• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PULIS, SIBILYAN PATAY SA KABARO, 1 PANG PULIS SUGATAN

PATAY ang isang pulis at isang sibilyan habang ginagamot ang isa pang pulis matapos barilin ng kanilang kabaro nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa parking area ng isang resort sa Maragondon Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si PMSg Junmark Sisante, miyembro ng PNP na nakatalaga sa Magallanes MPS at residente ng Magallanes at Arjay Mojica ng Magallanes, Cavite umano’y bodyguard ng isang Mayor habang inoobserbahan pa si PCpl Louie Vidon Climacosa, nakatalaga sa Ternate MPS at residente ng Magallanes Cavite habang ang suspek ay kinilalang si PCPL Rolando Periodico Jr. 35, nakatalaga sa Trece Martires City Police Station , Trece Martires City Cavite, at residente ng Magallanes Cavite.

Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa parking area ng Marie’s Resort sa Barangay San Miguel A, Maragondon, Cavite kung saan ayon sa saksi ang mga sangkot ay pawang nakainom at pauwi na ang mga ito subalit pagdating sa lugar ng nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa barilan.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima kung saan idineklarang dead on arrival sina Sisante at Mojica.

Nakumpiska sa kanila ang isang Glo ck 17 .9mm pistol na may magazine na naka-istu sa suspek at isang Pierto Berreta . 9mm pistol na isyu mula sa biktima. 

(Gene Adsuara)