• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

contributors

  • P319 million na Chinese remittances sa isang kumpanya na may kaugnayan kay VP Sara, ikinaalarma ng Pangulo

    May dahilan para maalarma si Presidente Ferdinand Marcos Jr., sa P319 million na Chinese remittances sa isang kumpanyang may ugnayan umano sa asawa ni Vice President Sara Z. Duterte lalo na sa isyu ng national security. Ayon kay House impeachment team adviser at spokesperson Ace Barbers na nangangailangan ng masusing imbestigasyon ang naturang transaksyon partikular […]

  • Halos 100 Malabuenos, nakinabang sa Red Cross Health Caravan

    UMABOT sa halos 100 residente ng Lungsod ng Malabon ang nabigyan ng libreng serbisyo sa Health Caravan na hatid ng Philippine Red Cross-Malabon City Chapter, na ginanap sa Tinajeros National High School sa Barangay Tinajeros ng lungsod. Nagbigay ang Philippine Red Cross ng iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng konsultasyong medikal at check-up, libreng gamot, […]

  • APELA NI GUO NA MAKALAYA IBINASURA NG CA

    IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang apela ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na palayain siya mula sa kulungan. Nahatulang guilty si Guo sa kasong qualified human trafficking na iginiit na iligal siyang inaresto ng Bureau of Immigration (BI). Sa desisyon ng CA nitong Oktubre 5 muling iginiit ng appellate court ng dating […]

  • GAMITAN NG PUNTOD ONLINE FINDER ANG PUNTOD NG YUMAO

    PINAYUHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gamitin ang Puntod Online Finder upang madaling maghanap ang puntod ng yumao nilang mahal sa buhay. Karamihan kasi sa mga puntod ay matagal na ring hindi nabibisita kaya hinikayat ng Manila LGU ang publiko na hanapin ito sa pamamagitan ng nasabing online finder kapag sila ay malilinis bago […]

  • 2 durugista, tiklo sa sugal at pot session sa Valenzuela 

    SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaktuhan nagsusugal at gumagamit umano ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa Casa Rival Northville 1, Brgy. Bignay nang maaktuhan nila ang […]

  • CALOOCAN LGU, PINALAKAS ANG MENTAL HEALTH SERVICES 

    NAG-AALOK na ngayon ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng libreng mental health screening at konsultasyon para sa mga residente nito sa pamamagitan ng Caloocan City Calm Space, isang mental wellness lounge na nagsisilbing kanlungan para sa mga nais mag-relax, maglinis ng isipan, magbahagi ng kanilang mga saloobin, at humingi ng tulong mula sa mga eksperto […]

  • Import ban sa karneng baboy at mataas na taripa upang maprotektahan ang lokal na industriya, panawagan ng mambabatas 

    ISANG mambabatas ang nanawagan ng import ban sa karneng baboy at mataas na taripa upang maprotektahan ang lokal na industriya. “Ang pagbagsak ng industriya ng baboy ay bunga ng dekadang import liberalization, smuggling, at pagpapabaya ng gobyerno sa lokal na agrikultura,” pahayag ni Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago.  Kinuwestiyon ni Elago ang ginagawang tugon […]

  • Pagtataguyod ng rooftop solar energy system sa lahat ng government housing projects, panukala ng mambabatas

    PINANUKALA ng isang mambabatas ang pagtataguyod ng rooftop solar energy system sa lahat ng government housing projects sa buong bansa bilang pagtitipid sa singil ng kuryente sa mga low income households at mga informal settlers. Inihain ni Quezon City Rep. Michael Ray Vargas ang House Bill No. 10478, o “Power sa Mamamayan Act,” sa nais […]

  • Valenzuela LGU, namahagi ng portable water pumps sa 33 barangay

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng tig-isang portable water pump sa 33 barangay ng Valenzuela upang makatulong para mas mapabilis ang pagtugon sa pagbaha sa bawat barangay. Kasabay nito, nakipagpulong din po ang Pamahalaang Lungsod sa Liga ng mga Barangay upang talakayin ang kanilang mga hinaing at pangangailangan. […]

