• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGIT 1,000 ANG NAARESTO, 165 LOOSE FIREARMS, AT ₱605.8-M HALAGA NG EBIDENSYA, NAREKOBER SA MGA OPERASYON NG CIDG SA BUONG BUWAN NG HUNYO

NAG-ULAT ang Philippine National Police (PNP) ng mahalagang tagumpay ng paigtingin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nationwide law enforcement operations nito noong Hunyo 2026, na nagresulta sa pag-aresto ng 1,066 na indibidwal, pagkarekober ng 165 na loose firearms, at pagkakumpiska ng mga criminal evidence na nagkakahalaga ng mahigit ₱605.8 milyon.

Ang mga operasyong tumagal ng isang buwan, na isinagawa sa pamamagitan ng 935 law enforcement activities sa buong bansa, ay sumuporta sa patuloy na pagsisikap ng PNP na mapanatiling ligtas ang mga komunidad sa pamamagitan ng paghabol sa mga wanted person, ilegal na baril, at iba’t ibang uri ng criminal activity.

Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na nagpapalakas sa mga aksyon ng pulisya na pinangungunahan ng intelligence at coordinated bilang suporta sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang sa mga pangunahing nagawa ay ang pag-aresto sa 606 na wanted persons sa pamamagitan ng pinaigting na manhunt operations, kabilang ang dalawang National Most Wanted Persons na may kasalukuyang rewards, 109 Regional Most Wanted Persons, 141 Provincial Most Wanted Persons, at 72 City at Municipal Most Wanted Persons. Kasama rin sa mga operasyon ng pulisya ang isang lider at tatlong miyembro ng isang Communist Terrorist Group (CTG).

Sa kampanya laban sa mga loose firearms, nagsagawa ang mga awtoridad ng 49 na search warrant operations at 42 buy-bust operations, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 156 na small firearms, 9 light weapons, 24 explosive devices, at iba’t ibang bala.

Kasabay nito, ang pinaigting na mga operasyon laban sa economic and environmental offenses ay humantong sa pagkumpiska ng mga counterfeit, untaxed, at mga substandard products, kabilang ang mga sigarilyo, produktong vape, pagkain, mantika, mga appliances, depektibong baterya ng e-bike, mga forest products, at iba pang ebidensya mula sa mga ilegal na aktibidad na tinatayang may kabuuang halaga na mahigit ₱605.8-M.

Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga operating unit para sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pagsasagawa ng kampanya nang may propesyonalismo at paggalang sa batas.

“I commend our operating units for their discipline and commitment in carrying out these operations. Every successful operation strengthens public safety and reinforces the message that the law will be enforced fairly and consistently. Hindi tayo hihinto sa pagpapaigting ng ating operasyon, but we will always do so with professionalism, accountability, and respect for the rights of every Filipino,” sabi ni PNP Chief.

 (PAUL JOHN REYES)