• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Master plan para sa flood control, isinasagawa na ng pamahalaan- Malakanyang

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroon nang master plan ang pamahalaan para sa flood control at kasalukuyan na itong isinasagawa upang matugunan ang mga problema sa pagbaha sa bansa.

Ayon sa Pangulo, matagal nang mayroong flood control master plan ang bansa pero hindi ito naipatupad noon.

“Mayroon na tayong master plan. Hindi lamang ito naipatupad. Isinasagawa na natin ito ngayon. Ilang dekada na tayong may master plan pero walang ginawa. Ngayon lamang natin ito sinisimulan,” pahayag ni Pangulong Marcos matapos inspeksyunin ang nasirang Aquino at Agana bridges sa Barangay San Isidro, Tarlac City.

Sinabi rin ng Pangulo na nakaranas ang bansa nang hindi pangkaraniwang dami ng ulan at tubig na nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala sa mga tulay.

“Ngunit hindi pangkaraniwan ang dami ng tubig. Ngayon lamang tayo nakakita ng ganito. Ang tulay na ito ay nakatayo na mula pa matapos ang giyera. Kaya 70 taon na ito. Wala naman itong naging problema hanggang ngayon,” ani Pangulong Marcos na tinutukoy ang nasirang Agana Bridge.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang epekto ng climate change sa nararanasang matinding pag-ulan at pagbaha.

“At ito talaga ay maliwanag na maliwanag, ito ang epekto ng climate change. Dahil sa buong karanasan ng Pilipinas, ngayon lang tayo nakatikim ng ganitong klaseng ulan, ganitong klaseng pagbaha dahil nga nagbabago ang panahon dahil nga sa climate change,” pahayag ng Pangulo.

Kasama ni Pangulong Marcos sa inspeksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon. Sa harap nito, sinabi ng Pangulo na inaasahang papayagan ang light traffic sa Agana Bridge sa loob ng dalawang linggo, habang maaaring mas matagal ang pagkukumpuni sa Aquino Bridge dahil mas malaki ang pinsala.

Ipinaliwanag din ng Pangulo na malakas at mabilis ang agos ng tubig nang masira ang mga tulay.

“Nanggaling din kami doon sa kabila sa Aquino Bridge, the same thing. Natangay din ‘yung section, ‘yung isang span. As you can see, dito, talagang basta tinangay lang ‘yung span, isang span. At the estimate, ang sabi sa akin, the estimate ng takbo ng tubig is 30 to 35 knots ang takbo ng tubig. Kaya napakabilis, kaya napakabigat ng tubig. Kaya ganito ang nangyari,” dagdag pa ng Pangulo.

Tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang makumpuni ang dalawang tulay dahil masyadong malayo ang mga kasalukuyang alternatibong ruta.

“Dahil ang alternative route ngayon ay sa hanggang sa Gerona. Gerona pa lang, ang kaisa-isang tulay na natira para alternative route para dito sa Agana at saka sa Aquino Bridge.Napakalayo masyado, kaya minamadali namin, binibilisan namin ang pag-aayos dito,” pahayag ng Pangulo.

( DARIS JOSE)

Simula Setyembre 2:Free toll sa NLEX para sa lahat ng sasakyan- Malakanyang

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SIMULA araw ng Miyerkules, Setyembre 2 ay libre ang toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX).

Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matulungan ang mga motorista at pasaherong naipit sa traffic sa NLEX dulot ng pagbaha sa Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na binigyang-diin ni Transportation Secretary Banoy Lopez na simula araw ng Miyerkoles ay libre ang toll fee para sa mga sasakyan na manggagaling sa Pulilan, Bulacan hanggang San Fernando sa Pampanga at vice versa. Magpapatuloy ang libreng toll fee hanggang sa bumalik sa normal ang sitwasyon sa NLEX.

Nagpasalamat naman aniya si Secretary Lopez sa lahat ng toll operator na patuloy na nagbibigay ng libreng toll para sa mga provincial buses at mga sasakyang naghahatid ng agricultural products sa ilalim ng UPLIFT initiatives ng pamahalaan.