  • Welcome sa Malakanyang: Maayos na kalusugan ni Digong Duterte, paghahayag ng katotohanan ukol sa drug war killings

    WINELCOME ng Malakanyang ang naging pagpapasya ng International Criminal Court (ICC) na na nagdedeklara na ‘fit’ si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na humarap sa paglilitis. Para kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, iyon din naman kasi ang inaasahan ng mga Filipino na malusog na haharap si Digong Duterte […]

  • Malakanyang, nanawagan kay VP Sara na tigilan na ang ‘plain arrogance’ ukol sa confi funds, iba pang isyu

    NANAWAGAN ang Malakanyang kay Vice President Sara Duterte hinggil sa kanyang pagiging “plain arrogance” kaugnay sa Office of the Vice President’s (OVP) confidential funds. Tinukoy ng Malakanyang ang kakaulangan sa kamalayan ni VP Sara sa nasabing usapin. Nauna rito, tuluyan nang pinagtibay ng Commission on Audit (COA) ang Notice of Disallowance na nagbabawal sa paggamit […]

  • Pokus sa Laguna Lake at Pagbalangkas ng Batas

    Isa sa mga pangunahing tinalakay sa forum ay ang patuloy na problema sa Laguna Lake at ang mga hakbang upang ito ay maisalba. Ayon kay Cong. Armand Dimaguila, layunin ng bagong balangkas na batas na maisakatuparan ang malawakang dredging o pag-aalis ng makapal na burak sa lawa upang maibalik ang sigla at linis nito. Sa […]

  • PAGLILINIS SA LAGUNA LAKE AT KALIGTASAN NG KALIKASAN, KASAMA ANG PAGBALANGKAS NG MGA PANIBAGONG BATAS NAGING SENTRO SA ISINAGAWANG LEGISHEAR

    LALAWIGAN NG LAGUNA — Binigyang-diin ng mga lider ng pamahalaan at lokal na opisyal ang kahalagahan ng pakikilahok ng publiko sa paggawa ng batas sa idinaos na “Legishear” sa lalawigan, na pangunahing naglalayong solusyunan ang mga usaping pangkalikasan at balangkasin ang mga panibagong panukalang batas para sa ikagaganda ng rehiyon, partikular na ang rehabilitasyon ng […]

  • Paglilitis sa Pagpapatalsik kay Bise Presidente Sara Duterte sa Senado, umuusad at nalalapit na

    QUEZON CITY – Sa ginanap na Saturday News Forum noong ika-10 ng Oktubre 2026, ibinahagi nina Rep. Gerville Luistro ng Batangas, Tagapangulo ng House Prosecution Team sa Paglilitis sa Pagpapatalsik kay Bise Presidente Sara Duterte sa Senado, at dating Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao, na siyang Tagapagsalita ng House Impeachment Panel, ang mga pinakabagong […]

  • Malabon LGU, napanatili ang Quality Management System

    NAPANATILI ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Quality Management System (QMS) nito, kasunod ng matagumpay na pagtatapos ng tatlong-araw na First Surveillance Audit para sa ISO 9001:2015 na isinagawa ng TÜV Rheinland Philippines nang walang natukoy na anumang nonconformity sa mga itinakdang pamantayan. Sa pangunguna ni G. Luisito Soriano, kasama ang external auditors at technical […]

  • OPERASYON NG MGA CONTAINER YARD, POSIBLENG IPAGBAWAL NA SA VALENZUELA

    DAHIL sa umano’y problema at panganib na dulot nito sa mga residente, posibleng ipagbawal na ang operasyon ng lahat ng container yard bago matapos ang taon sa Lungsod ng Valenzuela. Sa isinagawang pakikipagpulong ni Mayor Wes Gatchalian sa mga apektadong residente at kinatawan ng mga kumpanyang nagmamay-ari ng container yard sa Barangay Paso De Blas, […]

