• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

19-anyos na wanted sa statutory rape sa Caloocan, tiklo 

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIMAS-REHAS ang 19-anyos na teenager na wanted sa kaso ng statutory rape matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang manhunt operation laban sa akusado na residente ng Brgy., 32 ng lungsod.

Dakong alas-12 ng tanghali nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section ang akusado sa kanilang lugar.

Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape na inisyu ng Family Court, Branch 1, Caloocan City na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan City Police Station habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. (Richard Mesa)

Baril, mga pampasabog nasamsam sa naarestong wanted na kriminal sa Caloocan 

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKUMPISKA ng pulisya sa isang wanted na kriminal ang baril, granada at tatlong pillbox bomb matapos maaresto sa ikinasang operation sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling.

Bitbit ang dalawang warrant of arrest mula sa magkahiwalay na korte, sinalakay ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth ang bahay ng 30-anyos na akusado dakong alas-4:20 ng madaling araw sa Barangay 178, North Caloocan.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na may suot na body camera ang kanyang mga tauhan nang isilbi sa akusado ang naturang mga warrant of arrest.

Inilabas ang nasabing mga arrest warrant ng Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 126 para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa at isa pa mula sa RTC Branch 127 para sa kasong homicide na may inilaang piyansang P120,000.

Hindi na nagsagawa ng paghahalughog sa bahay ng akusado ang mga pulis dahil lantad na sa kanilang paningin ang kalibre .38 revolver, granada, at mga pillbox bomb na pag-aari ng wanted na akusado.

Bukod sa kinakaharap ng mga kaso sa hukuman, sasampahan pa ng mga pulis ng reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Illegal Possession of Explosives ang akusado sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

2 SUV NASAKOTE NG LTO DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG AFP AT LTO PLATE, BLINKER AT WANG-WANG; MGA DRIVER KAKASUHAN

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAKOTE ng Land Transportation Office (LTO) ang 2 SUV matapos maaktuhang gumagamit umano ng mga pekeng plaka ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at LTO, bilang bahagi ng pinaigting na enforcement operations ng ahensya laban sa paggamit ng mga hindi awtorisadong plaka sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Sa isinagawang operasyon, natuklasang nakatago sa loob ng mga sasakyan ang kanilang mga orihinal na plaka habang ang mga hindi awtorisadong plaka ang nakakabit at ginagamit sa kalsada, na umano’y nagbibigay ng impresyong may espesyal na awtoridad o pagkakakilanlan ang mga ito.

Bukod dito, nakumpiska rin sa mga nasabing sasakyan ang pekeng conduction sticker, mga blinker at “wang-wang,” na pawang isinailalim sa kaukulang beripikasyon at dokumentasyon ng mga operatiba.

Nakita rin sa mga sasakyan ang ilang sticker na may pangalan o nagpapahiwatig ng kaugnayan sa isang miyembro ng Kongreso. Kasama rin itong sinusuri upang matukoy ang pinagmulan at layunin ng paggamit ng naturang mga pagkakakilanlan.

Kaugnay nito, pansamantalang inilagay sa kustodiya ng LTO ang dalawang sasakyan at isasailalim sa kaukulang proseso, kabilang ang masusing beripikasyon ng kanilang mga dokumento, plaka, at iba pang nakumpiskang kagamitan at identification markings, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable at ang kaugnay na mga paglabag.

Ani Asec. Lacanilao, “Hindi porke may kakilala ka sa gobyerno ay pwede ka nang gumamit ng pekeng plaka o pagkakakilanlan upang makaiwas sa batas-trapiko o magkaroon ng espesyal na pagtrato sa lansangan, maling-mali po iyon, kahit sinuman ang koneksyon mo sa gobyerno pantay po ang aming pagtrato sa lahat ng motorista.”