Kasunod nito, ipinag-utos din aniya ng DOTr at Toll Regulatory Board sa NLEX Corporation na magbigay ng pagkain at inumin, at magtayo ng mga portalet para sa mga motoristang naiipit sa mabigat na traffic. ( DARIS JOSE)

UAAP, binago ang schedule ng basketball ngayong Setyembre

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINAGO ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang iskedyul ng basketball ngayong Setyembre upang bigyang-daan ang paglahok ng ilang collegiate players sa mga international competition kasama ang Gilas Pilipinas.

Ayon sa UAAP, limang gamedays lamang ang nakalaan para sa men’s at women’s basketball tournaments mula Setyembre 13 hanggang 30.

Nakatakdang buksan ang Season 89 sa pamamagitan ng opening ceremony sa Setyembre 12 sa Mall of Asia Arena, at sa Setyembre 13 naman sisimulan ang men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kung saan maghaharap ang Far Eastern University at Adamson University alas-12 ng tanghali.

Susundan ito ng laban ng defending champion De La Salle University at National University ng hapon, bago ang pagtatapat ng University of the Philippines at University of Santo Tomas.

Magpapatuloy ang men’s basketball games sa Setyembre 16 sa Mall of Asia Arena, Setyembre 19 sa Smart Araneta Coliseum, at Setyembre 26 at 30 sa Mall of Asia Arena.

Ang adjustments ay ginawa habang ilang UAAP athletes ay naghahanda para kumatawan sa Pilipinas sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan, mula Setyembre 21 hanggang Oktubre 4, at sa FIBA 3×3 U23 World Cup sa Wuhan, China, mula Setyembre 15 hanggang 19.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, mahalaga ang suporta ng UAAP upang makapaglaro para sa bansa ang mga student-athletes habang kinakatawan din ang kanilang mga paaralan. 

Eala, abante sa Round of 2 ng US Open; Rematch laban kay Oliynykova abangan

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS ang dominanteng panalo ni Pinay tennis star Alex Eala kontra kay Mary Stoiana sa Round 1 ng US Open, 6-1, 6-2, susunod na haharapin ng Filipina tennis star ang Ukrainian na si Oleksandra Oliynykova sa Round of 2.

Mabilis na tinapos ni Eala ang kanyang unang laban matapos kontrolin ang dalawang sets laban kay Stoiana. Sa iskor na 6-1, 6-2, ipinakita ng 20-anyos na Filipina ang kanyang agresibong laro at composure upang makuha ang puwesto sa ikalawang round ng prestihiyosong torneo.

Mas magiging kapanabik-nabik ang susunod niyang laban dahil isa itong rematch nila ni Oliynykova, huling nagharap sina Eala at Oliynykova sa Strasbourg, kung saan nanaig ang Ukrainian sa isang mahigpit na three-set battle, 3-6, 7-5, 6-3.

Gaganapin ang kanilang Round of 64 match sa Louis Armstrong Statidium sa New York City sa Setyembre 3, 2026, alas-11 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Mga miyembro ng Camanava Press, pinulong ni PTFOMS Usec. Torres

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINULONG ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Usec. Joe Torres ang mga opisyal at miyembro ng CAMANAVA PRESS CORPS na pinamumunuan ni Ka Maeng Santos upang bigyan ng kaalaman ang mga miyembro ng media at ipabatid sa kanila ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagtupad sa kanilang tungkulin bilang mga mamamahayag. Ipinaalala din ni Usec. Torres ang mga hakbang na dapat gawin kung sakaling may matatanggap na pagbabanta sa buhay ng isang mamamahayag. (Richard Mesa)

Panukalang P785.2-million budget para sa OVP sa susunod na taon

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINANUKALA ng opisina ni Vice President Sara Duterte ang P785.2 milyong badyet para sa susunod na taon.

Mababa ito ng 11.7% sa P889.236-million approved budget ngayon taon.

Ito ay upang maipagpatuloy ng OVP ang mga programa at serbisyo nito maging ang kinakailangang operational requirements sa kabila ng pagbaba sa budget nito.