  • OPISYAL NA LOGO PARA SA KAPISTAHAN NG ITIM NA NAZARENO, INILABAS NA

    INILABAS ng Quiapo Church ang opisyal na logo para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 2027. Tampok sa opisyal na logo sina Hesus, San Juan Bautista, ang simbahan, at ang mga lubid na ginagamit sa prusisyon. Ang tema para sa susunod na taon ay “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon,” na nangangahulugang “Make […]

  • Tatlong bagong busway ilalagay sa C5, Quezon Ave, at Ortigas

    MAY plano ang Department of Transportation (DOTr) na lagyan ng busway ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila na mayroong high-capacity bus corridors tulad ng C5, Quezon Avenue, at Ortigas Avenue. Ang nasabing busway ay may habang 100 kilometro across Metro Manila na magsisilbing auxiliary road sa EDSA busway upang mas gumanda ang pampublikong transportasyon […]

  • PRC, hinimok ang ASEAN na magkaroon ng joint disaster response bago ang crisis

    HINIMOK ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon ang mga bansa sa ASEAN na mag-sagawa ng regular na joint disaster-response exercises at scenario planning upang matiyak ang mabilis na pagpapadala ng tulong sa oras ng kalamidad. Sa kaniyang pananalita sa ASEAN High-Level Meeting ukol sa ASPECT Framework sa Maynila ngayong Huwebes, binigyang-diin ni Gordon na […]

  • Villar, nag-ober da bakod sa majority

    KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pormal nang sumali si Sen. Mark Villar sa majority bloc matapos itong mahalal bilang miyembro ng Commission on Appointments (CA) at chairperson ng Senate Committee on Public Works. Sa sesyon ng Senado, inihain ni Zubiri ang mosyon upang palitan siya ni Villar bilang miyembro ng CA. […]

  • Pinal na ang desisyon ng House prosecution na alisin na ang kasong bribery laban kay VP Sara

    PINAL na ang desisyon ng House prosecution na alisin na ang kasong bribery charge laban kay Vice President Sara Z. Duterte dahil supisyente na ang naiprisintang ebidensiya sa tatlong ibang impeachment articles at nais na iwasan na pahabain pa ang trial. Kinumpirma ito ni House prosecutor Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores na nagsabing […]

  • Bilang na ang mga araw ni VP Sara Duterte sa puwesto, paniniguro ng mambabatas 

    PARA kay House Prosecution Panel adviser at spokesman Ace Barbers, maliwanag na ang direksiyon: bilang na ang mga araw ni VP Sara Duterte sa puwesto. Paniniwala ito ng dating mambabatas sa ika-34 na araw ng impeachment trial, kasabay nang sunud-sunod na ebidensyang mahirap ipaliwanag o ipagtanggol ang inilatag ng House Prosecution Panel laban kay VP […]

  • 42-anyos drug suspect, laglag sa Valenzuela buy bust

    ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Bonsai”, 42, ng Brgy., […]

  • 3 arestado sa pagsinghot ng shabu sa Valenzuela

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos mahuli sa aktong sumisinghot umano ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa ulat, nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 sa Phase 1, Milestone Subdivision, Brgy., Karuhatan nang maaktuhan nila si alyas “Jerry”, 36, na gumagamit umano ng […]

  • Kawatan na lumimas sa gamit ng kapitbahay sa Malabon, tiklo, kasabwat tinutugis

    TIKLO ang isa sa dalawang kawatan na lumimas sa halos lahat ng gamit ng kanilang kapitbahay na lingguhan lang kung umuwi sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw. Natuklasan lang ng biktimang si alyas “Anne”, 42, na nasimot na ang halos lahat ng gamit sa kanyang bahay sa Aracity St. Brgy. Tinajeros nang umuwi siya […]

