• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Age gap nila ni Andrea maraming kumukuwestiyon…ENRIQUE, nasa plano na mag-retire sa Spain kasama ang magiging pamilya

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINIWALAT ni Enrique Gil kung ano ang mga ari-arian ang mayroon siya ngayon.

Hindi raw ito paraan para magyabang, kung hindi magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na mag-ipon at mag-invest habang kumikita.     

Mga real estate properties ang pinupuntahan ng karamihan sa mga kinikita ni Enrique.     Isang farm sa Tagaytay, beach house apartment sa Spain, pitong lote within Metro Manila.

At isa sa mga future plans nito ay mag-retire sa Spain kasama ang bubuuin niyang pamilya.     

Bukod dito, mayroon na rin itong sariling film outfit, ito yung Slingshot Studios.      

Sa pagpasok nito sa film production, sinimulan niya ang co-production tulad ng comedy film na “I Am Not Big Bird” at ang horror movie na “Strange Frequencies: Taiwan Killler Hospital”.

At para lalong mapalawak ang kanyang produksiyon, nakipag-partner ito MQuest Ventures na nasa ilalaim ng pamamahala ng MVP Group.

At dahil masasabi na ngang stable ang kinabukasan ng aktor, ang Tiktok content creator na si Andrea Brown na kaya ang dahilan ng napipintong pagreretiro ng aktor. Marami ang kumukuwestiyon sa age gap nina Enrique at Andrea.

Si Enrique 34 years old na, samantalang itong dalaga ay menor de edad pa at 17 years old pa lang.     

Kaya ba hindi ito nailalantad nang husto sa publiko?  Ano ba naman kasi ang problema ng iba sa age gap?

Wala kayang pagsisisi sa parte ni Liza Soberano?     

Na tila makupad ang takbo sa inaasam-asam niyang Hollywood career?

Proud na nominated sina Krystel at Earl sa ‘49th Gawad Urian’…Direk SIGRID, ‘di napigilang mag-rant dahil sa panglalait sa mga bida ng ‘I’mPerfect’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI nga napigilan ni Direk Sigrid Andrea Bernardo na mag-rant dahil sa natatanggap na panglalait sa mga bida ng “

I’mPerfect” na mula sa Nathan Studios.Matatandaan na nagwagi ito ng Best Picture, Best Actress para kay Krystel Go, at Special Jury Prize for Best Ensemble Performance sa 51st Metro Manila Film Festival Awards.

Sa mahabang post ni Direk Sigrid sinimula niya ito ng, “PA-RANT LANG. Isa lang.

“I’m scared to celebrate my own actors.

“There. I said it.”

Pagpapatuloy niya, “When I’mPerfect won Best Picture and Best Ensemble at the 2025 MMFF, and Krystel won Best Actress, I was so proud of her, of everyone. 

“After carrying this film since 2009, I thought, FINALLY. They’re being SEEN the way they deserve to be seen.

“But NO.

“Tapos mababasa mo mga comments na ganito:

“Bakit mananalo ang isang mongoloid kaysa sa beteranang aktres?”

“Sarili lang naman niya ang ginagampanan niya.”

“PITY vote.”

“Puro retarded naman ang pelikulang ’yan.”

“Nakaka… P*t*ng*n*!”

Kuwento pa ng direktor, “Because I was there. The entire team was there.

“Krystel and Earl didn’t have years of film experience.

“They had TWO MONTHS.

“And in those two months, they didn’t just learn acting. They had to learn filmmaking.

“Continuity. Marks. Eyelines. Camera limits. Sound. Blocking. Scheduling. Lighting. Repeating the same scene, the same movement, the same emotion again and again because we needed another take. At ang dami pa!

“And it wasn’t only them. We had other actors with Down syndrome, and extras with autism, cerebral palsy, and other disabilities. We wanted them to represent themselves to show their abilities, not their disabilities.”

Dagdag pa ni Direk Sigrid, “Now I’mPerfect is being considered as a contender for the Philippines’ entry to the Oscars, and Krystel and Earl are nominated for Urian as Best Actress and Best Actor.

“I should be celebrating. Pero ang hirap hirap lang talaga.

“Because I’m still seeing the SAME COMMENTS.

“They can work twice as hard, prove themselves again and again, and still be reduced to their disability.

“How much more do they have to prove before it’s enough? Kailan ba magiging sapat?

“And what broke me was realizing I was more affected by those comments than they were.

“Chill na chill lang sila eh.

“Kasi they’ve heard these things their whole lives.

“What mattered to them was finally seeing themselves on the big screen.

“Not as a diagnosis.

“Not as someone people should feel sorry for.”

Paglilinaw pa niya, “They were Krystel playing JESSICA and Earl playing JIRO.

“So criticize the film. My direction. The script. Their performances.

“That’s part of the job.

“But they did NOT “just play themselves.”

“Hindi awa ang pinaghirapan nila.

“Trabaho. Tapang. Talento.

“I didn’t cast them out of pity. I cast them because I saw actors. I believed they could do the job. And they fucking did.

“So the next time you see an actor with a disability on screen, SEE the ACTOR first.

“Watch the performance. Judge the work. Applaud the talent.

“Don’t give them pity. Give them the same RESPECT you give every other actor.”

Samantala, malapit nang mapanood ang “ImPerfect” sa Netflix PH ayon sa kuwento ni Sylvia Sanchez. 

Patuloy itong nakatatanggap ng imbistasyon sa iba’t-ibang lugar sa Europa.  Naipalabas na ito sa 27th Lucania Film Festival sa Italy at next naman sa Prague, Czech Republic.

***

POSTPONED ang announcement ng mapipiling official entry ng Pilipinas sa 99th Academy Awards para sa Best International Feature Film category.

Nakatakda sana itong ilabas, kahapon Setyembre 4 pero nalabas ng official statement ang Film Academy of the Philippines sa pamamagitan ni Jose Paolo Villaluna.

Ang walong pelikula na pagpipilian ay ang “58th” ni Carl Joseph Papa; “All the Things I Leave You (Patawid)” ni Jade Castro; “Filipiñana” ni Rafael Manuel; “I’mPerfect” ni Sigrid Andrea P. Bernardo; “Manila’s Finest” ni Raymond Red; “Quezon” ni Jerrold Tarog; “Silenced Nights” ni Lawrence Fajardo; at “Sisa” ni Jun Robles Lana.

Ia-announce ang new date ng announcement kapag natapos ang deliberation ng National Selection Committee.

Ads September 5, 2026

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Tacko Fall, balik NBA matapos mapasama sa training camp ng 76ers

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING nagkaroon ng pagkakataong makabalik sa NBA si Tacko Fall matapos siyang mapasama sa training camp ng Philadelphia 76ers.

Inanunsyo ng 76ers nitong Martes ang pagkuha kay Fall, bilang bahagi ng kanilang training camp roster.

Huling naglaro sa NBA ang 7-foot-6 na si Fall para sa Cleveland Cavaliers noong 2021-22 season. Bago nito, naglaro siya para sa Boston Celtics.

Matapos ang kaniyang huling season sa NBA, nagpatuloy si Fall sa paglalaro sa ibang bansa. Kabilang sa kaniyang mga pinaglaruan ang mga liga sa China at New Zealand.

Sa nakalipas na apat na taon, nag-average siya ng 11.2 puntos, 7.2 rebounds at 2.1 blocks sa 18.1 minuto kada laro.

Sa NBA, nakapaglaro si Fall sa kabuuang 37 laro para sa Celtics at Cavaliers. May averages siyang 2.2 puntos at 2.4 rebounds bawat laro sa kaniyang NBA career.

Hindi pa garantisado ang puwesto ni Fall sa final roster ng Philadelphia dahil kailangan muna niyang makasabay sa training camp at makuha ang isa sa mga available na roster spots.

Ang pagbabalik ni Fall ay muling nagbubukas ng pagkakataon para sa dating undrafted center na makapaglaro sa NBA matapos ang ilang taong paglalaro sa international leagues.

Gilas Pilipinas may exhibition game muna sa South Korea bago ang pagsabak sa Asian Games

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA South Korea na ang Gilas Pilipinas para magsagawa ng exhibition games sa araw ng Biyernes at Linggo.Sanggunihang Pang-heyograpiko

Bahagi ito ng paghahanda ng national basketball team para pagsabak nila sa Asian Games sa Japan.

Kabilang sa mga napili na maglaro para sa Gilas Pilipinas ay sina Zavier Lucero, Jerrick Ahanmisi, Sedrick Barefield,Don Trollano, Adrian Nocum, Brandon Bates, Robert Bollick, Brandon Ganuelas-Rosser, Justin Arana, Justine Baltazar at RJ Abarrientos.

Sinabi naman ni Gilas coach Tim Cone na mayroong posibilidad na makasama si Justin Brownlee subalit wala pa itong katiyakin.

Hindi naman nito isinama si Jason Perkins sa inisyal na 30-man pool dahil sa dinaranas nitong injury.

Nasa Group C ang Gilas Pilipinas kasama ang bansang China, Bahrain at Kazakhstan sa Asian Games.

Gaganapin ang unang laro ng Gilas sa Setyembre 11 laban sa Bahrain habang sa Setyembre 12 naman ay makakaharap nila ang Kazakhstan at sa Setyembre 14 naman ay makakasagupa nila ang bansang China.

EJ Obiena nagkamit ng silver medal sa Domspringen Wesel International

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGKAMIT ng silver medal sa2026 Domspringen Wesel International sa Germany si Pole Vault si Pinoy pole vault star EJ Obiena.

Na-cleared kasi ni Obiena ang 5.75 meters para pumangalawa sa walong mga kalahok.

Nanguna naman si Robin Emig ng France habang si Cole Walsh ng US ay pumangatlo sa nasabing kumpetisyon.

Ang nasabing panalo ay kasunod ng pagkamit niya ng gintong medalya sa ISTAF Berlin sa Germany.

Sinabi nito na naging malaking hamon ang mga araw dahil ito ang pang-anim na kumpetisyon niya sa loob ng 14 na araw.

Kuwalipikado na si Obiena para sa 2027 World Athletics Championships sa Beijing, China.

Naghahanda na rin si Obiena para sa pagtatanggol niiya ng kaniyang titulo sa Asian Games ngayong buwan.

VP Sara, bagama’t may option na hindi dumalo sa trial, siya lamang ang makapagpapaliwanag kung saan napunta ang confidential funds

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SI VICE President Sara Z. Duterte ang natatanging personalidad na makapag papaliwanag kung saan napunta ang kanyang confidential funds matapos ihayag ng kanyang mga opisyal na sangkot sa paghahawak ng pondo na hindi nila alam kung papaano ito ginastos.

“So I think it leaves us with no one to explain what happened to the confidential funds but the Vice President alone. Klaro po ’yan,” ayon kay House impeachment team spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong sa isang press briefing.

Ang pahayag ng Lanao del Sur solon ay tugon sa posisyon ng depensa na hindi kinakailangang dumalo ng personal si Duterte sa Senate impeachment trial at magagawa nitong magpatuloy sa kanyang tungkulin habang nirerepresenta siya ng mga abogado.

Sinabi ni Alonto Adiong na may option si Duterte na hindi dumalo sa pagdinig subalit siya mismo ang opisyal na nasa trial.

“May option naman din ang Vice President, di ba, na hindi pumunta. Pero parati po nating sinasabi, trial po niya ito. At base po sa mga naging testigo, ’yung mga inutusan niya na mag-violate, na hindi sumunod sa joint circular, lahat sila sinasabi hindi nila alam, hindi nila alam paano ginasta,” dagdag ni Alonto Adiong.

“So that leaves only one person to explain to the public: Saan napunta? Bakit ’yun ang utos niya? Saan napunta ’yung confidential funds na ito?” pagtatanong nito.

(VINA de GUZMAN)

Pagbabalik ng pondo para sa NCR Busway Project, apela ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMAPELA si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña sa pagbabalik ng pondo para sa NCR Busway Project (kabilang ang EDSA Busway), Service Contracting Program, at Fuel Subsidy Program makaraang walang pondong nakalaan para sa nasabing tatlong programa sa panukalang 2027 budget ng Department of Transportation’s (DOTr).

Sa ginanap na deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa budget ng DOTr, sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na ang rason ng Department of Budget and Management

Kung bakit hindi naisama sa panukalang badyet ang mga programa at hindi matustusan ay dahil sa walang mapagkuhanan ng pondo para dito.

Sinabi ni Cendaña na “the national budget is the ultimate expression of the President’s priorities and commitments. Kapag malaki ang budget sa isang programa, mataas ang priority. Kapag walang budget, hindi ka priority. Pinapakita lang nitong zero budget na hindi priority ang milyon-milyong commuters at ang libu-libong tsuper at transport workers.”

Nagbabala pa ito na ang pag-alis ng pondo sa mga programa ay magpapalala sa araw-araw na commute ng milyong Pilipino habang tumataas ang financial burden sa public transport workers.

“Nakakainis isipin na ’yung mga programang nagdadala ng kahit kaunting ginhawa sa ating mga kababayan pa ang pinagdiskitahan at tinanggalan ng pondo. The NCR/EDSA Busway has provided millions of commuters with a faster and more reliable way to get to work, school, and home. Service contracting has helped keep public transport running while supporting drivers and operators especially during times of crises. Fuel subsidies, meanwhile, provide much-needed relief to drivers struggling with fuel price shocks caused by the war in the Middle East,” ani Cendaña.

Tinuligsa din nito ang administrasyong Marcos sa paggamit ng salitang “limited fiscal space” para bigyang hustisya ang pag-alis sa mga programa.

“Nakakalungkot naman na kapag usapin ng pagtitipid, ’yung kapakanan ng ating commuters at public transport workers ang tinitipid. These are not luxuries. These are essential public transport programs that directly affect the daily lives and livelihoods of millions of Filipinos.”

May pagkakataon pa aniya ang Kamara na maibalik ang pondo sa panahon ng budget deliberations at masiguro na maging prayoridad ang public transportation sa 2027 National Budget.

“I hope our colleagues in the House will join us in pushing to restore the requested budgets of these programs. The millions of EDSA commuters deserve a respite from the punishing experience of the commute, while our drivers deserve support as they struggle with rising fuel and operating costs,”

pahayag nito. (VINA de GUZMAN)

Baril, mga pampasabog nasamsam sa naarestong wanted na kriminal sa Caloocan 

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKUMPISKA ng pulisya sa isang wanted na kriminal ang baril, granada at tatlong pillbox bomb matapos maaresto sa ikinasang operation sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling.

Bitbit ang dalawang warrant of arrest mula sa magkahiwalay na korte, sinalakay ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth ang bahay ng 30-anyos na akusado dakong alas-4:20 ng madaling araw sa Barangay 178, North Caloocan.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na may suot na body camera ang kanyang mga tauhan nang isilbi sa akusado ang naturang mga warrant of arrest.

Inilabas ang nasabing mga arrest warrant ng Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 126 para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa at isa pa mula sa RTC Branch 127 para sa kasong homicide na may inilaang piyansang P120,000.

Hindi na nagsagawa ng paghahalughog sa bahay ng akusado ang mga pulis dahil lantad na sa kanilang paningin ang kalibre .38 revolver, granada, at mga pillbox bomb na pag-aari ng wanted na akusado.

Bukod sa kinakaharap ng mga kaso sa hukuman, sasampahan pa ng mga pulis ng reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Illegal Possession of Explosives ang akusado sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

GORDON: KILALANIN ANG LABANAN SA IMUS BILANG UNANG TAGUMPAY NG HIMAGSIKAN

Posted on: September 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IMUS, CAVITE — Nanawagan si dating Senador Richard Gordon na kilalanin ang Labanan sa Imus bilang Unang Tagumpay ng Himagsikang Pilipino, sa paggunita sa ika-130 anibersaryo nitong September 03, 2026 sa Imus City Cavite.

Naganap ang labanan mula Agosto 31 hanggang Setyembre 3, 1896, sa mga unang yugto ng Himagsikan. Sa kabila ng kakulangan sa armas, nagtagumpay ang mga rebolusyonaryong Pilipino na makuha ang hacienda sa Imus, kasama ang mga baril, kanyon at bala.

Noong Setyembre 3, ginamit ng mga rebolusyonaryo ang nakuhang kanyon laban sa puwersa ni Heneral Ernesto de Aguirre at napaurong ang mga sundalong Espanyol patungong Bacoor.

Ayon kay Gordon, naging mahalaga ang tagumpay sa pagpapalakas at pagpapalawak ng Himagsikan sa Cavite.

“Dapat malaman ng kabataan na may mga Pilipinong nanalo kahit wala silang sapat na armas at wala silang makapangyarihang kakampi,” ani Gordon.

Aniya, panahon na upang higit na kilalanin ang mga tagumpay at bayaning naging bahagi ng Himagsikan. (Gene Adsuara)