• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

LTFRB, INAPRUBAHAN ANG PAGBUBUKAS NG 8,750 TNVS SLOTS PARA SA NCR, ILOCOS REGION AT BICOL

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng patnubay ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang pagbubukas ng 8,750 slots para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Metro Manila, Ilocos Region at Bicol upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng pangangailangan sa pampublikong transportasyon.

Pinakamalaki ang alokasyon sa Metro Manila na may 7,500 slots, bunsod ng lumalaking demand na dulot ng pagdami ng turista at pagsigla ng iba pang aktibidad pang-ekonomiya sa National Capital Region.

Binigyang-diin naman ni Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr. na ang 7,500 slots sa Metro Manila ay eksklusibo para sa electric vehicles, kabilang ang Plug-in Hybrid Electric Vehicles (PHEVs) at Battery Electric Vehicles (BEVs).

Alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular 2026-084, hindi kwalipikado ang conventional internal combustion engine (ICE) vehicles, hybrid electric vehicles (HEVs) na hindi PHEV, at iba pang vehicle technologies na hindi pasok sa BEV o PHEV classification. Ang klasipikasyon ay ibabatay sa registration ng LTO at iba pang umiiral na pamantayan at kautusan ng pamahalaan.

Ayon kay Acting Chairman Pua, naaayon ang hakbang na ito sa direksyon ng pambansang pamahalaan tungo sa isang makabago at environment-friendly na pampublikong transportasyon.

Sa kanyang State of the Nation Address, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang suporta ng pamahalaan sa modernong pampublikong transportasyon at layuning kalahati ng lahat ng sasakyang bumibiyahe sa mga kalsada ay electric vehicles pagsapit ng 2040.

Sa pag-apruba ng karagdagang TNVS slots, tiniyak umano ng LTFRB na isinaalang-alang ang layunin ng pambansang pamahalaan na isulong ang paggamit ng electric vehicles sa pampublikong transportasyon.

Sa Ilocos Region, 650 slots ang binuksan, kalahati nito ay nakalaan para sa electric vehicles. Sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union, tig-150 slots ang inilaan—75 para sa ICE at 75 para sa non-ICE vehicles—habang 200 slots naman ang inilaan sa Pangasinan, tig-100 para sa ICE at non-ICE vehicles.

Sa Bicol Region, 600 TNVS slots ang inaprubahan, kalahati nito ay nakalaan din para sa electric vehicles, batay sa LTFRB MC 2026-86.

“Sa LTFRB, sensitibo tayo sa mga kahilingan at pangangailangan ng publiko. Ang pagbubukas ng mga slots ay suporta rin sa agresibong pagsusulong ng pamahalaan sa pag-unlad ng ekonomiya sa buong bansa,” ani Acting Chairman Pua.

Ayon sa LTFRB, magsisimula ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga available na slots kapag nailathala na sa newspaper of general circulation ang mga memorandum circular na may kaugnayan sa naturang desisyon. (PAUL JOHN REYES)

DBM, tinatrabaho na ang reporma sa salary deficiency requests

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na maayos at mabilis na ibigay ang karampatang sahod sa government employees at public school teachers, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na isinusulong ng Department of Budget and Management sa pangunguna ni Secretary Kim Robert de Leon ang pagbabago sa kasalukuyang request-based process para sa personnel services deficiencies.

Sa ilalim ng reporma, hindi na kailangan ang hiwalay na funding request para maproseso ang salary adjustments.

Sa oras aniya na ma-update ng isang ahensiya ang kanilang plantilla master list at makitang may salary deficiency. 

Agad na aniya itong matutukoy ng DBM para makapag-release ng kinakailangang pondo.

Layunin nitong siguruhin na mas mabilis na matatanggap ng teachers at ng ibang kawani ng gobyerno ang kanilang sweldo.

Target ng DBM na isagawa ang live testing ng bagong sistema sa iba’tibang ahensiya sa 4th quarter ng 2026.

“Para sa mga naghihintay ng salary adjustments, pinapabilis na po ng pamahalaan ang pag-proseso para makuha ang inyong tamang sweldo.Dahil sa Bagong Pilipinas, kapag mas proactive at maayos ang proseso, mas mabilis ang kilos ng gobyerno,” ayon kay Castro.

