• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

KABATAAN, HINIKAYAT NA MAKIISA AT BUMOTO SA BSKE

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIHIKAYAT ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kabataan na makiisa at samantalahin ang pagboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026. 

Mahalaga ang partisipasyon ng mga kabataan sa botohan sa BSKE dahil dito talaga malalaman kung sino ang dapat na mamuno sa bawat komunidad, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Kapihan sa Manila Hotel.

Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng nakuhang datos ng Comelec na tila kakaunti ang bilang ng mga kabataan na nakibahagi sa ginanap na plebisito sa Naga at Parañaque City.

Dagdag pa ng poll chief, tila nagiging aktibo at nagkakaroon lamang ng partisipasyon ang karamihan sa mga kabataan kapag malakihan ang eleksyon tulad ng national election. 

Panawagan ni Garcia, mas maigi na makibahagi ang mga kabataan dahil importante ang magiging resulta ng bilang ng boto nila para sa mga hinahangad na pagbabago. 

Bukod dito, umaasa ang Comelec na pagbibigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang hiling na ideklarang special non-working holiday ang Nov. 3, 2026 para magkaroon ng pagkakataon na makaboto at hindi magmadaling umuwi ang mga botante partikular ang mga magbabakasyon sa probinsiya. 

(Gene Adsuara)

Mas malaking bayad sa mga special needs teachers, isinusulong ng mambabatas 

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINUSULONG ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang pagpasa sa panukalang magtataas sa sahod ng Special Needs Education (SNed) teachers upang makatulong na mapunan ang kakulangan sa mga guro sa public schools. 

Sa panukalang nakapaloob sa House Bill (HB) 5574, ang minimum salary grade level ng SNed teachers sa elementary at secondary public school system ay itataas mula Grade 14 (P38,764) sa Grade 16, na katumbas sa basic monthly pay na P45,694 ngayon taon at P47,829 sa 2027. 

“Lahat dapat ay pantay-pantay ang oportunidad sa edukasyon, at mangyayari lamang ito kung may sapat tayong mga special needs education teachers sa public schools para sa mga mag-aaral na may disabilities,” ani Yamsuan. 

Sinabi ni Yamsuan na kailangang magdagdag ng special needs educators sa public school system, kung saan nasa 391,089 LWDs ang naka-enroll habang mababa sa 6,000 ang bilang ng SNed teachers para sa school year 2024-2025. 

Sa isang pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) lumabas na yaong naka-enroll tanging 32% ang mayroong SNed teacher na naka-assign sa kanilang eskuwelahan. Nabatid pa sa pag-aaral na 3 sa 4 na LWDs ay naisasama sa general education classes, na madalas na may regular teachers na hindi handa para magbigay ng kinakailangang specialized support.

Ang bilang ng LWDs na naka-enrol sa public schools para sa school year 2024-2025 ay katumbas lamang ng mababa sa 8% ng tinatayang 5.1 milyong children with disabilities sa buong bansa.

“Promoting inclusive education should not be mere lip service. It should be supported by concrete actions. A SNed teacher cannot effectively teach and guide LWDs four times the number that he or she can handle, while facing complex demands that go beyond their teaching load, such as designing differentiated instruction, implementing individualized education plans and exploring different sensory and behavioral approaches to help students thrive in a formal school environment,” ani Yamsuan.

 “Sadly, many SNed teachers have sought better pay, working conditions and professional development opportunities abroad, further widening the gap between teacher supply and learner demand. We hope that the swift passage of our measure will help stem this exodus, and strengthen the backbone of inclusive education by encouraging more SNEd teachers to teach in our public schools.”

(VINA de GUZMAN)

Parking attendant, naaktuhan nagdodroga sa Valenzuela

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BAGSAK sa kulungan ang isang parking attendant matapos maaktuhan na gumagamit umano ng iligal na droga sa Valenzuela City, Martes ng hapon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Russel”, 43, ng Brgy., Malanday.

Ayon kay Col. Talento, nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 6 at ipinaalam sa kanila ng tumawag na madalas umanong may nagaganap na pot session sa isang makeshift shelter sa Mac Arthur Highway, Brgy., Malanday.

