• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

Papayag si Onemig sa ano mang nanaisin ng girlfriend… AIKO, mas gusto ang isang solemn na Christian wedding

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINANONG namin si Aiko Melendez kung ano ang dream wedding niya.
Sagot ng actress/politician, “Simple lang pero gusto ko solemn siya and parang ano mas gusto ko, kasi Christian wedding ang gagawin ko, di ba, so iyon.
“Invited ko lang kung sino yung parte ng journey namin.”
Beach o garden wedding?
“Beach or garden would do.”
Going strong ang relasyon nina Aiko at Onemig Bondoc kaya tinanong rin namin si Onemig ng same question.
“Well basta gusto ko lang makasama si Aiko, iyon lang, iyon lang ang dream wedding ko, wala ng iba, kahit ano’ng wedding basta siya yung kasama ko.
“Kahit saan pa iyan, kahit sa garden, kahit sa city hall, kahit saan,” ang nakakakilig na sagot sa amin ni Onemig.
Sa recent vlog nila ay tinanong si Onemig kung handa na siyang pakasalan si Aiko at sumagot siya na oo, handa siya.
Proposal na ba iyon?
“Hindi pa naman, we’re taking it slowly,” pakli ni Onemig.
“Praying na hopefully makarating doon. Road to forever.”
Handa na ba si Aiko?
“I feel in my heart na he is my end game.
“Lahat nasasabi ko sa kanya na walang filter, hindi ako natatakot na ma-judge, hindi de-numero ang kilos ko, na kailangan ganito ako in public.
“Kung sino ako tanggap niya ako,” lahad ni Aiko.
***
PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang kuwento sa international stage ng Filipino journalist at documentary filmmaker na si Editha Caduaya.
Pinarangalan ang kanyang documentary film na Sa Likod ng Tsapa (Beneath The Badge: The Story of Police Colonel Hansel M. Marantan) bilang Outstanding Excellence Award sa Documentaries Without Borders International Film Festival nito lamang March 15, 2026.

Ang nabanggit na pagkilala ay karagdagang parangal sa pelikula na patuloy na hinahangaan sa iba’t-ibang bansa.

Bukod dito, nitong January 18, 2026 ay pinarangalan ang Sa Likod Ng Tsapa/Beneath the Badge ng Special Mention Award sa Dhaka International Film Festival, isa sa mga tinitingalang platforms para sa global cinema. Ang naturang dokumentaryo ay tungkol sa tagos sa puso at makatotohanang kuwento ni Hansel M. Marantan, isang Philippine National Police officer na ang buhay at karera ay hinubog ng kontrobersiya, sakripisyo, tibay ng loob at pagpapakita ng katotohanan.

Sa pamamagitan ng mga panayam, archival footage, at naratibong paglalahad, ibinahagi ng pelikula ang emosyunal at moral na kabuuuan ng pagiging isang alagad ng batas bilang pagpapakita, sa bihirang pagkakataon, ng personal na laban sa likod ng tsapa.

Para kay Ms. Caduaya, ang pagkilala ay hindi lamang tagumpay sa kanyang pagiging isang direktor at manunulat kundi isa ring pagpupugay sa mga nakatagong kuwento sa likod ng serbisyo ng mga alagad ng batas at sa mga kababaihang filmmakers sa bawat rehiyon sa bansa.

Ayon sa kanya, “This documentary was created to show the human side of those who dedicate their lives to public service.

“Behind every badge is a story of sacrifice, pain, courage, and hope. These awards remind us that these stories deserve to be heard.”

Si Caduaya, isang journalist na may mahigit dalawang dekada ng karanasan sa pagbabalita ng pamamahala, pakikibaka at social issues sa Mindanao ay pumasok sa mundo ng dokumetaryo upang mailahad ang mas malalim na kuwento ng mga nilalang na minsan ay hindi nakikita sa mga headlines.

“There were moments when telling this story was emotionally heavy,” pahayag ni Caduaya, “But I believed the world needed to see the person behind the uniform—the man who endured trials and accusations yet continued to serve his country.”

Ang Documentaries Without Borders International Film Festival ay nagbibigay-halaga sa mga tunay na kuwento mula sa iba’t-ibang sulok ng mundo na tumatalakay sa katotohanan at karanasan ng bawat tao, tulad ng Sa Likod Ng Tsapa/Beneath the Badge, na nagwagi dahil sa makabuluhan at masusing paglalahad nito.

