Sa nalalapit na birthday sa Agosto…SANYA, bumili ng bagong sasakyan bilang regalo sa kanyang sarili (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on July 7, 2026
- by Francis Paolo Torres
ISA sa pinaka-in demand at masipag na aktres si Sanya Lopez.
Kaya naman deserve ng Sparkle actress na ma-enjoy ang kanyang mga kinikita sa showbiz.
Kaya naman sa nalalapit na kaarawan ni Sanya sa Agosto ay bumili siya ng isang bagong sasakyan bilang regalo niya sa kanyang sarili.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay nag-post si Sanya ng litrato sa loob ng sasakyan niya.
Aniya, “I’ve always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart, and trust God’s timing, beautiful things will eventually find their way to you.
“A little early for my birthday, but here’s a gift to myself. Thank you po Lord, sa lahat ng blessings mo po palagi!”
***
Sean, kabado tuwing kasama si Heart
Aminado ang Sparkle star na si Sean Lucas na kinakabahan pa rin siya bilang co-host ni Global Icon Heart Evangelista sa game show ng Kapuso Network na “The People Have Spoken.”
Ayon kay Sean, “Every time, every episode, talagang may kaba. She’s been super easy to work with, but still, she is Miss Heart. There’s pressure, but it’s good.”
Pero sa gitna ng kaba, mas lamang din umano ang excitement ni Sean na mag-host ng game show, “Masaya siya kasi people love to play games. I love to play games, and the fact that I get to do it as my job is super exciting. Plus, super exciting na ang kasama ko pa is Miss Heart and all the Celebripeeps. It is such a big honor to be in a room with them.”
Tutukan ang tandem nina Heart at Sean sa high-rating game show na “The People Have Spoken,” 6:15 p.m. tuwing Sabado sa GMA Network.