• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

Beermen tinambakan ang Macau 131-79

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINAMBAKAN ng San Miguel Beermen ang Macau Giant Pandas 131-79 sa nagpapatuloy na 2026 PBA Governor’s Cup.Basketball

Bahagyang nahinto ang laro dahil sa pagtulo ng tubig mula sa kisame ng Ynares Sports Center sa Montalban.

Mula sa simula ay dominado ng Beermen ang laro kung saan hindi nila hinayaan na makaabot pa ang Macau.

Mayroon ng anim na panalo at dalawang talo ang Beermen sa Group A.

Habang ang Macau ay mayroong dalawang panalo at anim na talo.

Nanguna sa panalo ng Beermen si George King na nagtala ng 19 points habang mayroong 14 points si Jericho Cruz at 13 points naman ang naitala ni Jeron Teng.

Alas Pilipinas Women, silver medalist sa SEA V Cup matapos ang thrilling win kontra Indonesia

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASUNGKIT ng Alas Pilipinas Women ang kauna-unahang silver medal ng bansa sa SEA V Cup matapos pataubin ang Indonesia, 25-13, 23-25, 25-19, 33-31, nitong Linggo sa Thailand.

Matapos ang matinding laban na umabot sa marathon fourth set, nakaligtas ang Alas Pilipinas sa walong set points ng Indonesia bago tuluyang selyuhan ang panalo.

Nagtabla pa ang dalawang koponan sa 31-all bago umarangkada ang Pilipinas.

Nanaig ang crucial block nina Fifi Sharma at Jia de Guzman para pigilan ang Indonesia, bago tuluyang magkamali ang kalaban sa drop shot at maibigay sa Pilipinas ang makasaysayang panalo.

Dahil dito, nalagpasan na ng Alas Pilipinas ang anim nitong bronze-medal finishes mula nang itatag ang torneo noong 2019, na noon ay tinawag na ASEAN Grand Prix bago naging SEA V.League at kalaunan ay SEA V Cup.

Malakanyang, pinasaringan ang di umano’y credit-grabber sa Davao City housing project

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
PINASARINGAN ng Malakanyang ang tinutukoy nitong credit-grabber para sa isang housing project sa Davao City.

Hindi naman pinangalanan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung sino ang mga ito.
“Isang maayos na pabahay, isang tunay na komunidad, ngunit ang proyektong ito ay pilit na inaagaw ng ilang mapagpanggap na kahit wala silang anumang kontribusyon sa pagod ng Pangulong Marcos Jr. at ng DHSUD ay pilit bubulagin ang mga kababayan natin sa pamamagitan ng pagpapanggap na kanila raw ang proyekto na People’s Ville sa Davao City,” ani Castro.
Habang hindi naman nagbigay ng pangalan si Castro, nauna nang nagpahayag si Vice- President Sara Duterte na ang People’s Ville project ay nagsimula sa panahon ng kanyang termino bilang Alkalde.
Para patunayan na ang mga proyekto ay nagsimula sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpakita ng resibo si Castro na magpapatunay na ang proyekto ay nagsimula sa Marcos administration.
“So, mainam po na maging mapanuri tayo, at ang proyektong ito ay para po sa ating mga kababayan, hindi para magpabida ang sinuman kung hindi laan ito para sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa Davao City,” ang winika ni Castro.
Samantala, tinukoy naman ni Castro ang data mula sa DHSUD, sinabi nito na may 2,6000 housing units ang natapos na, at apat pang gusali ang sumasaillaim ngayon sa konstruksyon. ( DARIS JOSE)

Employment opportunities para sa senior citizens, pinapalawig

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
INAPRUBAHAN ng House Committee on Senior Citizens na pinamumunuan ni United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay nitong Martes ang ilang consolidated bills na magpapalawig sa employment opportunities para sa senior citizens.
Kabilang sa inaprubahan ang pinagsama-samang House Bills (HBs) 7319, 7568, 8940, 9792, 10133, at 10138. Ang consolidated bill, kapag naisabatas, ay aamyendahan ang Republic Act (RA) No. 7432, o “Expanded Senior Citizens Act of 2010.”
Sinabi ni Aquino-Magsaysay na kaya pa namang magbigay ang mga senior citizens ng kontribusyon sa sosyedad at dapat na bigyan pa ng pagkakataon.
Iginiit nito na ang “objective is to ensure that senior citizens are not merely represented, but that their voices are genuinely heard, meaningfully considered, and effectively reflected in decision-making, particularly at the community level."
Inaprubahan din ng panel ang HB 190, na inihain ni Aquino-Magsaysay, na nagmamandato sa pagkakaroon ng mga senior citizens day care center sa bawat barangay.
Magsisilbi ang center bilang lugar kung saan magagawa ng mga seniors na “can sing, dance, and maging busy the whole day with the livelihood or anything na activities para masaya sila the whole day at hindi lang ‘yon, para maproteksyunan sila kaysa nasa bahay sila mag-isa o wala silang ginagawa."
(VINA de GUZMAN)