Ayon pa rin kay Caduaya, “This award is not just for the film, it is for every officer who continues to serve despite hardship, for every family who stands behind them, and for every storyteller who believes that truth and humanity matter.”

Sa patuloy na pagkilala sa international platforms, inaasahan na ang Sa Likod Ng Tsapa/Beneath the Badge ay aabot pa sa mas malawak na manonood sa pamamagitan ng mga screening at mga kaganapang pangkultura na magdadala ng mga kuwentong Pilipino ng serbisyo, tibay ng pagkatao at hustisya sa buong mundo.

(ROMMEL L. GONZALES)

The Empire State Building lights up in red and blue as Tom Holland and fans from around the world celebrate the launch of the “Spider-Man: Brand New Day” trailer

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Tom Holland surrounded by fans celebrating the launch of the official trailer for “Spider-Man: Brand New Day” on top of the Empire State Building

A one-of-a-kind trailer debut event was spearheaded by actor Tom Holland for his latest film “Spider-Man: Brand New Day.” Local fans were invited to join Holland in the grand launch of the trailer. The iconic Empire State Building was lit in Spider-Man’s iconic red and blue in time with the release of the trailer.

Watch the Empire State Building light for the trailer launch: https://youtu.be/9JbeVupC5gE

Watch the trailer: https://youtu.be/WMSNBV12MYs?si=f_DaGH3-pUQjjfiw

Fans all over the world celebrated a brand new day with a special video sharing personal stories about what Spider-Man meant to them. It’s then followed by an exclusive piece of the official trailer, with the fan tagging the next one in the sequence. They encouraged audiences to follow the relay across time zones to simultaneously celebrate a “Brand New Day.”

image.jpegimage.jpeg

L: Tom Holland preparing to pull the lever that will turn on the Spider-Man themed lights of the Empire State Building | R: Tom Holland posing with a miniature display of the Empire State Building

Watch the “Spider-Man: Brand New Day” be celebrated across the globe: https://youtu.be/SdRr0urgZFo

“Spider-Man: Brand New Day” arrives in Philippine cinemas on July 29.

About Spider-Man: Brand New Day

After the record-breaking global success of Spider-Man: No Way Home, Spider-Man: Brand New Day marks an entirely new chapter for Peter Parker and Spider-Man. Four years have passed since the events of No Way Home, and Peter is now an adult living entirely alone, having voluntarily erased himself from the lives and memories of those he loves. Crime-fighting in a New York that no longer knows his name, he’s devoted himself entirely to protecting his city — a full-time Spider-Man — but as the demands on him intensify, the pressure sparks a surprising physical evolution that threatens his existence, even as a strange new pattern of crimes gives rise to one of the most powerful threats he has ever faced.

Directed by: Destin Daniel Cretton

Written by: Chris McKenna & Erik Sommers

Based on the MARVEL Comic Book by: Stan Lee and Steve Ditko

Produced by: Kevin Feige, Amy Pascal, Avi Arad, Rachel O’Connor

Executive Producers: Louis D’Esposito, David Cain

Cast: Tom Holland. Zendaya, Sadie Sink, Jacob Batalon, Jon Bernthal, Tramell Tillman, Michael Mando, and Mark Ruffalo

Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Nangako na palaging handa na tumulong… BELA, dumalo sa hearing para suportahan ang panukalang batas para sa local films

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DUMALO si Bela Padilla sa House of Representatives’ committee on creative industries hearing, para suportahan ang panukalang batas na naglalayong palakasin ang lokal na pelikula sa pamamagitan ng Philippine Film Commission.

At sa kanyang Instagram post, sinabi ni Bela na…

“I was only able to stay for everybody’s opening statements but I actually had answers for the ten questions I was sent beforehand, when asked for suggestions to help fix problems that I see as a filmmaker today.

“The reaction was always the same. They’re amazed at our output when our budgets are so low.”

Dagdag pa ng aktres, “Honestly, I always get sad when I hear a Filipino put down a local film or review a local film harshly and compare our work to an international project that has a budget we can only dream of, because I see foreigners appreciate our work more than we do.”

“And sadly, that lack of patriotism or pride in our work is apparent not only in the film industry but in every sector,” saad niya pa.

May nakita namang oportunidad si Bela na makatulong sa industriya sa pamamagitan ng mga ideya ni Negros Occidental Rep. Javi Benitez, chairman ng House Special Committee on Creative Industries.

“I was pleasantly surprised to see the other day that the bill covers so much of what needs to be addressed like fair equity for creatives and producers,” pahayag pa ng aktres.

Ipinangako naman ni Bela na palagi siyang susuporta sa film industry.

“I wish I got to stay longer but I had to go back to set. But I obviously will always be here to help the industry I love most in any way I can.

Dagdag pa niya, “What I clearly saw the other day is that one truly doesn’t need to be elected to help. And that there are people elected who still care.”

“We have a long way to go. But this bill, if passed and done correctly, will get us closer.” (ROHN ROMULO)

Nakikita kasi na mahal na mahal nila ang isa’t-isa… ANDRE, hinding-hindi tututol sakaling magpapakasal sina AIKO at ONEMIG

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDING-HINDI raw tututol si Andre Yllana kung magpapakasal ang kanyang mommy na si Aiko Melendez sa bago nitong boyfriend na si Onemig Bondoc, dahil botong-boto siya.
Ayon pa sa naging pahayag ng Viva Artists Agency (VAA) talent nang matanong sa relasyon nina Aiko at Onemig…
“Parang dalaga si mommy ngayon. She is really happy. Pa-out-of-town lang nang pa-out-of-town.
“Nakikita ko sila, mapapa-‘sana all’ ka na lang. Happy talaga sila and masaya rin ako for them dahil nararamdaman ko namang mahal talaga nila ang isa’t isa,” pahayag pa ng anak ni Jomari Yllana kay Aiko.
Pag-amin pa niya ‘pag nakikitang super sweet ang mag-dyowa, “Aminin ko, minsan cringe ako, pag nagti-TikTok sila, but this must be love!”
Payag na payag nga siya kung sakaling magdesisyon na silang magpakasal.
“Go! Maging masaya ka, mommy. Unspoken na ever since dati, kapag gusto niya ulit, basta mahal mo at masaya, go!
“Dati sinasabi niya sapat na kami sa kanya. Pag hindi naman siya pagpalain, nandito lang kami palagi, Ma,” pahayag pa ng aktor.
Samantala, masayang-masaya si Andre at labis ang pasasalamat sa big bosses ng Viva Entertainment sa muli niyang pinapirma ng kontrata.
Mula sa success ng first two seasons ng “Ang Mutya ng Section E” (2025-2026) and the thriller-mystery drama series “Hell University” (2026), mas dumami pa ang supporters ni Andre sa Viva One streaming platform.
Ang iba pa niyang nagawa ang horror film na ‘Pasahero’ (2024), ang drama series ng TV5 na ‘Lumuhod Ka Sa Lupa’ (2024-2025), na nagpakita ng pagiging versatile actor niya.
Nakasama rin siya sa ‘The Seniors’ (2022), ‘Expensive Candy’ (2023), ‘The Rain in España’ (2023), at ‘Safe Skies, Archer’ (2023-2024).
At sa bago niyang kontrata sa VAA, handang-handa na siya sa bagong hamon sa pag-arte at ma-establish na isa sa sought-after young actors ng Viva.
***
7 Pelikula, lusot sa mahigpit na pagsusuri ng MTRCB

