• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

Binigyang-halaga ang iba’t-ibang roles ng asawa…Mensahe ni DINGDONG kay MARIAN, ‘so proud of the person you’ve become’ (ni : ROHN ROMULO) 

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IBINAHAGI ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang kanyang sweet birthday message para sa wifey na si Marian Rivera na nag-celebrate ng ika-42 na kaarawan nitong August 12.

Sa Instagram post ng aktor, proud na proud siya na nasaksihan ang pag-e-evolve ni Marian para magampanan ang iba’t-ibang roles sa kanyang buhay.

“I’d like to think I have the best seat in the house, watching you evolve into the woman you are today,” panimula ng bida sa GMA primetime series na ’The Master Cutter’.
“I’ve seen you take on so many roles, as a mom, a wife, a daughter, a friend, and give so much of yourself to each one. I guess that’s what the journey is about. To keep learning, to keep evolving, and to keep becoming the best versions of ourselves.”

Pagmamalaki pa niya, “So proud of the person you’ve become, and excited for everything that’s still ahead.”

Binati rin si Marian ng ilang celebrities sa comment section ng post ni Dong…

Say ni Angelica Panganiban, “Happy birthday ganda.”

“Happy Birthday, beautiful mama!” Comment ni Geneva Cruz.

“Happy Birthday to you, My Forever Indai Marimar @marianrivera. Mahal kita palagi,” pahayag naman ni Manilyn Reynes.

Ilan pa sa nag-greet sa aktres, sina Rocco Nacino, Janno Gibbs, Vina Morales,  Eugene Domingo, Sugar Mercado, Thea Ashley, Shaira Diaz, Melissa Gohing, Patricia Javier, Polo Ravales, Shyr Valdez at marami pang iba.

Pinost naman ni Marian sa Facebook ang mga bago niyang larawan, may panimulang caption na, “Chapter 42. [white heart emoji].

Pahayag pa ni Kapuso Primetime Queen, “Grateful for this beautiful, meaningful life—and most of all, for the people who fill it with so much love.

“My heart is full.”

Nagbigay din ng oras si Yan para i-celebrate ang birthday kasama ang mga bata sa Smile Train Philippines.

Masayang post ni Marian kasama ang isang video…

“Another birthday, another beautiful day with my Smile Train family.“Year after year, their smiles remind me why this will always be one of the most meaningful ways to celebrate.“My heart if full. Always.”

Samantala, balik-tambalan sina Marian and Dingdong sa upcoming film na “Remember” na nakatakdang ipalabas sa November 11.

Labis-labis ang pasasalamat sa cast and crew…SHUVEE, na-sepanx talaga sa mga kasamahan niya sa ’The Master Cutter’ (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LABIS ang pasasalamat ni Shuvee Etrata sa cast and crew ng GMA Prime action series na “The Master Cutter” kung saan gumanap siya bilang si Tonet.

Sa panayam ng GMA Network, sinabi ni Shuvee na na-sepanx siya sa mga kasamahan niya sa serye.

Isang malagim na kamatayan ang tumapos sa karakter ni Shuvee dahil kay Martina (Max Eigenmann) para panatilihin ang lihim ng pamilya kina Atoy (Dingdong Dantes) at Audrey (Max Collins).

Ibinahagi ni Shuvee ang magandang samahan nila ng buong produksyon.

“I always make sure I go in every show, in every event, in every taping. Alam mo yun, as my jolly self, for me to be able to shine my light onto these people kasi hindi naman natin alam yung pinagdadaanan ng mga tao.

“A little bit of your kindness or a little bit of your happiness could scatter and it could make a lot of people’s lives better or mas masaya,” saad ni Shuvee.

Gusto rin daw niyang ibahagi sa mga staff at crew ang mga regalo ng ilang brands na kanyang natanggap.

“Nung pumasok yung brands, gusto ko sila i-share. Para sa akin, sila ang dapat talagang may matanggap. Kaming mga artista, sa front lang naman po kami. Nasa harap lang kami nito.

“Ang dami pong nasa likod ng camera na yan. So ang daming pinag-iisipan, ang daming nag-iisip, ang daming gumagawa. Hindi lahat ito mabubuo kung wala silang lahat.”

Nagbigay din siya ng mga regalo sa kaniyang co-stars.

“Gusto ko talagang ibigay sa kanila yung pasasalamat na for the past months that I was with them, naging masaya yung buhay ko. At sila yung naging normal ko. 

“Sila yung naging everyday life ko. So nasanay ako with them.

