• August 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Ads July 6, 2026

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Higit 6K pulis nakalatag sa paligid ng Senado – NCRPONAGLATAG na nang mahigpit na security measures­ ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paligid ng Senado sa Pasay City kung saan nasa mahigit 6,000 pulis ang ikinalat para sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte ngayong araw.

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ayon kay NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo, inatasan ni NCRPO Director Maj. Gen. Anthony Aberin ang pag-deploy ng 3,250 Civil Disturbance Management personnel at 2,900 Reactionary Standby Support Force personnel upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa labas ng Senate complex habang isinasagawa ang paglilitis.

Sinabi ni Asilo na magbabantay ang mga pulis sa perimeter ng Senado, kabilang ang mga pangunahing access road, ingress at egress points, upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad, mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko, at matiyak ang ligtas na pagpasok at paglabas ng mga opisyal, emple­yado, at iba pang may transaksyon sa Senado.

Nilinaw ng NCRPO na ang kanilang mandato ay nakatuon lamang sa ­seguridad sa labas ng ­Senate complex. Kabilang dito ang pagtiyak na magiging mapayapa at maayos ang anumang kilos-protesta at hindi maaantala ang impeachment proceedings o maka­gagambala sa publiko.

Nanawagan naman si Asilo sa mga raliyista at sa publiko na makipag­tulungan sa mga awtoridad. Aniya, kinikilala ng NCRPO ang karapatan ng bawat isa sa mapayapang pagtitipon at malayang pagpapahayag ng saloobin, ngunit mahalaga ring sundin ang umiiral na mga batas, regulasyon, at itinakdang security protocols upang mapanatili ang kaayusan sa paligid ng Senado.

Dagdag pa ni Asilo, paiigtingin din ang inspeksyon at pagbabantay sa mga sasakyang papasok at lalabas ng Senate complex upang maiwasan ang pag-uulit ng mga insidente ng kaguluhan, kabilang ang paghahagis ng iba’t ibang bagay sa sasak­yan ng isang senador na naitala sa mga nakaraang protesta.

Alex Eala muling gumawa ng kasaysayan matapos talunin si defending champion Swiatek sa Wimbledon

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PASOK na sa Round of 16 ng Wimbledon si Pinay tennis star Alex Eala matapos na talunin si defending champion at World number 3 Iga Swiatek sa 3rd round.Mga Internasyonal na Kumpetisyong Pampalakasan

Nakuha ng Pinay tennis star ang score na 7-6 at 6-2.

Sa first round ay nagkaroon ng matinding hamon kay Eala ang pagiging dominante ni Swiatek.

Subalit sa pagpasok ng ikalawang round ay dominado ng Pinay tennis star ang laro.

Ito na ang pangatlong paghaharap ng dalawa kung saan lamang na si Eala 2-1.

Unang nagwagi si Eala sa hard court at ngayon ay sa grass court habang si Polish tennis star ay sa clay court.

Siya lamang ang unang Filipino na nakaabot ng ikaapat na round ng Grand Slam.

Serena Williams umatras sa doubles ng Wimbledon dahil sa injury

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMATRAS na si Serena Williams sa doubles match kasama ang kapatid na si Venus sa Wimbledon.Tennis

Ayon sa 44-anyos na si Serena, na nagtamo ito ng injury sa kaniyang kanang tuhod.

Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang pagkatalo niya sa tatlong sets sa singles match.

Sinabi nito na labis siyang nalulungkot dahil hindi ito makakapaglaro subalit tiniyak niya na babalik din ito kapag tuluyan ng gumaling.

Hindi naman niya matiyak kung makakapaglaro pa ito sa US Open sa mga susunod na buwan.

Libreng public viewing ng laban ni Alex Eala sa Wimbledon, ikakasa sa PhilSports Arena

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAANYAYAHAN ang publiko na suportahan ang Filipina tennis star na si Alexandra ”Alex” Eala sa pamamagitan ng libreng public viewing ng kaniyang Round of 16 match sa Wimbledon ngayong Lunes, Hulyo 6.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gaganapin ang public viewing sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Magbubukas ang venue para sa publiko alas-5:30 ng hapon, habang nakatakdang magsimula ang laban ni Eala kontra kay Jasmine Paolini alas-8:30 ng gabi.

Libre ang pagpasok at ipatutupad ang first come, first served na sistema, kaya hinihikayat ang mga manonood na dumating nang maaga upang makakuha ng upuan.

Sa kauna-unahang pagkakataon:PBBM, sinisi si Digong Duterte para sa kawalan ng aksyon sa flood control anomalya 

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay sinisi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte bunsod ng kawalan ng aksyon sa maanomalyang flood control projects sa panahon ng kanyang termino.

Ito ang dahilan aniya kung bakit nililinis ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang malawakang corruption scandal.

