• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

Malakanyang, nanawagan sa mga TUPAD beneficiaries hinggil sa di umano’y pekeng cleanup photos, videos

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN ang Malakanyang sa ilang benepisaryo ng emergency employment program ng gobyerno para sa di umano’y pagpo-post ng mga litrato at video na naglilinis ng mga kanal, sama-samang nagwawalis habang bigo namang gampanan ang kanilang trabaho kung saan sila tinanggap.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos na ihayag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bansa ay nahaharap sa problema sa basura kasunod ng pagbaha sa Metro Manila matapos na humagupit ang ulan na dala ng Habagat.

Winika ni Castro na ang napaulat na pekeng litrato at videos ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) beneficiaries ay lubhang nakadidismaya dahil binabayaran ang mga ito para tupdin ang aktuwal nilang community work, kabilang na ang debris clearing at declogging ng mga kanal.

“Ito ay isang example lamang po. Yung mga hina-hire para sa TUPAD, sila ay in-engage para maglinis. Pero nakita po natin na ito ay nag-viral na yung iba ay magpapa-picture lang—kunwari may basurang winalis, pero after that ay aalis na rin,” ayon kay Castro.

“Minsan sila pa ang nagtatambak ng basura para ipakitang may basura sa lugar. Wawalisin nila and then after that, nandoon lang,” anito.

“Ang gobyerno ay binibigay po ang lahat, kayo po ay hina-hire para kahit papano ay meron kayong mapagkakitaan. Pero gawin niyo po ang inyong obligasyon dahil hindi po naman kayo hina-hire at binabayaran para gumawa lang ng fake videos,” aniya pa rin.

Ang TUPAD Program ay isang mahalagang emergency employment program ng Department of Labor and Employment na naglalayong tulungan ang mga manggagawang pansamantalang nawalan ng kabuhayan o may kulang na kita. Hindi ito permanenteng trabaho at hindi rin ito simpleng cash assistance.

Saklaw ng programa ang community-based work gaya ng paglilinis at pagpapanatili sa public facilities, paglilinis ng debris, declogging ng mga kanal, segregating waste, at pagliinis ng lagusan ng tubig, itinuturing na isa sa mga mekanismo ng gobyerno para sa pagbibigay ng short-term income habang tinutugunan ang pangangailangan ng lokal na komunidad.

Ang TUPAD beneficiaries ay binabayaran base sa umiiral na minimum wage sa kanilang lokalidad para sa tagal ng kanilang inaprubahang trabaho, ”subject to program requirements and validated attendance.’ 

(DARIS JOSE)

‘Misleading questions’ hindi pinapayagan sa panahon ng cross-examination- Castro

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ‘basic knowledge’ sa mga abogado ay ang hindi pinapayagan ang ‘misleading questions’ sa panahon ng cross examination.

Hiningan kasi ng komento si Castro ukol sa nangyaring nagkainitan sa ika-15 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at defense counsel Atty. Kristine Ferrer sa cross-examination kay COA-ICFAO state auditor Xylene Del Campo.

“As a lawyer, basic. This is so basic. Misleading questions are not allowed, especially during cross-examination,” ayon kay Castro.

“Bakit? Kasi if you will ask misleading questions and you will just demand an answer–na yes or no, nothing more, nothing less—it will definitely give also a wrong answer,” aniya pa rin.

Sa ulat, nagsimula ang tensiyon nang harangin ni Kapunan ang pagtatanong ni Ferrer na tinawag niyang “out of line” at “misleading.” Giit ni Ferrer: “I’m on cross, your honor, please,” habang iginiit na pinahihintulutan ang kanyang linya ng pagtatanong.

Hiniling ni Kapunan kay Presiding Officer Sen. Chiz Escudero na pagsabihan si Ferrer na huwag putulin ang pagsagot ng testigo upang hindi maimpluwensiyahan ang kasagutan. “Never mind if you’re on cross. There are limits to cross-examination. Misleading questions are not allowed,” ani Kapunan

Nagpatuloy ang palitan ng matitinding salita hanggang sa awatin ni Escudero ang dalawang abogado. “Please, counsels, let us not allow the seeming generational divide increase the tension in the courtroom. Let’s keep it a notch lower,” ani Escudero.

“Your honor, please. I am preventing myself from giving her a spanking, your honor. That is what I would have done in the rational divide,” wika ni Kapunan na nagdulot ng halakhakan sa loob ng korte.