“‘Yung parang gigising ka sila kasama mo, 2 a.m. na sila pa rin kasama mo. Pagod ka na sila pa rin nakakakita sa iyo. Lahat ng vulnerabilities ko as a person nakita nila. 

“And they still, they love me. You know, they make me feel so loved. So ‘yun lang sana ‘yung maibabalik ko,” pahayag pa ng Sparkle actress.

Mapanonood ang “The Master Cutter” gabi-gabi sa GMA Prime pagkatapos ng “24 Oras.” Mapapanood din ito sa Netflix PH.

Kumakawala na talaga sa image na pa-tweetums…ANDREA, handa sa daring roles at type magka-action movie (ni : REY PINEDA) 

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TILA nagpaalam na sa sweet roles si Andrea Brillantes.

Mula sa pa-tweetums at melodramatic roles, unti-unti na itong kumakawala sa ganung image. 

In fact, sa mga latest project nito daring na ang mga papel na kanyang ginagampanan.     Sa mga interviews, binanggit nga nito na gusto niyang makagawa ng mga pelikulang ang tema ay action.  

Looking forward daw itong gawin yung mga tipo ng pelikulang gaya ng “Buybust” na mahusay na ginampanan nina Anne Curtis at Arjo Atayde.

Sa kanyang latest series, nabanggit ni Andrea na natutuwa siya kapag may nabubugbog siyang lalake sa eksena.     

Sa totoo lang, ayaw din nitong gumagamit na double sa mga action scenes, hangga’t kaya niya.     

Bukod sa mga maiinit na tagpo sa pelikula at telebisyon, nakahanda na nga ang dalaga sa daring roles.

***

ZERO raw ang lovelife ni McCoy de Leon. 

Kapakanan daw at future ng anak nitong si Felize ang kanyang top priority.     

Naging bukas na aklat ang buhay at pag-ibig ni McCoy at ng kanyang dating partner na si Elisse Josson.     

Naging maayos ang kanilang paghihiwalay at napagkasunduan na magkaroon ng co-parenting set up para sa ikabubuti ng kanilang anak.     

Isa pa sa priority ni McCoy ay ang kanyang ina at nakababatang kapatid. Gusto rin daw nitong pagtuonan lalu nang pansin ang kanilang mga pangangailangan.

Sa edad niyang 31, ang lovelife daw ang malayo sa kanyang mga isipin.

Naka-focus ang kanyang atensyon sa kanyang mga proyekto.     

Basta’t ang mindset niya ay maging stable ang kanyang sarili, anak, at pamilya.     Kaya’t todo kayod daw siya para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Sa tsikang nagkaroon na ng maayos na leading man…DAVID, grateful and all praises pa rin na nakatrabaho si BARBIE (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGKAROON ang Pep.ph Spotlight Sine X Cinemalaya kunsaan, nagbalik-tanaw ang mga kinikilalang artista, director at producer na ang mga pelikula ay kasama sa isinulat na libro ni Madam Jo-Ann Maglipon, ang 100 Sine. Film. Pelikula. The 100 Greatest Movies of Philippine Cinema. 

Napakabihirang pagkakataon na magsama-sama sa entablado ang ilan sa mga premyadong artista na ang mga pelikula ay isinulat/dinirek nina Lino Brocka, Ishmael Bernal to name a few tulad nina Gina Alajar, Richard Gomez, Phillip Salvador, Amy Austria, Tirso Cruz III at Charo Santos. 

Sa lahat, si Gerald Anderson ang maituturing na pinakabata, kaya aminado itong nakakaramdam siya ng hiya na maihanay sa mga batikan na. Pero masaya siya dahil

marami siyang nalaman at natutunan. 

Maging si Senator Grace Poe ay present at nagbahagi ng alaala niya kay the late Fernando Poe Jr. at sa “Panday.” Ang mga director na sina Carlitos Siguion-Reyna, Joel Lamangan, Jose Javier Reyes at Jerold Tarog. Gayundin sina Ms. Roselle Monteverde at Joji Alonzo.

Nakaka-touch ang sinabi ni Ms. Roselle about Mother Lily Monteverde, aniya, “kulang ang very, but I’m very, very proud of Mother. Kasi ano, Jo-Ann, she’s very fearless to produced that much. 

“Hindi naman kami maraming pera, but she’s very passionate about it. Even with movies that no one would like to produced, but she gambled, she took too much risk. At the same time, she loves her directors, she loves her actors, to the point na pati ako, nagseselos.”

Sayang nga at hindi namin natapos ang question and answer kunsaan, si Madam Jo-ann ang nagbabato ng questions sa kanilang lahat dahil may Marites University Live pa kami. 