“Pondo ng bayan, nakalaan para sa sa taong bayan, ito ang mithiin ng administrasyon ni Pangulong Marcos para sa bawat Pilipino,” ayon kay Castro. 

Ini-reveal na ang totoong relasyon bilang mag-ate…KAKIE, never naisip na half-sister si KC na mahal na mahal kahit ano’ng mangyari (ni:  ROHN ROMULO) 

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA naging panayam kay Kakie Pangilinan para sa “Ogie Diaz Inspires” na in-upload sa YouTube channel ng content creator at host na si Ogie Diaz, napag-usapan nila na tila may problema sila ni KC Concepcion.“Out of respect po for my parents, I may not divulge so much information but I can say this confidently that she will always be my sister,” pahayag ni Kakie.Pero nilinaw niya ang isang bagay, mahal pa rin niya ito.

“Never ko pong naisip na half-sister ko siya well of course, biologically that’s true but as far as I’m concerned I love her very much, I love my sister very much and I think I can say I miss my sister very much!

“We haven’t spoken really in a long time and of course every family naman has (conflict), you know and we’re working on it,” pahayag pa ng panganay nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.

Dagdag pa niya, “I wanna make it that very clear I’ve always love my Ate, I love my ate so much every time I ordered  birthday cakes nga po for mom and dad inuuna ko po ‘yung pangalan niya and if we haven’t see and spoken to each other for a very long time.

“But yeah that’s never been in question na mahal ko po ate ko for sure,” paniniguro pa ni Kakie.Aminado rin si Kakie na may mga hindi sila napagkakasunduang pero napag-uusapan nila nang maayos, “Hindi naman porke’t may disagreements automatic na fight or away na agad, I don’t think that’s true.

“At saka ang laki ng age gap namin ni Ate kasi and for a very long time I was a kid and I just want to be like my ate, love my ate so much and when things get hard it feels like…”And also there’s a lot of fake news po, to clarify that, ang dami pong fake news and never ko pa pong nakita ‘yung totoong nangyari in any shape online in whatsoever,” pahayag ni Kakie.Inaabangan naman kung ano ang magiging ni KC sa naging pahayag ni Kakie tungkol sa kanilang relasyon. 

Nag-react sa mga nagpo-post ng halos buong show…GARY, magbabalik sa Music Museum para sa 10-night concert series (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAY mga entablado na hindi lang basta pinagtatanghalan dahil naging bahagi ito ng kuwento ng isang concert performer katulad ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Isa sa mga espesyal na lugar na iyon para kay Gary V. ang Music Museum.

At ngayong October 2026, muli siyang babalik sa venue na naging saksi sa napakaraming memorable chapters ng kanyang extraordinary career. May title ito na “Back At The Museum,” a 10-night concert series na nangangakong magiging mas personal, mas intimate at mas makabuluhan.

Gaganapin ang shows tuwing Thursdays at Saturdays—October 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 at 31.

Extra special ang 2026 run dahil bahagi ito ng 40th anniversary celebration ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., na matagal nang naging bahagi ng musical journey ni Gary.

At kung pag-uusapan ang Music Museum at Gary V., mahaba na talaga ang kanilang pinagsamahan.

Bago pa ang upcoming concert series na ito, umabot na sa 103 shows ang naitanghal ni Gary sa Music Museum.  Patunay lang ng matibay partnership na nabuo sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng musika, hard work, constant reinvention at walang tigil na paghahangad ng excellence.

Pero para kay Gary, hindi lamang numero ang mahalaga.

Sa mahigit apat na dekada niya sa industriya, nanatiling matibay na anchor ni Gary ang kanyang faith in God.

Ito ang nagbibigay sa kanya ng direksyon sa kanyang music, purpose at sa mga pagsubok na kinakaharap niya bilang isang artista.

Ang kakayahan niyang patuloy na lumikha, mag-perform at makapagbigay-inspirasyon sa audience matapos ang mahigit 40 taon ay tinitingnan niya bilang isang patunay ng God’s grace.

At dahil dito, patuloy niyang ibinibigay ang kanyang very best.

Ito mismo ang spirit na dadalhin niya sa “Back At The Museum.”

Kung nasanay ang audience na makita si Gary sa malalaki at spectacular na arenas, ibang experience naman ang hatid ng Music Museum.

Dito, mas malapit ang artist sa kanyang audience.

Mas ramdam ang bawat kanta at mas personal ang bawat kuwento.

At mas espesyal ang bawat spontaneous moment.

Hindi kailangang maging pinakamalaki ang production para maging memorable ang isang Gary V. concert.

Minsan, sapat nang maranasan ng audience ang kanyang music, stories, movement at unmistakable Pure Energy nang halos walang distansya sa pagitan nila.

Matapos ang successful 2023 run ng “Back At The Museum,” dumating ang bagong edition sa isang mahalagang bahagi ng career ni Gary.

Ang kanyang six-show “Pure Energy: One Last Time” concert series ang nagsara sa isang chapter ng kanyang solo concerts na napakalaki ng scale.

Pero malinaw—hindi nito isinara ang kanyang chapter bilang performer.

Patuloy niyang dinala ng kanyang musika sa Australia, New Zealand at United States, kung saan nakasama niya ang Filipino communities overseas sa mga pagtatanghal na hindi lamang entertainment ang hatid kundi inspiration at encouragement.

At patuloy pa rin ang kanyang creative evolution.

Ngayon, muli siyang ibinabalik ng kanyang journey sa Music Museum.

Ang “Back At The Museum” ay mula sa direksyon ni Paolo Valenciano, with Mon Faustino as musical director.

Magiging mas espesyal ang 10-night run dahil makakasama ni Gary V bilang special guest ang singer-songwriter na si Kakie (Frankie Pangilinan).

Ang concert ay para sa benefit ng Shining Light Foundation.

Para sa tickets, bisitahin lang ang premier.ticketworld.com.ph o mag-email sa tickets@ticketek.com.ph at tickets@manilagenesis.com.ph. Maaari ring tumawag sa 0999-9545922 o 0917-5506997.

Samantala, kinuha namin ang reaksyon ni Gary tungkol sa mga nagvi-video sa concert, at i-upload ang halos buong show sa kanil-kanilang social media accounts.

“With regard to uploading concerts, di ba dati naging bawal na ’to?” pahayag niya.

“May mga concerts ako na kung saan phones ang tao, may cellphones na, pero walang ina-upload na buong performance.

“Ngayon kasi buo eh.  Pati yun ginawa ko sa States, as in the whole show ang in-upload.  And it is really takes a lot to put a concert together.

“So, I will encourage you if you write anything about this series, let people know don’t post the whole song or the show.

“You may post a portion of the show, fine, but the whole show?”

Sabi pa ni Gary, dahil ang venue ng concert series niya ay sa Music Museum, mas madaling nilang makita kung sino ang nagbi-video ng buong show.  At puwede nilang pagsabihan agad-agad.

Dagdag pa niya, “I think there will be measures in the near future, especially with the number of artist who are coming to the Philippines and will having a concerts, kung saan magbibigay talaga sila ng warning na do not take the whole concert and post it.

“That’s what I feel about and hopefully nobody does.”

***

SAMANTALA, muling binigyan ni Gary ng bagong buhay ang kanyang classic song na “Babalik Ka Rin,” sa isang bagong arrangement ni Homer Flores para sa remittance company na Sendwave.

May espesyal na emotional resonance ang kanta para sa maraming Overseas Filipinos—at muling ipinakita rito kung paano nakakonekta ang musika ni Gary sa kuwento ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.

Pumasok din siya sa podcasting sa pamamagitan ng “Unshaken with Gary V,” ang kanyang iHeartRadio podcast na tampok ang heartfelt conversations kasama ang iba’t ibang personalities, kabilang sina Martin Nievera, Toni Gonzaga, Michael V, Coco Martin, Julia Montes, Kim Atienza, Paolo Valenciano, Gab Valenciano, Kiana Valenciano at former Chief Justice CJ Sereno, at marami pang fascinating personalities.

Kinilala rin ang kanyang malaking kontribusyon sa Philippine music sa pamamagitan ng SUDI National Music Awards ng National Commission for Culture and the Arts.