Ayon kay Ferrer, dapat panatilihin ng lahat ng abogado ang pagiging propesyonal at paggalang sa loob ng korte, kaya hiniling niya sa impeachment court na pigilan si Kapunan sa paggawa ng mga side comments katulad ng “spanking” o pamamalo.

“Yung mga ganoon ho, Your Honor, wala ho yung lugar dito sa courtroom because we are all lawyers here, we are all professionals,” ani Ferrer. “Igalang naman ho natin yung kapwa natin na lawyer.”

Tinanggap naman ni Kapunan ang paalala ng korte. “I accept what she said. I will refrain from lecturing her, Your Honor,” ani Kapunan.

At nang hingan ng persona na opinyon kung sa tingin niya ay estratehiya ito ng depensa, ang tugon ni Castro ay “Ayoko mag-judge sa style ng mga lawyers. So respeto ko na lang sa kanila ‘yun.”

Gayunman, sinabi ni Castro na na kung misinterpreted si Ferrer, dapat ay kaagad niyang kinorek o itinama ang kanyang sinabi.

“Alam mo sa isang lawyer, dapat matalas ang tenga mo. Isang mali mo lang talaga diyan, talagang mare-retain sa’yo ‘yan,” ang winika nito.

“Again, I don’t want to judge any comment made by the lawyers, pero mas mainam, kung marami nang nag-react…right then and there, sana kinorrect na niya. Siya na mismo ang nag-correct,” ang sinabi pa rin ni Castro.

( DARIS JOSE)

PBBM, nagkaloob ng voluntary deduction ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG sa mga gov’t COS, JO workers

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng administrative order na nagpapalawig ng social protection coverage sa mga contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno.

Sa ilalim ng Administrative Order (AO) No. 43, pinapayagan ng Pangulo ang voluntary deduction at remittance ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund contributions mula sa kompensasyon ng COS at JO government workers, batay sa kanilang pagsang-ayon.

Saklaw ng kautusan ang lahat ng departamento, ahensiya, burukrasya, tanggapan at instrumentalities ng national government, kabilang na ang government-owned or -controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs), may kaugnay sa serbisyo ng COS at JO workers.

Gayundin, hinikayat ang Local government units (LGUs) na sundin ang probisyon ng kautusan.

Ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ay inatasan na tiyakin na ang akmang mekanismo ay nasa ayos para makasama ang COS at JO workers at mabigyan ang mga ito ng kailangang impormasyon ukol sa available social protection coverage.

Ipinag-utos din ng mga ito na i-remit ang deducted contributions ng direkta sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG Fund sa loob ng itinakdang panahon.

Lalo na, ang mga ahensiya ay dapat na “ensure the timely remittance of such contributions and execute the necessary agreements with the concerned institutions to facilitate proper implementation.”

Sinasabi pa ng AO na ang pabilisin ang voluntary deduction at remittance ay “shall not alter, amend, or modify the existing contractual relationship between government agencies and their COS or JO workers.

Sa kabilang dako, ang Department of Budget and Management (DBM), Civil Service Commission (CSC), Commission on Audit (COA), SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG Fund ay inatasan na sama-samang magpalabas ng kinakailangang rules, guidelines, at accounting procedures upang masiguro ang epektibong implementasyon ng kautusan.

Ang AO ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, may pahintulot ni Pangulong Marcos noong Hunyo 3, 2026.

 (DARIS JOSE)

HON. IMELDA PAPIN, recognized as ASEAN LEGACY AWARD FOR MUSIC, CULTURE, AND PUBLIC SERVICE at the ASEAN Excellence Achievers Awards 2026

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

WITH great pride, we congratulate HON. IMELDA PAPIN, an iconic Filipino singer-songwriter, actress, and seasoned politician. Best known as the legendary “Jukebox Queen of the Philippines” and “Asia’s Sentimental Songstress,” she dominated the local music scene in the late 1970s and 1980s with her deeply emotional ballads. Transitioning successfully into public service, she currently serves as an Acting Member of the Board of Directors of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), on being recognized as ASEAN LEGACY AWARD FOR MUSIC, CULTURE, AND PUBLIC SERVICE at the ASEAN Excellence Achievers Awards 2026.

This recognition reflects your dedication, professionalism, and meaningful contributions to your field. Your commitment to excellence and continuous pursuit of growth have earned you this well-deserved distinction among the region’s outstanding achievers.

Join us on August 18, 2026, at Okada Manila as we celebrate individuals and organizations whose achievements exemplify excellence, leadership, and meaningful contributions across the ASEAN region.

