• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

Makakasama nila ang Korean stars sa ’The Guardian’…WILBERT, gaganap na kontrabida sa first action movie kaya pinaghandaan

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAABANG-ABANG ang pagsasama-sama ng mga Korean stars at Filipino actors sa isang action spectacle ngayong September!

Ang pelikulang “The Guardian” na mula sa direksyon ni Jeong Jang Hwan (kilala sa “Steel Rain” at “Save the Green Planet!”) ay pinagbibidahan ng K-pop idol at vocalist ng grupong Infinite na si Nam Woo-hyun, kasama si Park Eun-hye, isang sikat na Hallyu star mula sa epic drama series na “Jewel in the Palace.” 

Makakasama nila ang Filipino actors na sina Wilbert Ross, Eric Ejercito at Yassi Pressman.

Sa naganap na mediacon, sinabi nina Wilbert at Eric na nag-audition talaga sila sa para roles at hindi in-offer. 

Pahayag ni Wilbert, “nag-send ako ng video, siya (Eric) nag-send ng short film.  Nag-audition din kami ng live.

“Tapos ang role na in-audition ako ‘yung role ni Eric, tapos siya agad ang nakuha.

“Parang last minute ako, kasi hindi puwede yung first na nakuha nila.

“Kaya nabigla ako dahil first action movie ko ito, pinaghandaan ko talaga.  Nag-training ako nang nag-training para pagdating ko set para hindi ako magmukhang tanga.

“Wala kasi akong masyadong training or experience sa kahit na anong martial arts.  At sa tingin ko naman natawid ko ng maayos dahil sinipagan ko naman.”

Kuwento naman ni Eric, “nag-switch kami ng challenges, kasi usually he does comedy, and I do action. So, challenge accepted.”

First time na gaganap ni Wilbert na kontrabida sa movie.

“Bago sa akin ang role na magiging kalaban ng bida,” say ni Wilbert na nagdiriwang ng kanyang ika-10 taon bilang singer at actor.

“Tatanga-tanga kasi ang mga nabibigay sa akin, kaya sobrang ibang-iba na Wilbert ang mapapapanood dito.”

Samantala, si Nam Woo-hyun ay gumaganap bilang si Do Jun, isang college dropout na mahusay sa Taekwondo. 

Mula pagkabata, pangarap niyang maging pambansang atleta sa Taekwondo at manalo ng mga medalya sa iba’t ibang kompetisyon. Ngunit isinakripisyo ni Do Jun ang pangarap na ito para makasama ang kanyang ina sa Pilipinas.

Si Park Eun-hye ay gumaganap bilang si Mi Jin, ang ina ni Do Jun na mag-isang nagpalaki sa kanya. Pinili niyang manirahan sa Pilipinas upang makaiwas sa panghuhusga ng kanyang mga kababayang Koreano dahil sa kanyang pagiging single mother.

Dahil sa pagsisikap, naging matagumpay na businesswoman si Mi Jin at sinubukang tulungan ang isang kaibigang may problema sa pagsusugal. Sa kasamaang-palad, nalulong din siya sa pagsusugal. Nanganganib nang mawala ang kanyang negosyo at tahanan, pero hindi pa roon nagtatapos ang mga pagsubok.  Si Mi Jin ay biktima ngayon ng kidnapping ng grupo ni  Cha Dong-cheol (ginampanan ni Han Jae Seok). 

Sa kabila ng hindi maayos na relasyon nilang mag-ina, gagawin lahat ni Do Jun para iligtas si Mi Jin. Kailangan niyang kumilos ng mabilis dahil mayroon lamang siyang 48 na oras para gawin ito. 

Bukod sa Pilipinas kinunan ang ilang mga eksena, binigyan rin ng mahahalagang papel ang mga artistang Pinoy na nagtagumpay sa mga audition.

Si Wilbert  ay gumaganap bilang si Jason, isa sa mga komplikadong karakter sa sa pelikula. Isa itong pagpapatunay ng kanyang pagiging versatile artist. 

Si Yassi Pressman ay gumaganap bilang si Sandara, isang empleyado sa café na nangangarap maging K-pop star. Magiging malapit na magkaibigan siya ni Do Jun.

Si Ashtine Olviga ay gumaganap bilang isang K-pop auditionee. 

Kabilang din sa pelikulang ito sina Billy Villeta, Jacq Yu, Fatima, Yumi, Heart Ryan, Joko Diaz, Katya Santos, at Jeric Raval.

