• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

PBBM, gustong makasama ang Pilipinas sa United Nations Security Council

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bid ng Pilipinas na maging miyembro ng United Nations Security Council (UNSC) sa kanyang pulong kay UN Secretary-General António Guterres sa UN Headquarters.Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tinalakay ng dalawa ang kampanya ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa konseho. Aniya, hindi lamang para sa sariling interes ng bansa ang layunin ng pagtakbo kundi upang makapag-ambag sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.Inamin din ni Castro na maaaring mabanggit ang usapin ng West Philippine Sea kung sakaling maging miyembro ang Pilipinas ng UNSC.Gaganapin sa Hunyo 3, 2026 ang halalan para sa mga bagong miyembro ng konseho.(Daris Jose)

Karl Eldrew Yulo natapos na ang kampanya sa torneo sa Azerbiajan

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Filipino gymnast Karl Eldrew Yulo sa 2026 FIG Artistic Gymnastics World Cup na ginanap sa Baku, Azerbaijan.Balitang Pilipinas

Ang 18-anyos na si Yulo ay nagkamit ng pampitong puwesto sa men’s horizontal bar matapos makakuha ng 13,033 points.

Habang nasa pang-anim na puwesto naman ang kaniyang nakuha sa Floor Exercise na mayroong 13,900 points.

Bigo naman ito sa floor exercise at horizontal bar events.

Si Eldrew ay nakakabatang kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo kung saan ito ang kaniyang unang kompetisyon sa senior level.

Susunod na pagsabak ng nakakabatang Yulo ay sa Antalya, Turkiye na magsisimula mula Marso 10 hanggang 12.

Target nito na makapag-qualify para sa 2028 Los Angeles Olympics kasama ang kapatid nito.

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa recent Maya video nila na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya nilang gawing entertaining ang usapang pera.

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Ngayon, sila’y nagbabalik, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na tungkol sa pag-iipon — kundi tungkol sa pagiging ready kapag bigla kang nangailangan ng pera.

Sa latest Maya video, ipinakita nina Julia at Maris ang isang sitwasyon na very relatable sa maraming Pilipino: kapag kailangan mo ng cash, kadalasan kailangan mo ito agad.

Panoorin ang video kung saan pinakita nila kung gaano kabilis mag-loan sa Maya: Youtube Video: https://www.youtube.com/watch?v=MdlVzBw-iI8

Madalas nakaka-intimidate o hindi kaya’y nakaka-stress ang pag-loan. Kaya sa video na ito, ginamit ang humor at visual storytelling para ipakita na hindi nito kailangang maging komplikado. Kapag may biglaang gastos, hindi na dapat dagdag-alala ang paghahanap ng financial support.

Bahagi ito ng commitment ng Maya na gawing mas accessible at transparent ang financial services para sa mas maraming Pilipino. Bilang #1 Digital Bank at leading fintech ecosystem sa Pilipinas, pinagsama ng Maya ang savings, payments, credit, at loans sa iisang app — para mas kontrolado mo ang pera mo.

Mas pinadali ng Maya ang pag-loan sa pamamagitan ng mga loan opsyons nito. Kulang ang budget? May biglaang bayarin? Nandiyan ang Maya Easy Credit, kung saan pwede ka makakuha ng revolving credit line na hanggang ₱50,000, diretso sa app. May instant approval at mabilis na access sa pera. Walang requirements, walang pila, at walang mahabang proseso.

Perfect ito para sa short-term needs at unexpected gastos — mabilis, simple, at maaari mong bayaran sa app.

Para naman sa mas malalaking gastos, nandiyan ang Maya Personal Loan, kung saan pwede kang humiram ng hanggang ₱250,000, with repayment terms na hanggang 24 months. Fully digital ang application at madali at hassle-free ang approval process. Mula application hanggang approval, simple ang experience —katulad ng ipinapakita sa video: kapag kailangan mo ng funds ngayon, matatanggap mo kaagad.

Hinihikayat ng Maya ang responsableng pag-hiram ng pera. Kapag consistent at on-time ang pagbabayad mo, puwede kang magkaroon ng mas magandang loan offers, mas madaling access, at mas smooth na experience sa susunod.

To learn more, visit maya.ph or mayabank.ph, and follow @mayaiseverything on Facebook, Instagram, YouTube, and TikTok to stay updated. Approval and offer are subject to credit evaluation. Maya Philippines, Inc. and Maya Bank, Inc. are regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas (www.bsp.gov.ph). For 24/7 assistance, visit the Help Center in the Maya app or call us from 8 AM to 7 PM daily at +632 8845-7788.