( Sonny Asignacion)

Malakanyang, nanawagan sa mga TUPAD beneficiaries hinggil sa di umano’y pekeng cleanup photos, videos

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN ang Malakanyang sa ilang benepisaryo ng emergency employment program ng gobyerno para sa di umano’y pagpo-post ng mga litrato at video na naglilinis ng mga kanal, sama-samang nagwawalis habang bigo namang gampanan ang kanilang trabaho kung saan sila tinanggap.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos na ihayag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bansa ay nahaharap sa problema sa basura kasunod ng pagbaha sa Metro Manila matapos na humagupit ang ulan na dala ng Habagat.

Winika ni Castro na ang napaulat na pekeng litrato at videos ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) beneficiaries ay lubhang nakadidismaya dahil binabayaran ang mga ito para tupdin ang aktuwal nilang community work, kabilang na ang debris clearing at declogging ng mga kanal.

“Ito ay isang example lamang po. ‘Yung mga hina-hire para sa TUPAD, sila ay in-engage para maglinis. Pero nakita po natin na ito ay nag-viral na yung iba ay magpapa-picture lang—kunwari may basurang winalis, pero after that ay aalis na rin,” ayon kay Castro.

“Minsan sila pa ang nagtatambak ng basura para ipakitang may basura sa lugar. Wawalisin nila and then after that, nandoon lang,” anito.

“Ang gobyerno ay binibigay po ang lahat, kayo po ay hina-hire para kahit papano ay meron kayong mapagkakitaan. Pero gawin niyo po ang inyong obligasyon dahil hindi po naman kayo hina-hire at binabayaran para gumawa lang ng fake videos,” aniya pa rin.

Ang TUPAD Program ay isang mahalagang emergency employment program ng Department of Labor and Employment na naglalayong tulungan ang mga manggagawang pansamantalang nawalan ng kabuhayan o may kulang na kita. Hindi ito permanenteng trabaho at hindi rin ito simpleng cash assistance.

Saklaw ng programa ang community-based work gaya ng paglilinis at pagpapanatili sa public facilities, paglilinis ng debris, declogging ng mga kanal, segregating waste, at pagliinis ng lagusan ng tubig, itinuturing na isa sa mga mekanismo ng gobyerno para sa pagbibigay ng short-term income habang tinutugunan ang pangangailangan ng lokal na komunidad.

Ang TUPAD beneficiaries ay binabayaran base sa umiiral na minimum wage sa kanilang lokalidad para sa tagal ng kanilang inaprubahang trabaho, ”subject to program requirements and validated attendance.’ (Daris Jose)

4 NA BABAE, NAILIGTAS, 3 SUSPEK NAARESTO SA HUMAN TRAFFICKING

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga katuwang na ahensiya ang apat na babae at naaresto ang tatlong suspek na umano’y sangkot sa human trafficking sa isang intelligence-driven operation sa Barangay Tetuan, Zamboanga City.

Ayon kay Coast Guard District Southwestern Mindanao Commander Commodore Rejard Marfe PCG na ang pagkakaligtas at pag-aresto sa mga suspek ay bunsod sa impormasyon kanilang nakalap at sa pakikipagtulungan ng iba pang law enforcement agencies.

Ang napapanahon at beripikadong impormasyon mula sa ating mga Coast Guard intelligence personnel ang nagbigay-daan upang agad na kumilos ang magkasanib na mga operatiba bago pa lalong malagay sa panganib at pagsasamantala ang mga biktima,” ani Commodore Marfe.

Dinala ang apat na nailigtas na babae sa Department of Justice–Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) Region 9 Office para sa counseling at nararapat na pag-aasikaso sa kanilang mga kaso.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9208, o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyendahan ng RA No. 10364 at RA No. 11862, gayundin sa large-scale illegal recruitment sa ilalim ng RA No. 10022. 

(Gene Adsuara)

Defense panel, ginugulo ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa senado

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GINUGULO ng defense panel ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa senado, ayon kay Kabataan Partylist Rep. Renee Co, tagapagsalita ng House prosecution team.

“Tunay ngang sa bibig nahuhuli ang isda. Sa depensa na mismo nanggaling, dapat daw i-allow ang mga tanong nilang ‘misleading’. This clearly shows their strategy for the entire process of the impeachment trial,” sinabi ni Co kaugnay sa mga ulat na dapat daw pahintulutan ang mga “misleading questions” sa cross examination ng testigo.

Kinondena ni Co ang pahayag ni VP Duterte na binabaluktot ang batas sa kanyang paglilitis sa impeachment court sa senado.

