• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinumpirma na last month pa siya nanganak…ALEX, ipinasilip na ang mukha ng first baby boy nila ni MIKEE (ni: ROHN ROMULO) 


KATULAD ng kanyang ipinangako, ipinasilip na ng actress-TV host at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ang face ng kanilang first baby ni Lipa Vice Mayor Mikee. 

Masayang-masaya ngang ibinahagi ni Alex sa kanyang social media accounts na maayos niyang naipanganak ang panganay nila ni Mikee.

Makikita sa short video nina Alex at Mikee ang kaganapan kasama ang sobrang cute na newborn baby.

Caption ni Mommy Alex sa IG post, “Now there are three of us, with our very own little baby boy.” 

Matatandaan na ikinasal sina Alex at Mikee noong 2021. Last May naman, ibinalita ng mag-asawa na magiging parents na sila matapos nilang makaranas ng tatlong miscarriage.

Samantala, naikuwento naman ni Alex sa kanyang vlog na noong huling bahagi ng June ay pinayuhan siya ng mga doktor na kailangang mag-total bed rest dahil matuklasang may maliit na pagbubukas sa kanyang cervix. 

Nagpahinga naman siya nang husto at pinagbigyan ang ilan sa kanyang mga food cravings.

Bandang July naman nang magsimula ang kanyang third trimester, nalaman ni Alex na mayroon siyang gestational diabetes. 

Kaya kinailangan niyang regular na bantayan ang kanyang blood sugar bago at pagkatapos kumain.Sa kanyang vlog, kinumpirma ni Alex na nanganak na siya noong first part ng August, na kung saan marami nga naging usap-usapan na nagsilang na siya. Pero walang pagkumpirma mula sa mag-asawa.

Dumagsa naman ang pagbati mula sa kanyang celebrity friend sa kanyang latest IG post…

Comment ni Gladys Reyes, “In God’s perfect time! So happy for u Alex and Mikee.”

Say naman ni Jolina Magdangal, “I am so happy for you and Mikee. answered prayers.”

“Congratulations, Moradas!,” pagbati naman ni Carla Abellana.

Kaaliw naman ng komento ni Luis Manzano, “Ay suuuuuussss [three red heart emojis].

Comment naman ng netizen, “@luckymanzano may bff na si peanut.”

Ilan pa sa nagpaabot ng bumati sa mag-asawa ay sina Jessy Mendiola, Kim Molina, Rodjun Cruz, Iza Calzado, Mariel Padilla, Pauleen Luna, Maja Salvador, Vina Morales, Chynna Ortaleza, Megan Young, Rica Peralejo, Iya Villania, Arci Muñoz at Michelle Dee.