(ROHN ROMULO)

Congressional briefing, kailangang maisagawa hinggil sa lumalalang sitwasyon sa Gitnang Silangan, panawagan

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte na magsagawa ng congressional briefing hinggil sa lumalalang sitwasyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Marcos, kailangan maisagawa ang congressional briefing upang ma-monitor ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Middle East at tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Sinabi ni Marcos na inatasan ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III and House Committees on Foreign Affairs at Overseas Workers Affairs na magsagawa ng joint briefing sa Miyerkoles, Marso 11, 2026, upang makapagbigay ng updated assessment sa Middle East situation at mga hakbang ng Philippine government na tulungan ang mga Pilipino na naipit sa sigalot.

“With a significant number of Filipinos working across the Middle East, it is important that we stay ahead of developments and ensure that the necessary support mechanisms are in place,” pahayag ni Marcos .
“The House wants to receive a full briefing on the situation on the ground and on the readiness of our agencies to assist our nationals should conditions require government intervention,” dagdag ng kongresista.
Ayon kay Marcos, kabilang sa mga iimbitahan sa gagawing congressional briefing ay mga mga kinatawan at opisyal ng Department of Foreign Affairs, the Department of Migrant Workers, at ibang mga ahensiya ng gobyerno na tumutulong sa assistance, evacuation, o maaring repatriation.
“Our overseas Filipino workers play a vital role in supporting millions of Filipino families and contributing to the country’s economic stability,” sinabi ni Marcos.
“At a time of uncertainty in the region, it is important that government remains fully prepared to protect their welfare and provide assistance when needed.”
(Vina de Guzman)

3,700 NA SENIOR CITIZENS SA MAYNILA, TUMANGGAP NG P10,000 CASH GIFT

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng milestone age cash gift ang ang mahigit 3,700 senior citizens sa lungsod ng Maynila sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024.

Isinagawa ang pamamahagi noong Lunes ng umaga, Marso 9, sa pakikipagtulungan sa National Commission of Senior Citizens (NCSC). Umabot sa 3,703 senior citizens sa Maynila na umabot sa milestone ages na 80, 85, 90, at 95 ang nakatanggap ng tig-₱10,000 cash incentive sa ilalim ng Republic Act No. 11982.

Kinilala ni Manila Mayor “Francisco Isko Moreno” Domagoso ang pambansang pamahalaan sa pagpapatupad ng pinalawak na batas na nagbibigay na ngayon ng insentibo hindi lamang sa mga centenarian kundi pati sa iba pang milestone ages.

“Bagay na aking pinagpapasalamat kay President Bongbong Marcos sa pagpapatupad ng batas kung saan ang mga umabot ng 80, 85, 90, at 95 years old ay binibigyan ng ₱10,000,” ani ng alkalde.

Ayon kay Domagoso, libu-libong matatandang residente sa Maynila ang nakikinabang sa programa, na dagdag pa sa mga sariling inisyatiba ng lungsod para sa senior citizens.

“Sa Maynila, nagsimula ’yan noong panahon natin noong 2019. Regular ang bigay natin sa senior citizens, ₱500 every month, at walang pinipili: mayaman, middle class o mahirap,” dagdag niya.

Sinabi rin ng alkalde na patuloy na nagbibigay ang pamahalaang lungsod ng karagdagang tulong sa mga senior citizen, kabilang ang buwanang allowance at mga programang pang-nutrisyon upang mapanatili ang kanilang kalusugan.

Tiniyak din niya sa mga senior citizen na patuloy na magsisikap ang pamahalaang lungsod na mapabuti pa ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa kanila, at binigyang-diin na nananatiling prayoridad ng administrasyon ng Maynila ang kapakanan ng mga nakatatanda.

“Ang inyo namang Pamahalaang Lungsod ay hindi titigil na makagawa ng paraan para sa kapakinabangan ng ating mga lolo at lola. Gusto ko lang lagi na maramdaman ninyo na may gobyerno sa Lungsod ng Maynila na ipinagmamalasakit ang mga matatanda natin sa lungsod,” ani ni Domagoso..(Gene Adsuara)

Big-time oil price hike sisirit

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPATUPAD ngayon ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis bunsod ng lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Sa inilabas na datos ng Department of Energy (DOE), ang mga retailers ay magpapatupad ng P7.00 – P13.00 sa kada litro ng gasolina, habang P17.50 – P24.25 sa diesel. Pinakamalaki ang pagtaas sa presyo ng kerosene na nasa P32.00 – P38.50.

Ayon sa DOE, staggered ang gagawing implementasyon ng mga kumpanya ng langis sa adjustments.

Nabatid na nakadepende ang presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado, lalo na sa Dubai crude, kaya apektado ang supply at demand sa buong mundo sa gitna ng sigalot sa Middle East.

Kaugnay nito, inilunsad ng DOE at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang eGovPH Complaint Center upang mas mapalakas ang monitoring at masiguro ang patas na serbisyo at sapat na suplay ng petrolyo para sa bawat Pilipino.

Pinaalalahanan din ng DOE at DICT ang publiko na kung may mapansin silang mga kahina-hinalang aktibidad sa mga gasolinahan ay kaagad itong idokumento at i-report sa naturang complaint center.
Kabilang sa mga ipinamo-monitor ng DOE at DICT ay ang pagpa-panic buying, fuel hoarding, non-compliance o hindi pagtalima sa fuel pricing, hindi awtorisadong pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, pagtangging magbenta ng langis at fuel shortage o mababa hanggang sa walang available na produktong petrolyo.

“I-dokumento at i-report ito sa eGovPH app! Panoorin ang tutorial video para malaman kung paano mag-report,” ayon sa DOE at DICT.

Column with photo attached
Jemba in Action
Jess Basco

LTO, NAGLABAS NG SHOW CAUSE ORDER, 12 DRIVING SCHOOL SA NCR SINUSPINDE DAHIL SA CERTIFICATION IRREGULARITIES

NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO), sa pamamagitan ng Central Accreditation Committee on Driving Schools and Medical Clinics (CAC-DSMC), ng Show Cause Orders sa 12 accredited driving schools sa NCR at kani-kanilang mga instructors dahil sa umano’y mga iregularidad sa pag-isyu ng Practical Driving Course (PDC) Certificates of Completion.

Natuklasan na ang mga paaralan ay naiulat na nagbigay ng mga certificates sa mga mag-aaral na hindi sumailalim o hindi nakakumpleto ng mandatoryong walong (8) oras na practical driving instruction. Ang mga gawaing ito ay paglabag sa LTO Memorandum Circular No. VDM-2023-2460, kabilang ang pandaraya, maling representasyon, iregular na paggamit ng akreditasyon, at hindi pagsunod sa mga itinatag na regulasyon. Ang mga
instructors ay idinadawit din sa kanilang pagkakasangkot.

Ang mga kinauukulang partido ay inaatasan na magsumite ng kanilang mga written explanations at supporting documents sa loob ng limang (5) calendar days mula sa pagtanggap ng mga Show Cause Orders. Ang hindi pagsunod ay ituturing na pagtalikod sa kanilang karapatang marinig, at ang Committee ay magpapatuloy sa kaso batay sa mga magagamit na record.

Habang hinihintay ang imbestigasyon, ang lahat ng 12 driving schools at ang kanilang mga instructors ay isinailalim sa preventive suspension nang hanggang 30 araw. Mahigpit silang pinagbabawalan na magsagawa ng anumang aktibidad sa driver education activities at sa pag-access o paggamit ng Land Transportation Management System (LTMS) para sa pagproseso o pag-isyu ng mga sertipiko hanggang sa mailabas ang pinal na desisyon, maliban kung iba ang inalis o binago ng Committee. (PAUL JOHN REYES)

Bible verse

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“Give, and you will receive. Your gift will return to you in full—pressed down, shaken together to make room for more, running over, and poured into your lap. The amount you give will determine the amount you get back.” -Luke 6:38

Kinaaliwan ang mga video clips sa kasal nila ni Jerald… KIM, nagbiro kay Boss VIC na puwede siyang i-partner kay GERALD