“Hindi na ito nakakagulat. What can we expect from a defense panel whose client apparently does not recognize the institutional process being afforded to her? ‘Bending the law’ daw ang ginagawa sa impeachment court ng senado. Bakit hindi siya humarap at sa paglilitis mismo maghabol ng mga saloobin niya?” tanong ni Co.

Ayon kay Co, si VP Duterte mismo ang bumabaluktot sa batas, “lalo na sa kanyang kuwestiyonableng paggasta ng Confidential and Intelligence Funds.”

“Ultimately, kung may dapat sitahin ang Impeachment Court, si VP Sara iyon…one court, one standard. Kung bawal bastusin ang Impeachment Court, dapat bawal para sa lahat,” sinabi ni Co. (VINA de GUZMAN)

Buwanang pension ng mga senior citizens, itaas sa P2k

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINATATAASAN ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ang buwanang social pension ng mga indigent seniors sa P2,000 mula P1,000.

Sa pangunguna ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio L. Tinio, inihain ng mga mambabatas ang House Bill No. 10770 na magbigay ng higit na suportang pangkabuhayan sa mga nakatatandang hirap punan ang kanilang mga batayang pangangailangan sa gitna ng humaharurot na presyo ng pagkain, gamot, kuryente’t tubig at iba pang pang-araw-araw na gastusin.

Pinapanukala ring saklawin sa makatatanggap nito ang mga pensyonado ng SSS at GSIS na PhP10,000 o mas mababa pa ang nakukuha kada buwan.

“Kongkretong hakbang ito sa pagkilalang di lang pasasalamat nating lahat ang karapat dapat na matanggap ng ating mga seniors, kundi pati sapat at sustenidong proteksyong panlipunan” ani Tinio.

Resulta ang panukala ng nagpapatuloy na adbokasya ng Seniors Kontra Kurakot (SKK), isang samahan ng mga nakatatanda na nagkakampanya ng pananagutan sa mga nasa gubyerno at karampatang dagdag na alokasyon sa badyet para sa mga serbisyo sosyal, kasama na ang mga programang susuporta sa mga matatanda.

Kinalugod ng SKK ang panukalang ito na importanteng tugon sa lumalawak na panawagan ng mga seniors para sa isang sistema ng proteksyong panlipunan na sapat at saklaw ang lahat. 

Diniin ng grupo na napakaimportanteng dagdagan ang mga rekurso para sa serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng mas maigting pang pananagutan sa paggastos ng gubyerno at ng pagtiyak na pinaprayoridad ang mga susing serbisyo, kaysa mapunta ang pera ng bayan sa korapsyon, aksaya, at mga pinagtutustusang di naman kelangan. 

“Deka-dekada ng trabaho at serbisyo sa pamilya, komunidad at lipunan ang ambag ng mga seniors. Dasurb nila ang isang sistemang pensyon at proteksyong sosyal na makakapamuhay sila nang may dignidad, hindi yung madadamputan sila sa sobrang hikahos,” ayon sa SKK.

Nanawagan ang SKK na suportahan ng Kongreso at pambansang gubyerno ang panukalang pagtaas at paglapad ng programang social pension, at tiyaking may sapat na pondong ilalaan sa pagtupad nito. 

(VINA de GUZMAN)

Ads August 14, 2026

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Eala, No. 17 seed sa Cincinnati Open; mga fans, todo abang na

Posted on: August 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING magpapakita ng galing ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos siyang makakuha ng No. 17 seed sa prestihiyosong Cincinnati Open sa Ohio, USA.

Dahil sa kanyang ranggo, makakakuha si Eala ng bye sa unang round at maiiwasang makatapat kaagad ang iba pang seeded players sa maagang bahagi ng kompetisyon.

Ito ang itinuturing na pinakamataas na seeding na natanggap ng 21-taong-gulang na atletang Pilipino sa isang WTA 1000 tournament sa kanyang karera.

Sunod-sunod ang naging magagandang performance ni Eala sa North American hard-court swing matapos siyang magwagi ng kanyang kauna-unahang WTA title sa Washington kamakailan.

Bago ang abiso mula sa WTA, nagtapos ang kanyang kampanya sa Canadian Open sa Toronto nang matalo siya sa Round of 16 laban kay Belinda Bencic ng Switzerland.

Ang Cincinnati Open ang magsisilbing huling pangunahing paghahanda ni Eala bago sumabak sa huling Grand Slam ng taon, ang US Open.