Panukalang alisin ng ERC ang 12% value-added tax (VAT) na kasalukuyang ipinapataw sa system loss charges, pinapurihan

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
PINAPURIHAN  ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa panukalang polisiya na alisin ang 12% value-added tax (VAT) na kasalukuyang ipinapataw sa system loss charges.
Sa ilalim ng draft resolution ng ERC, hindi na isasama ang system loss charges sa taxable gross receipts ng generation companies maging ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Nasa proposal din ang pagre-require sa mga distribution utilities na linawing tukuyin na ang system loss ay isang hiwalay na item sa electricity bills ng consumers.
“I commend the ERC for this move. This is the product of sustained consultation between Congress and the Commission, and we appreciate the ERC’s initiative to act on an issue that directly affects consumers. This is government working together to remove costs from electricity bills wherever we can. At a time when every peso matters, even seemingly small reductions can provide meaningful relief to Filipino households and businesses,” ani Quimbo.
Una nang inihain ni Quimbo ang House Bill No. 10602 na nagsusulong na alisin ang 12% VAT na ipinapataw sa system loss charges.
“There is no value in energy that is not consumed. We should not be taxing consumers for electricity that never reached their homes or businesses in the first place,” ani Quimbo.
Sa ilalim ng ERC proposal, ang pagtanggal sa VAT ay maipapatupad sa sandaling naisapinal na ang resolusyon at kumpirmahin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kaukulang tax treatment.
(VINA de GUZMAN)

Impeachment trial at criminal case, magkaiba- Castro

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Malakanyang na magkaiba ang nature ng impeachment case at criminal case kaya't maaaring usigin si Vice-President Sara Durterte para sa reklamong grave threats habang nagpapatuloy ang impeachment trial laban sa kanya.
Ang paglilinaw na ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay sa gitna ng napaulat na hindi mauusig si VP Sara para sa reklamong grave threats laban sa kanya habang nagpapatuloy ang impeachment trial.
“Magkaiba po kasi ang criminal case, magkaiba rin po ang impeachment. Iba po ang nature ng dalawa,” ang binigyang diin ni Castro.
Tinanong kasi si Castro kung ang isang kaso ay maisasampa laban sa isang impeachable official sa korte habang nagpapatuloy ang impeachment trial laban dito.
Ang pahayag na ito ni Castro ay matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na naghain sila ng reklamong grave threats laban kay VP Sara.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, inihain ang reklamo sa Office of the Clerk of Court ng Quezon City Regional Trial Court 1:30 p.m. ngayong Martes, 11 August.
Kaugnay ito ng umano’y pagkontrata ng bise sa isang assassin para ipapatay sina Pres. Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos, at dating House speaker Martin Romualdez kapag namatay siya.
“The Vice President may not be prosecuted for an alleged offense that is also the subject of an impeachment case… The Vice President will exercise all available legal remedies in due course,” pahayag ni Atty. Paul Lawrence Lim, counsel ni VP Sara.
Samantala, sinabi ni Castro na personal siyang naniniwala na ang isinampang reklamo laban kay VP Sara ay hindi sapat.
“Actually kulang pa nga ‘yan. Ako, ha, as an ordinary citizen, as a lawyer, feeling ko kulang pa nga ‘yung kaso na ‘yan,” ani Castro.
“Hindi lang ‘yan grave threats, kasi sowing hatred talaga. The whole video. Sowing hatred against the President, against the First Lady," aniya pa rin.
Tinuran din nito na hindi immune mula sa reklamo/ kaso si VP Sara.
“Wala siyang immunity from suit, so pwede siyang sampahan ng kaso. So, dapat noon pa nga,” anito.
Tinuran pa ni Castro na ang paghahain ng reklamo laban kay VP Sara ay hindi dapat na isisi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Kasi ginawa niya ‘yan. Totoo namang nakita natin,” ang sinabi pa rin ni Castro
Samantala, sinabi naman ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni VP Sara na ie-exercise ng mga ito ang lahat ng "available legal remedies in due course.”
(DARIS JOSE)

Para tugunan ang lumalaking dami ng basura sa landfills…Gobyerno, ina-assess ang lokasyon para sa waste-to-energy facilities —PBBM

