• August 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa kauna-unahang pagkakataon:PBBM, sinisi si Digong Duterte para sa kawalan ng aksyon sa flood control anomalya 

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay sinisi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte bunsod ng kawalan ng aksyon sa maanomalyang flood control projects sa panahon ng kanyang termino.

Ito ang dahilan aniya kung bakit nililinis ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang malawakang corruption scandal.

Nauna rito, sinagot ni Pangulong Marcos ang kanyang mga kritiko sa sinabi ng mga ito na di umano’y snail-paced investigation at selective justice ang pinaiiral sa malawakang corruption scandal. Ang mga paratang na ito ay kagyat namang pinalagan ng Pangulo.

Aniya, isiniwalat niya ang usapin na ito sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (Sona) noong Huklyo ng nakaraang taon, para isapubliko ang kawalan ng aksyon ng dating administrasyon sa multibillion-peso scheme sa pagitan ng mga kontratista at ilang mambabatas at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kaya nga hayagang binabatikos ngayon ni Pangulong Marcos si Digong Duterte sa hindi nito pagkilos laban sa ghost flood control projects ng DPWH, sa kabila ng nalaman niya ang tungkol sa “great problems” sa pagsisimula pa lamang ng kanyang (Duterte) termino.

“But nothing happened. Having acknowledged it, he did not find accountability in anybody. So I guess that was left up [for] me to do,” ayon sa Pangulo.

“I’m the one who exposed all of this. And I’m the only one who has started doing something about it,” anito.

“Did previous presidents do something like this? Did you see any of them put anyone in jail? Did they freeze accounts? Did they conduct investigations? There were none. It only happened under me,”dagdag na pahayag ng Pangulo.

Kinuwestiyon din ni Pangulong Marcos ang mga grupo at indibiduwal na inakusahan siyang nasa likod ng flood control mess.

“If that were really my racket, why would I ruin it in the first place? That makes absolutely no sense,” ani Pangulong Marcos.

Pinabulaanan din ni Pangulong Marcos na ‘selective justice’ ang ginagawa ng kanyang administrasyon dahil ang nililitis at pinakukulong lamang ay ang mga kontra sa kanya at sa gobyerno.

“From the time we formed the independent commission, I said we’ll just follow the evidence, and we’ll continue to do that,” ayon sa Pangulo.

Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi pa tapos ang gobyerno sa paghabol sa mga taong sangkot sa flood control scandal. Kailangan aniyang papanagutin ang mga ito.

“I cannot say that we have done enough because we are not done yet. Unfortunately, the more we look, the more we find. And it is already going back beyond my administration, beyond my term,” ayon sa Pangulo.

 (DARIS JOSE)