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINAALIWAN ng netizen kabilang na kami, ang mga video clips na lumabas online na kuha mismo sa kasal nina Kim Molina at Jerald Napoles sa Amorita Resort sa Bohol.
Sa mismong reception kasi, noong unang in-introduce ang newlyweds, ang lumabas mula sa stage ay sina Kim at Alden Richards.
Kunwari pa nga na magki-kiss ang dalawa habang tumutugtog ang “God Gave Me You”, pero sumigaw ang mga hosts kay Kim na si Alden iyon, si Jerald ang pinakasalan niya.
Kuwela pa ngang ayaw pa munang bitiwan kunwari ni Kim si Alden.
Bumalik sa backstage si Kim at paglabas matapos i-introduce muli ay ang KimJe na nga ang lumabas, pero sina Kim at Gerald Anderson!
Muling nagsigawan at nagtawanan ang mga guests pagkakita kay Gerald na bisita rin sa wedding.
Nagbiro pa nga si Kim sa Boss ng Viva Films na si Vincent del Rosario, look test daw iyon.
So ang next project kaya ng Viva ay pelikula nina Kim at Gerald? Puwede.
Nang muling bumalik si Kim sa backstage at muling in-introduce, KimJe na ang lumabas, ang totoong groom na nga na si Jerald pero ang Kim na kasama niya ay si Kuya Kim Atienza na muling umani ng halakhakan at sigawan.
Sa pang-apat na introduction sa mga bagong kasal ay ang tunay na bride at groom na ang lumabas.
Bukod kina Alden, Gerald, at Kuya Kim, nasa wedding rin sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, at Yassi Pressman.
Samantala, matapos ang kanilang kasal at honeymoon ay sasabak na ang KimJe sa promo ng pelikula nila sa Viva Films, ang “Wonderful Nightmare” na ipapalabas sa mga sinehan sa March 25.
***
KONTRABIDA si Ashley Ortega sa ‘Apoy sa Dugo.’
Kuwento ni Ashley, may mga pinanood siya na pelikula at palabas para may mapaghugutan siya ng atake niya sa kanyang karakter.
“Actually, sobrang dami ko pong pinanood na psychological movies and series to prepare for my character here sa show na ito.
“Wala naman talaga akong basically, like, ‘Oh, okay, itong character na to ang gagayahin ko siya.’
“Marami akong pinanood, e, just to get inspiration.
“But, of course, I still want to give a touch of my own, of my own character as Ashley.”
Dagdag pa niya, “So, nanood ako ng mga movies. So, talagang nakatulong sa akin si Angelina Jolie sa Girl, Interrupted [1999 film ng Hollywood actress].
“Yung role niya kasi doon, she’s a psychopath. So, kung paano siya mag-isip, paano siya mag-manipulate ng tao.
“Sa series din naman, I watched Killing Eve.
“Yung appearance niya, yung movements, kailangan kasi consistent.
“Iyon yung gusto kong gawin talaga to portray my role perfectly and mabigyan ng justice.
“So nag-prepare din ako physically, not just emotionally and mentally, kasi gusto ko maiba siya sa mga past na ginawa kong kontrabida role, para physically intimidating na siya.”
Bukod kay Ashley, bida rin sa serye ang magkasintahang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Kasama rin sa cast sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, Toniyuh, at Larkin Castor.
Napapanood na ang ‘Apoy sa Dugo’ sa GMA Afternoon Prime.

(ROMMEL L. GONZALES)

Things You Should Never Do Before Watching “Mudborn”

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PREPARE for terror.

“Mudborn,” Taiwan’s No. 1 supernatural horror film, comes to Philippine cinemas on March 18. Experience a chilling tale of a mysterious clay doll, whose eerie presence makes a familiar nursery rhyme terrifying, bringing nightmares to life on the big screen.

Some warnings come too late. But here are some “survival rules” you should know if you ever come across a broken clay doll from a haunted house (but why would you go to a haunted house, anyway?):

DON’T PICK UP A RANDOM DOLL
You never know where it came from or what might be attached to it. In “Mudborn,” a seemingly broken clay baby doll becomes the center of terrifying supernatural events after it is brought into a family home. What starts as curiosity might awaken something that shouldn’t exist… and there’s no turning back.

Photo credit: Encore Films Philippines

DON’T FIX IT!
It was meant to stay broken. The couple Muhua (Cecilia Choi) and Hsu-Chuan (Yo Yang) welcomed the broken clay doll into their peaceful home and tried to fix it. But every restored piece became an even greater threat, its presence spreading into every corner and shattering their peace. Don’t make the same mistake!

Photo credit: Encore Films Philippines

DON’T TREAT IT LIKE A CHILD
What looks like an innocent doll may actually be something far more sinister. If you treat it like a child, it might treat you like its prey. As the presence surrounding the clay doll grows stronger, the line between object and living entity begins to blur.

Photo credit: Encore Films Philippines

DON’T IGNORE THE WARNINGS
Don’t say we didn’t warn you! If you ignore the signs, you might end up seeking help from a psychic exorcist, just like the family in “Mudborn,” to uncover the horrifying truth behind the clay doll, an eerie nursery rhyme, and a curse tied to ancient folklore.

Photo credit: Encore Films Philippines

Step too close, and it may follow.

Ignore it, but not the rules! Witness the horror and its consequences unfold on March 18.

Follow Encore Films Philippines’ social pages for more updates and upcoming releases.

(ROHN ROMULO)

Sa pangunguna ni Cavite Director III at Provincial Agrarian Reform Program Officer James Arthur Dubungco

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

at sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Magallanes sa ilalim ni Mayor Janessa Ann Maligaya-de Ramayo, kasama ang PAR-C President na si Ernie Somogod, inaasahang lalo pang uunlad ang kabuhayan ng mga kasapi ng kooperatiba, Tuloy-tuloy ang pag-asenso ng Pacheco Agrarian Reform Cooperative (PAR-C) matapos itong muling makatanggap ng panibagong traktora na makatutulong upang mas mapagaan at mapabilis ang kanilang pagsasaka. (Photo By BOY MORALES Sr.)