Samantala, sinabi pa ni Castro na nadinig na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang taumbayan na galit sa korapsyon kaya’t naririyan na nga ang ICI na nag- iimbestiga at magrerekomenda kung sino ang mga dapat makasuhan. (Daris Jose)