Nauna rito, sinagot ni Pangulong Marcos ang kanyang mga kritiko sa sinabi ng mga ito na di umano’y snail-paced investigation at selective justice ang pinaiiral sa malawakang corruption scandal. Ang mga paratang na ito ay kagyat namang pinalagan ng Pangulo.

Aniya, isiniwalat niya ang usapin na ito sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (Sona) noong Huklyo ng nakaraang taon, para isapubliko ang kawalan ng aksyon ng dating administrasyon sa multibillion-peso scheme sa pagitan ng mga kontratista at ilang mambabatas at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kaya nga hayagang binabatikos ngayon ni Pangulong Marcos si Digong Duterte sa hindi nito pagkilos laban sa ghost flood control projects ng DPWH, sa kabila ng nalaman niya ang tungkol sa “great problems” sa pagsisimula pa lamang ng kanyang (Duterte) termino.

“But nothing happened. Having acknowledged it, he did not find accountability in anybody. So I guess that was left up [for] me to do,” ayon sa Pangulo.

“I’m the one who exposed all of this. And I’m the only one who has started doing something about it,” anito.

“Did previous presidents do something like this? Did you see any of them put anyone in jail? Did they freeze accounts? Did they conduct investigations? There were none. It only happened under me,”dagdag na pahayag ng Pangulo.

Kinuwestiyon din ni Pangulong Marcos ang mga grupo at indibiduwal na inakusahan siyang nasa likod ng flood control mess.

“If that were really my racket, why would I ruin it in the first place? That makes absolutely no sense,” ani Pangulong Marcos.

Pinabulaanan din ni Pangulong Marcos na ‘selective justice’ ang ginagawa ng kanyang administrasyon dahil ang nililitis at pinakukulong lamang ay ang mga kontra sa kanya at sa gobyerno.

“From the time we formed the independent commission, I said we’ll just follow the evidence, and we’ll continue to do that,” ayon sa Pangulo.

Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi pa tapos ang gobyerno sa paghabol sa mga taong sangkot sa flood control scandal. Kailangan aniyang papanagutin ang mga ito.

“I cannot say that we have done enough because we are not done yet. Unfortunately, the more we look, the more we find. And it is already going back beyond my administration, beyond my term,” ayon sa Pangulo.

 (DARIS JOSE)

Sa patuloy na imbestigasyon ng flood control anomaly:PBBM, ipinaubaya sa Ombudsman kung gagawing state witness si Bonoan  

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAUBAYA na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Office of the Ombudsman ang desisyon kung gagawing state witness si dating Public Works secretary Manuel Bonoan kaugnay sa imbestigasyon ng flood control anomaly.

“Again, it’s up to the Ombudsman to decide on how to proceed with all of these investigations,” ang sinabi ni Pangulong Marcos nang hingan ng reaksyon sa naging hakbang ng Ombudsman.

Aniya, may ‘prerogative’ si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na gawing state witness si Bonoan.

Binigyang diin ng Pangulo na malaki ang kanyang tiwala kay Remulla, sabay sabing ang desisyon kaugnay sa imbestigasyon ng flood control anomaly ay nasa kapangyarihan ng Ombudsman.

“If he feels that the former Secretary Manny Bonoan will be helpful to the cases with the other people then again to use the word again — it is his prerogative. It is his decision. It is his judgment,” anito.

Nauna nang inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hihingin niya sa Sandiganbayan na alisin na sa talaan ng mga akusado si Bonoan sa kasong plunder na may kinalaman sa P573 milyong kickbacks sa flood control projects.

Si Bonoan ay kapwa akusado sa kasong plunder sina Sen. Jinggoy Estrada, dating DPWH NCR Assistant District Engineer Denryl Caesar Sanchez Cortuna, DPWH NCR District Engineer Manny Bumagat Bulusan at DPWH NCR District Engineer Arturo Lombres Gonzales Jr.

Kapwa akusado rin si Bonoan sa dalawang kasong graft na may kinalaman din sa flood control mess.

Si Bonoan ay sumailalim sa hospital arrest sa PNP General Hospital sa Kampo Krame na inaprubahan ng Sandiganbayan Fifth Division mula noong Hunyo. ( DARIS JOSE)

PBBM, binisita ang ‘Tindahan’ sa Canada

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINISITA ng First Couple, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang GInang Liza Araneta-Marcos ang Tindahan, isang Filipino restaurant at grocery store sa Richmond, British Columbia bago pa bumalik ng Pilipinas matapos ang 4-day working visit ng una.

Binibigyang diin nito ang papel ng ng establisimyento ng mga overseas Filipino na ipreserba ang ‘culture at culinary heritage’ ng Pilipinas.

Sa isang social media post araw ng Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na ang lugar gaya ng Tindahan ay nakatutulong para mapanatiling buhay ang Filipino traditions sa pamamagitan ng pag-aalok sa mga Filipino sa ibang bansa ng ‘selection of dishes’ na kanilang kinakain sa Pilipinas.

