Matapos na batiin si Matteo ng ’soon to be daddy’….SARAH, malinaw na nagdadalang-tao na sa kanilang first baby (ni: REY PINEDA)
- Published on September 4, 2026
- by Francis Paolo Torres
BAGO pa man na-delete ang post ng isang kaibigan ni Matteo Guidicelli, marami na ang nakabasa nito.
Ayon sa na-delete na post kino-congratulate nito si Matteo at inilarawan bilang isang “soon to be daddy”.
Malinaw na ang lahat! Talagang nagdadalang-tao nga si Sarah Geronimo.
Maraming espekulasyon ang naglabasan ukol dito. Pero nanatiling tikom ang mga bibig nina Matteo at Sarah. Maging ang mga taong malapit sa kanila.
Hanggang sa mag-post nga ang isang kaibigan ng aktor/host. Dahil agad nitong dinelete ang nasabing post, marami na ang nakakita ang nabasa ang nabanggit na post.
Hindi naman siguro gagawa ng kuwento ang kaibigang ito ni Matteo kung walang basehan.
Maaaring kaya nito binura ang post ay sa dahilang may pumigil dito, at malamang si Matteo iyon.
Marahil hindi pa ito handang ibunyag kung nao talaga ang kasalukuyang sitwasyon ng asawa.
Well, sooner or later lalabas din naman ang totoo.
Wala naman kasing masama kung magbuntis man si Sarah dahil may asawa naman siya.
At isa pa, matagal na rin namang umaasa ang mga ito na makabuo na nga ng sarili nilang pamilya.
***
TOTOO ba ang balitang 7.5 millioin views na raw ang bagong vertical drama nina Francine Diaz at Seth Fedelin?
Ito yung bagong mapapanood sa iWant vertical drama na may titulong “A Cake to Remember”.
Binasag nito ang record ng ibang vertical drama na mapapanood sa Facebook, TikTok at YouTube sa ikalimang episode pa lamang nito.
Trending din siya sa “X” at nangunguna na sa most-watched list.
Ang “A Cake to Remember” ay kuwento ng dalawang dating nag-iibigan na pinaglaruan ng tadhana.
Si Mandy (Francine) ay isa pastry chef ng isang naghihingalong bakery. Tinanggap niya ang order na gumawa ng isang wedding cake.
Wala sa hinagap niyang ang cake ay order ng magpapakasal na si Landon (Seth). Si Landon ay ex ni Mandy na siyang nang-iwan sa kanya sa altar.
Lingid sa kanyang kaalaman naaksidente pala itong si Landon at nawalan ng memorya. Kaya’t ginamit ni Mandy ang cake para ipaalala kay Landon ang kanilang nakaraan.
Isang madamdaming pag-iibigan na kahit makalimot ang isip, ngunit hindi kailan man ang puso.