DBM, tinatrabaho na ang reporma sa salary deficiency requests
- Published on September 8, 2026
- by Francis Paolo Torres
ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na maayos at mabilis na ibigay ang karampatang sahod sa government employees at public school teachers, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na isinusulong ng Department of Budget and Management sa pangunguna ni Secretary Kim Robert de Leon ang pagbabago sa kasalukuyang request-based process para sa personnel services deficiencies.
Sa ilalim ng reporma, hindi na kailangan ang hiwalay na funding request para maproseso ang salary adjustments.
Sa oras aniya na ma-update ng isang ahensiya ang kanilang plantilla master list at makitang may salary deficiency.
Agad na aniya itong matutukoy ng DBM para makapag-release ng kinakailangang pondo.
Layunin nitong siguruhin na mas mabilis na matatanggap ng teachers at ng ibang kawani ng gobyerno ang kanilang sweldo.
Target ng DBM na isagawa ang live testing ng bagong sistema sa iba’tibang ahensiya sa 4th quarter ng 2026.
“Para sa mga naghihintay ng salary adjustments, pinapabilis na po ng pamahalaan ang pag-proseso para makuha ang inyong tamang sweldo.Dahil sa Bagong Pilipinas, kapag mas proactive at maayos ang proseso, mas mabilis ang kilos ng gobyerno,” ayon kay Castro.
“Pondo ng bayan, nakalaan para sa sa taong bayan, ito ang mithiin ng administrasyon ni Pangulong Marcos para sa bawat Pilipino,” ayon kay Castro.