Maituturing na isang karangalan at tagumpay para sa mga artistang Filipino ang kolaborasyong ito sa mga Koreano sa action thriller na “The Guardian” na ipalabas na sa South Korea. 

Huwag palampasin, mapapanood na sa mga sinehan simula sa Setyembre 2, 2026.

Magkakaroon din ito ng worldwide release. 

Masaya na gumigising sila na magkatabi.. BEA, inamin na sinadyang ilihim ang kasal nila ni VINCENT para maging sagrado (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA unang pagkakataon nagsalita si Bea Alonzo tungkol sa kanyang nakaraang intimate wedding.

Hindi naman daw nito sinadyang itago o ilihim ang kasalan nito sa negosyanteng si Vincent Co. Nais lamang daw nitong panatiliing sagrado ang kanilang kasal.

 Sa inter7view ng GMA reporter na si Nelson Canlas para sa ’24 oras’, sinabi ni Bea na gustong isentro ang atensiyon sa kanilang dalawa, imbes na gawin ang kaganapan para sa publiko.

Hindi rin daw sila nagbigay ng public announcement dahil hindi naman daw kailangan. 

Napagkasunduan nila ng kanyang asawa na gawing talagang pribado ang kanilanq pag-iisang dibdib. 

Sa ngayon nga, nakatira na sina Bea at Vincent sa iisang bubong.

Ayon sa aktres, itinuturing daw niyang makabuluhan at sadyang ikinasisiya ng kanyang puso.

Ang isa sa mga ikinatutuwa niya ay yung mga simpleng gawaing bahay na hindi nagagawa dati, at ngayon nga bilang isang maybahay.

At ang pinaka-espesyal daw ay yung gumigising silang pareho na katabi ang isa’t isa, na lalong nagpapasaya sa kanya at nagdudulot ng lubos na kaligayahan.

***                                                               

NAG-REACT.ang mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer sa mga bashers na nagsasabing ino-over expose na nila ang kanilang mga anak.

Nagsimula ang pambabatikos dahil sa mga brand partnership, endorsements, at mga social media posts ng mag-asawa.                  Ayon kay Doug, hindi naman daw makatarungan ang panghuhusga sa kanilang mag-asawa ng mga basher. 

Unang-una raw sa lahat, wala naman daw TV shows at regular na showbiz schedules ang kanilang mga anak.

Binigyang linaw din ni Doug na sa tuwing may brand partnership ang kanilang mga anak, sinisiguro daw nito na wala itong klase at tuwing free time ginagawa.

 Siguro raw kaya sa kanilang nababaling ang sisi ay dahil madalas mag-viral ang mga videos at photos na ina-upload ng kanilang mga anak.  

Eala ready na sa Cincinnati OpenREADY na si Pinay tennis star Alex Eala na muling sumalang sa aksyon matapos ang ilang araw na pahinga.

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Nakatakdang labanan ni Eala bukas (Manila time) ang sinuman kina WTA No. 77 Elena-Gabriela Ruse ng Romania o No. 68 Magda Linette ng Poland sa second round ng WTA 1000 Cincinnati Open sa Mason, Ohio.

Ito ang unang pag­ka­kataon na sa­sabak si Eala sa Cincinnati Open, ang ikatlong pinakamalaking tennis event sa United States matapos ang US Open at Miami Open.

“I think I’ve really played well in the past weeks and I think I’m healthy which is something I’m super grateful for. It’s something that’s obviously on the top of my priority all the time,” sabi ni Eala.

Nabigyan ang 21-anyos na Pinay tennis ace ng first round bye sa Cincinnati Open dahil sa pagiging No. 17 seed sa torneo.

Talo si Eala sa 28-an­yos na si Ruse sa unang paghaharap nila sa 2024 US Open, habang may 2-2 record naman si Eala sa 34-anyos na si Linette.

Nakamit ni Eala ang kauna-unahan niyang WTA Tour title sa 2026 Mubadala DC Open sa Washington matapos talunin si American Jessica Pegula sa finals.

Minalas siya sa first round ng WTA 1000 National Bank Open sa Toronto, Canada matapos matalo kay Belinda Bencic ng Switzerland, 4-6, 0-6, noong Lunes.

Sina World No. 2 Elena Rybakina at No. 8 Iga Swia­tek ng Poland, parehong tinalo ni Eala sa nakaraang dalawang torneo, ang maglalaban para sa National Bank Open title sa Toronto.

