Abot kayang halaga ng bigas, tiniyak ni PBBM na patuloy na magiging available
- Published on October 29, 2025
- by @peoplesbalita
SINIGURO Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magpapatuloy ang availability ng abot kayang presyo ng bigas.
Sinabi ng Pangulo na kanilang sisiguraduhin na maging accessible sa mga mamimili ang affordable rice habang ginagawang tuloy- tuloy din ang pagpapatupad ng mga programa para sa mga abot kayang bilihin ng pagkain para sa mamamayan.
Kabilang dito ang Benteng Bigas Meron Na nagtataguyod ng murang halaga ng bigas o 20 pesos per kilo of rice na iniaalok sa iba’t ibang target beneficiaries.
Kasama na aniya rito ang senior citizens, solo parents, persons with disabilities na kabilang sa vulnerable sectors habang kasama din sa beneficiaries ang transport workers, benipesyaryo ng 4Ps, nga magsasaka at mangingisda.
Winika pa ng Pangulo na kanilang pinakikinggan ang panawagan ng mamamayan sa pagkakaroon ng government interventions upang mapababa ang presyo ng mga bilihin kabilang na ang pagkain. (Daris Jose)