Nakita na raw niya ang tunay na ugali ng aktor…LOTLOT, ‘di tututol kung mag-decide na sina JERICHO at JANINE na magpakasal (ni: REY PINEDA) 

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULUYAN na ngang binasag ng batikang aktres na si Lotlot de Leon ang tunay na saloobin nito tungkol sa relasyon ng kanyang panganay anak na si Janine Gutierrez at sa nobyo nitong si Jericho Rosales.

Ayon sa aktres, nakita na raw niya ang tunay na ugali ni Echo.     

Wala raw siya ni katiting na tutol sa relasyon ng dalawa.     

At sinisiguro naman daw niyang marunong kumilatis ng tao ang kanyang anak.     

Hindi na rin daw kailangan pang humingi ng permiso ni Janine sakaling mauwi sa kasalan ang relasyon ng kanyang anak.  

Hinihintay na lamang daw nitong pormal na sabihan siya kung sakaling magdesisyon na ang mga itong magpakasal.

***  

NALALAGAY sa alanganin ang long-time partner ni Nadine Lustre, na si Christophe Bariou.

Ayon sa negosyante, politically motivated at smear campaign ang sanhi ng reklamo.     Diumano, may naganap na illegal reclamation at environmental violations ang kanyang ipinundar na luxury resort – ito yung Maison Bukana na matatagpuan sa Siargao Island.

Resulta raw ito ng pagsasalita ng negosyante laban sa tinutukoy nitong nagaganap na corruption at iba pang isyu sa Siargao.

Matapang na inilahad nitong lumobo ang isyu bago pa man nagsagawa ng imbestigasyon ang DENR.     

Dagdag pa rito, maging ang mga ari-arian ng buo niyang pamilya ay idinawit na rin sa nasabing reklamo.     

Hinala ni Chris, napilitan daw siguro ang DENR na magsagawa ng imbestigasyon dahil sa pressure na dala ng mga pulitikong dawit sa sinasabi nitong corruption.

Matapos ang imbestigasyon, naglabas ng findings ang Department of Environment and Natural Resources – Palawan Rehabilitation Authority(DENR-PRA).     

Ayon sa Instagram post ni Chris, walang nilabag na batas ang kanyang resort. Malinis ito at dokumentado.

Nakiusap si Chris sa media at mga taong sangkot sa pagpapalaki ng isyu.     

Kung naging headline daw ang naging isyu, marapat lang naman daw na i-headline din at linisin ang pangalan ng kanyang resort.

Ads September 8, 2026

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Mga batang Pinoy Karatekas na nagbigay karangalan sa bansa 

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINIGYAN papuri ni Senador Bam Aquino ang mga batang Pinoy Karatekas na bumida at naghatid ng karangalan sa bansa mula sa Tsina.

Ito’y matapos ang naganap na 3rd Asian Karate Youth Open Championship and Training Camp sa Hangzhou, China noong Hulyo 2026.

Sa Senate Resolution No. 580 na inihain ni Sen. Bam Aquino, kinilala ang kahanga-hangang ‘performance’ ng delegasyon ng Pilipinas.

Kabilang sa mga kinilala ay ang 9-anyos na si Romeo Viktor Enriquez, nagkamit ng gintong medalya at nagtapos sa Top 5 ng Under-10 Male Kata category.

Nakamit naman ng 13-anyos na si Raphael Mariano Herrera, kakampi ni Enriquez, ang ikalawang sunod na bronze medal sa Under-14 Male Kata, habang Top 5 ng Under-12 Female Kata at Top 7 ng Under-12 Female Kumite naman si Ripley Tate Borromeo.

Ayon kay Sen. Bam, nakatutulong ang karate sa paghubog ng disiplina, tiyaga, pagpapakumbaba, katatagan at tiwala sa sarili ng mga kabataang Pinoy, kasabay sa pagkakataon magtagumpay sa ‘international events’.

Magkapatid na Serena at Venus Williams bigo sa women’s doubles ng US Open

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NABIGO ang magkapatid na Venus at Serena Williams sa women’s doubles ng US Open.Mag-Book Ng Tennis

Hindi sila umubra sa tambalan nina Hao-Ching Chan at Maya Joint sa score na 6-3, 6-7 (6), 7-6 (10-7).