Kaagad namang nagsagawa ang mga tauhan ng SS6 ng validation sa nasabing lugar at naaktuhan nina PCpl Renz Marion Manalad at Pat John Michael Macalla ang suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng nasabing shelter dakong alas-5:15 ng hapon na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska nila sa suspek ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 12 at 15 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

PDEA AT MGA KATUWANG NA AHENSYA NAKAKUMPISKA NG HALOS ₱98-M HALAGA NG ILIGAL NA DROGA SA ISANG LINGGONG OPERASYON

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY na pinalalakas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama ang Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng pagpapatupad ng batas, ang pambansang kampanya laban sa ilegal na droga, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng halos ₱98 milyong halaga ng iligal na droga sa mga operasyong isinagawa mula Hulyo 30 hanggang Agosto 6, 2026.

Ang PDEA at ang mga katuwang na ahensya nito ay nagsagawa ng kabuuang 91 na operasyon laban sa ilegal na droga, kabilang ang mga buy-bust at interdiction operations, paghahain ng mga search warrant at marijuana eradication activities. Ang mga operasyong ito ay nagresulta sa pagkaaresto ng 139 na personalidad sa droga, kabilang ang 71 na tulak, 30 bisita/kliyente ng drug den, 13 tagapangalaga/may-ari ng drug den, 10 empleyado ng drug den, 12 may-ari ng droga, at 3 gumagamit ng droga.

Ang mga operasyon ay nagresulta rin sa pagkumpiska ng:

7,953.03 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu;

o 0.05 gramo ng likidong shabu;

o 6.71 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana;

o 205,680 piraso ng mga halaman ng marijuana;

o 6,400 piraso ng mga punla ng marijuana; at

o 1,000 ml ng langis ng marijuana

Kabilang sa mga mahahalagang nagawa ay ang isang interdiction operation sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 1,706 gramo ng shabu. Ang iba pang mahahalagang operasyon sa iba’t ibang rehiyon ay humantong sa pag-aresto sa isang suspek at pagkumpiska ng 964.39 gramo ng shabu sa Cebu City; tatlong suspek na may 774.60 gramo ng shabu sa Palo, Leyte; dalawang suspek na may 500 gramo ng shabu sa Cotabato City; isang suspek na may 100 gramo ng shabu sa Pagadian City, Zamboanga del Sur; at ang pagkumpiska ng 3,000 gramo ng shabu sa Bacoor, Cavite.

Ipinagpatuloy din ng PDEA ang kampanya nito laban sa pagtatanim ng marijuana sa Cordillera Administrative Region (CAR), sa pakikipagtulungan ng mga katuwang na ahensya ng pagpapatupad ng batas. Ang magkasanib na operasyon ng pagpuksa sa Benguet at Kalinga ay humantong sa pagkawasak ng 205,680 ganap na tumubong halaman ng marijuana at pagkumpiska ng 6,400 punla ng marijuana.

Pinuri ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang mga operating unit at partner agencies para sa kanilang patuloy na dedikasyon at kooperasyon sa pagsasagawa ng mga operasyong hinimok ng intelligence laban sa ilegal na droga. Binigyang-diin din ni DG Nerez na patuloy na tutugisin ng PDEA ang mga drug trafficker, organisadong grupo ng droga, mga aktibidad ng drug smuggling, at mga lugar ng pagtatanim ng marijuana habang pinapalakas ang koordinasyon sa mga law enforcement agencies, local government units at mga komunidad.

Nanawagan din ang PDEA sa publiko na manatiling mapagmatyag at suportahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pag-uulat ng impormasyon tungkol sa mga pinaghihinalaang ilegal na aktibidad ng droga sa pamamagitan ng PDEA Hotlines sa 0995-354-7020 at 0931-027-8212, pati na rin sa pamamagitan ng mga social media channel nito, kabilang ang PDEA Facebook page na “Isumbong Mo sa PDEA”. Sa patuloy na pagbabantay at kooperasyon ng publiko, nananatiling matatag ang PDEA sa pakikipagtulungan sa ating mga komunidad upang palakasin ang kaligtasan ng publiko at suportahan ang isang Pilipinas na walang droga.