Sa P785-million panukalang budget, P220.232 million ay ilalaan sa Personnel Services, P561.651 million sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), at P3.321 million para sa Capital Outlay. 

Ang P561 million budget para sa MOOE, sinabi ng OVP na P193.103 million ay ilalaan sa procurement ng goods at probisyon sa livelihood assistance grants sa ilalim ng OVP’s “MagNegosyo Ta ‘Day” program at iba pang assistance at service-oriented initiatives.

Samantala, isang hiwalay na P15.544 million ay “automatically appropriated” para sa Retirement and Life Insurance Premium ng mga plantilla personnel, ayon pa sa OVP.

Ang iba pang programa na tinukoy ng OVP na popondohan ay ang “Pagbabago Campaign” para sa 150,000 learners, disaster operations, Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE) Program, Libreng Sakay, wheelchair distribution, provision ng Al-Janazah Kits at iba pang supplies, at “You Can Be VP” Program, at iba pa. (VINA de GUZMAN)

P300-M pondo para sa pagkukumpuni ng dalawang tulay sa Tarlac, ilalaan ng gobyerno-PBBM

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglalaan ang national government nang humigit-kumulang P300 milyon sa local government unit (LGU) ng Tarlac City para pondohan ang pagpapagawa sa dalawang nasirang tulay sa kasagsagan ng bagyo at pagbaha.

Ayon sa Pangulo, ida-download ang pondo sa lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pagsasagawa ng repair works sa mga tulay.

“So, para maging mas mabilis ang trabaho, we will be downloading PhP300 million to the local government dahil ito ay local bridge. Kaya sila ang kailangang magtatrabaho dito. Siyempre, tutulungan natin, tutulungan sa technical aspects and we’ll help them in every way that we can,” pahayag ni Pangulong Marcos matapos inspeksyunin ang mga nasirang Aquino at Agana bridges sa Tarlac City.

“But just so that it is properly funded, it will go through the local government. The P300 million that will come from the national government, ibibigay natin sa local government. And of course, local government and the national government magtutulungan para maging mas mabilis,” dagdag ng Pangulo.

Sa isinagawang inspeksyon sa Agana Bridge sa Romulo Boulevard, Barangay Cut-Cut 1, Tarlac City, inutusan ng Pangulo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na agad kumpunihin ang tulay at maglagay ng Bailey bridge bilang pansamantalang daanan.

Ang Bailey bridge ay isang portable at pre-fabricated na truss bridge na idinisenyo upang mabilis na mai-assemble nang hindi nangangailangan ng mabibigat na makinarya.

“So right now, ang ginagawa dito ay nagbubuo ng Bailey bridge para makatawid, para ilalagay, para palitan ‘yung section na natanggal, na natangay ng ilog,” paliwanag pa ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos, inaasahang mai-install ang Bailey bridge sa loob ng isang linggo.

Sa loob naman ng dalawang linggo, umaasa ang Pangulo na magiging passable na sa mga sasakyan ang na-repair na tulay kung saan unang padadaanin ang maliliit na sasakyan at may bigat na 10 tonelada o mas mababa, gaya ng mga van. 

(DARIS JOSE)

KAHIT NASUNUGAN, TANGGAPAN NG VICE MAYOR ATIENZA SA MANILA CITY HALL, BUKAS

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA KABILA ng naganap na sunog sa tanggaan ng Manila Vice Mayor Chi Atienza, tiniyak nito na tuloy ang kanilang operasyon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog 5:45 ng umaga na inakyat lamang sa unang alarma.

Partikular na natupok ng apoy ang pantry ng nasabing tanggapan kung saan posible umanong sa electrical wiring ang naging sanhi ng sunog.

Paliwanag ni Vice Mayor Chi, wala nang iba pang gamit na iniwang nakasaksak maliban sa refrigerator na karaniwan naman aniyang hindi tinatanggal ang saksakan.

