• November 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Gatchalian, ibinahagi ang Child Protection Program ng lungsod sa 18th Ako Para sa Bata conference

BILANG bahagi ng 2nd Global Ministerial Conference on Ending Violence Against Children, dumalo at naging panauhing tagapagsalita si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa 18th AKO PARA SA BATA Conference na may temang “From Practice to Scale: Experiences and Innovations in Philippine Child Protection,” na ginanap sa Marriott Hotel.

Dito, ibinahagi ni Mayor Gatchalian ang mga programa at hakbang ng lungsod para mapangalagaan at maprotektahan ang mga bata, at kung paano patuloy na pinapalakas ang mga serbisyong tumutugon sa kanilang kaligtasan, kapakanan, at karapatan.

Ang mga inisyatibong ito para sa child protection ang nagbigay-daan sa pagkilala sa Valenzuela City bilang 2024 Galing Pook Awardee at tumanggap ng Special Citation in Participatory Governance mula sa USAID.

Tiniyak ni Mayor Wes na sa kanyang pamumuno, patuloy na nagsisikap ang Pamahalaang Lungsod na bawat bata sa Valenzuela ay ligtas, napapakinggan, napapangalagaan, at nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang kinabukasan. (Richard Mesa)