• August 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Gilas Pilipinas, bigo sa Team Australia sa FIBA qualifiers,NABIGO ang Gilas Pilipinas matapos matalo sa Australia sa iskor na 92-49 sa ikatlong window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa RAC Arena sa Perth. 92-49

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Hindi nakayanan ng PH Team ang kanilang turnover woes, kung saan umabot sa 19 errors na nagresulta sa 30 puntos para sa Boomers.

Mula sa umpisa ay nakapantay pa ang laban sa 8-all, ngunit agad nagpakawala ng 16 sunod-sunod na puntos ang World No. 6 Australia upang makuha ang malaking abante.

Sa ikalawang yugto ay nakabawi ang Gilas at naibaba sa 12 puntos ang lamang, subalit muling bumangon ang home team at tuluyang lumayo sa ikalawang kalahati.

Dahil sa pagkatalo, nagtapos ang Pilipinas sa kartadang 2 panalo at 4 na talo, at papasok sa ikalawang round bilang third seed ng Group A.

Sa susunod na yugto, nakatakdang harapin ng Gilas ang Jordan at Iran sa huling bahagi ng Agosto sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Ang dalawang koponan ay nagtapos bilang top seeds ng Group C matapos magtala ng tig-limang panalo sa anim na laro.

Sa kabila ng mabigat na pagkatalo, may pagkakataon pa ang Gilas na makabawi at ipakita ang mas matatag na laro sa susunod na round ng qualifiers.

Colombia pasok na sa round of 16 ng FIFA World CupNAKUHA ng bansang Colombia ang huling puwesto sa round of 16 ng FIFA World cup.

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ito ay matapos na talunin nila ang Ghana 1-0 na tanging nakapasok nito ay si Jhon Arias.

Susunod na makakaharap naman ng Colombia ang Switzerland na gaganapin ito sa Vancouver para sa last 16.

Ang Ghana ay siyang pampitong African sides na eliminated na kung saan tanging ang Morocco at Egypt lamang ang buhay pa ang tsansa.

LeBron James, tinitingnan ang ilang NBA teams na malilipatan

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINITINGNAN ni LeBron James ang ilang NBA teams na posibleng malilipatan kasunod ng kanyang pag-alis sa Los Angeles Lakers.Basketball

Ayon sa agent ni LeBron na si Rich Paul, pinag-aaralan ng superstar forward ang lahat ng kanyang options at ang magiging epekto nito sa kanyang career.

Hindi rin aniya simpleng pag-aaral ang ginagawa ng naturang superstar, dahil gumagamit sila ng “whiteboard and pointer” upang suriin ang magiging epekto ng desisyon, kabilang ang “plus and minus” sa bawat sitwasyon.

Matapos magpaalam sa Los Angeles, sampu hanggang 12 team na umano ang nakipag-ugnayan sa kanyang agent at nagpahayag ng interes na makuha ang 4-time NBA champion.

PBBM, magkakasa ng whole-of-government approach bilang paghahanda sa pagpasok ng super typhoon sa bansa

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAKILOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahanda sa napipintong pagpasok ng super typhoon sa bansa at magpalakas ng southwest monsoon o Habagat.

“Ito naman po ay whole-of-government approach so lahat po ng ahensiya na-involve ay kailangan pong kumilos – iyan po ang utos ng Pangulo,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, Hunyo 6.

Kabilang aniya sa mga utos ng Pangulo sa National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ay magsagawa ng pre-disaster risk assessment scenario meetings, at panatilihing naka-standby ang NDRRMC at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) response clusters.

Magbigay at magpalabas ng alert warning at information campaign sa lahat ng channels at platforms.

Magpatupad ng preemptive evacuations sa high-risk areas; i-secure ang safe evacuation centers at maglagay ng livestock equipment zones; i-preposition ang rescue teams, relief goods at essential supplies, kabilang ang mga special needs, at tukuyin ang alternate routes.

Magpatupad ng sea travel bans at inspeksyunin ang mahahalagang imprastraktura at magbigay ng maagang tulong sa vulnerable sectors at i-monitor public health risk gaya ng flood related diseases.

Sa ulat, inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon na may international name na “Bavi” bukas ng gabi o madaling araw ng Miyerkules, Hulyo 08, 2026. ( DARIS JOSE)

Gobyerno, inilunsad ang ikalawang yugto ng rehabilitasyon ng EDSA – Malakanyang

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILUNSAD na ng pamahalaan ang ikalawang yugto ng EDSA Rehabilitation Project bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagandahin ang pangunahing lansangan ng Metro Manila at matiyak ang mas ligtas at mas maginhawang biyahe para sa mga motorista at commuter.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inatasan ni Pangulong Marcos si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na tiyaking mas matibay ang mga kalsada, mas malalapad ang mga bangketa, at de-kalidad ang mga materyales na gagamitin sa rehabilitasyon.

