Nag-react sa mga nagpo-post ng halos buong show…GARY, magbabalik sa Music Museum para sa 10-night concert series (ni: ROHN ROMULO)
- Published on September 8, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAY mga entablado na hindi lang basta pinagtatanghalan dahil naging bahagi ito ng kuwento ng isang concert performer katulad ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Isa sa mga espesyal na lugar na iyon para kay Gary V. ang Music Museum.
At ngayong October 2026, muli siyang babalik sa venue na naging saksi sa napakaraming memorable chapters ng kanyang extraordinary career. May title ito na “Back At The Museum,” a 10-night concert series na nangangakong magiging mas personal, mas intimate at mas makabuluhan.
Gaganapin ang shows tuwing Thursdays at Saturdays—October 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 at 31.
Extra special ang 2026 run dahil bahagi ito ng 40th anniversary celebration ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., na matagal nang naging bahagi ng musical journey ni Gary.
At kung pag-uusapan ang Music Museum at Gary V., mahaba na talaga ang kanilang pinagsamahan.
Bago pa ang upcoming concert series na ito, umabot na sa 103 shows ang naitanghal ni Gary sa Music Museum. Patunay lang ng matibay partnership na nabuo sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng musika, hard work, constant reinvention at walang tigil na paghahangad ng excellence.
Pero para kay Gary, hindi lamang numero ang mahalaga.
Sa mahigit apat na dekada niya sa industriya, nanatiling matibay na anchor ni Gary ang kanyang faith in God.
Ito ang nagbibigay sa kanya ng direksyon sa kanyang music, purpose at sa mga pagsubok na kinakaharap niya bilang isang artista.
Ang kakayahan niyang patuloy na lumikha, mag-perform at makapagbigay-inspirasyon sa audience matapos ang mahigit 40 taon ay tinitingnan niya bilang isang patunay ng God’s grace.
At dahil dito, patuloy niyang ibinibigay ang kanyang very best.
Ito mismo ang spirit na dadalhin niya sa “Back At The Museum.”
Kung nasanay ang audience na makita si Gary sa malalaki at spectacular na arenas, ibang experience naman ang hatid ng Music Museum.
Dito, mas malapit ang artist sa kanyang audience.
Mas ramdam ang bawat kanta at mas personal ang bawat kuwento.
At mas espesyal ang bawat spontaneous moment.
Hindi kailangang maging pinakamalaki ang production para maging memorable ang isang Gary V. concert.
Minsan, sapat nang maranasan ng audience ang kanyang music, stories, movement at unmistakable Pure Energy nang halos walang distansya sa pagitan nila.
Matapos ang successful 2023 run ng “Back At The Museum,” dumating ang bagong edition sa isang mahalagang bahagi ng career ni Gary.
Ang kanyang six-show “Pure Energy: One Last Time” concert series ang nagsara sa isang chapter ng kanyang solo concerts na napakalaki ng scale.
Pero malinaw—hindi nito isinara ang kanyang chapter bilang performer.
Patuloy niyang dinala ng kanyang musika sa Australia, New Zealand at United States, kung saan nakasama niya ang Filipino communities overseas sa mga pagtatanghal na hindi lamang entertainment ang hatid kundi inspiration at encouragement.
At patuloy pa rin ang kanyang creative evolution.
Ngayon, muli siyang ibinabalik ng kanyang journey sa Music Museum.
Ang “Back At The Museum” ay mula sa direksyon ni Paolo Valenciano, with Mon Faustino as musical director.
Magiging mas espesyal ang 10-night run dahil makakasama ni Gary V bilang special guest ang singer-songwriter na si Kakie (Frankie Pangilinan).
Ang concert ay para sa benefit ng Shining Light Foundation.
Para sa tickets, bisitahin lang ang premier.ticketworld.com.ph o mag-email sa tickets@ticketek.com.ph at tickets@manilagenesis.com.ph. Maaari ring tumawag sa 0999-9545922 o 0917-5506997.
Samantala, kinuha namin ang reaksyon ni Gary tungkol sa mga nagvi-video sa concert, at i-upload ang halos buong show sa kanil-kanilang social media accounts.
“With regard to uploading concerts, di ba dati naging bawal na ’to?” pahayag niya.
“May mga concerts ako na kung saan phones ang tao, may cellphones na, pero walang ina-upload na buong performance.
“Ngayon kasi buo eh. Pati yun ginawa ko sa States, as in the whole show ang in-upload. And it is really takes a lot to put a concert together.
“So, I will encourage you if you write anything about this series, let people know don’t post the whole song or the show.
“You may post a portion of the show, fine, but the whole show?”
Sabi pa ni Gary, dahil ang venue ng concert series niya ay sa Music Museum, mas madaling nilang makita kung sino ang nagbi-video ng buong show. At puwede nilang pagsabihan agad-agad.
Dagdag pa niya, “I think there will be measures in the near future, especially with the number of artist who are coming to the Philippines and will having a concerts, kung saan magbibigay talaga sila ng warning na do not take the whole concert and post it.
“That’s what I feel about and hopefully nobody does.”
***
SAMANTALA, muling binigyan ni Gary ng bagong buhay ang kanyang classic song na “Babalik Ka Rin,” sa isang bagong arrangement ni Homer Flores para sa remittance company na Sendwave.
May espesyal na emotional resonance ang kanta para sa maraming Overseas Filipinos—at muling ipinakita rito kung paano nakakonekta ang musika ni Gary sa kuwento ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
Pumasok din siya sa podcasting sa pamamagitan ng “Unshaken with Gary V,” ang kanyang iHeartRadio podcast na tampok ang heartfelt conversations kasama ang iba’t ibang personalities, kabilang sina Martin Nievera, Toni Gonzaga, Michael V, Coco Martin, Julia Montes, Kim Atienza, Paolo Valenciano, Gab Valenciano, Kiana Valenciano at former Chief Justice CJ Sereno, at marami pang fascinating personalities.
Kinilala rin ang kanyang malaking kontribusyon sa Philippine music sa pamamagitan ng SUDI National Music Awards ng National Commission for Culture and the Arts.