Bigas, gulay at karne sa kantina ng mga national government, LGUs gayundin ng mga state colleges and universities, aangkatin sa mga lokal na magsasaka at mangingisda- DA
- Published on October 29, 2025
- by @peoplesbalita
SINABI ng Department of Agriculture (DA) na manggagaling na sa mga accredited na kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda ang mga pagkaing ibebenta sa kantina ng iba’t ibang Kagawaran o Departamento ng gobyerno.
Ito ang sinabi ni ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa Bagong Pilipinas sa gitna na din ng inisyung EO 101 para sa full implementation ng Sagip Saka Act.
Ani de Mesa, sakop din ng kautusan para sa mga accredited farmers at fisherfolk cooperative ang kumuha ng suplay ng pagkain para sa mga canteen sa mga nasa local government, state colleges and universities.
Kabilang din dito ang mga GOCC na dapat tumalima na kung saan, pati ang suplay ng agricultural at fishery products na gagawin sa kanilang events ay kukunin din sa mga farmers’ and fisherfolk cooperatives and enterprises o FFCE.
Sa pamamagitan aniya nito ay magkakaroon ng hakbang para mapalakas ang productivity at matulungang mapataas ang income ng mga magsasaka at mangingisda.
(Daris Jose)