33 percent Pinoy naniniwalang gaganda ekonomiya – SWS
- Published on September 25, 2026
- by Francis Paolo Torres
BATAY sa Social Weather Stations (SWS) survey noong Hunyo 20–29, 2026, 33% ng adult Filipinos ang naniniwalang gaganda ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan.
Sa nasabing survey, 24% ang nagsabi na lalala ang ekonomiya, 32% ang naniniwalang mananatili sa kasalukuyang antas at 11% ang hindi sumagot.
Nakapagtala ng +10 puntos ang net economic optimism na itinuturing na “fair” (+10 hanggang +19).
Malaking pag-angat ito mula sa -14 noong Marso 2026.
Bumaba ang optimism mula 2021–2024 (excellent/very high) hanggang sa low territory noong Marso 2026, bago muling umangat sa fair level nitong Hunyo.
Tumaas din ang optimism o pagiging positibo sa lahat ng education groups. Pinakamataas sa mga walang pormal na edukasyon o hindi nakapagtapos ng elementarya.
Pinakamababa sa mga college graduate/post-graduate na kabaligtaran ng trend noong 2023–2024.
Ginawa ang survey sa 1,200 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.