Lalaro rin sina Rybakina at Swiatek sa Cincinnati Open.

Samantala, lalabanan ni Eala ang kaibigang si American netter Iva Jovic sa isang exhibition match sa Stars of the Open sa Agosto 27 sa Arthur Ashe Stadium.

Ang nasabing cha­rity event ay taunang ginagawa kasabay ng US Open Fan Week sa New York City.

Magtutuos sina Eala at Jovic sa isang race to six games match kung saan determinado ang Pinay tennis ace na resbakan ang American player na tumalo sa kanya ng dalawang beses sa mga WTA Tour na French Open at HSBC Championships.

NBA star Anthony Edwards, dumating na sa Maynila para sa fan events

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DUMATING na sa Maynila ang four-time NBA All-Star at Minnesota Timberwolves star na si Anthony Edwards para sa serye ng engagements ngayong weekend.

Ibinahagi ng isang brand nitong Huwebes ang mga larawan ni Edwards kasama ang ilang Filipino content creators na kahawig ng mga NBA players.

Bahagi rin ng mga aktibidad ang “Believe That. Challenge,” isang nationwide 1-on-1 basketball tournament.

May pagkakataon ang mananalo na maiuwi ang P100,000 at makatanggap mismo kay Edwards ng championship crown.

Si Edwards, 24, ay naging first overall pick ng 2020 NBA Draft. Dalawang beses din siyang napabilang sa All-NBA Second Team, naging 2026 NBA All-Star Game MVP, at nagwagi ng Olympic gold medal kasama ang Team USA sa 2024 Paris Olympics.

VP Sara may 400 security na bakit ginamit pa confidential funds – prosec

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“Bakit ginamit ang confidential funds para sa sinasabing mga operasyon para sa seguridad ni Vice President Sara Duterte gayong mayroon nang mahigit 400 tauhan na nakatalaga para sa kanyang proteksiyon?”

Ito ang tanong ni Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., counsel at tagapagsalita ng prosekusyon sa Kamara, matapos ang testimonya ni Xylene Mae del Campo ng COA-ICFAO hinggil sa paggastos ng Office of the Vice President (OVP) ng confidential funds.

Ayon kay Tolosa, tungkulin na ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ang pagbibigay ng proteksiyon kay Duterte.

Sa cross-examination kay Del Campo, binanggit ng depensa na ginamit ang confidential funds para sa mga operasyon gaya ng pagmamanman at iba pang hakbang sa seguridad sa biyahe ni Duterte sa iba’t ibang lugar. Ngunit kinuwestiyon ni Tolosa kung bakit kailangan pang gumastos ang OVP para rito gayong may nakatalagang security group na.

Itinuro rin ni Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co na may ­sariling pondo ang VPSPG na hiwalay sa OVP. “Sa puntong iyan pa lamang, kailangan nating tanungin kung usapin ba talaga ito ng seguridad, kung OVP ba ang dapat gumastos para sa ganitong bagay, o kung may ibang tanggapan na dapat sumagot dito,” ani Co.

Binanggit din ni Co ang confidential funds ng DepEd na umabot sa P112.5 milyon noong si Duterte ang Education Secretary. Aniya, tungkulin ng DepEd na maghatid ng dekalidad na edu­kasyon, kaya’t kinuwestiyon kung paano nakatulong sa mandatong ito ang mga operasyon kontra insurhensiya at terorismo.

(VINA de GUZMAN)

Malakanyang sa mga guro:Manatiling propesyonal, huwag gamitin ang mg estudyante sa kanilang online content 

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAALALAHANAN na rin ng Malakanyang ang mga public school teachers na panatilihin ang propesyonalismo sa trabaho at iwasan ang pag-post ng online content na magkokompromiso sa pagkakakilanlan ng mga mag-aaral.

Tinukoy ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na ang paglalantad sa pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kanilang post ay isang paglabag sa ‘ethical standards at polisiya’ ng DepEd.

May ilang insidente na aniya kasi na ginagamit ng mga guro ang kanilang propesyon bilang bahagi ng kanilang online content.

“Kaugnay nito, nagpaalala ang DepEd sa lahat ng mga pampublikong guro na iwasan ang ganitong mga practice at panatilihin ang propesyonalismo sa trabaho sa loob man o labas ng apat na sulok ng paaralan,” ang sinabi ni Castro.

“Nagpapaalala rin ang DepEd sa mga guro na panindigan ang kanilang sinumpaang tungkulin at patuloy na maging mabuting huwaran sa kanilang mga mag-aaral,” aniya pa rin.

Binigyang diin pa ni Castro na ang mga guro ay nagsisilbi bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral, habang ang paaralan naman ay nagsisilbing pangalawang tahanan.

“Ang mabuting asal ay natututunan sa tahanan at higit na nahuhubog sa paaralan,” ani Castro.

Sa ulat, nagpaalala ang Department of

Education (DepEd) sa mga guro at iba pang personnel na panatilihin ang pagiging-propesyonal, at tamang asal sa paggamit ng social media.

Sa memorandum na inilabas ng ahensya noong Agosto 11, sinabi ng DepEd na hindi purkit naka-private ang isang social media account ng isang guro ay hindi na saklaw ng mga pamantayang propesyonal at etikal ng ahensya.

Partikular na binigyang-diin ang mga post na may kaugnayan sa mga mag-aaral, classroom activities, school premises, at opisyal na tungkulin ng mga guro.

Ayon sa DepEd, nakatanggap ito ng mga ulat tungkol sa social media posts ng ilang guro at school personnel na hindi naaayon sa pamantayan ng DepEd.

Pinag-iingat din ang mga guro sa pagpo-post ng content na may kinalaman sa kanilang mga estudyante, dahil maaari aniya silang maka-impluwensiya.

Pinaalalahanan din ang mga empleyado ng DepEd na huwag mag-post ng mga personal na pag-atake laban sa kanilang mga kasamahan o makasira sa reputasyon ng ahensya.

Dapat ding iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon online.

Bagama’t kinikilala ng DepEd ang paggamit ng social media para sa talakayan tungkol sa mga napapanahong isyu, hindi umano ito dapat gamitin sa mga mag-aaral maski sa kanilang mga aktibidad para sa paggawa ng content na maaring magpakita ng pangungutya, harassment, at public scrutiny. (DARIS JOSE)

Malakanyang, nagdeklara ng special non-working holidays sa 7 lokalidad

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng special non-working days sa 7 lokalidad para ngayong buwan ng Agosto at Setyembre.

Layon nito na payagan ang mga residente na magpartisipa sa mga events sa kani-kanilang lokalidad.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1387, ipinroklama ang Agosto 14 bilang special non-working day sa Munisipalidad ng Pio V. Corpus sa Masbаte para sa pagdiriwang ng Limbuhan Festival.

Sa kaparehong petsa, special non-working day din sa Mawab, Davao de Oro para sa pagdiriwang ng founding anniversary nito.

Gayundin, idineklara ang special non-working day sa buong Davao City, ngayong Agosto 14 para sa taunang pagdiriwang ng Kadayawan Festival at ng Indigenous Peoples Day.

Idineklara rin sa kaparehong petsa ang special non-working day sa Santo Tomas, Davao del Norte, para sa 67th founding anniversary nito.

Idineklara naman ang Agosto 25 bilang special non-working day sa City of Iloilo, sa ilalim ng Proclamation No. 1388, tanda ito ng pagdiriwang ng 89th charter anniversary nito.

Sa Minalin, Pampanga, idineklara naman ang Agosto 27 bilang special non-working day, sa ilalim ng Proclamation No. 1386, tanda ng selebrasyon ng 412th founding anniversary ng munisipalidad.

Sa bisa ng Proclamation No. 1389, idineklara naman ang Setyembre 11 bilang special non-working day sa Cordillera Administrative Region (CAR) para sa pagdiriwang ng 40th “Sipat Anniversary,” o cessation of hostilities sa rehiyon.

Samantala, ang mga nasabing proklamasyon ay tinintahan ni Executive Secretary Ralph Recto na may pahintulot ng Pangulo. ( DARIS JOSE) 

PBBM sa 2028 presidential polls endorsement: Too early to tell

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masyado pang maaga para mag-endorso ng kandidato para sa 2028 presidential elections.

Subalit tiniyak ng Pangulo na kukunin niya ang “best possible candidate” na maipagpapatuloy ang anti-corruption measures ng kanyang administrasyon.

“The candidate I will endorse will be someone who I am confident will continue our anti corruption measures… Who that is? I don’t know. Maaga pa,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang dayalogo kasama ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

Winika ng Pangulo na sa ngayon, tanging “one person has put her hat on the ring,” tila ang tinutukoy ay si Vice President Sara Duterte.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na maraming political events ang magaganap bago pa ang 2028 national elections, sa kabila ng surveys na nagpapakita ng pagtatangi.