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
TINITINGNAN ng gobyerno ang posibleng facility sites para sa waste-to-energy project.
Ito'y matapos na personal na inspeksyunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang clearing operations sa kahabaan ng Baclaran River sa Parañaque City, araw ng Martes, Agosto 12.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang waste-to-energy project ay isa sa mga inisyatiba ng administrasyon para tugunan ang lumalaking dami ng basura sa landfills.
"Imbes na dadalhin sa landfill, dadalhin na lang sa waste-to-energy plant. So, tinitingnan natin 'yung location para naman hindi masyadong malaki ang bayaran ng LGU para sa hauling," ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag.
Sinabi ng Pangulo na maaaring asahan ng publiko ang developments sa posibleng proyekto sa nalalapit na panahon.
"Maybe we will be able to see it in a year, a year and a half. We'll push it," ayon kay Pangulong Marcos.
Tinuran pa ng Pangulo na bibilhin ng Department of Energy ang power na mapo-produce ng waste-to energy facilities.
Ayon sa United States Energy Information Administration, sinusunog ng waste-to-energy plant ang mga basura para makapag-produce ng steam, na gagamitin para bigyan ng power ang electric generator turbine.
Sa ginawang pag-inspeksyon ng Pangulo sa Parañaque City, sinabi nito na ang pumping station sa kahabaan ng Baclaran River ay hindi pa nagagamit hanggang noong nakaraang taon.
"Itong pumping station, never gumana. Ngayon lang gumana ito nung last year, nung typhoon season lang last year," ang winika ng Pangulo.
Ang clearing at waste collection operations sa kahabaan ng Baclaran River ay nagpapatuloy para makadaloy ang tubig papuntang pumping station.
Samantala, ang Redemptorist Water Chanel sa kahabaan ng Baclaran River ay naging viral kamakailan matapos na makita na naglutangan ang toneladang basura kasunod ng malakas na bugso ng ulan sa Kalakhang Maynila. (DARIS JOSE)

MARASIGAN AT JAURIGUE-PEREZ, PINAGTIBAY ANG HANGARIN SA PATULOY NA PAG-UNLAD NG STO. TOMAS SA IKALIMANG SOCA

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LUNGSOD NG STO. TOMAS, Batangas — Muling pinagtibay nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) at Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez ang kanilang matibay na paninindigan para sa patuloy na pagsulong, pagkakaisa, at pagbabago ng Lungsod ng Sto. Tomas sa pagtatapos ng ikalimang State of the City Address (SOCA).  

Sa naganap na ulat sa bayan, binigyang-diin ng pamahalaang panlungsod na ang tagumpay ng bawat programa ay bunga ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng ehekutibo, ng Sangguniang Panlungsod, at ng buong sambayanang Tomasino.

“Kapit-kamay tayo sa bawat hakbang, sa bawat hamon, at sa bawat tagumpay,” ang naging mensahe na sumasalamin sa nagkakaisang panawagan ng liderato nina Mayor Marasigan at Vice Mayor Jaurigue-Perez para sa patuloy na bayanihan sa komunidad.

Ibinida rin sa okasyon ang mga nagawa at kasalukuyang programa ng lokal na pamahalaan na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan, edukasyon, imprastruktura, at kabuhayan upang iangat ang antas ng pamumuhay sa lungsod.

Sa pagtatapos ng pagtitipon, nanawagan ang pamunuan sa mga mamamayan na panatilihin ang pagtutulungan upang makamit ang mas maunlad, matatag, at masiglang kinabukasan para sa Lungsod ng Sto. Tomas. 

(BOY MORALES SR.)

PULIS, SIBILYAN PATAY SA KABARO, 1 PANG PULIS SUGATAN

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATAY ang isang pulis at isang sibilyan habang ginagamot ang isa pang pulis matapos barilin ng kanilang kabaro nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa parking area ng isang resort sa Maragondon Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si PMSg Junmark Sisante, miyembro ng PNP na nakatalaga sa Magallanes MPS at residente ng Magallanes at Arjay Mojica ng Magallanes, Cavite umano’y bodyguard ng isang Mayor habang inoobserbahan pa si PCpl Louie Vidon Climacosa, nakatalaga sa Ternate MPS at residente ng Magallanes Cavite habang ang suspek ay kinilalang si PCPL Rolando Periodico Jr. 35, nakatalaga sa Trece Martires City Police Station , Trece Martires City Cavite, at residente ng Magallanes Cavite.

Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa parking area ng Marie’s Resort sa Barangay San Miguel A, Maragondon, Cavite kung saan ayon sa saksi ang mga sangkot ay pawang nakainom at pauwi na ang mga ito subalit pagdating sa lugar ng nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa barilan.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima kung saan idineklarang dead on arrival sina Sisante at Mojica.

Nakumpiska sa kanila ang isang Glo ck 17 .9mm pistol na may magazine na naka-istu sa suspek at isang Pierto Berreta . 9mm pistol na isyu mula sa biktima. 

(Gene Adsuara)

2 isinelda sa sugal, droga sa Valenzuela

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KALABOSO ang dalawang kelot matapos maaresto ng pulisya habang naglalaro ng illegal na sugal at makuhanan pa ng droga ang isa sa kanila sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina alyas “Conrad”, 40, delivery helper ng Brgy., Maysan at alyas “Rico”, 43, construction worker ng Pasay City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Talento na habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa loob ng Saint Angeluz Cemetery sa Padrigal St., Barangay Maysan, pasado alas-7 ng gabi.

Kaagad nilang nilapitan ang mga suspek sabay nagpakilala bilang mga pulis saka ipinaalam sa kanila ang nilabag nilang pagkakasala bago inaresto ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang pangara, P320 bet money at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,836.00 na nakuha umano kay alyas Conrad.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law) habang karagdagan pa na kasong paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin ni alyas Conrad. (Richard Mesa)