“Ang laban kontra iligal na droga ay nananatiling responsibilidad ng lahat. Kasama ang ating mga katuwang at mga komunidad, mananatili tayong walang humpay sa pagbuo ng mas ligtas at malayang komunidad tungo sa isang Bagong Pilipinas na malaya sa droga,” pahayag ni DG Nerez. (PAUL JOHN REYES)

P7.2 trilyong 2027 national budget isinumite na sa Kamara

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAISUMITE na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang panukalang P7.2 trilyong national budget para sa 2027, na mas mataas ng 6% kumpara sa nakaraang taon.

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na masusing pag-aaralan ng Kongreso ang panukala upang matiyak na bawat piso ay magbibigay benepisyo sa mamamayan.

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, mas mataas ng P407 bilyon ang panukalang badyet kumpara sa P6.8 trilyon noong 2026.

Sa ilalim ng panukala, pinakamalaking pondo ang nakalaan sa Edukasyon na may P976 bilyon. Kasunod nito ang DPWH – P644 bilyon at DOH – P353.8 bilyon. Kabilang din sa top 10 agencies na may pinakamalaking alokasyon ang DILG (P332.5 B); DND (P328.8-B); Transportation (P302.2-B); Agriculture (P261.7-B); DSWD (P241.6-B; Higher Education (P176.5-B) at Judiciary (P86.3-B)

Magandang vehicle ito sa pagbabalik-showbiz niya… YUL, tuwang-tuwa dahil pasok sa Venice International Film Festival ang ‘Makikiraan Po’ (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

THANKFUL si Yul Servo sa bago niyang pelikulang “Makikiraan Po” (Let et Us Us Through, Dear Ancestors), na mula sa pamamahala ng internationally acclaimed filmmaker na si Direk Lav Diaz.

Naikuwento sa amin ni Yul nang kausapin siya ni Direk Lav hinggil sa pelikulang ito.

Aniya, ‘O Yul, dito ka muna, magtrabaho tayo, basahin mo ito at sana ay magustruhan mo. Sabi niya sa akin iyon, hindi ko pa nababasa (ang script) nag-opo na agad ako.

“Sabi pa niya, O, huwag ka na magpa-ahit, kailangan madungis ka… So, seven months akong nagpahaba ng balbas, para sa pelikulang ito.”

Pagpapatuloy pa ni Yul, “Kasi siyempre kapag si Direk Lav Lav av Diaz ang susundin na iyong nagsabi, eh… kung gusto mong bumalik sa industriya, kailangan gawin mo na.

“Kasi iyong trabaho namin pag-arte, kailangan ay nagre-research sa ka rin, kailangan ay nag aral ka rin. Hindi puwede iyong mapurol ang utak mo rito, hindi puwede iyong magbobobo-bobohan ka. Lalo na at magbabalik ka.”

Aminado ang aktor public servant na malaking ang project bagay sa kanya ang na ito.

Magandang vehicle ito sa pagbabalik-showbiz niya… YUL, tuwang-tuwa dahil pasok sa Venice International Film Festival ang ‘Makikiraan Po’

“Sakto kuya, magandang vehicle ito sa pagbabalik ko sa showbiz, na binalikan Direk Lav at may kasunod pa itong pelikula.

“Siyempre, tuwang-tuwa talaga ako sa pangyayaring ito. Actually nga, hindi ko naman iniisip na pang-international ito, e. Hindi ko pa alam noong una, tapos bandang huli ay sinabi nga ni Direk na target niyang isali ito sa Venice International Film Festival at hindi naman natin alam kung makakapasok.

“So ngayon ay nakapasok nga, na parang Batang West Side (award winning mov niya rati) rin ito, movie ito, na dinala ako sa iba-ibang bansa, sa mga festival, na nanalo ako noon ng dalawang Best Actor awards at napupuri ang pelikula natin bilang Filipino.