“For many of our kababayans in Canada, it is where they can prepare the dishes they grew up with and share them with family and friends,” ayon sa Pangulo.

Kinilala rin ng Pangulo ang restaurant na nagsisilbi ng mga pagkain na inspirado sa mga recipes ng namayapang culinary icon Nora Daza, kung saan ang kontribusyon ay nakatulong na mahubog ang Filipino cuisine.

Nakatutuwa aniya na makita ang legacy ni Daza na patuloy na pinagsasama-sama ang mga tao lalo na ang mga pinoy kahit pa malayo sa kanilang tahanan.

“The restaurant serves dishes from the kitchens of the late Nora Daza, whose recipes helped shape Filipino cuisine for generations. It’s wonderful to see her legacy continue,” ang winika ng Pangulo. 

(DARIS JOSE)

Labanan ng ebidensya sa VP trial

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HANDANG- HANDA na ang House prosecution panel sa pagpiprisinta ng mga ebidensiya sa pagsisimula ng “pakikipagtuos” sa defense team ni Vice Pres. Sara Duterte ngayong Lunes sa Senate impeachment court.

Sinabi ni impeachment adviser at dating House Quad Comm chair Robert Ace Barbers na ang Hulyo 6 ay tanda ng pagsisimula ng opisyal na proseso at presentasyon sa publiko ng mga ebidensya alinsunod sa Konstitusyon. Isinalarawan ni Barbers ang linggong ito bilang “Linggo ng Ebidensya”.

“Hayaan nating ang katotohanan ay mangga­ling sa ebidensya, hindi sa propaganda. Hayaan nating ang batas ang manaig, hindi ang ingay ng pulitika,” saad ni Barbers.

Ayon naman kay House prosecution spokesperson Zia Alonto Adiong, tapos na ang buwan ng masusing paghahanda para sa makasaysayang paglilitis.

“We are 100 percent ready. Our prosecutors, our legal team, and ­everyone supporting the prosecution have worked tirelessly to prepare for this constitutional duty,” ani Adiong.

Nilinaw ni Adiong na ang unang araw ng trial ay hindi pa agad maglalabas ng mga testigo o ebidensya.

“Marami ang umaasang may mga testigo agad bukas. Pero ang unang araw ay nakalaan para sa opening of the trial, opening statements, at pagresolba ng mga legal at procedural issues. Normal iyan sa anumang seryosong paglilitis,” paliwanag niya.

Para sa prosekusyon, mahalaga ang pagsisimula ng trial dahil dito sa Senate Impeachment Court ihaharap ang mga argumento at kalaunan ay ang ebidensya.

Binanggit din ng tagapagsalita na hindi nila layunin ang maki­pagtagisan ng soundbite o pulitika.

“Ang layunin namin ay simple—ilatag ang ebidensya, sundin ang proseso, at hayaan ang Impeachment Court na magpasya batay sa batas at sa mga katotohanan,” giit niya.

Tiniyak ni Adiong na rerespetuhin ng prosekusyon ang lahat ng desisyon ng Senado bilang Impeachment Court.

“Ang pinakamaha­lagang mangyayari ay hindi kung sino ang mas mahusay magsalita. Ang pinakamahalaga ay nagsisimula na ang impeachment trial. Gumagana ang ating Konstitusyon at gumagalaw ang ating mga institusyon ayon sa itinakdang proseso,” pagtatapos niya.

(DARIS JOSE)

Simula na ng impeachment trial ngayon…VP Sara mas mabuting dumalo sa trial – PBBM

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANINIWALA si ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas magiging madali na malaman ang lahat kung dadalo sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte.

Inatasan ng impeachment court si Duterte na humarap sa kanyang paglilitis sa Hulyo 6 “nang personal o sa pamamagitan ng abogado.”

Sinabi ni Marcos na bagaman at nasa akusado kung haharap o hindi, makabubuti kung ang akusado ay direktang makasasagot at hindi sa pamamagitan ng mga abogado. Si Marcos ay nagsilbi ring senator-judge noong impeachment trial ni da­ting Chief Justice Renato Corona.

“Kung diretsong makapagsagot, ‘di ­syempre mas magi­ging maliwanag ang proseso, mas magiging madali ang proseso. But that’s just my own opinion and that’s not a legal ­opinion,” napaulat na sinabi ni Marcos sa panayam ng mga reporters sa Vancouver.

Ayon sa Pangulo, kung siya ang akusado ay personal siyang haharap at sasagutin ang mga paratang.

“If they (lawyers) advise me not to appear, I would insist on appearing,” ani Marcos.

Nauna nang sinabi ng isa sa mga abogado ni Duterte na si Michael Poa na maaaring humarap ang Bise Presidente sa paglilitis kung kinakailangan.

Ngayong araw nakatakdang magsimula ang impeachment trial ni VP Duterte.

 (DARIS JOSE)