KASAMA ang “Songs for Selina,” isang Filipino musical drama, sa bagong hanay ng mga pelikulang pinayagang ipalabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayong linggo matapos itong bigyan ng R-18 rating.
Ang pelikula, na pinagbibidahan nina Rachel Alejandro, Mica Javier, Jay R at Rachel Coates, ay tumatalakay sa mas mabibigat na tema gamit ang musika at drama kaya ito binigyan ng R-18 classification.
Ang R-18 ay nangangahulugang para lamang ito sa mga nasa hustong gulang at maaaring maglaman ng matitinding tema, wika, karahasan, sex, kahubaran, horror o paggamit ng droga na hindi angkop sa mga wala pang 18 taong gulang, ayon kay MTRCB Chairperson at Chief Executive Officer Lala Sotto.
Iba’t ibang genre ang tampok sa lineup ngayong linggo—mula drama, science fiction, horror, animation hanggang fantasy.
Kabilang sa mga lokal na pelikula ang “The Graduation Day,” na pinagbibidahan Nina Jeric Gonzales, Elizabeth Oropesa at Simon Ibarra, na nakakuha ng PG o Parental Guidance rating.
Ang PG rating ay nangangahulugang may ilang sensitibong elemento ang pelikula ngunit maaari pa ring panoorin ng mas batang audience basta may gabay ng magulang o nakatatanda, paliwanag ni Chairperson Sotto.
Sa mga international releases, kabilang ang science fiction film na “Project Hail Mary” na pinagbibidahan ni Ryan Gosling, na binigyan ng PG rating dahil sa action-driven na kwento. Gayundin ang biographical sports drama na “Giant,” na tampok sina Pierce Brosnan at Amir El-Masry, na PG din ang rating.
Patok pa rin ang horror sa lineup. Ang “Mudborn,” na tampok sina Cecilia Choi at Yo Yang, at “Mortuary Assistant,” na pinagbibidahan ni Willa Holland, ay parehong nakakuha ng R-16 rating dahil sa matitinding eksena at nakakagulat na imahe.
Ang R-16 ay nangangahulugang maaaring maglaman ang pelikula ng mas mabibigat na tema, karahasan o nakaaalarmang eksena na hindi angkop sa mga wala pang 16 taong gulang.
Samantala, ang anime na “Gintama on Theatre 2D: Shinsen-Gumi Doukan Arc” ay binigyan ng PG rating kaya maaari itong panoorin ng mas batang audience basta may gabay ng magulang.
Para sa special screenings mula Marso 20 hanggang 22, ipapalabas sa sinehan ang extended edition ng “The Lord of the Rings: The Return of the King,” na pinagbibidahan nina Elijah Wood, Ian McKellen, Viggo Mortensen, Liv Tyler at Orlando Bloom. Ito ay may PG rating dahil sa mga eksena ng fantasy violence.
May sneak preview rin ng “Ready or Not 2: Here I Come,” isang horror-comedy na pinagbibidahan Nina Shawn Hatosy, Samara Weaving at Sarah Michelle Gellar, na binigyan ng R-16 rating dahil sa karahasan, suspense at dark humor.

(ROHN ROMULO)

Tatlong bagong Deputy Speakers, inihalal

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG bagong Deputy Speakers ang inihalal ng Kamara sa isinagawang plenary session nitong Miyerkules.
Ang tatlong bagong lider ay sina Pangasinan Rep. Maria Rachel Arenas, Cebu Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco at Bacolod Rep. Alfredo “Albee” Benitez.
Ang Deputy Speakers ay ang ikalawa sa pinakamataas na ranking officials sa kamara at nagsisilbing presiding officer sa plenary proceedings kapag wala ang Speaker. si South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez ang kasalukuyang Senior Deputy Speaker.
Kabilang sa tungkulin ng Deputy Speakers ang mag-monitor, mag-coordinate at mag-facilitate ng aksyon sa mga inihaing panukala, requests at iba pang usapin na inilahad ng mga miyemrbo ng Kamara kaugnay sa kani-kanilang constituent.

Habang ang iba pang Deputy Speakers ay sina Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, Lanao Del Sur Rep. Yasser Alonto Balintong, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V, Zambales Rep. Jefferson Khonghun, Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Antipolo Rep. Ronaldo Puno, Iloilo 4th District Rep. Ferjenel Biron, TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, Misamis Oriental Rep. Yevgeny Vincente Emano, at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez.

Sa pamamagitan ng kanilang pasilitasyon sa plenary discussions, nagawa ng kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, na maipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang 17 sa 52 priority measures na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago mag-recess.

Kabilang na rito ang House Bill (HB) 8418, na nagbibigay kapangyarihan sa Presidente na suspendihin ang koleksyon ng excise tax sa oil products sa panahon ng emergency; HB 8477, o Presidential Merit Scholarship program act; HB 8468, para sa paggamit ng digital payments sa government transactions; HB 8389, o anti-political dynasty bill, at iba pang panukalang batas.
Magbabalik ang sesyon ng Kamara sa Mayo 4, 2026. (Vina de Guzman)

IMBESTIGASYON SA ULAT NG PANGINGIKIL, INIUTOS NI BI COMMISSIONER VIADO

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIUTOS ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang agarang imbestigasyon sa ulat ng media tungkol sa umano’y insidente ng panggigipit sa NAIA.
“Sineseryoso namin ang mga alegasyong ito,” ani Viado. “Mahigpit ang patakaran ng Kawanihan laban sa anumang uri ng maling gawain, kabilang ang paghingi ng hindi awtorisadong bayad at ang hindi tamang pagtrato sa mga dumarating na pasahero,” dagdag niya.
Ayon kay Viado, inatasan niya ang agarang pagsasagawa ng fact-finding investigation kabilang ang pagtukoy sa mga tauhang naka-duty, pati na ang pagpreserba at pagsusuri ng lahat ng CCTV footage at mga kaugnay na rekord.
“Kung susuportahan ng ebidensya ang mga alegasyong ito, hindi kami mag-aatubiling magsampa ng kaukulang kasong administratibo at kriminal laban sa mga sangkot,” ani Viado.
Hinikayat din niya ang sinumang may direktang kaalaman sa maling gawain ng mga tauhan ng BI na lumapit at makipag-ugnayan direkta sa kanyang tanggapan upang masusing maimbestigahan ang usapin.
“Walang puwang ang pagpayag sa mga kilos na sumisira sa integridad ng aming institusyon at sa tiwala ng publiko. Tulad ng aming ginawa noon, haharapin ng mga nagkasalang tauhan ang pinakamabigat na parusa. Walang lugar ang korapsyon sa Bagong Immigration na ating sinusunod,” babala ni Viado. ( Gene Adsuara)

PBBM, nangako na pananatilihin ang normal na buhay sa bansa sa gitna ng tumataas na presyo ng langis, labanan sa Gitnang Silangan

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na normal pa rin ang buhay ng mga Filipino sa kabila ng sumirit na presyo ng langis sa nakalipas na linggo dala ng umiiral na tensyon sa Gitnang Silangan.

”Sana matapos na ang giyera, at habang may giyera pa rin, eh normal pa rin ang buhay ng ating… lalo na ‘yung mga manggagawa,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam sa Mariveles, Bataan.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na tinitingnan ng gobyerno ang iba pang hakbang para magbigay ng subsidies para sa mga sektor na apektado ng krisis, sabay sabing ayaw niyang mangamba ang publiko.
”So, we are trying to find different methods para makapagbigay ng subsidy, para makapagbigay ng tulong. The problem is masyadong malikot ang presyo ng langis. Hindi natin ma-anticipate. So we are still adjusting right now,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”But I think so far kahit papaano, we will be able to soften the blow ika nga. Basta’t we want to keep –as much as possible huwag pong mag-alala ang tao,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Nauna rito, nagsagawa ng nationwide transport strike, araw ng Huwebes ang transport group Piston at progressive alliance Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Nagtipon ang mga nagprotesta sa Welcome Rotonda sa Quezon City para sa press conference bago simulan ang kilos-protesta, na inaasahang makakaapekto sa pangunahing ruta sa bansa.
Humiling ang mga grupo ng agarang aksyon mula sa gobyerno, kabilang ang pagtanggal ng VAT at excise tax sa gasolina at rollback ng presyo sa P55 kada litro.
Bukod sa presyo ng langis, nanawagan rin sila ng P5 dagdag-pasahe sa lahat ng PUV, P1,200 dagdag-sahod para sa lahat ng manggagawa, at agarang cost-of-living subsidy para sa lahat ng apektadong sektor.
Ang transport strike ay sumunod sa utos ni Pangulong Marcos na ipagpaliban ang naunang anunsiyong taas-pasahe at magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
Dahil sa tensiyon sa Gitnang Silangan dulot ng digmaan ng US-Israel at Iran, na halos nagdulot ng mataas na presyo ng langis, nagpapatupad ang Pilipinas ng apat na araw na workweek para sa mga kawani ng gobyerno, pamimigay ng cash aid sa tricycle drivers, at pagsasaalang-alang ng pagbili ng langis mula sa Russia ng tanging refinery sa bansa. ( Daris Jose)

Pagmomodernisa sa Civil Registry Bill, aprub na

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maisaayos ang dekadang panahon ng butas sa lumang sistema sa pagpaparehisto, ipinasa ng Kamara ang panukalang modernong civil registry bill.

Inaprubahan ng House Committee on Population and Family Relations ang substitute bill na mag-a-update sa civil registry system ng bansa.

Layon nitong solusyunan ang matagal na ring problema sa pagpaparehistro sa kapanganakan at kamatayan na nakakaapekto sa milyong Pilipino.

Pinagsama-sama ng komite ang mahigit sa 29 panukala kabilang na ang House Bill No. 5213 na inihain ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez, kasama sina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez, Andrew Julian Romualdez at Jude Acidre.

Sa panukalang Philippine Civil Registry Act, aamyendahan nito ang Republic Act No. 3753, ang 1930 law na sumasaklaw sa registration ng kapanganakan, kasal at kamatayan.

Magkakaroon ng reporma sa late at delayed registration, palakasin ang inter-agency data sharing at isulong ang digitalization ng civil registry processes, partikular na ang improvement sa access sa mga geographically isolated at disadvantaged na lugar.

Ang panukala ay bahai ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority agenda ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni TINGOG Rep. Jude Acidre, vice chairperson ng komite na ang pagkaka-apruba ng panukala ay isang senyales para matugunan ang patuloy na problema sa pagpaparehistro.

“For many Filipinos, the challenge is not just access to services, but access to recognition,” ani Acidre.

Ayon sa mambabatas ang hindi kumpleto at delayed registration ay patuloy na naglilimita sa access sa education, healthcare at social protection, lalo na sa komunidad.

“This is where policy must meet lived experience. We are not just updating a law—we are correcting a system that, for too long, has left some Filipinos unseen and underserved,” dagdag nito.

Iginiit pa ni Acidre na ang pagkakaroon ng reliable civil registry system ay susi para mapabuti ang governance at service delivery.

“Good policy begins with good data, and good data begins with complete and accurate registration. If we want government to respond effectively, we must ensure that no Filipino is left behind—that every Filipino is counted and recognized,” pahayag nito.
ang committee-approved measure ay isusumite para sa committee report at plenary deliberations.
(Vina de Guzman)

UCC, MAY 75 BAGONG REGISTERED CRIMINOLOGIST, 82 PERCENT OVERALL PASSING RATE, NAKAMIT

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagpakita ng kanilang mahusay na pagganap sa national board examinations
ang University of Caloocan City (UCC) nang ang College of Criminology ay gumawa ng 75 passers sa 2026 Criminology Licensure Examination na may 82.42 percent overall passing rate.

Nakamit din ng UCC ang 86.90 porsiyentong rate para sa mga first-time na kumukuha, na mas mataas din sa National Average na 66 porsiyento.

Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga bagong Registered Criminologists at hinikayat silang gamitin ang kanilang kaalaman para makapag-ambag sa pagpapabuti ng kaligtasan ng publiko, lalo na sa Caloocan.

“Sa ating bagong criminologists, nawa’y makatulong namin kayo sa pamahalaang lungsod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating lungsod,” pahayag niya.

“Sa bawat achievement ng mga estudyante ng UCC, dala-dala ninyo ang pangalan ng buong Lungsod ng Caloocan kaya naman ipinagmamalaki namin kayong lahat at tiwala kami na magtatagumpay kayo sa inyong mga napiling larangan,” dagdag ni Mayor Along. (Richard Mesa)

LIBRENG SAKAY SA MAYNILA

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKA-standby ang libreng sakay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Kartilya ng Katipunan upang tumulong sa mga commuter na naapektuhan ng tigil-pasada.
Sa pangunguna ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD), alinsunod sa direktiba ni Mayor Isko Moreno Domagoso, ay nag-deploy ng mga sasakyan ang lungsod at mga katuwang na ahensya, kabilang ang:
• 2 trucks at 2 Hilux units mula sa City Government of Manila
• 1 DFP truck at 14 back-to-back mobile units mula sa Manila Police District (MPD)
Saklaw ng libreng sakay ang mga rutang:
• Vito Cruz hanggang Welcome Rotonda
• Vito Cruz hanggang Monumento
• Kartilya ng Katipunan bilang pangunahing jump-off point
Nagsimula ang deployment kaninang alas-5:00 ng umaga at magpapatuloy hanggang alas-7:00 ng gabi, o hanggang magbigay ng abiso ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na wala nang stranded na commuter sa mga lansangan.
Patuloy na nakaantabay ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang matiyak ang maayos at ligtas na biyahe ng bawat Manileno. (Gene Adsuara)