Ayon kay Castro, nagsimula ang pagkukumpuni sa northbound Ortigas Bus Lane sa Mandaluyong City nitong Sabado, Hulyo 4.

“Alinsunod sa direktibang ito ng Pangulo, double-time ang kilos ng DPWH sa pamumuno ni Secretary Vince Dizon. Sinimulan ang repair works sa northbound ng Ortigas Bus Lane sa Mandaluyong nitong Sabado, July 4,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na nais ng Pangulo na maging prayoridad ang rehabilitasyon ng EDSA, na itinuturing na pangunahing transport artery ng Metro Manila, upang matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng trapiko at mabawasan ang abala sa araw-araw na biyahe ng libu-libong Pilipino.

Aniya, sumasalamin ang proyekto sa pangako ng administrasyon na maghatid ng matibay at de-kalidad na imprastraktura na tumutugon sa pangangailangan ng publiko.

“Mas matibay na kalsada, mas malalawak na sidewalk gamit ang de-kalidad na materyales at pulidong trabaho. Ang lahat ng ito ay para sa ating mga kababayang commuter at motorista. Prayoridad ng Administrasyon ang repair works sa tinaguriang main transport artery ng Metro Manila,” dagdag ni Castro.

Dagdag pa ng opisyal, sa ilalim ng Bagong Pilipinas, binibigyang-diin ng administrasyon na ang mga proyektong pang-imprastraktura ay hindi lamang dapat matapos, kundi dapat ding maisagawa ayon sa mataas na pamantayan upang maranasan ng mga Pilipino ang mas maayos na serbisyo ng pamahalaan. ( DARIS JOSE)

Malakanyang kina Marcoleta, Defensor: Sagutin ang alegasyon sa korte

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIKAYAT ng Malakanyang sina Sen. Rodante Marcoleta at dating Cong. Michael Defensor na sagutin ang alegasyon sa korte.

Binigyang diin ng Malakanyang na ginagalang ng administrasyon ang judicial processes at hindi kailanman makikialam sa justice system ng bansa.

Nauna rito, inaresto si Marcoleta sa bisa ng arrest order na ipinalabas ng Sandiganbayan.

Sakop din ng arrest order ang dating mambabatas na si dating Congressman Mike Defensor at dalawang negosyante na ayon sa anunsyo ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ay inaresto na rin si Defensor.

Kasama sa mga inaresto ay ang businessman na si Joseph Espiritu, sa isang coffee shop sa Quezon City nito lamang tanghali ng Lunes, Hulyo 6.

Sina Defensor at Espiritu ay co-accused ni Senador Rodante Marcoleta para sa kasong plunder.

Ang naturang kaso ay non-bailable.

Sinabi pa Castro na ginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging hakbang ng Sandiganbayan Third Division na magpalabas ng arrest order laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng non-bailable plunder charges laban sa kaniya dahil sa umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyon na campaign donations.

“Kung iyan po ang isinasaad at sinasabi ng batas at iyan naman po ang kautusan ng korte, iyan naman po ay irerespeto ng Pangulo,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, Hulyo 6.

Sa kabilang dako, sinagot naman ni Castro ang mga pahayag ni Defensor na siya at si Marcoleta na nauna pa silang ipinakulong ng administrasyong Marcos sa halip na ang mga tunay na magnanakaw, winika ni Castro na dapat ay minadali ng mga ito, Marcoleta at Defensor na magsumite ng konkretong ebidensiya sa mga awtoridad sa halip na magngangawa sa media.

“Iyon nga po, sana po ay minadali din nila ang pagbibigay ng mga ebidensiya – kongkretong ebidensiya, hindi lang puro pa-media,” ayon kay Castro.

“Mas magkakaroon po ng resolusyon at ng solusyon kung sila ay nagsumite kaagad ng mga kongkretong ebidensiya para kung sino iyong mga tao na nais nilang papanagutin ay napanagot na po sana, nadala na po sana sa korte ang mga kasong kanilang idudulog,” aniya pa rin.

At nang hingan ng reaksyon si Castro sa iginiit ni Defensor na ang kasong inihain laban sa kanya at kay Marcoleta ay walang legal na basehan.

Ang payo ni Castro kay Defensor ay “Sa korte na lamang po nila ito gawin at depensahan.” (DARIS JOSE)

Defensor at Espiritu na co-accused ni Marcoleta, arestado na rin; Viray, at large – DILG Chief

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Govenrment (DILG) Secretary Jonvic Remulla na arestado na rin sina dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Varias Espiritu, ang dalawa pang kapwa-akusado ni Senador Rodante Marcoleta sa kasong plunder.

Sinabi ni Remulla na natagpuan sina Defensor at Espiritu na nag-uusap sa isang coffee shop sa Quezon City.

Dito sila inaresto saka dinala sa Sandiganbayan para isauli ang warrant of arrest.

