PBBM, binisita ang ‘Tindahan’ sa Canada
- Published on July 6, 2026
- by Francis Paolo Torres
BINISITA ng First Couple, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang GInang Liza Araneta-Marcos ang Tindahan, isang Filipino restaurant at grocery store sa Richmond, British Columbia bago pa bumalik ng Pilipinas matapos ang 4-day working visit ng una.
Binibigyang diin nito ang papel ng ng establisimyento ng mga overseas Filipino na ipreserba ang ‘culture at culinary heritage’ ng Pilipinas.
Sa isang social media post araw ng Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na ang lugar gaya ng Tindahan ay nakatutulong para mapanatiling buhay ang Filipino traditions sa pamamagitan ng pag-aalok sa mga Filipino sa ibang bansa ng ‘selection of dishes’ na kanilang kinakain sa Pilipinas.
“For many of our kababayans in Canada, it is where they can prepare the dishes they grew up with and share them with family and friends,” ayon sa Pangulo.
Kinilala rin ng Pangulo ang restaurant na nagsisilbi ng mga pagkain na inspirado sa mga recipes ng namayapang culinary icon Nora Daza, kung saan ang kontribusyon ay nakatulong na mahubog ang Filipino cuisine.
Nakatutuwa aniya na makita ang legacy ni Daza na patuloy na pinagsasama-sama ang mga tao lalo na ang mga pinoy kahit pa malayo sa kanilang tahanan.
“The restaurant serves dishes from the kitchens of the late Nora Daza, whose recipes helped shape Filipino cuisine for generations. It’s wonderful to see her legacy continue,” ang winika ng Pangulo.
(DARIS JOSE)