Big-time oil price hike sisirit
- Published on March 11, 2026
- by @peoplesbalita
NAGPATUPAD ngayon ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis bunsod ng lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.
Sa inilabas na datos ng Department of Energy (DOE), ang mga retailers ay magpapatupad ng P7.00 – P13.00 sa kada litro ng gasolina, habang P17.50 – P24.25 sa diesel. Pinakamalaki ang pagtaas sa presyo ng kerosene na nasa P32.00 – P38.50.
Ayon sa DOE, staggered ang gagawing implementasyon ng mga kumpanya ng langis sa adjustments.
Nabatid na nakadepende ang presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado, lalo na sa Dubai crude, kaya apektado ang supply at demand sa buong mundo sa gitna ng sigalot sa Middle East.
Kaugnay nito, inilunsad ng DOE at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang eGovPH Complaint Center upang mas mapalakas ang monitoring at masiguro ang patas na serbisyo at sapat na suplay ng petrolyo para sa bawat Pilipino.
Pinaalalahanan din ng DOE at DICT ang publiko na kung may mapansin silang mga kahina-hinalang aktibidad sa mga gasolinahan ay kaagad itong idokumento at i-report sa naturang complaint center.
Kabilang sa mga ipinamo-monitor ng DOE at DICT ay ang pagpa-panic buying, fuel hoarding, non-compliance o hindi pagtalima sa fuel pricing, hindi awtorisadong pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, pagtangging magbenta ng langis at fuel shortage o mababa hanggang sa walang available na produktong petrolyo.
“I-dokumento at i-report ito sa eGovPH app! Panoorin ang tutorial video para malaman kung paano mag-report,” ayon sa DOE at DICT.
Column with photo attached
Jemba in Action
Jess Basco
LTO, NAGLABAS NG SHOW CAUSE ORDER, 12 DRIVING SCHOOL SA NCR SINUSPINDE DAHIL SA CERTIFICATION IRREGULARITIES
NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO), sa pamamagitan ng Central Accreditation Committee on Driving Schools and Medical Clinics (CAC-DSMC), ng Show Cause Orders sa 12 accredited driving schools sa NCR at kani-kanilang mga instructors dahil sa umano’y mga iregularidad sa pag-isyu ng Practical Driving Course (PDC) Certificates of Completion.
Natuklasan na ang mga paaralan ay naiulat na nagbigay ng mga certificates sa mga mag-aaral na hindi sumailalim o hindi nakakumpleto ng mandatoryong walong (8) oras na practical driving instruction. Ang mga gawaing ito ay paglabag sa LTO Memorandum Circular No. VDM-2023-2460, kabilang ang pandaraya, maling representasyon, iregular na paggamit ng akreditasyon, at hindi pagsunod sa mga itinatag na regulasyon. Ang mga
instructors ay idinadawit din sa kanilang pagkakasangkot.
Ang mga kinauukulang partido ay inaatasan na magsumite ng kanilang mga written explanations at supporting documents sa loob ng limang (5) calendar days mula sa pagtanggap ng mga Show Cause Orders. Ang hindi pagsunod ay ituturing na pagtalikod sa kanilang karapatang marinig, at ang Committee ay magpapatuloy sa kaso batay sa mga magagamit na record.
Habang hinihintay ang imbestigasyon, ang lahat ng 12 driving schools at ang kanilang mga instructors ay isinailalim sa preventive suspension nang hanggang 30 araw. Mahigpit silang pinagbabawalan na magsagawa ng anumang aktibidad sa driver education activities at sa pag-access o paggamit ng Land Transportation Management System (LTMS) para sa pagproseso o pag-isyu ng mga sertipiko hanggang sa mailabas ang pinal na desisyon, maliban kung iba ang inalis o binago ng Committee. (PAUL JOHN REYES)