Sa mga mahilig, nagmamahal sa pelikulang Filipino, ine-encourage namin na bumili, magkaroon ng kopya ng libro na ‘100 Sine. Film. Pelikula. The 100 Greatest Movies of Philippine Cinema.’ 

Pero sobrang sulit sa kalidad ng libro at nilalaman na may kung ilang taon binuno. 

***

PAREHONG mga ALV talents na sina David Licauco at Althea Ablan ay mga VIVA contract artists na.

Si Althea na mula pagiging child star ay isang Sparkle artist, pero ngayon ay co-manage na ni Arnold Vegafria at ng VAA. Ayon dito, feel niya raw na it’s about time na lumabas siya sa kanyang comfort zone, which is, ang GMA network. Maayos naman daw ang naging pagpapaalam niya sa GMA at sa Sparkle. Gusto ni Althea na gumawa ng mga kontrabida roles sa VIVA.

Si David naman, more on makagawa siya sa VIVA One at mga movies under VIVA Films. 

Sinagot din ni David ang naging tila pasaring ni Barbie Forteza na sa leading man nito ngayon sa bagong movie na si Khalil Ramos, finally ay nagkaroon siya ng maayos na leading man.

Meaning, ‘di maayos si David? Na as BarDa loveteam nila ay ang dami rin naman na naging following. 

Sa kabila ng tila pa-shade ni Barbie, all praises naman dito ang isinukli ni David. 

“Talaga? Sinabi niya? Ako, I’m just grateful sa years na magkasama kami. We worked together. I have nothing but praises to her.”

Rep. Erice, nanawagan ng congressional inquiry sa maagang pagkasira ng na-rehabilitate na EDSA

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN si Caloocan City 2nd District Representative Edgar R. Erice ng congressional inquiry sa maagang pagkasira ng mga bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) kamakailan, kabilang ang mga ulat ng mga lubak at iba pang mga depekto sa simento ilang buwan lamang matapos ang rehabilitasyon nito.

Ang iminungkahing resolusyon ni Erice ay nag-uutos sa appropriate House committees na imbestigahan kung ang mga kakulangan sa planning, design, materials, construction methods, quality control, contract management, drainage or maintenance ay nag-ambag sa maagang pagkasira ng pinaka-abalang daanan sa bansa.

Ang Phase 1, na sumasaklaw sa Roxas Boulevard hanggang Orense Street, ay natapos noong Abril 2026 sa iniulat na halagang P1.183 bilyon. Ang Phase 2, na sumasaklaw sa Orense Street sa Makati City hanggang Monumento sa Caloocan City, ay sinundan sa ilalim ng P4.009-bilyong kontrata na nilagdaan noong Hunyo 4, kasama ang Notice to Proceed na inisyu noong Hunyo 8, 2026.

Ayon sa resolusyon, ang maagang pagkasira ay nagdudulot ng mga katanungan tungkol sa pavement assessment at design, drainage, asphalt mix and material specifications, pavement preparation, compaction, construction methodology, quality assurance and control, at post-construction monitoring.

Sinabi ni Erice na dapat matukoy ng imbestigasyon kung ang mga depekto ay nagresulta mula sa environmental conditions, deficiencies in the existing road foundation or drainage, design limitations, substandard materials, construction deficiencies, inadequate inspection and testing, premature opening to traffic, insufficient maintenance, o iba pang mga kadahilanan.

Susuriin ng mga katanungan ang project plans, engineering studies, technical specifications, procurement and contract documents, material testing and laboratory reports, inspection and quality-control records, payment records, variation orders, warranties at defects-liability provisions. Susuriin din nito ang technologies, asphalt systems, materials at construction techniques used para mapatunayan kung ang mga ito ay sapat sa pamamagitan ng teknikal at performance testing.

Ang resolusyon ay higit pang naghahangad ng isang komprehensibo, geotagged condition assessment of affected Phase 1 sections, documenting defects, occurrence dates, repair history, identified causes at corrective-work costs.

Para kay Erice, lampas sa EDSA ang isyu.

Layon ng proposed inquiry na makakuha ng mga aral para sa Phase 2 at mga pangunahing proyekto sa imprastraktura sa hinaharap, kabilang ang independent testing, third-party quality audits, performance warranties, defects-liability provisions at mas mahigpit acceptance procedures. (Richard Mesa)

Dahil sa patuloy na sama ng panahon: Alternative work arrangements, ipinag-utos ng Malakanyang na ipatupad sa NCR at 12 lalawigan 

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, at Occidental Mindoro, na lumipat at kagyat na magpatupad ng naaangkop na alternative work arrangements, kahapon araw ng Biyernes, Agosto 14, 2026, sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, at sanhi ng Heavy Rainfall Warnings na ipinalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na may kasama Southwest Monsoon.

Ito ang nakasaad sa MEMORANDUM CIRCULAR NO. 126, ipinalabas ng Malakanyang, nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Maliban na lamang kung ipag-uutos ng kani-kanilang Local Chief Executives, ang alternative learning modes para sa klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan ay dapat na ipatupad sa mga nasabing lugar.

Ang mga ahensiyang may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, paghahanda/ pagtugon sa mga sakuna at kalamidad at /o pagganap sa ibang mahalagang serbisyo ay inaatasan na ipagpatuloy ang kanilang operasyon at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.

Ang localized cancellation o suspensyon ng klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang lugar ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.

Ang suspensyon ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay ipinauubaya na sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno. (DARIS JOSE)

Russell Westbrook, opisyal nang nagretiro sa NBA

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

OPISYAL nang nagretiro mula sa National Basketball Association (NBA) ang “Triple-Double King” na si Russell Westbrook matapos ang 18 season sa liga.

Pinili ng batikang point guard ang pagreretiro sa kabila ng mga alok mula sa iba’t ibang koponan para sa 2026-2027 season, kabilang ang Sacramento Kings at Washington Wizards.

Kung babalikan ang kaniyang karera, napili si Westbrook bilang No. 4 overall pick noong 2008 NBA Draft ng dating Seattle SuperSonics. Gayunman, hindi siya nakapaglaro sa Seattle dahil tuluyan nang lumipat ang prangkisa sa Oklahoma City.

Dito sinimulan ni Westbrook ang kaniyang karera kung saan naglaro siya ng 11 season para sa Thunder kasama ang iba pang mga star player na sina Kevin Durant at James Harden. Nadala ng tatlo ang Oklahoma sa NBA Finals noong 2012, ngunit natalo sila sa Miami Heat.

Sa kaniyang pagreretiro, hawak pa rin niya ang rekor sa Thunder bilang career leader sa points, assists, rebounds, at steals.

Noong 2016-2017 season, nagawa niyang mag-average ng triple-double sa buong season sa itinala niyang 31.6 points, 10.7 rebounds, at 10.4 assists per game—dahilan upang ibulsa niya ang kaniyang kauna-unahang Most Valuable Player (MVP) award.

Sa huling pitong season ng kaniyang karera, nagpalipat-lipat siya ng koponan mula sa Thunder patungong Houston Rockets, Washington Wizards, Los Angeles Lakers, Denver Nuggets, at Sacramento Kings.

Sa kaniyang huling season (2025-2026), nagawa pa niyang maglaro sa 58 games para sa Kings kung saan nagtala siya ng average na 15.2 points, 6.7 assists, at 5.4 rebounds.

Pang-lima si Westbrook sa may pinakamaraming career assists sa buong kasaysayan ng NBA, habang hawak naman niya ang pinakamaraming triple-double sa buong liga.

Josh Kushner, Bob Iger, binili ang Lakers sa halagang $12.5-B

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIULAT na binili ng American businessman na si Josh Kushner at dating Disney executive na si Bob Iger ang Los Angeles Lakers sa halagang $12.5 billion.

Nabatid na kukunin nina Kushner at Iger ang controlling interest sa Lakers mula kay Mark Walter, na bumili ng majority stake sa koponan mula sa pamilyang Buss sa halagang $10 billion noong Oktubre 2025.

Sinabi nina Kushner at Iger na malaking karangalan para sa kanila ang maging bagong mangangasiwa ng isa sa pinakakilalang basketball teams sa mundo.

Nangako rin silang ipagpapatuloy nila ang tagumpay ng Lakers at palalakasin ang ugnayan ng koponan sa mga tagahanga at sa Los Angeles.

Samantala, sinabi ni Walter na isa sa pinakamalaking karangalan ng kaniyang buhay ang pagmamay-ari ng Lakers, at naniniwala siyang marami pang tagumpay ang naghihintay sa koponan.

Bago ang pagbili sa Lakers, iniulat na kabilang sina Kushner at Iger sa mga interesadong grupo na naghahangad makakuha ng NBA expansion team sa Las Vegas.

Ang Lakers, na itinatag noong 1947, ay nakapaglaro sa 32 NBA Finals at nagkampeon ng 17 beses, pangalawa lamang sa Boston Celtics na may 18 titulo.