Ito ang unang pagsasama ng magkapatid mula noong 2022 sa Grand Slam tournament.

Bumalik sa tennis ngayong taon ang 44-anyos na si Serena habang si Venus ay patuloy ang paglalaro sa edad nitong 46.

Naging dominante ang magkapatid sa womens’ doubles kung saan naglaro sila ng 14 na Grand Slam titles kasama na ang Olympic medals noong 2000, 2008 at 2012.

Kapwa sila naging number 1 sa women’s doubles sa loob ng walong linggo.

Pinay star Alex Eala tuluyan ng nagtapos ang kampanya sa 2026 US Open

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGTAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa 2026 US Open matapos siyang talunin ng American player na si Iva Jovic sa isang mahigpit na laban sa Round 3.

Maganda ang naging simula ng laban para sa dalawang manlalaro, na kapwa nagpakita agresibong mga atake. Matapos ang dikit na palitan at mahahabang rally, unang nakuha ni Jovic ang unang set, 7-5.

Agad namang bumawi si Eala sa ikalawang set, mas naging agresibo ang Pinay star at nakuha ang momentum, dahilan upang kontrolin niya ang laro at kunin ang set, 6-3, para itabla ang laban sa tig-isang set.

Sa deciding set, muling nagpakita ng magandang laro si Eala at nakakuha ng maagang 2-0 na kalamangan, ngunit mabilis na nakabawi si Jovic at naitabla ang laban sa 2-2.

Muling umangat si Eala at nakalamang ng 4-2, ngunit hindi sumuko ang American player, lalong naging dikit ang laban habang kapwa nagpalitan ng malalakas na tira at mahahabang rally ang dalawang manlalaro.

Nanguna si Jovic, 5-4, at nagkaroon ng pagkakataong isara ang laban, ngunit nakipaglaban si Eala at naitabla ito sa 5-5

Sa mga huling laro, naging matatag si Jovic at tuluyang isinara ang deciding set sa 7-5, para makuha ang panalo at makausad sa susunod na round.

Bigo si Eala na makausad sa round of 16 ng torneyo at tuluyan nang nagtapos ang kanyang kampanya sa 2026 US Open.

Bago ang Round 3, matagumpay na nalampasan ni Eala ang kanyang unang dalawang kalaban upang makausad sa torneo. Sa kanyang pagtakbo sa New York, muli niyang ipinakita ang kanyang kakayahan, composure, at fighting spirit laban sa mga nangungunang manlalaro.

Flood control na epektibo tulad sa Navotas, inihalimbawa…Malalaking infra-projects ng DPWH, popondohan sa 2027 budget

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NILINAW ng Department of Budget and Management na hindi awtomatikong maituturing ‘budget cut’ kung ang hinihinging pondo ng isang ahensiya ay mas mababa kaysa inaprubahan.

Ito binigyang diin ng DBM kasabay sa nagpapatuloy na pagbusisi ng kongreso sa pambansang pondo para sa susunod na taong 2027.

Nasa halos 12-trilyon piso umano ang pinagsamang budget proposals ng mga ahensya kung saan higit 643-bilyon piso ang nakalaan sa Department of Public Works and Highways sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program.

Kabilang sa mga major infrastructure flagship projects ay ang parte ng Pasig-Marikina Channel Improvement Project at iba pa para sa mga lugar sa bansa.

Sa pagtalakay kamakailan ng Senate Committee on Finance, nabanggit ang ilang flood control projects sa Metro Manila na naging epektibo naman sa pagtugon ng problema sa baha.

Dito ibinahagi ni Sen. JV Ejercito ang kumentong naging epektibo ang pagtugon ni Navotas City Rep. Toby Tiangco sa pagbaha sa lungsod kahit na nasa 70% ng Navotas ay nasa below sea level.

Kung saan naipakita aniya ng Navotas City ang kahalagahan ng pangmatagalang pamumuhunan sa imprastruktura para sa flood control.

Kasama sa mga epektibong proyekto ay ang coastal dike, navigational gate at network ng mga pumping station sa lungsod para makontrol ang tubig-baha. ( DARIS JOSE)