• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinakabahan sa kanyang major free concert… REGINE, may pakiusap na hayaan na lang sa mga can’t afford (ni: ROSE GARCIA) 

SA ika-sampung taon ni Wilbert Ross sa showbiz, aminado ito na may pagkakataon daw na talagang wala siya halos work. 

Pero hindi siya sumuko dahil alam daw niyang ang mag-perform (among others) ang talagang gusto niyang gawin.

Dahil kadalasan ng mga kabataan ngayon, madaling ma-depressed o magkaroon ng mental health issue, hindi ito itinanggi ni Wilbert nang makausap namin at iba pang media sa launching ng kanyang own line of perfume, ang Strato Body Spray under VIVA Beauty na may tatlong scents. 

Ayon kay Wilbert, nagkaroon din daw siya ng severe depression, pero obviously, na-handle niya ito ng maayos. At ngayon nga, ang feeling niya ay para siyang nasa cloud nine when it comes to his career.

No wonder inspired by being in cloud 9, at the sky ang kanyang Strato perfumes na magiging available sa Watsons at in fairness, very affordable ang price. 

Dahil negosyante rin talaga si Wilbert kaya talagang sobrang hands-on daw siya sa kanyang sariling line of perfume. 

***

AMINADO ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na kinakabahan siya sa magiging major free concert October 18, sa MOA Arena.

Ito ay sa kabila ng napakaraming major concerts na nagawa na niya, but since Regine is very humble to admit na nag-iba na nga raw ang boses niya ngayon kumpara dati. 

Ang kapatid na si Cacai Mitra raw ang nakaisip ng free concert na ito ni Regine. Kaya ito raw ang mangangarir na makahanap ng sponsors. 

May pakiusap din siya na hayaan na mabigyan ng chance ang mga dati pang pangarap na makapanood ng concert niya ang free concert niyang ito sa mga can’t afford. 

Sa Facebook post ni Regine, sinabi niya na, “Hello guys  I’m excited, nervous and anxious sama sama at nag kakagulo na  ang feelings ko but most importantly I’m really grateful. 

“I am thankful to my sister Cacai kasi sya talaga ang nag isip nito and actually sya ang producer ng concert ng concert na to not me gusto nya na sa last concert ko maka pagpasalamat kami sa inyung lahat. Siya ang nag hananap ng mga tutulong samin para kahit papano matulungan kami sa sa cost. 

“As you all know ang mahal mag produce ng concert ngayon. Ang pakiusap lang namin sana sa mga nakakaluwag ibigay na natin yung Free night dun sa mga hindi talaga makabili ng tickets. Para namam sa mga nangarap mapanood ako  live mabigyan sila ng pakakataon makita ako. 

“Maraming Salamat sa 40 years. Love you guys.”

In fairness, ang bonggang giving back.