• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

Science-based solutions, disiplina para resolbahin ang mga pagbaha

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAIS ng isang mambabatas ang pagpapatupad ng mga science-based solutions kaakibat ng pagkakaroon ng disiplina sa mga Pinoy sa pagtatapon ng basura upang tuluyang maresolba ang problema sa pagbaha sa mga mababang komunidad.

Sinabi ni Parañaque Rep. Brian Yamsuan na sa kabila na agad nareresolbahan ng mga band-aid solutions ang ilang pagbaha, dapat na magpataw nang mahigpit na batas ang mga local government officials sa tamang pagtatapon ng basura at segregation, at makipagtulungan sa national government sa paghahanap ng science-based solutions para sa problema ng pagbaha.

“May short-term solutions tayo, we bring in the backhoes, the mobile pumping stations, and the dredgers to clear the creeks. But the long-term solution is science-based urban planning and discipline,” ani Yamsuan.

Dapat ding solusyunan ng mga Local government units (LGUs) ang problema sa mga informal settlements sa kanilang kaukulang komunidad.

Isa ang Parañaque sa patuloy na dumadanas nang matinding pagbaha tuwing may matinding pag-uulan ng mahigit sa isang dekada.

Habang madali aniyang isisi sa mga taong iligal na nagtatapon ng basura sa kalsada at daang tubig, sinabi ni Yamsuan na dapat magpatupad ang mga LGUs ng mga programa na magpapadala at gawing accessible ang tamang pagtatapon ng basura.

Halimbawa aniya, maaaring maglagay ang mga LGUs ng mga garbage bins na may waste segregation containers sa ilang stratehiyang lugar kung saan madali ang pagdadala ng basura ng mga residente.

Ang naturang sistema ay dapat na may kasamang mahigpit na pagpataw ng multa sa mga lumalabag sa batas at ordinansa ukol sa tamang pagtatapos ng basura.

“Leadership should be shown by way of programs that people will really follow. For example, in Parañaque, if you are the local government, why not put trash bins in strategic places where people can go to properly dispose of their garbage?” pahayag ni Yamsuan.

Regular na nakikipag-coordinate si Yamsuan kay Secretary Vince Dizon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mabawasan ang pagbaha sa mga low-lying areas ng ikalawang distrito ng Parañaque, kung saan umabot hanggang bewang ang tubig baha nitong mga nakalipas na ilang araw dahil sa mga pag-uulan dala ng southwest monsoon (habagat). 

Nagpadala si Dizon ng mga kagamitan tulad ng backhoes at mobile water pumping stations upang mapabilis ang paagbaba ng tubig baha bukod pa sa mga isinasagawang declogging at dredging operations.

(VINA de GUZMAN)

ESTUDYANTE NAHULOG MULA 10TH FLOOR NG DLSU

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAWI ang isang 18-anyos na incoming student ng Dela Salle University (DLSU) makaraang nahulog mula sa ika-sampung palapag ng gusali sa Malate, Manila Huwebes ng hapon. 

Sa ulat, dakong alas-12:57 ng hapon ng naganap ang insidente sa Enrique Razon Sports Complex Building sa Noli Agno Street corner F. Reyes Street, Barangay 708, Malate, Manila.

Kinilala ang biktima na isang 18-anyos na estudyante at tumutuloy sa Female Athletes Dorm, DLSU, na matatagpuan sa F. Reyes Street, Barangay 714, Malate, Manila.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita ang biktima sa pasamano sa ika-sampung palapag ng gusali.

Dahil dito, agad na pinuntahan ang lugar kung daan nakita itong nakadapa at bigla na lamang gumulong dahilan upang malaglag ito. 

Ang duty na doktor sa nasabing unibersidad at rumesponde subalit idineklarang wala ng buhay. 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing kaso. (Gene Adsuara)

16-anyos na estudyante, timbog sa marijuana sa Malabon

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ARESTADO ang 16-anyos na estudyante matapos makuhanan ng pulisya ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission na habang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan na may kaugnayan sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

Isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at nagbigay ng tip hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa Kagitingan Street, Barangay Muzon kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga pulis.