Wala rin aniyang mga mahahalang dokumento na nasunog gayundin ang mga gamot para sa mga nangangailangan na mga Manileño ay hindi naman nasunog bagama’t nabasa lamang dahil sa pagbuhos ng tubig ng mga bumbero.

Naapula ang sunog 6:21 ng umaga .

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay pansamantala munang sarado ang tanggapan ng bise alkalde ngunit tuloy ang kanilang operasyon upang nakapagbigay pa rin ng tulong sa mga nangangailangan.

Aniya, maglalagay na lamang sila ng lamesa sa harap ng kanyang tanggapan upang ma-cater ang mga humihingi ng medical assistance lalo na ang mga senior citizens.

Matatagpuan ang tanggapan ng bise alkalde sa ikalawang palapag ng gusali ng MCH.

Samantala, inanunsyo na rin ni Manila Mayor Isko Moreno -Domagoso na hindi suspendido ang pasok ng mga kawani kahapon Araw ng Miyerkoles.

 (Gene Adsuara )

Panawagan ni Speaker at AIPA President Faustino “Bojie” G. Dy III sa parlyamento na siguraduhin ang limang taong kooperasyon

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KASABAY ng ika-49 taong anibersaryo ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), nanawagan si Speaker at AIPA President Faustino “Bojie” G. Dy III sa parlyamento na siguruhin na ang halos limang taon na kooperasyon ay mauuwi sa malakas na institusyon at konkretong pagpapabuti sa buhay ng mga taga- Southeast Asia.

“Our work must ultimately be measured not by the meetings we hold, but by the difference we make in the lives of our people,” ani Speaker Dy. 

“I have always believed that public trust is earned not through declarations, but through credible laws, trusted institutions, and results that improve people’s lives. That same principle must guide AIPA.”

Ang AIPA ay nagsimula sa Manila may 49 taon ng nakakalipas, ng ang parlyamento ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand ay nagbuo ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly or AIPA.

Mula sa limang founding parliaments, winelcome nito ang Timor-Leste bilang ika-11th Member Parliament sa ginanap na 47th AIPA General Assembly sa Manila ngayong November. Dalawampu’t anim na Observer Parliaments ang inaasahang dadalo.

“Forty-nine years ago, five founding parliaments chose to build one boat rather than sail alone. Today, that journey continues. One balangay, one vision, one destination,” pagtatapos ni Dy. 

(VINA de GUZMAN)

Mambabatas kinastigo si USec Claire Castro sa pagiging insensitibo sa mga taong humihingi ng tulong

Posted on: September 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINASTIGO ni dating ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Presidential Communications Undersecretary Claire Castro hinggil sa kanyang mga komento na aniya’y kawalan empatiya sa mga taong humihingi ng tulong sa gitna ng matinding pagbaha dulot ng habagat.

“Sana naging mas sensitive ang mga statement ni Usec Castro,” sabi ng dating kongresista. 

“Kahit mga senador nga ay hindi makapasok o nahirapang makapasok. What more sa mga manggagawa na arawan ang sahod, isang kahig, isang tuka? Sa mga estudyanteng hindi makakuha ng eksamen? Sa mga truck driver na nagde-deliver ng produkto na kada byahe lang ang bayad?” 

Ayon sa dating mambabatas, ang hinihiling lang ng mga manggagawa na gumagamit ng NLEX sa kanilang byahe papasok ay kaunting relief sa pagbabayad ng toll fee.

“Hindi naman dadami ang dadaan doon kahit maging libre pa ito—baha nga, jusko. Bakit ka naman dadaan pa doon kung di naman talaga kailangan?” tanong ni Castro.

Aniya, imbes na pagalitan ang mga nagrereklamo, pakinggan sila kung bakit nagrereklamo at mag -focus sa solusyon. 

“Ang trabaho ng pamahalaan ay paginhawain ang buhay ng mamamayan, hindi saktan ang kanilang damdamin habang naghihirap sila,” sinabi ng dating kongresista.

“Di ba dapat magmungkahi ka kung paano madaling mawala ang baha, imbes na murahin ang mga taong humihingi ng kaunting ginhawa?” (VINA de GUZMAN)