“And so, it’s very hard for me to, for myself, even to make a decision. I would say that if I decided now, it would be premature. We have to see how things really shape up,” ayon sa Pangulo.

Tinuran pa niya na wala pa syang nakakausap na kahit na isa kung nais ng mga ito na tumakbo sa pagka-pangulo o hindi.

“The time will come,” ang winika ng Pangulo.

“We will certainly provide the best candidate with the betterment of the lives of every Filipino. We will choose the best possible candidate who will continue what we have started,” aniya pa rin. ( DARIS JOSE)

Alisin na sa pambansang budget panawagan ni Sen. Lacson…‘Leadership fund’ mas malala sa pork barrel

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING nanawagan si Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Huwebes na buwagin ang tinatawag na ”leadership fund” o allocables sa pambansang badyet, na aniya’y mas masahol na bersiyon ng pork barrel.

Ayon kay Lacson, ipinakita ng testimonya ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, gayundin ng mga kamakailang kaganapan kaugnay ng mga maanomalyang proyekto sa flood control, kung paano nabigyan ng “leadership fund” ang mga mambabatas ng pagkakataong magsingit ng mga proyekto sa badyet kahit nasa preparation phase pa lamang ng pambansang badyet.

Dagdag niya, dapat nang wakasan ang ganitong anomalya sa proseso ng pambansang badyet.

Unang lumitaw ang “leadership fund” noong Setyembre ng nakaraang taon nang banggitin ito ni Bonoan sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon na pinamunuan ni Lacson hinggil sa flood control scandal.

Noong panahong iyon, bilang tugon sa tanong ni Lacson kung paano nakapagsisingit ang mga mambabatas ng mga proyekto sa panukalang badyet na hindi pa pumapasok sa legislative phase, sinabi ni Bonoan na pinagsasama-sama ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga hinihiling na proyekto ng mga mambabatas para maisama sa NEP, kabilang ang mga dumadaan sa “leadership fund” sa Senado.

Sinabi ni Bonoan na sinusuri ng planning service ng DPWH ang mga panukala upang matiyak na ang mga proyektong isinasama ay “are consistent with development programs.”

Sinabi rin niya na pinapayagan ang mga insertion sa NEP stage upang maiwasan ang mga komplikasyon sa bicameral conference committee, dahilan upang ipaalala ni Lacson na “the role of lawmakers is in the authorization phase,” o kapag isinusumite na sa Kongreso ang panukalang batas sa badyet para sa deliberasyon. ( DARIS JOSE)

Pagkagutom na naranasan ng mga benepisaryo ng Walang Gutom Program, bumaba ng 6.7 puntos

Posted on: August 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUMABA ng 6.7 percentage points ang bilang ng mga benepisaryo ng Walang Gutom Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Developmen (DSWD) na nakaranas ng pagkagutom.

Ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), mula 33.6% ay naging to 26.9% na lamang ito.

Kinomisyon ng Globe, sakop ng SWS survey ang 2,400 WGP beneficiary households. Ang unang round ay isinagawa mula Pebrero 24 hanggang Marso 8, 2026, habang ang pangalawang round ay isinagawa mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 1.

Sa isinagawang presentasyon sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang pagbuti ay ramdam na ng WGP beneficiaries kaysa sa non-beneficiary households.

“Kaya na namin ngayon sabihin na 600,000 na pamilyang Pilipino ang kumakain na nang tama,“ ang binigyang diin ng Kalihim.

Nagbibigay ang WGP sa mga kuwalipikadong sambahayan ng monthly food assistance sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer cards, maaaring gamitin ng mga ito para bumili ng food items mula sa accredited retailers.

“Iyong mga electronic benefit cards pumupunta sila sa mga KADIWA, sa mga market-based organized in their basketball courts or sa mga accredited retailers kung saan puwede nilang gugulin ang tatlo libo na food credits kada buwan para makapili among the food groups,” ayon kay Gatchalian.

Pormal namang inilunsad ang WGP noong 2023 bilang the Walang Gutom 2027: Food Stamp Program. Ito’y flagship anti-hunger and social welfare initiative ng gobyerno.

Sa pangunguna ng DSWD, pangunahing target nito ang pinakamahirap na sambahayan na nakararanas ng involuntary hunger at matinding malnutrisyon.

Layon ng administrasyon na sakupin ang 750,000 sambahayan sa 2027 at kalaunan ay palawigin ang programa sa 1 milyong sambahayan. (DARIS JOSE)