ESTUDYANTE NAHULOG MULA 10TH FLOOR NG DLSU
- Published on August 15, 2026
- by Francis Paolo Torres
NASAWI ang isang 18-anyos na incoming student ng Dela Salle University (DLSU) makaraang nahulog mula sa ika-sampung palapag ng gusali sa Malate, Manila Huwebes ng hapon.
Sa ulat, dakong alas-12:57 ng hapon ng naganap ang insidente sa Enrique Razon Sports Complex Building sa Noli Agno Street corner F. Reyes Street, Barangay 708, Malate, Manila.
Kinilala ang biktima na isang 18-anyos na estudyante at tumutuloy sa Female Athletes Dorm, DLSU, na matatagpuan sa F. Reyes Street, Barangay 714, Malate, Manila.
Ayon sa mga nakasaksi, nakita ang biktima sa pasamano sa ika-sampung palapag ng gusali.
Dahil dito, agad na pinuntahan ang lugar kung daan nakita itong nakadapa at bigla na lamang gumulong dahilan upang malaglag ito.
Ang duty na doktor sa nasabing unibersidad at rumesponde subalit idineklarang wala ng buhay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing kaso. (Gene Adsuara)