Mananatiling mahigpit ang LTO sa pagsasagawa ng malawakang enforcement operations at beripikasyon laban sa paggamit ng pekeng plaka at iba pang ilegal na kagamitan. Hinihikayat naman ng ahensya ang lahat ng motorista na gumamit ng wasto, lehitimo, at awtorisadong plaka at kagamitan, sumunod sa umiiral na batas-trapiko, at agad na ireport sa LTO ang mga kahina-hinalang sasakyan upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at pantay na kalsada para sa lahat. (PAUL JOHN REYES)

Piso vs dolyar, sadsad sa P62.68

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAITALA nitong Setyembre 2, ang pinaka­mababang ­halaga ng piso kontra dolyar sa P62.68/$1 sa intraday trading.

Nalampasan ng piso ang dating record close na P62.40/$1 noong Martes, Setyembre 1.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mahigpit nilang binabantayan ang foreign exchange market matapos basagin ng piso ang P62 barrier noong nakaraang Biyernes, nang bumagsak ito sa P62.265/$1 noong Agosto 28.

Ayon sa ulat, pangunahing dahilan ng pagbagsak ang global demand sa dolyar, patuloy na pangamba sa merkado at mga panganib sa ekonomiya kaugnay ng langis.

Kabilang sa epekto ng mahinang piso ang pagmahal ng imported goods gaya ng gasolina at pagkain, na maaaring magpalala ng inflation; at mas mataas na remittance value para sa mga pamilya ng OFWs, dahil mas malaki ang katumbas ng bawat dolyar na ipinapadala.

Ads September 4, 2026

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Matapos na batiin si Matteo ng ’soon to be daddy’….SARAH, malinaw na nagdadalang-tao na sa kanilang first baby (ni: REY PINEDA) 

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BAGO pa man na-delete ang post ng isang kaibigan ni Matteo Guidicelli, marami na ang nakabasa nito.

Ayon sa na-delete na post kino-congratulate nito si Matteo at inilarawan bilang isang “soon to be daddy”.

Malinaw na ang lahat!  Talagang nagdadalang-tao nga si Sarah Geronimo.

Maraming espekulasyon ang naglabasan ukol dito. Pero nanatiling tikom ang mga bibig nina Matteo at Sarah. Maging ang mga taong malapit sa kanila.  

Hanggang sa mag-post nga ang isang kaibigan ng aktor/host.  Dahil agad nitong dinelete ang nasabing post, marami na ang nakakita ang nabasa ang nabanggit na post.

Hindi naman siguro gagawa ng kuwento ang kaibigang ito ni Matteo kung walang basehan.

Maaaring kaya nito binura ang post ay sa dahilang may pumigil dito, at malamang si Matteo iyon.     

Marahil hindi pa ito handang ibunyag kung nao talaga ang kasalukuyang sitwasyon ng asawa.     

Well, sooner or later lalabas din naman ang totoo.     

Wala naman kasing masama kung magbuntis man si Sarah dahil may asawa naman siya.     

At isa pa, matagal na rin namang umaasa ang mga ito na makabuo na nga ng sarili nilang pamilya.

***  

TOTOO ba ang balitang 7.5 millioin views na raw ang bagong vertical drama nina Francine Diaz at Seth Fedelin?

Ito yung bagong mapapanood sa iWant vertical drama na may titulong “A Cake to Remember”.

Binasag nito ang record ng ibang vertical drama na mapapanood sa Facebook, TikTok at YouTube sa ikalimang episode pa lamang nito.     

Trending din siya sa “X” at nangunguna na sa most-watched list.

Ang “A Cake to Remember” ay kuwento ng dalawang dating nag-iibigan na pinaglaruan ng tadhana.

Si Mandy (Francine) ay isa pastry chef ng isang naghihingalong bakery.  Tinanggap niya ang order na gumawa ng isang wedding cake. 

Wala sa hinagap niyang ang cake ay order ng magpapakasal na si Landon (Seth). Si Landon ay ex ni Mandy na siyang nang-iwan sa kanya sa altar.