Matapos ito, ineskortan ang dalawa patungo sa tanggapan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sa booking process.

Pagkatapos nito ay dadalhin sila sa Payatas jail.

Sa ngayon, tatlo na ang nasa kustodiya ng mga awtoridad kabilang si Senador Marcoleta na nauna nang kusang sumuko.

Ang isa pang kapwa akusado nila Marcoleta at kabilang sa inisyuhan ng Sandiganbayan ng warrant na si Aristotle Baluyut Viray ay nananatiling at large (as of press time). ( DARIS JOSE) 

Kaugnay ng P75 million plunder case…Sen. Marcoleta, sumuko na at kasalukuyang nasa Camp Crame

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUMUKO na si Senador Rodante Marcoleta matapos tuluyang isyuhan ng Sandiganbayan ng warrant of arrest kaugnay ng P75 million plunder case na inihain laban sa kanya.

Kasalukuyang nasa Camp Crame na ang senador para sumailalim sa booking procedure.

Sa isang panayam sa senador bago lisanin ang Sandiganbayan, sinabi ni Marcoleta na inasahan na niya ang pag-isyu sa kanya ng warrant at nanindigang nakahanda siyang harapin ito.

Bago ito, nagtungo si Marcoleta sa Sandiganbayan nitong umaga ng Lunes para dumalo sa pagdinig sa kaniyang plunder case kaugnay ng umano’y hindi idineklarang campaign donations na natanggap ng senador noong 2025 senatorial elections.

Naghain si Marcoleta ng ilang mosyon kabilang ang hirit na ibasura ang kasong plunder subalit nakakita ng probable cause ang anti-graft court, na nagresulta sa pag-iisyu ng arrest warrant laban sa kanya at tatlong iba pa.

Samantala, posibleng manatili muna si Marcoleta sa Philippine National Police (PNP) General Hospital ng isa hanggang dalawang araw para masuri, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Matapos ngang maaresto kasunod ng kanyang kusang pagsuko, isinasailalim ang senador sa medical examinations bilang bahagi ng kaukulang proseso.

Sa oras na makumpleto ang pagsusuri sa kalusugan ng senador saka siya ililipat sa Quezon City Jail sa Payatas. ( DARIS JOSE)

Pagkakaaresto kay Marcoleta, magsilbing aral sana sa lahat ng public officials ayon sa mambabatas 

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGSILBI sana umanong aral ang pagkaka-aresto kay Senador Rodante Marcoleta sa lahat ng public officials, lalo na yaong mga makapangyarihang lider ng bansa.

Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, bilang isang public officials ay nanumpa umano sila sa konstitusyon at sa sambayanan na pagsisilbihan ang interes ng mga ito. 

Sinabi pa nito na ang public office ay isang public trust at ang sinumang lumabag dito, maging ito ay nasa mababang posisyon o pinakamakapangyarihang lider ng bansa, ay dapat harapin ang consequences ng kanilang aksyon.

“Tila akma ang pagkaaresto kay Sen. Marcoleta sa unang araw ng paglilitis ni Vice President Sara Duterte. I hope it serves as a reminder to the Vice President that she too will one day be held to account for her own abuse of power and wanton theft of our nation’s coffers,” anang mambabatas.

Inaresto sa Sandiganbayan si Marcoleta matapos ibasura ang kanyang mga mosyon sa kinakaharap nitong kasong plunder.

Ang warrant of arrest ay inisyu ng Sandiganbayan Third division laban kay Marcoleta kasama ang kapwa mga akusado na sina dating partylist Rep. Mike Defensor, Aristotle Viray at Joseph Espiritu.

Nagtungo ang senador sa sandiganbayan para sa pagdiig sa inihain niyang mosyon na nagpapabasura sa reklamo ng Ombudsman at para mapigilan ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kanya.

(Vina de Guzman)

CALL CENTER , BUMANGGA ANG MOTORSIKLO SA HARANG NG TULAY SA PANDACAN, MAYNILA

Posted on: July 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAWI ang isang  call center agent nang bumangga sa harang ng tulay ang minamanehong motorsiklo sa Pandacan , Maynila. Dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktima na si James Fernandez , ng  Quezon City. Sa imbestigasyon ng Manila Police District -Traffic Enforcement Unit ,  dakong alas- 6:30 ng umaga nang naganap ang insidente  sa kahabaan ng Zamora Link Bridge, Pandacan. Minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Click  nang pagsapit sa itaas na bahagi ng nasabing tulay ay nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo dahilan para bumangga sa concrete bridge barrier. Dahil sa malakas na impact , tumilapon pa ang biktima sa dulo bago tuluyang bumagsak sa semento kaya matinding pinsala ang tinamo sa aksidente. Isinugod sa ospital ang biktima  ngunit binawian din ng buhay habang sumasailalim sa medical treatment .  (Gene Adsuara)