Ang “Makikiraan Po” ay nakatakdang mag-premiere nak sa 83rd Venice sa 83rd Venice International Film Festival. Bukod kay Yul, tampok dito sina Christian Bables, Ronnie Lazaro, Bart Guingona, Isabel Sandoval, Bong Cabrera, Rafa Siguion-Reyna, Sri Arjhay Babon, Necias Pataunia, at Daniel

Palisa.

As an artist naman, na metal art scuplture ang medium, ang mga obra ni Yul ay makikita next month sa Vienna, Austria, sa group exhibition para sa international audiences sa kanyang sculptural talent, na nag-uugat så cartography, memory, at contemporary art.

Ang artistic momentum ng aktor ay magpapatuloy sa kabuuan ng 2026, with group exhibitions sa Nami Art Gallery. Artist Space, at J Studio. Plus, later this year with Directions VIII: Metro Manila City Maps, tampok dito ang newest installment ng acclaimed series ng cartographic relief sculptures ni Yul.

Aminadong sumama ang loob sa TV5 pero naghilom na…VICE GANDA, pumirma na sa MediaQuest Holdings at tinawag na ‘Queen of All Networks’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA isang makasaysayang at game-changing moment para sa Philippine media, sinelyuhan ng Asia’s Phenomenal Unkabogable Box Office Superstar na si Vice Ganda at MediaQuest Holdings ang isang phenomenal partnership kahapon, Agosto 12, Miyerkules, sa The Lighthouse sa Meralco Center, na isa sa mga iconic corporate headquarters ni Chairman Manny V. Pangilinan.

Ang pagpirma ay kumakatawan sa isang monumental na alyansa sa pagitan ng pinakakilalang entertainment personality ng bansa at isa sa mga pinaka-formidable media organizations.

Opisyal na pinagtitibay si Vice Ganda sa kasaysayan ng pop culture ng Pilipinas bilang “Queen of All Networks,” ang kasunduan ay pormal nang ibinahagi ang pananaw upang lumikha ng isang bagay na mas pinatindi para sa mga manonood sa buong mundo, gamit ang laki at malawak na maaabot ng MVP Group at Media Quest kasama ang kultural na pamana ni Vice Ganda.

Dinaluhan ang naturang seremonya nina Manny V. Pangilinan, Chairman ng MVP Group, Ranvel Rufino, Head for Partnerships, People and Business Development, at Victorico P. Vargas, President at CEO ng Media Quest Holdings. 

Ang proyektong “VG X MQ” ay hudyat ng mga pambihirang oportunidad, na nagbubukas ng daan para sa mga makabagong proyekto na tiyak na magugustuhan ng mga Pilipino sa buong mundo.

Sa huli, may mga kahanga-hangang posibilidad na naghihintay sa makasaysayang pagsasanib-puwersa sa pagitan ng entertainment icon at ng media titan.

Samantala, inamin naman ni Vice na matagal na ang negosasyon nila ng Media Quest at ngayon lang ito nagkaroon ng pagkakataon para maisakatuparan, na maituturing na isa namang malaking blessing dapat niyang ipagpasalamat.

“Masarap siya sa pakiramdam, gusto ko siya,” pag-amin ni Vice.

“At dahil may kontrata, siyempre may bayad yan, di ba?  Kaya iniisip ko lang, gusto ko ng ganito, magpapagawa ako ng ganito, magpapadala ako sa ganito.

“Kasi okey na naman ako, even without this contract, mabubuhay na naman ako bukas.

“Kaya para saan kaya ang blessing na ito?  Para sa akin ba lahat ito? Kakamkamin o sasarilinin ko lang ba ito? 

“Di ba sabi ko nga kanina, this is a win win for me, for ABS-CBN or TV5 or Media Quest and for everyone that I will be sharing this win win.”

Pagbabahagi pa niya sa naging pag-uusap nila ni MVP tungkol sa partnership…

“Noong nag-meet kami ni Sir MVP, meron akong narinig sa kanya na hindi ko makakalimutan.  Kasi noong tinatanong ko ang sarili ko, before ako nag-decide, why will I enter in this agreement? 

“Ano ang maibibigay ko sa kanila?  Ano ang mabibigay nito sa audiences? 

“At this very moment, naghihingalo naman talaga ang telebisyon.  At yun hamon na bukas makalawa ay wala nang television dahil sa rami ng libreng platforms.