Lingid sa kanyang kaalaman naaksidente pala itong si Landon at nawalan ng memorya. Kaya’t ginamit ni Mandy ang cake para ipaalala kay Landon ang kanilang nakaraan.

Isang madamdaming pag-iibigan na kahit makalimot ang isip, ngunit hindi kailan man ang puso.

Kinumpirma na last month pa siya nanganak…ALEX, ipinasilip na ang mukha ng first baby boy nila ni MIKEE (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


KATULAD ng kanyang ipinangako, ipinasilip na ng actress-TV host at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ang face ng kanilang first baby ni Lipa Vice Mayor Mikee. 

Masayang-masaya ngang ibinahagi ni Alex sa kanyang social media accounts na maayos niyang naipanganak ang panganay nila ni Mikee.

Makikita sa short video nina Alex at Mikee ang kaganapan kasama ang sobrang cute na newborn baby.

Caption ni Mommy Alex sa IG post, “Now there are three of us, with our very own little baby boy.” 

Matatandaan na ikinasal sina Alex at Mikee noong 2021. Last May naman, ibinalita ng mag-asawa na magiging parents na sila matapos nilang makaranas ng tatlong miscarriage.

Samantala, naikuwento naman ni Alex sa kanyang vlog na noong huling bahagi ng June ay pinayuhan siya ng mga doktor na kailangang mag-total bed rest dahil matuklasang may maliit na pagbubukas sa kanyang cervix. 

Nagpahinga naman siya nang husto at pinagbigyan ang ilan sa kanyang mga food cravings.

Bandang July naman nang magsimula ang kanyang third trimester, nalaman ni Alex na mayroon siyang gestational diabetes. 

Kaya kinailangan niyang regular na bantayan ang kanyang blood sugar bago at pagkatapos kumain.Sa kanyang vlog, kinumpirma ni Alex na nanganak na siya noong first part ng August, na kung saan marami nga naging usap-usapan na nagsilang na siya. Pero walang pagkumpirma mula sa mag-asawa.

Dumagsa naman ang pagbati mula sa kanyang celebrity friend sa kanyang latest IG post…

Comment ni Gladys Reyes, “In God’s perfect time! So happy for u Alex and Mikee.”

Say naman ni Jolina Magdangal, “I am so happy for you and Mikee. answered prayers.”

“Congratulations, Moradas!,” pagbati naman ni Carla Abellana.

Kaaliw naman ng komento ni Luis Manzano, “Ay suuuuuussss [three red heart emojis].

Comment naman ng netizen, “@luckymanzano may bff na si peanut.”

Ilan pa sa nagpaabot ng bumati sa mag-asawa ay sina Jessy Mendiola, Kim Molina, Rodjun Cruz, Iza Calzado, Mariel Padilla, Pauleen Luna, Maja Salvador, Vina Morales, Chynna Ortaleza, Megan Young, Rica Peralejo, Iya Villania, Arci Muñoz at Michelle Dee.

Nakiusap na alamin muna ang pangyayari bago manghusga…IVANA, tumulong na nga sa mga binaha pero na-bash pa (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MINSAN talaga, tumulong ka na nga, nalait ka pa.

Ganyan ang nangyari sa sikat na aktres at content creator na si Ivana Alawi na alaga ni Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc. kung saan ang publicist ay ang MTRCB Board Member/showbiz reporter at kumare namin na si Rose Garcia.

Na-bash kasi si Ivana na nagmagandang-loob na nga na mamigay ng ayuda sa mga binaha sa pananalasa ng Habagat sa bansa.

Bakit daw sa mismong gitna ng baha na hanggang binti namahagi ng relief goods at pera si Ivana at hindi sa mga evacuation center?

Ipinaliwanag naman ni Ivana kung bakit…

“Sana alamin niyo din kung bakit nandoon sa gitna ng baha ang truck natin, nasiraan ito at hindi na makaandar ng bandang hapon.

“Kaya habang sinusubukan naming ayusin para lumipat sa ibang area, may mga biglang pumila at nag-stop din kung saan tumirik.”

Saad pa ni Ivana, nagpabalik-balik na nga sila sa nasirang truck para hakutin ng kung ilang beses ang relief goods na ipinamigay nila sa mga nasalanta ng baha.

Pakiusap pa ni Ivana, bago raw sana mam-bash o manghusga ang ilan ay alamin at intindihin muna ang buong pangyayari at sitwasyon bago manghusga.

PBBM, ipinag-utos sa mga ahensiya na paigtingin ang climate change response

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga ahensiya ng gobyerno na paigtingin ang implementasyon ng mga polisiya na tutugon sa climate change habang ang Pilipinas ay nahaharap sa tumataas at matinding epekto sa klima.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pangunguna ni Climate Change Commission and the Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay inatasan na magsagawa ng masinsinang tugon sa kanilang obligasyon na bilisan ang climate action.

“Kapag hindi matugunan ang isyu ng climate change, malaki ang magiging epekto nito sa supply ng pagkain, sa pananim, mataas na presyo ng bilihin, mataas na inflation rate, mataas na public debt, at pati mga banta sa kalusugan katulad ng leptospirosis at dengue cases,” ang sinabi ni Castro.

“Kaya naman tuloy-tuloy ang paghahanda ng bansa na harapin ang mas mainit na klima at tugunan ang mga epekto nito,” aniya pa rin.

Winika pa ni Castro na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para paghandaan ang mainit na klima habang gumagawa ito ng paraan para mapabagal ang pagtaas at sa kalaunan ay mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Hangad aniya ng estratehiya ng administrasyon na ilatag ang pundasyon para sa ‘resilient at inclusive economy’ para sa kasalukuyan at sa hinaharap na henerasyon.

“As a tropical archipelagic country, the Philippines is expected to continue experiencing severe climate impacts, including stronger and more frequent typhoons, rapid sea-level rise, and heavier rainfall,” ang tinuran ni Castro.

Ang mga bantang ito ay maaaring magdulot ng pangunahing panganib sa mga negosyo, komunidad, imprastraktura at ecosystems.

“Magkaisa tayong labanan ang epekto ng climate change,” ani Castro.

“Kung hindi ngayon, kailan pa? Huwag tayong magpahuli,” aniya pa rin.

Samantala, sinabi ni Castro na nakikipagtulungan ang Malakanyang sa Vice Mayor’s League of the Philippines, sa pangunguna ng national president nito na si Vice Mayor Meynard Francis Bumanglag ng Pinili, Ilocos Norte, bilang bahagi ng climate response efforts nito. (DARIS JOSE)

PBBM pinuri ang trabaho ng 250th Presidential Airlift Wing

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tauhan ng 250th Presidential Airlift Wing (PAW) sa pagdiriwang ng ika-58 anibersaryo nito sa Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.

Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng 250th PAW sa pagbibigay ng kinakailangang mobility at kahandaan sa Panguluhan at pamahalaan, lalo na sa mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna at iba pang pangangailangan ng bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, bagama’t sasakyang panghimpapawid ang nagsasakatuparan ng misyon, nakasalalay sa disiplina, kasanayan at pagtutulungan ng mga tauhan ang ligtas at matagumpay na operasyon.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga piloto, aircrew, maintenance at security personnel, civilian workforce, at kanilang mga pamilya sa patuloy na paglilingkod sa bayan.

Hinimok niya ang mga tauhan ng 250th PAW, na kilala bilang “Bluebirds,” na ipagpatuloy ang mahusay na pagganap sa tungkulin, paglilingkod nang may layunin, at pagpapanatili ng tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng sambayanan.

Ang pagpapaigting sa kahandaan at kakayahan ng 250th PAW ay alinsunod sa adbokasiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kakayahan ng pamahalaan na mabilis at episyenteng tumugon sa mga pangangailangan at emerhensiya ng bansa. ( DARIS JOSE)