  • Pedicab driver, tiklo sa Anti-Hazing Law sa Valenzuela

    KALABOSO ang isang pedicab driver na wanted sa kasong Anti-Hazing Law matapos masakote ng tumutugis na kapulisan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang 41-anyos na akusado na residente ng lungsod ay nakatala bilang No. 9 sa […]

  • PBBM, dumating na sa Singapore para sa 5-day working visit

    DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore, gabi ng Miyerkules, para sa working visit kabilang na ang pakikipagpulong kay Singapore Prime Minister at Minister for Finance Lawrence Wong at mga global top executives, at maging ang paglibot sa nuclear research at safety facility. Lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo sa Changi Airport […]

  • DPWH Sec. Dizon, Mayor Gatchalian nag-inspeksyon sa ginagawang kalsada sa Maysan Road

    ROAD INSPECTION: Personal na ininspeksyon nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang isinasagawang rehabilitasyon ng kalsada sa kahabaan ng Maysan Road, Brgy., Maysan sa Valenzuela City kung saan nararamdaman na umano ng ilang motorista ang ginhawa sa pagdaan sa dating lubak-lubak ng kalsada.  (Richard […]

  • Civil society, dapat palahukin sa budget process

    SINIMULAN na ng House Committee on People’s Participation na pinamumunuan ni Bataan Rep. Maria Angela Garcia ang deliberasyon sa panukalang maisama ang civil society sa partisipasyon sa lahat ng yugto ng taunang proseso ng budget, mula preparasyon, deliberasyon sa committee at plenary level, hanggang sa pagpasa nito. “We need to involve everybody in the budget […]

  • Dagdagan ang pondo sa national budget sa sektor ng edukasyon, panawagan ni Akbayan Rep. Chel Diokno

    NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang isang mambabatas hinggil sa kakulangan ng Kamara na dagdagan ang pondo sa mga key education programs sa 2027 national budget. Ayon kay Akbayan Rep. Chel Diokno, ilan sa mga itinulak nilang amendments, base mga rekomendasyon ng kaukulang ahensiya ng gobyerno at civil society groups, ay hindi na isinali sa pagtatapos ng […]

  •  LEVISTE, HINDI PA MAITUTURING NA PUGANTE

    HINDI pa maituturing na pugante si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na kasalukuyan ngayong nasa ibang bansa ayon sa Department of Justice (DOJ). Sa weekly press briefing , sinabi ni OIC Deputy Prosecutor Herbert Abugan kailangan pang may pagdaanang proseso bago maideklarang pugante ang isang indibidwal na nahaharap sa kaso. Aniya , magbibigay pa […]

  • Mahigit 5K job opportunities, alok ng Mega Job Fair para sa Malabuenos

    MAHIGIT 5,100 job opportunities at iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan ang inilapit sa mga Malabueño ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) na nagbukas ng isang Mega Job Fair katuwang ang Tanggapan ni Senate President Win Gatchalian at ang Department of Labor and Employment (DOLE). Idinaos sa Entertainment Area […]

  • Jeepney driver, conductor huli sa aktong bumabatak ng droga sa Valenzuela

    TIMBOG ang isang jeepney driver at kanyang conductor nang mahuli sa akto na gumagamit umano ng shabu sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina alyas “Geric”, 33, ng Brgy., Palasan at […]

  • 3 PEKENG MGA MTPB, ARESTADO

    ARESTADO ang tatlong nagpanggap na mga personnel ng Manila Traffick and Parking Bureau (MRPB) sa aktong nanghihingi ng karagdagang parking fee na mas mataas na ipinapatupad ng Lungsod ng Maynila sa harapan ng Rizal Memorial Staduim sa kahabaan ng Adriatico St., Brgy 720 Zone 78, Malate, Manila. Kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority […]

  • Public Park at Parking sa Ilalim ng Skyway sa Caloocan, isinusulong

    PARA SA CALOOCAN: Sa pagtutulungan nina Congressman Egay Erice at Mayor Along Malapitan, kasama ang mga kinatawan ng DOTr, DPWH at iba pang stakeholders, isinagawa ang isang coordination meeting upang pag-usapan ang posibleng paggamit ng mga open spaces sa ilalim ng skyway sa Lungsod ng Caloocan. Tinalakay ang posibilidad na gawing public park at parking […]

  • Walang impeachment trial kung sinagot ni VP Sara ang alegasyon laban sa kanya, naglabas ng ebidensiya- Malakanyang

    SINABI ng Malakanyang na kung malinaw na sinagot lamang ni Vice President Sara Duterte ang alegasyon laban sa kanya ay malamang na walang impeachment trial. “Siguro kung magaling siya mag-explain sa mga tinuturo sa kanya, baka hindi na tayo nakarating sa impeachment court, dahil kung mayroon siyang maliwanag sa ebidensya na masabing wala siyang anumang […]

  • San Miguel OktoberFest dadayo na sa mga probinsya

    MATAPOS ang matagumpay na selebrasyon ng San Miguel OktoberFest sa Okada Manila noong September 26 na may temang Beer, Bites, and Beats, na sinabayan ng live performances mula sa mga pinakasikat na banda sa bansa ay tutungo naman ito sa anim pang destinasyon ngayong Oktubre. Ang San Miguel Oktoberfest ay muling magdiriwang ng makulay at […]

  • MMDA AT MAYNILA MAGTATAYO NG 3 RAINWATER IMPOUNDING FACILITY VS BAHA

    MAGTATAYO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Maynila ng tatlong rainwater impounding facility para maibsan ang pagbaha sa lungsod. Itatayo ang mga pasilidad sa Remedios Circle, Rajah Sulayman Park, at sa Vito Cruz ASEAN Garden sa loob ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex. Nilagdaan nina MMDA Chairman Romando […]

  • House Bill No. 8477 at Senate Bill No. 2410, ang PMSPs, tutulong sa mga hikahos na senior high school graduates na makatunton sa kolehiyo o technical education

    “MARAMING kabataan ang may talino, sipag, at malinaw na pangarap, pero kinakapos ang kanilang pamilya sa gastos sa pag-aaral. Dapat mabigyan sila ng pagkakataong makatapos at magamit ang kanilang galing para sa sariling pamilya at sa bayan.”  Ito ang binigyan diin ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III matapos ang pagpapatibay ng bicameral conference […]

  • House Bill (HB) No. 9805 ang probisyon sa Labor Code at Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 ukol sa illegal recruitment, aprubado na ng Kamara

    SA BOTONG 247, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang mas mahigpit na batas laban sa illegal recruitment sa pamamagitan na tratuhin ang sabwatan ng dalawang unlicensed recruiters bilang isang sindikato at kasuhan ng economic sabotage. Aamyendahan ng inaprubahang House Bill (HB) No. 9805 ang probisyon sa Labor Code at Migrant […]

  • Kelot na umararo ng saksak sa kababatang tricycle driver sa Malabon, tiklo

    NASA malubhang kalagayan ang 47-anyos na tricycle driver matapos tatlong beses na inundayan ng saksak sa katawan ng kanyang kababata sa Malabon City. Nakaratay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak ang biktimang si alyas “ Niyoki”, habang nakapiit naman ngayon ang suspek na si alyas “Ome”, 47. Sa ulat ni […]

  • Mister, timbog sa pampasabog at baril sa Caloocan 

    SA kulungan ang bagsak ng 51-anyos na lalaki matapos arestuhin dahil sa panggugulo ay nakuhanan pa ng baril at pampasabog sa Caloocan City. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nirespondehan ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang natanggap na reklamo hinggil sa panggugulo umano […]

  • PBBM, lilipad patungong Singapore para sa working visit

    LILIPAD si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Sinagpore para sa working visit mula October 7 hanggang 11, 2026. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inimbitahan ni Prime Minister Lawrence Wong si Pangulong Marcos na magpunta sa Singapore. “Ang Working Visit na ito ay bahagi ng inisyatibo ng bansa upang mapalalim ang ating ugnayan […]

  • Batay sa AMLC records, may P4.4 billion na “covered and suspicious transactions” ang mag -asawang VP Sara at Atty. Carpio

    PINAGTIBAY ng House prosecution panel ang kanilang pangako na tututok lamang sa financial evidence sa isinasagawang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ito ang position ng prosecution matapos ang pagdinig sa testimonya ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Secretariat Executive Director Ronel Buenaventura sa Senate impeachment court nitong Martes. Sa testimonya ni Buenaventura, ipinakita nito […]

  • Malakanyang, kumpiyansa na lalagdaan ni PBBM ang 2027 budget bago matapos ang taon

    KUMPIYANSA ang Malakanyang na lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P7.2-trillion 2027 national budget bago matapos ang taon. Ito’y upang maiwasan na maulit ang pagkaantala noong nakaraang taon. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang 2027 national budget ay dapat na maipasa ng Kongreso […]

  • Higit 320 Batang Kankaloo, hired on-the-spot sa Mega Job Fair

    MAHIGIT 320 Batang Kankaloo ang na hired on-the-spot sa dalawang Mega Job Fair na isinagawa ng Caloocan City Public Employment Service Department, sa pakikipagtungan ng TRABAHO Partylist at ng tanggapan ni Senate President, Sherwin Gatchalian. “Congratulations po sa inyo, gayundin sa mga kababayan natin na sasalang pa lamang sa kanilang final interview,” pagbati ni Mayor […]

  • Pagbutihin at palawigin ang serbisyo sa komunidad, hiling sa mga Barangay officials at Sangguniang Kabataan matapos isabatas ang BSKE postponement

    GAMITIN ang pagkakataon na ipinagkaloob ng postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na pagbutihin at palawigin ang serbisyo sa komunidad. Ito ang mensahe ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa mga barangay officials matapos isabatas ang postponement ng BSKE sa November 2028 at pinalawig ang kanilang termino ng limang taon. “Okay […]

  • Mas mataas na sahod at suporta sa mga guro, panawagan ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno

    SA PAGDIRIWANG ng World Teachers’ Day nitong Lunes, nanawagan si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa mas mataas na sahod at suporta sa mga guro.  Ayon kay Diokno, mahalagang papel ang ginaganapan ng mga guro sa paghubog ng buhay ng mga estudyante sa gitna ng paghihikahos. “Kasabay ng pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga […]

  • 2 drug suspects, naaktuhang nagsa-shabu

    KALABOSO ang dalawang hinihinalang drug personalities nang mahuli sa akto na bumabatak umano ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni Police Investigator P/MSgt. Carlito Nerit Jr. na alas-10:40 ng gabi nang maaktuhan ng mga operatiba ng Police Sub-Station 1 si alyas […]

  • No. 2 top most wanted person ng NCRPO, nabitag ng NPD sa Malabon 

    NAGWAKAS na ang halos tatlong taon pagtatago ng isang construction worker na wanted sa kaso ng pagpatay matapos matimbog ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Malabon City. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, matagal ng tinutugis ng pulisya ang 41-anyos na akusado na nakatala bilang No. […]

  • Valenzuela LGU, namahagi ng 33 negosyo carts, at 7 Barangay service

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, katuwang si Konsehala Sel-Sabino Sy ng 33 Tuloy Ang Progreso (TAP) Negosyo Carts at 7 na Piaggio Ape barangay service sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod. Kabilang ang 33 Valenzuelanong Persons with Disabilities (PWDs) na nakatanggap ng stainless TAP Cart na may mga […]

  • No. 4 most wanted sa kasong Rape sa Valenzuela, isinelda

    HIMAS-REHAS ang 33-anyos na lalaki na wanted sa kasong Rape matapos maaresto sa pinaigting na manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, Linggo ng hapon. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na ang akusado na si alyas “Boy” ay nakatala bilang […]

  • PBBM, nagbigay-pugay sa mahalagang papel ng mga guro

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day nitong Lunes bilang pagkilala sa mga sakripisyo at mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro, lalo na sa paghubog sa kinabukasan ng bansa. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na nasa puso ng bawat silid-aralan ang mga guro na gumagabay sa […]

  • DBM, tiniyak sa mga guro na ‘no unnecessary delays’ sa paglalabas ng 2024 performance bonus

    TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga public school teachers na walang pagkaantala sa paglalabas ng kanilang performance-based bonus (PBB) para sa fiscal year 2024. Sa katunayan, minamadali na ng departamento ang proseso ng nasabing insentibo. Ayon sa DBM, hinihintay lamang nito ang receipt ng report ng Department of Education’s (DepEd) ukol […]

  • Hiling ng defense panel ni VP Sara na ipagpaliban ang testimonya ng isang opisyal ng Anti-Money Laundering Council , hindi saklaw ng AMLA

    HINDI saklaw ng confidentiality rules ng Anti-Money Laundering Act (AMLA) ang anumang impormasyon na hinihiling ng subpoena ng Senate Impeachment Court, ayon kay Akbayan Rep. Chel Diokno, isa sa mga tagausig ng House prosecution panel. Ito ang tinukoy na Diokno bilang kasagutan sa hiling ng defense panel ni Vice President Sara Duterte na ipagpaliban muna […]

  • Tulfo: Magplano, maglaan ng pondo sa banta ng ‘Super El Niño’

    NAGBABALA si Sen. Erwin Tulfo sa bantang dulot ng posibleng “Super El Niño,” at iginiit na maiiwasan ang matin­ding tagtuyot, pagtaas ng ­presyo ng mga pangunahing bilihin, at pagkawala ng kabuhayan kung agad na kikilos ang pamahalaan sa pamamagitan ng maagang pagpaplano at sapat na pondo. Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), umabot […]

  • MGA BAGONG KAGANAPAN SA WEST PHILIPPINE SEA, TINALAKAY

     SA GINANAP na Saturday News Forum ngayon Octobre 3, 2026. naghatid ng mahalagang ulat si Rear Admiral Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard , tinalakay ang kasalukuyang kalagayan, mga hamon, at pinakabagong kaganapan sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas (West Philippine Sea) patuloy na ipinagtatanggoll sa ating karapatan, teritoryo, at soberanya sa bahaging ito ng ating […]

  • MAJAYJAY IPINAGDIWANG ANG ANILINANG FESTIVAL 2026 AT IKA-455 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG

    MAJAYJAY, Laguna — Pormal na sinimulan araw ng Setyembre 30, 2026, ang tatlong araw na pagdiriwang ng Anilinang Festival 2026 kasabay ng paggunita sa ika-455 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng makasaysayang Bayan ng Majayjay. Pinangunahan ang selebrasyon ni Punong Bayan Mayor Romeo Amorado, katuwang si Vice Mayor Juan Arnel Arganosa Jr. at ang buong Sangguniang Bayan, […]

  • Magnanakaw nakorner sa bubong ng bahay, ninenok na P1.3M alahas, nabawi

    KALABOSO ang 21-anyos na kawatan nang magising ang may-ari ng malaking bahay na kanyang pinasok at pinagnakawan sa Valenzuela City.  Hindi na nakapalag ang suspek na si alyas Buboy nang masukol ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento sa bubong ng bahay ng 65-anyos na lolong biktima sa Brgy., Canumay West. Dakong […]

  • Tulak, balik-selda sa P170K droga sa Valenzuela 

    BALIK-SELDA ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) nang muling naaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Sabado ng madaling araw. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Odek”, […]