HB 9812, inaatasan ang mga local government units na umugnay sa pamantayan ng pagtatatag ng unibersidad o kolehiyo sa kanilang lugar

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAPRUBAHAN ng House of Representatives ang House Bill No. 9812 na naglalayong klaruhin at bigyan ng pamantayan ang mga local government units sa paglikha at operasyon ng mga local universities at colleges sa kanilang lugar.

“Local universities and colleges have opened doors for many students who otherwise might not have had the chance to pursue higher education. But access also comes with responsibility. We have to make sure these institutions are well-run, financially sustainable, and offering programs that will actually serve their students and their local communities,” ayon kay Tingog party list Rep. Jude Acidre, may akda ng HB 9812.

Batay sa HB 9812, inaatasan ang mga local government units na umugnay sa pamantayan ng pagtatatag ng unibersidad o kolehiyo sa kanilang lugar. Kabilang sa mga kinakailangan ay ang pagpapakita ng feasibility study na nagpapatunay na kailangan ang pagtatayo ng unibersidad o kolehiyo sa kanilang lugar kung papaano popondohan ito at preparasyon ng five-year institutional development plan na aprubado ng sanggunian. 

“A local college should not be created simply because an LGU can establish one. We have to ask whether it can sustain the institution, whether it can deliver quality education, and whether the programs it offers are relevant to the needs of its students and the community,” sabi ni Acidre.

Batay sa panukala, ang Commission on Higher Education (CHED) ang may supervision sa mga degree programs ng lokal na unibersidad o kolehiyo samantalang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang may awtoridad sa mga associate degrees, diploma programs, technical-vocational courses, at mga non-degree programs. 

Ang CHED at TESDA ay naatasan sa monitoring, inspection, evaluation, at technical assistance sa mga lokal universities at colleges. (VINA de GUZMAN)

Magtatag at magtalaga ng “garbage police” paghihikayat ng mambabatas sa mga LGUs

Posted on: August 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIKAYAT ng isang mambabatas ang mga local government units (LGUs) sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila na magtatag at magtalaga ng “garbage police” na siyang mahigpit na magpapatupad ng mga anti-littering at waste disposal regulations at hulihin ang mga lalabag sa loob ng kani-kanilang hurisdiksyon.

Sinabi ni Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos na ang pagbuo ng dedicated garbage enforcement teams ay magpapalakas sa implementasyon ng mga kasalukuyang anti-littering laws at magsisiguro na yaong mga walang habas na nagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar ay mapapanagot.

“We need garbage police who will be visible on our streets and in our communities. They should have the authority, under existing laws and ordinances, to apprehend violators and bring them before the proper authorities. We cannot solve the garbage crisis if our anti-littering laws exist only on paper,” ani Santos.

Ipinanukala pa nito na ang “Garbage Police” ay hiwalay na enforcement unit mula sa mga barangay tanod, kung saan ang tauhan nito ay sasanayin at itatalaga na mag-monitor at magpatupad ng anti-littering at solid waste management regulations.

Isinusulong din ni Santos na mabigyan ang mga miyembro ng garbage police ng regular monthly compensation mula sa kaukulangang LGU funds, base sa ilalim ng kasalukuyang budgeting, accounting at auditing rules.

“The garbage police should not be an additional burden on our barangay tanods. They should be a dedicated team whose primary responsibility is to enforce our anti-littering and waste disposal rules,” pahayag nito.

Kailangang mabigyan ng sapat na kakayahan o training ang mga ito para magsagawa ng enforcement operations sa kalsada, sidewalks, waterways, markets, transport terminals at iba pang kahalintulad ng littering hotspots.

Magkakaroon din nang mahigpit na koordinasyon ang garbage police, barangay, local environment offices, Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masiguro na ang mahuhuling lalabag o magkakalat ay dokumentado at sumaillaim sa tamang proseso ayon sa isinasaad sa batas.

Sa ilalim ng kasalukuyang MMDA Regulation No. 96-009, as amended, ang pagkakalat o pagtatapon ng basura sa pampublikong lugar ay ipinagbabawal sa buong Metro Manila.

“Hindi puwedeng puro paalala at clean-up drive lamang. Kailangang may mananagot sa bawat paglabag. Kung may mga batas at ordinansa tayo laban sa littering, dapat may mga taong may sapat na mandato para ipatupad ang mga ito. Ang layunin natin ay hindi lamang manghuli at magmulta. Ang gusto natin ay magkaroon ng disiplina at tuluyang mabago ang kultura ng pagtatapon ng basura. Pero para mangyari iyon, kailangang maramdaman ng publiko na seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas,” ani Santos.

(VINA de GUZMAN)