MARASIGAN AT JAURIGUE-PEREZ, PINAGTIBAY ANG HANGARIN SA PATULOY NA PAG-UNLAD NG STO. TOMAS SA IKALIMANG SOCA
- Published on August 13, 2026
- by Francis Paolo Torres
LUNGSOD NG STO. TOMAS, Batangas — Muling pinagtibay nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) at Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez ang kanilang matibay na paninindigan para sa patuloy na pagsulong, pagkakaisa, at pagbabago ng Lungsod ng Sto. Tomas sa pagtatapos ng ikalimang State of the City Address (SOCA).
Sa naganap na ulat sa bayan, binigyang-diin ng pamahalaang panlungsod na ang tagumpay ng bawat programa ay bunga ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng ehekutibo, ng Sangguniang Panlungsod, at ng buong sambayanang Tomasino.
“Kapit-kamay tayo sa bawat hakbang, sa bawat hamon, at sa bawat tagumpay,” ang naging mensahe na sumasalamin sa nagkakaisang panawagan ng liderato nina Mayor Marasigan at Vice Mayor Jaurigue-Perez para sa patuloy na bayanihan sa komunidad.
Ibinida rin sa okasyon ang mga nagawa at kasalukuyang programa ng lokal na pamahalaan na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan, edukasyon, imprastruktura, at kabuhayan upang iangat ang antas ng pamumuhay sa lungsod.
Sa pagtatapos ng pagtitipon, nanawagan ang pamunuan sa mga mamamayan na panatilihin ang pagtutulungan upang makamit ang mas maunlad, matatag, at masiglang kinabukasan para sa Lungsod ng Sto. Tomas.
(BOY MORALES SR.)