Kinaaliwan ang mga video clips sa kasal nila ni Jerald… KIM, nagbiro kay Boss VIC na puwede siyang i-partner kay GERALD
- Published on March 11, 2026
- by @peoplesbalita
KINAALIWAN ng netizen kabilang na kami, ang mga video clips na lumabas online na kuha mismo sa kasal nina Kim Molina at Jerald Napoles sa Amorita Resort sa Bohol.
Sa mismong reception kasi, noong unang in-introduce ang newlyweds, ang lumabas mula sa stage ay sina Kim at Alden Richards.
Kunwari pa nga na magki-kiss ang dalawa habang tumutugtog ang “God Gave Me You”, pero sumigaw ang mga hosts kay Kim na si Alden iyon, si Jerald ang pinakasalan niya.
Kuwela pa ngang ayaw pa munang bitiwan kunwari ni Kim si Alden.
Bumalik sa backstage si Kim at paglabas matapos i-introduce muli ay ang KimJe na nga ang lumabas, pero sina Kim at Gerald Anderson!
Muling nagsigawan at nagtawanan ang mga guests pagkakita kay Gerald na bisita rin sa wedding.
Nagbiro pa nga si Kim sa Boss ng Viva Films na si Vincent del Rosario, look test daw iyon.
So ang next project kaya ng Viva ay pelikula nina Kim at Gerald? Puwede.
Nang muling bumalik si Kim sa backstage at muling in-introduce, KimJe na ang lumabas, ang totoong groom na nga na si Jerald pero ang Kim na kasama niya ay si Kuya Kim Atienza na muling umani ng halakhakan at sigawan.
Sa pang-apat na introduction sa mga bagong kasal ay ang tunay na bride at groom na ang lumabas.
Bukod kina Alden, Gerald, at Kuya Kim, nasa wedding rin sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, at Yassi Pressman.
Samantala, matapos ang kanilang kasal at honeymoon ay sasabak na ang KimJe sa promo ng pelikula nila sa Viva Films, ang “Wonderful Nightmare” na ipapalabas sa mga sinehan sa March 25.
***
KONTRABIDA si Ashley Ortega sa ‘Apoy sa Dugo.’
Kuwento ni Ashley, may mga pinanood siya na pelikula at palabas para may mapaghugutan siya ng atake niya sa kanyang karakter.
“Actually, sobrang dami ko pong pinanood na psychological movies and series to prepare for my character here sa show na ito.
“Wala naman talaga akong basically, like, ‘Oh, okay, itong character na to ang gagayahin ko siya.’
“Marami akong pinanood, e, just to get inspiration.
“But, of course, I still want to give a touch of my own, of my own character as Ashley.”
Dagdag pa niya, “So, nanood ako ng mga movies. So, talagang nakatulong sa akin si Angelina Jolie sa Girl, Interrupted [1999 film ng Hollywood actress].
“Yung role niya kasi doon, she’s a psychopath. So, kung paano siya mag-isip, paano siya mag-manipulate ng tao.
“Sa series din naman, I watched Killing Eve.
“Yung appearance niya, yung movements, kailangan kasi consistent.
“Iyon yung gusto kong gawin talaga to portray my role perfectly and mabigyan ng justice.
“So nag-prepare din ako physically, not just emotionally and mentally, kasi gusto ko maiba siya sa mga past na ginawa kong kontrabida role, para physically intimidating na siya.”
Bukod kay Ashley, bida rin sa serye ang magkasintahang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Kasama rin sa cast sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, Toniyuh, at Larkin Castor.
Napapanood na ang ‘Apoy sa Dugo’ sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)