• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, itinutulak ang tariff exemptions para sa mga ‘key exports’ sa pakikipag-usap sa Estados Unidos

PATULOY na nakikipag-usap ang Pilipinas sa Estados Unidos upang matiyak ang tariff exemptions para sa ilang ‘major exports.’
Sa pagsasalita sa sidelines ng 47th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hangad ng Pilipinas na matiyak na ang mga produkto gaya ng niyog at semiconductors ay mananatiling protektado.
“May mga issues kasi na maaari nating sabihing komprehensibo na patungkol sa trade rules and regulations at pati na ang mga non-tariff measures like ‘yong services at investments,” anito.
“At nandoon kasi ‘yong mga issues patungkol sa gusto na protektahan ng bansa natin — ‘yong mga agricultural products katulad ng coconuts, pineapple, sugar, cocoa, electronic products,” ang sinabi pa rin ni Castro.
Ilan aniya sa trade concerns ani Castro ay nangangailangan ng maingat na negosasyon at hindi kailangan na madaliin.
“So, nandoon pa rin ang pakikipag-usap para ‘yong mga ibang produkto natin ay hindi naman maapektuhan,” ani Castro.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pag-uusap para palakasin ang intra-ASEAN trade sa 47th ASEAN Summit, kabilang na ang sa pamamagitan ng pagpapaghusay sa free trade areas na may dayalogo sa mga partners gaya ng Tsina.
Sa sidelines ng high-level gathering sa Kuala Lumpur, tinintahan ni US President Donald Trump ang reciprocal trade agreements kasama ang Thai, Malaysian, Cambodian, at Vietnamese counterparts.
( Daris Jose)