Dito, naaktuhan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 ang binatilyo na lantaran umanong binubusisi ang hawak na isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 1.44 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Tinurnover ang binatilyo sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development (CSWD) na nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Halos P.3M droga, nasamsam sa 2 durugista sa Caloocan

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa halos P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga suspek na sina alyas “Boss”, 24, ng Brgy., 187 at alyas “Jim”, 50, ng Brgy. 188, kapwa ng lungsod.

Ayon kay Col. Goforth, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ni alyas Boss sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

Sa koordinasyon sa PDEA, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation laban kay alyas Boss makaraang isa sa kanyang mga tauhan ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek.

Kaagad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang suspek matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kanyang ibinenta na isang plastic sachet ng shabu dakong alas-10:25 ng gabi sa Excess Lot, Phase 12, Brgy., 188 ng lungsod.

Kasama ring inaresto ang isa umano sa kanyang mga parokyano na si alyas Jim at nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 42.47 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P288,796.00, at buy bust money.

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa pamamagitan ng Inquest Proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

15 FIXERS, NASAKOTE SA MATAGUMPAY NA ENTRAPMENT OPERATION NG LTO

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DAHIL sa pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, labinlimang (15) fixers ang arestado sa isinagawang entrapment operation ng ahensya.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng LTO na pinangunahan nina Ret. PBGen Allan C. Nobleza, Director ng Law Enforcement Service (LES), at Ret. PBGen Celso L. Bael, katuwang ang mga enforcer ng LES, Kamuning Police Station 10 sa pangunguna ni Station Commander Lt. Col. Aljun Belista, Quezon City District Police Office, at Philippine Coast Guard (PCG).

Kasabay nito, nagsagawa rin ng clearing operation ang Quezon City Department of Public Order and Safety at LTO sa paligid ng compound upang maalis ang mga walang permit na side vendors na maaaring mag-alok ng ilegal na serbisyo o magsilbing fixer sa mga kliyente ng ahensya.

Matapos makalap at maproseso ang kinakailangang impormasyon, ang mga nahuling fixer ay dadalhin sa Kamuning Police Station 10 para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng LTO na sugpuin ang pamemeke, panlilinlang at iba pang ilegal na gawain ng mga fixer, at matiyak na ang lahat ng transaksyon sa ahensya ay isinasagawa ng maayos, legal at transparent.

Hindi bibigyan ng LTO ng puwang ang mga fixer at anumang ilegal na transaksyon. Tinitiyak ng ahensya na pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot at patuloy na paiigtingin ang mga operasyon upang maprotektahan ang publiko at mapanatili ang malinis, mabilis, at tapat na serbisyo. (PAUL JOHN REYES)

Free high-speed Wi-Fi sa estudyante aprub na sa Kamara

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAGTIBAY ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) No. 9532 o Universal Access to Digital Academic Learning Resources Act na magbibigay ng libreng high-speed Wi-Fi at digital textbooks sa mga estudyante sa pampubliko at pribadong kolehiyo.

Ayon kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III, layunin ng panukala na tugunan ang hindi pantay na access sa learning materials at matatag na internet connection. “Today, a student who cannot afford textbooks or reliable internet access is already starting at a disadvantage… Through this bill, our youth do not need to make this painful choice,” ani Dy.

Sa botong 202 na pabor, walang tumutol at walang abstain, ipinasa ang HB 9532 na magtatatag ng National Academic Content Repository (NACR) sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED), katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang HEIs.

Sa NACR, libre ang online access sa digital textbooks, lecture videos, syllabi, research papers at iba pang open educational resources. Mandato rin ng panukala ang pagkakaroon ng high-speed Wi-Fi para sa mga estudyante at faculty, na bibigyang prayoridad ang mga rural at kulang sa resources na campuses.

2 drug suspects, timbog sa pot session sa Valenzuela

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGBABAKASYON muna sa loob ng selda ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaktuhan sumisinghot umano ng droga sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.

Nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Michael”, 28, at alyas “Francis”, 35, kapwa residente ng Brgy., Ugong ng lungsod.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Police Sub-Station 8 nang maaktuhan nila ang mga suspek na bumabatak umano ng shabu dakong alas-2:25 ng madaling araw sa loob ng isang bahay sa Villa San Jose Purok 4, Brgy., Mapulang Lupa.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang sunggaban ng mga operatiba at nakumpiska sa kanila ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

Ayon kay SDEU investigator PSSg Alfredo Mendoza III, kasong paglabag sa Sections 12 at 15 sa ilalim ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa mga suspek sa pamamagitan ng Inquest Proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 (Richard Mesa)

Mayor Wes, DPWH Sec. Dizon nag-ocular road inspection sa Maysan road

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGSAGAWA ng ocular road inspection and rehabilition assessment sina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian at Depaerment Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa kahabaan ng Mayson Road, Brgy., Maysan na sisimulan na ang pag-aayos na matagal nang problema ng mga motorista dahil sa mga lubak at baku-bakong daan.

Upang bigyang-daan ang pagsasaayos nito, simula August 15, 2026 ay ipatutupad ang truck ban sa Maysan Road hanggang Bagbaguin Road, mula 6AM hanggang 10PM, Lunes hanggang Sabado. (Richard Mesa)

PGEN NARTATEZ, PINALAKAS ANG KAMPANYA KONTRA LOOSE FIREARMS; 2 M4A1 CARBINES NAKUMPISKA

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAARESTO ang isang lalaki na umano’y sangkot sa gunrunning habang dalawang M4A1 carbine ang nakumpiska sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at iba pang PNP units sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur noong August 10, 2026.

Ayon kay CIDG Director PMGEN ROBERT AA MORICO II, naaktuhan umano ang suspek habang nagbebenta at nagde-deliver ng dalawang M4A1 carbine. Wala umano itong naipakitang kinakailangang permit at lisensiya para sa pagmamay-ari, pagdadala at pagbebenta ng mga armas. Ayon din sa CIDG, hindi rehistrado ang mga nakumpiskang baril.

Ang operasyon ay bahagi ng OPLAN Paglalansag Omega ng CIDG at isinagawa kaugnay ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at pagpapatupad ng election gun ban sa BARMM.

Pinuri ni PMGEN Morico ang CIDG Regional Field Unit 15 sa pangunguna ni PLTCOL Eugene A. Balugo, CIDG Cotabato City Field Unit sa pamumuno ni PCPT Lyndon G. Mondragon, CIDG Maguindanao Provincial Field Unit sa ilalim ni PCPT Earl F. Baranda, at iba pang katuwang na PNP units.

Ang operasyon ay alinsunod sa Focused Agenda ni Chief PNP PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR. na paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms at iba pang armas na ilegal na umiikot sa mga komunidad.

Tiniyak ng CIDG na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga hindi lisensiyadong armas at mga indibidwal na sangkot umano sa ilegal na bentahan ng baril upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad. 

(PAUL JOHN REYES)

Emergency Go Bags, ipinamahagi sa San Juan

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINIMULAN na San Juan City government ang pamamahagi ng Emergency Go Bags sa 45,000 kabahayan sa lungsod noong Miyerkules, Agosto 12, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na palakasin ang kahandaan sa sakuna at pagtugon sa emerhensiya sa antas ng kabahayan.

Ang ceremonial turnover ay pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang unang pamamahagi ng Phase 1 sa 21 Punong Barangay patungo sa mga residente ng mga barangay ng District 1 sa San Juan City Hall Atrium.

Kasama ng alkalde ang kanyang anak at Special Assistant to the Mayor, si Rocco Zamora, at iba pang mga opisyal ng lungsod sa pamamahagi.

Ang bawat Emergency Go Bag ay naglalaman ng mga sumusunod na mahahalagang suplay upang matulungan ang mga pamilya sa panahon ng mga sakuna, kalamidad, at iba pang mga emerhensiya.