• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakita na raw niya ang tunay na ugali ng aktor…LOTLOT, ‘di tututol kung mag-decide na sina JERICHO at JANINE na magpakasal (ni: REY PINEDA) 

TULUYAN na ngang binasag ng batikang aktres na si Lotlot de Leon ang tunay na saloobin nito tungkol sa relasyon ng kanyang panganay anak na si Janine Gutierrez at sa nobyo nitong si Jericho Rosales.

Ayon sa aktres, nakita na raw niya ang tunay na ugali ni Echo.     

Wala raw siya ni katiting na tutol sa relasyon ng dalawa.     

At sinisiguro naman daw niyang marunong kumilatis ng tao ang kanyang anak.     

Hindi na rin daw kailangan pang humingi ng permiso ni Janine sakaling mauwi sa kasalan ang relasyon ng kanyang anak.  

Hinihintay na lamang daw nitong pormal na sabihan siya kung sakaling magdesisyon na ang mga itong magpakasal.

***  

NALALAGAY sa alanganin ang long-time partner ni Nadine Lustre, na si Christophe Bariou.

Ayon sa negosyante, politically motivated at smear campaign ang sanhi ng reklamo.     Diumano, may naganap na illegal reclamation at environmental violations ang kanyang ipinundar na luxury resort – ito yung Maison Bukana na matatagpuan sa Siargao Island.

Resulta raw ito ng pagsasalita ng negosyante laban sa tinutukoy nitong nagaganap na corruption at iba pang isyu sa Siargao.

Matapang na inilahad nitong lumobo ang isyu bago pa man nagsagawa ng imbestigasyon ang DENR.     

Dagdag pa rito, maging ang mga ari-arian ng buo niyang pamilya ay idinawit na rin sa nasabing reklamo.     

Hinala ni Chris, napilitan daw siguro ang DENR na magsagawa ng imbestigasyon dahil sa pressure na dala ng mga pulitikong dawit sa sinasabi nitong corruption.

Matapos ang imbestigasyon, naglabas ng findings ang Department of Environment and Natural Resources – Palawan Rehabilitation Authority(DENR-PRA).     

Ayon sa Instagram post ni Chris, walang nilabag na batas ang kanyang resort. Malinis ito at dokumentado.

Nakiusap si Chris sa media at mga taong sangkot sa pagpapalaki ng isyu.     

Kung naging headline daw ang naging isyu, marapat lang naman daw na i-headline din at linisin ang pangalan ng kanyang resort.