• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng public viewing ng laban ni Alex Eala sa Wimbledon, ikakasa sa PhilSports Arena

INAANYAYAHAN ang publiko na suportahan ang Filipina tennis star na si Alexandra ”Alex” Eala sa pamamagitan ng libreng public viewing ng kaniyang Round of 16 match sa Wimbledon ngayong Lunes, Hulyo 6.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gaganapin ang public viewing sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Magbubukas ang venue para sa publiko alas-5:30 ng hapon, habang nakatakdang magsimula ang laban ni Eala kontra kay Jasmine Paolini alas-8:30 ng gabi.

Libre ang pagpasok at ipatutupad ang first come, first served na sistema, kaya hinihikayat ang mga manonood na dumating nang maaga upang makakuha ng upuan.