“Yun ang isa pang bagay na ayokong i-embrace na bukod sa pinaghahandaan, gusto ko hanggang makakaya, ipaglaban natin na maipagpatuloy ang nasimulan natin.”

Dagdag pa niya, “kaya nang sinabi niya (MVP) sa akin na, ‘at this point we just need to unite.  Because I have what you don’t have. And you have what I don’t have…

“‘Because the industry needs for us to unite in order to survive. 

“So that’s very clear… So, ‘pag pinagsama mo ‘yun, it’s awin win for so many people.”

Inamin naman ng TV host/comedian na na sumama ang loob niya sa TV5 nang biglang mawala ang “It’s Showtime” sa Kapatid Network.

Kuwento ni Vice, “a month or after na nawala kami sa TV5, meron nang talks eh.

“Pero hindi eh, dahil heart broken pa ako, parang no muna dahil hindi ako comfortable.

“It broke my heart at that time, pero ngayon nakakatuwa dahil ang heartbreak naghi-heal.  Nagkaroon ng maraming learnings at puwede pang makabuo ng isang magandang relationship after a heartbreak.

“Kaya I’m just super excited sa mga content na gusto kong gawin.”

Paglilinaw pa niya sa pagpalit ng ‘Eat Bulaga’ sa ‘It’s Showtime’, “wala akong sama ng loob sa TVJ ha? Parang TVJ has nothing to do with.

“Wala naman akong relationship or deals with them, hindi naman ako nagtatrabaho together.  

“So, hindi naman sila yun nakasakit sa akin, wala naman silang communication sa akin. They just doing their jobs.”

Pangako pa ni Vice Ganda, pasabog na mga content dapat abangan sa phenomenal partnership na ito sa MediaQuest Holdings.

Nagbalik-tanaw sa panahong nawalan ng katahimikan sa buhay…TONI, naging mas mabuting tao dahil naramdaman kung paano mahusgahan  (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAMAKAILAN lang ay inamin ni Toni Gonzaga ang hirap na painagdaanan niya noong taong 2022.

Sa mga pambabatikos na inabot niya, inakala ng actress/host na iyon na ang katapusan ng kanyang 20 years sa industriya.     

Nagsimula ang isyu noong i-endorso niya at mag-host pa sa kick-off rally ng noo’y presidential candidate na si Bongbong Marcos na ginanap sa Philippine Arena.     Matinding public backlash at political controversy, ang naging resulta sa pagho-host nito sa proclamation rally.

Dahil sa rami ng negatibong komento, napilitan itong mag-resign bilang host ng PBB (Pinoy Big Brother), at sa kanya na rin home network sa loob ng labing anim na taon.

Lingid sa kaalaman ng publiko, kasalukuyan nitong ipinagbubuntis ang ikalawa nitong anak na si Paulina Celestine (Polly).     

Subali’t imbes na maging bitter ito sa mga nangyari, nag-iba raw ang kanyang pananaw.     

Sa naging panayam kay Toni ni Gary Valenciano sa podcast nito na “Unshaken,” nagbalik-tanaw ang aktres sa panahong nawalan siya ng katahimikan sa buhay.

Ayon kay Toni, nagkaroon ng postibong epekto sa kanya ang matinding backlash.     Naging mas mabuting tao raw siya, naging less judgmental dahil naramdaman niya kung paano siya husgahan.    

Kumbaga, hinulma siya ng mga batikos sa kung sino at ano siya ngayon.  Doon niya rin daw naramdaman na kahit marami ang nagalit sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng suporta mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga taong di rtin naman niya kilala.

Isang bagay lang ang hindi nakalimutan ni Toni, sa mga masasakit na salita na kanyang natanggap, may mga pagkakaton lang na kailangan itong tanggapin.

Huwag patulan at magdasal.     

Alam naman daw ni Toni na hindi niya kailangang makipag-argue o makipag-debate, sa bandang huli may lilitaw pa rin na mas matalino mas may alam kesa sa kanya.  

Ads August 13, 2026

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads August 12, 2026

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments