• August 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Helper na wanted sa robbery sa Batangas, tiklo sa Valenzuela

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang isang helper na wanted sa kaso ng Robbery sa lalawigan ng Batangas nang matunton ng pulisya sa ikinasang operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, ang 41-anyos na akusado na residente ng Brgy., Ugong ng lungsod ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Talento na nakatanggap ng impormasyon na kasalukuyang nanunuluyan sa lungsod ang akusado.

Ang akusado ay may nakabinbin na arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas para sa kasong Robbery (Article 293 of the Revised Penal Code).

Kaagad namang isinagawa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Sub-Station 8 ang operation laban sa akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya bago dinala sa Valenzuela City Hospital para sa medical examination.

Pinuri naman ni P/BGen. Capili ang operating team sa kanilang pagsisikap na natugisin ang mga wanted na indibidwal na pinaghahanap ng batas at tiyaking maihaharap ang mga ito sa hukuman. (Richard Mesa)

No. 1 top most wanted person ng NCRPO sa kasong murder, nakorner sa Navotas

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit isang taon na pagtatago ng 42-anyos na lalaki na wanted sa kasong Murder matapos masukol ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado na residente ng lungsod ay nakatala din bilang No. 1 Top Ten Most Wanted Person sa NPD.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela na muling naispatan ang presensya ng akusado sa lungsod nang magtago makaraang malaman na mayroon siyang arrest warrant.

Kaagad ikinasa ang operation ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas Police ang manhunt operation laban sa akusado hanggang sa makorner siya sa Green Zone, Road 10, Brgy. NBBN, ng lungsod.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 287, Navotas City, noong February 26, 2025 na walang inirekomendang piyansa.

Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted na indibidwal at sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at hustisya sa Lungsod ng Navotas. 

(Richard Mesa)

Karapatan ng taumbayan na marinig ang ebidensya at maintindihan ang mangyayari sa impeachment trial 

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“KAHIT na sino pa ang maging presiding officer, handang-handa na kami magprisenta ng aming mga ebidensya at testigo.”

Ito ang pahayag ni House prosecution trial spokesman Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong matapos mahalal si Sen. Francis Escudero bilang presiding officer ng impeachment court sa Senado.

“Buong respeto po naming igagalang ang desisyon ng ating mga kagalang-galang na Senator-Judges at ng buong Impeachment Court,” sinabi ni Adiong.

Nauna dito, nahalal si Escudero ng mayorya ng mga senador sa botong 12 laban sa walo sa hanay ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Nagpahayag ng pagtutol si Cayetano sa paghalal ni Escudero at pinagpilitan nito na ang dapat mamuno ay si Senate President Win Gatchalian.

Nagkaroon ng debate ang mga senador at kalaunan ay nauwi sa botohan sa pabor ni Escudero na mamuno sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Nauna dito, sinabi ni Adiong na ang House prosecution panel ay nananawagan sa lahat ng partido na huwag hadlangan ang constitutional process at hayaan ang impeachment court na dinggin ang ebidensiya.

Ayon kay Adiong, ang Senado, bilang impeachment court ay ang tamang forum para matukoy ang katotohanan, hindi sa “court of public opinion.”

“The Senate impeachment court will begin a process that our Constitution clearly provides for. As we have consistently said, this is not about personalities or politics. This is about allowing our institutions to do their work,” sabi ni Adiong.

“Our simple appeal is this. Let the trial begin. Let the evidence be presented, and let both sides be heard. The Filipino people deserve nothing less than a fair, orderly, and transparent process.”

Idinagdag ni House trial spokesperson Kabataan party list Rep. Renee Co na nakasalalay ang kinabukasan ng demokrasya ng bansa sa ginaganap na impeachment trial.

“Dapat nating baybayin ang ebidensya para masagot ang mga matagal na nating tanong ng taumbayan,” pahayag ni Co. 

“The public deserves to hear the evidence. Karapatan ng taumbayan na marinig ang ebidensya at maintindihan ang mangyayari.” (VINA de GUZMAN)

1,000 benepisyaryo ng 4PH tumanggap ng titulo ng lupa

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TUMANGGAP na ng kanilang Transfer Certificate of Title (TCT) ang 1,000 benepisyaryo ng pangunahing programang pabahay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH).

Sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na patuloy na lumalawak ang programa at mas maraming Pilipino ang nagkakaroon ng sariling titulo ng lupa.

“Informal settlers no more…” ani Castro, na nagbibigay-diin sa pangmatagalang epekto ng programa sa pamilya ng mga informal settler

Idinagdag ni Castro: “Dahil sa ilalim ng expanded 4-PH program ng Pangulo, mas maraming Pilipino na ang nakakamit ang kanilang hinahangad na titulo.”

Sinabi pa ni Castro: “Pangarap lang noon pero reyalidad na ngayon… ganito mailalarawan ang magandang bunga ng expanded 4-PH program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga naging benepisyaryo nito.”

Sinabi ni Castro na mahigit 200 benepisyaryo mula sa San Isidro Labrador Homeowners Association at mahigit 800 benepisyaryo mula sa Sitio Santo Niño sa Antipolo ang tumanggap kamakailan ng kanilang mga titulo ng lupa sa isang awarding ceremony na pinangunahan ng Social Housing Financing Corporation (SHFC).

Ayon pa kay Castro, may ilang benepisyaryo na mahigit 25 taon nang naghihintay na magkaroon ng sariling titulo ng lupa.

“Para sa ibang benepisyaryo, mahigit 25 years ang kanilang hinintay para makamit ang pangarap na titulo ng lupa,” wika ni Castro.

Inihayag pa ng Palace Press Officer na ipinatutupad ang programa sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Patuloy din anya, na pinabibilis ng kagawaran ang pamamahagi ng mga titulo at pabahay sa ilalim ng pamumuno ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling.

Binigyang-diin ni Castro na hindi lamang pamamahagi ng lupa ang layunin ng programa kundi ang pagbibigay din ng mas maayos na pamumuhay sa mga Pilipino.

“Disenteng tahanan at pamumuhay na may dignidad para sa lahat… Ito ang layunin ng programang pabahay ni Pangulong Marcos Jr. para sa mga Pilipinong patuloy na nagsisikap at nangangarap,” diin ni Castro. 

( DARIS JOSE)

HIGIT 1,000 ANG NAARESTO, 165 LOOSE FIREARMS, AT ₱605.8-M HALAGA NG EBIDENSYA, NAREKOBER SA MGA OPERASYON NG CIDG SA BUONG BUWAN NG HUNYO

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG-ULAT ang Philippine National Police (PNP) ng mahalagang tagumpay ng paigtingin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nationwide law enforcement operations nito noong Hunyo 2026, na nagresulta sa pag-aresto ng 1,066 na indibidwal, pagkarekober ng 165 na loose firearms, at pagkakumpiska ng mga criminal evidence na nagkakahalaga ng mahigit ₱605.8 milyon.

Ang mga operasyong tumagal ng isang buwan, na isinagawa sa pamamagitan ng 935 law enforcement activities sa buong bansa, ay sumuporta sa patuloy na pagsisikap ng PNP na mapanatiling ligtas ang mga komunidad sa pamamagitan ng paghabol sa mga wanted person, ilegal na baril, at iba’t ibang uri ng criminal activity.

Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na nagpapalakas sa mga aksyon ng pulisya na pinangungunahan ng intelligence at coordinated bilang suporta sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang sa mga pangunahing nagawa ay ang pag-aresto sa 606 na wanted persons sa pamamagitan ng pinaigting na manhunt operations, kabilang ang dalawang National Most Wanted Persons na may kasalukuyang rewards, 109 Regional Most Wanted Persons, 141 Provincial Most Wanted Persons, at 72 City at Municipal Most Wanted Persons. Kasama rin sa mga operasyon ng pulisya ang isang lider at tatlong miyembro ng isang Communist Terrorist Group (CTG).

Sa kampanya laban sa mga loose firearms, nagsagawa ang mga awtoridad ng 49 na search warrant operations at 42 buy-bust operations, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 156 na small firearms, 9 light weapons, 24 explosive devices, at iba’t ibang bala.

Kasabay nito, ang pinaigting na mga operasyon laban sa economic and environmental offenses ay humantong sa pagkumpiska ng mga counterfeit, untaxed, at mga substandard products, kabilang ang mga sigarilyo, produktong vape, pagkain, mantika, mga appliances, depektibong baterya ng e-bike, mga forest products, at iba pang ebidensya mula sa mga ilegal na aktibidad na tinatayang may kabuuang halaga na mahigit ₱605.8-M.

Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga operating unit para sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pagsasagawa ng kampanya nang may propesyonalismo at paggalang sa batas.

“I commend our operating units for their discipline and commitment in carrying out these operations. Every successful operation strengthens public safety and reinforces the message that the law will be enforced fairly and consistently. Hindi tayo hihinto sa pagpapaigting ng ating operasyon, but we will always do so with professionalism, accountability, and respect for the rights of every Filipino,” sabi ni PNP Chief.

 (PAUL JOHN REYES)

Pinakamalaking estero clean-up drive, inilunsad ng gobyerno kontra baha

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAKILOS ng pamahalaan ang pinakamalaking puwersa ng 10,000 TUPAD workers para isagawa ang Expanded Bayanihan sa Estero Program simula July 1, 2026.

Layon nito para mabawasan ang pagbaha sa mga komunidad at pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang mas pinaigting na operasyon ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang mga hakbang upang maprotektahan ang mga komunidad na madalas naaapektuhan ng malalakas na ulan at pagbaha.

Sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang magsasagawa ng paglilinis, pagtanggal ng putik at basura, at regular na pagmamantina ng mga pangunahing estero at kanal sa Metro Manila simula ngayong buwan.

“Alam natin ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. Kaya pinalawak natin ang programang ito para mas mabilis nating maalis ang bara sa mga estero at daluyan ng tubig at mabawasan ang pagbaha. Continuous ito ngayong taon,” ayon kay Executive Secretary Ralph G. Recto.

Sinimulan ang pinalawak na programa matapos pangunahan ni Recto ang pagpupulong kasama ang Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), MMDA, at DOLE upang pabilisin ang paghahanda ng pamahalaan para sa tag-ulan at pagtibayin ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya laban sa pagbaha sa Metro Manila.

“Habang isinusulong natin ang mga pangmatagalang solusyon, ito ang agarang hakbang na makatutulong sa ating mga komunidad,” dagdag pa ni ES Recto.

Sa nalalapit na birthday sa Agosto…SANYA, bumili ng bagong sasakyan bilang regalo sa kanyang sarili (ni: ROMMEL GONZALES)  

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISA sa pinaka-in demand at masipag na aktres si Sanya Lopez.

Kaya naman deserve ng Sparkle actress na ma-enjoy ang kanyang mga kinikita sa showbiz.

Kaya naman sa nalalapit na kaarawan ni Sanya sa Agosto ay bumili siya ng isang bagong sasakyan bilang regalo niya sa kanyang sarili.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay nag-post si Sanya ng litrato sa loob ng sasakyan niya.

Aniya, “I’ve always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart, and trust God’s timing, beautiful things will eventually find their way to you.

“A little early for my birthday, but here’s a gift to myself. Thank you po Lord, sa lahat ng blessings mo po palagi!” 

***

Sean, kabado tuwing kasama si Heart 

Aminado ang Sparkle star na si Sean Lucas na kinakabahan pa rin siya bilang co-host ni Global Icon Heart Evangelista sa game show ng Kapuso Network na “The People Have Spoken.”

Ayon kay Sean, “Every time, every episode, talagang may kaba. She’s been super easy to work with, but still, she is Miss Heart. There’s pressure, but it’s good.” 

Pero sa gitna ng kaba, mas lamang din umano ang excitement ni Sean na mag-host ng game show, “Masaya siya kasi people love to play games. I love to play games, and the fact that I get to do it as my job is super exciting. Plus, super exciting na ang kasama ko pa is Miss Heart and all the Celebripeeps. It is such a big honor to be in a room with them.”

Tutukan ang tandem nina Heart at Sean sa high-rating game show na “The People Have Spoken,” 6:15 p.m. tuwing Sabado sa GMA Network. 

Nagsalita na itaga na raw sa bato…NADINE, ayaw nang mag-jowa ‘pag nag-break pa sila ni CHRIS(ni: REY PINEDA)  

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAMAKAILAN lamang ay inulan ng komento ang post ni Nadine Lustre sa kanyang social media account.

Sabi niya sa post, (published as is) “ito talaga itaga niyo sa bato if Chris (Bariou) and I break up, ayaw ko na mag-jowa, pagod na ako. But really I told myself that na parang sabi ko if this is not the last relationship that I will have I probably going to be single for the rest of my life. I think it’s hard to find someone like Chris, same mindset, same values and someone who’s very caring for everything that’s around him. Ang hirap eh.”

May mga natuwa para sa singer/actress.

Sabi ni Mess Sy sa comment section…

“She’s not like the other actress na papalit-palit ng jowa na para bang ang bilis mgpalit…She’s into long term. Matured na matured ang isip niya, pati kilos, pananalita and etc…I love everything about her.” 

Kung may mga natuwa, meron din namang hindi.

Ayon naman kay Osel Masakayan…”Siyempre, mag-asawa na sila. Kya hindi na single, nakita q ata yung simple wedding nila, Nag-iingay siya now dhil sa tambalan nila ni Alden Richard, sa showbiz career, pareho sla ni Alden Richard na hindi na sikat sa ngayon.”

Hindi talaga maiiwasang may mga magbigay ng kani-kanilang opinyon, lalo na kung ang involved ay isang celebrity.

Nagpapahiwatig ba si Nadine na may mga mabibigat na silang problemang pinagdaraanan ni Chris na maaaring mauwi sa hiwalayan?

Bakit kailangan kasi niyang mag-post ng ganon?

Hindi kasi mati-trigger ang isang bagay kung wala itong pinagmumulan.

Well, sana nga promo lang ito para sa proyekto nila Nadine at Alden.

O baka naman nagpapahiwatig lamang ito sa kanyang boyfriend para mag-propose.

Hindi na rin naman kasi bumabata di Nadine, noh!

Kinakabahan sa kanyang major free concert… REGINE, may pakiusap na hayaan na lang sa mga can’t afford (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA ika-sampung taon ni Wilbert Ross sa showbiz, aminado ito na may pagkakataon daw na talagang wala siya halos work. 

Pero hindi siya sumuko dahil alam daw niyang ang mag-perform (among others) ang talagang gusto niyang gawin.

Dahil kadalasan ng mga kabataan ngayon, madaling ma-depressed o magkaroon ng mental health issue, hindi ito itinanggi ni Wilbert nang makausap namin at iba pang media sa launching ng kanyang own line of perfume, ang Strato Body Spray under VIVA Beauty na may tatlong scents. 

Ayon kay Wilbert, nagkaroon din daw siya ng severe depression, pero obviously, na-handle niya ito ng maayos. At ngayon nga, ang feeling niya ay para siyang nasa cloud nine when it comes to his career.

No wonder inspired by being in cloud 9, at the sky ang kanyang Strato perfumes na magiging available sa Watsons at in fairness, very affordable ang price. 

Dahil negosyante rin talaga si Wilbert kaya talagang sobrang hands-on daw siya sa kanyang sariling line of perfume. 

***

AMINADO ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na kinakabahan siya sa magiging major free concert October 18, sa MOA Arena.

Ito ay sa kabila ng napakaraming major concerts na nagawa na niya, but since Regine is very humble to admit na nag-iba na nga raw ang boses niya ngayon kumpara dati. 

Ang kapatid na si Cacai Mitra raw ang nakaisip ng free concert na ito ni Regine. Kaya ito raw ang mangangarir na makahanap ng sponsors. 

May pakiusap din siya na hayaan na mabigyan ng chance ang mga dati pang pangarap na makapanood ng concert niya ang free concert niyang ito sa mga can’t afford. 

Sa Facebook post ni Regine, sinabi niya na, “Hello guys  I’m excited, nervous and anxious sama sama at nag kakagulo na  ang feelings ko but most importantly I’m really grateful. 

“I am thankful to my sister Cacai kasi sya talaga ang nag isip nito and actually sya ang producer ng concert ng concert na to not me gusto nya na sa last concert ko maka pagpasalamat kami sa inyung lahat. Siya ang nag hananap ng mga tutulong samin para kahit papano matulungan kami sa sa cost. 

“As you all know ang mahal mag produce ng concert ngayon. Ang pakiusap lang namin sana sa mga nakakaluwag ibigay na natin yung Free night dun sa mga hindi talaga makabili ng tickets. Para namam sa mga nangarap mapanood ako  live mabigyan sila ng pakakataon makita ako. 

“Maraming Salamat sa 40 years. Love you guys.”

In fairness, ang bonggang giving back.

Ads July 7, 2026

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments