Pagbuhos ng biyaheng palabas ng Metro Manila para sa darating na Undas, inaasahan sa Huwebes ng hapon
- Published on October 29, 2025
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga luluwas palabas ng Metro Manila para sa darating na Undas sa darating na Oktubre 30, 2025.
Ito ang sinabi ni Toll Regulatory Board spokesperson Julius Corpuz sa Bagong Pilipinas Ngayon sa gitna ng ginagawa na nilang paghahanda para sa mga luluwas palabas ng National Capital Region.
Aniya, magtutuloy tuloy ang dagsaan ng mga motorista papalabas ng Metro Manila ng hanggang sa Oktubre 31.
At kung uwian naman ang pag- uusapan, November 2 o sa araw ng Linggo ang inaasahan naman nilang laki ng volume na magsisibalikan gayung may pasok na aniya ng November 3.
Ito ani Corpuz ang kanilang mga araw na binabantayan na siyang mga araw na inaasahang magkakaroon ng pagbigat ng traffic palabas at papasok ng Kalakhang Maynila. (Daris Jose)