• August 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Inireklamo sa ahensya tungkol labis na pagpapakita ng karahasan…’Sigabo’ nina COCO at JULIA, sumailalim sa MTRCB compliance seminar (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG patok na primetime teleseryo na “Sigabo” ni Coco Martin ay sumailalim ng compliance seminar sa pamumuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos makatanggap ng mga reklamo ang ahensya tungkol sa diumanong paulit-ulit at labis na pagpapakita ng karahasan sa programa. 

Ginanap ang compliance seminar para sa CCM Film Productions sa tanggapan ng MTRCB sa Lungsod Quezon noong Lunes, Hulyo 6. Ang CCM Film Productions ay itinatag ni Martin. 

Ang seminar ay tugon sa maraming reklamo tungkol sa labis na paglalarawan ng karahasan sa teleserye na nagsimula ang pag-ere noong Hunyo 22. 

Sa kanyang paunang salita, ipinahayag ni MTRCB Chair Lala Sotto ang kagustuhan ng ahensya na tulungan ang industriya ng telebisyon na mamayagpag at lumikha ng de-kalibreng mga palabas na maaari ding mapanood ng mga nakakabatang manonood, basta’t may gabay ng kanilang mga magulang.

“I just want to make it clear that the reason why we are having this compliance seminar today is because we want to help you, we want to help drive the production. We want you to understand where we are coming from and we want a better understanding also of the production,” sabi ng MTRCB Chair.

“Magiging very socially relevant, I’m sure, ‘yung mga scenes at ‘yung mga magiging storyline. Which we understand and we fully support. But there are always limitations. Lahat ng bagay, may limitasyon,” dagdag ni Sotto.

Ang “Sigabo” na pinagbibidahan din ni Julia Montes ay co-produced ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN at ng CCM Film Productions.

Ang compliance seminar ay isinagawa ni MTRCB Vice Chair Juan “Johnny” Revilla at Board Members Ricardo “Jojo” Salomon, Eloisa Matias, and Robert “Bobby” Andrews sa ilalim ng “Responsableng Paggabay” na inisyatiba.

Ang compliance seminar para sa “Sigabo” ay isang maagap na tugon sa mahigit 10 na reklamong natanggap ng MTRCB tungkol sa teleserye na ipinalapabas sa free TV channels ALLTV, A2Z, at TV5.Binanggit ng mga ulat ang diumanong labis na pagpapakita ng karahasan, suntukan at pisikal na agresyon, malupit na eksena ng torture, at marahas na pananalita sa programang “Sigabo.” 

Nauna nang binigyan ng MTRCB ng rating na Strong Parental Guidance or Strktong Patnubay at Gabay (SPG) ang “Sigabo.”

Ang mga palabas na may SPG na klasipikasyon ay naglalalaman ng mga mas seryosong paksa o tema na maaaring hindi angkop na panoorin ng mga bata, maliban na lamang kung may mahigpit na pagpatnubay ng isang magulang o nakatatanda. 

Sa paggawad ng ganitong rating, isinasaalang-alang ng MTRCB ang layunin, genre, time slot, at paglalarawan ng tema, karahasan, droga, lenggwahe, sekswal, at katatakutan. 

Ilan sa mga ulat na natanggap ng MTRCB ay nagmungkahi ng pagsusuri ng mga primetime na teleserye na naglalaman ng marahas na content. 

Ikinalugod ng CCM Film Productions ang compliance seminar bilang tugon sa mga isyu sa “Sigabo.” 

Ayon kay Malu Sevilla ng CCM Film Productions, nakita at naintindihan nila ang layunin ng MTRCB at nailahad din naman nila ang direksyon at intensyon ng teleserye.

Dagdag niya, mas responsable na sila sa pagsisiguro na sinusunod nila ang mga pamantayan ng MTRCB sa mga palabas na angkop sa mga mas batang manonood.

“We are all here to help this industry. So kung itinataas mo ang level ng entertainment at medyo nag fa-falter kami, we appreciate the help,” sabi ni Sevilla.  

Tiyak na matindi na naman ang magiging labanan sa takilya…VICE, VIC, DENNIS, MARICEL at AGA, pasok sa first four entries sa ’52nd MMFF’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IN-ANNOUNCE na ang first four official entries sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa GH Mall nitong Martes, Hullo 7, 2026 kung saan ang mga organizers ay naghain ng lineup na nagtatampok ng emosyonal na drama, nakakakilabot na horror, at comedy na pawang panghakot sa madla na manned ng mga pelikula.

Ayon kay MMFF executive committee member Boots Anson-Roa Rodrigo, ang mga inisyal na seleksyon ay pinili mula sa mga isinumiteng entries batay sa apat na pamantayan: 40 percent technical at creative merit, 40 percent commercial value, 10 percent global appeal, at 10 percent infusion of Filipino values.

Nanguna sa first batch ang ‘2nd Miracle in Cell No. 7’ mula sa Viva Films.  Sa direksyon ni Nuel C. Naval at penult ni Mel Mendoza-del Rosario, ang prequel  ng MMFF 2019 entry na ‘Miracle in Cell No. 7, magpapatuloy sa kuwento na kinagiliwan sa mga manonood, kung saan pagbibidahan nina Aga Muhlach at Xia Vigor ang cast.

Pumasok din sa listahan ang ‘Amir’, produced by GMA Pictures, GMA Public Affairs, and Brightburn Entertainment and directed by Zig Dulay.  Pinagbibidahan Nina MMFF Best Actor Dennis Trillo, Glaiza de Castro, 9th Eddys Best Supporting Actor Will Ashley at ang bagong child actor na si Argus Aspiras, ang drama ay inaasahang maghahatid ng isang taos-puso at emosyonal na kuwento.

Nakapasok naman sa horror genre ay ‘Haunted Carnival’ mula sa Regal Entertainment na labis na ikinatuwa ni Ms. Roselle Monteverde.  Sa direksyon ito ni Joey De Guzman, tampok sa pelikula ang isang ensemble cast sa pangunguna nina John Arcilla, Julia Barretto, James Reid, Ronnie Alonte, RK Bagatsing, Fyang Smith, at Maricel Soriano.  

Naka-set sa isang haunted carnival backdrop, ang pelikula ay nangangako ng suspense and supernatural thrills.

Kukumpleto sa first four entries ang ‘The Greatest Showdown’, sa direksyon ni Jun Robles Lana at ginawa ng ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema), The Idea First Company, APT Entertainment, at M-Zet Films.  

Nagdudulot na ng excitement ang komedya dahil minarkahan nito ang kauna-unahang big-screen collaboration nina Vice Ganda at Vic Sotto, dalawa sa pinakamalaking comedy box-office stars sa bansa.

Ang natitirang four official entries na pipiliin sa mga submitted finished films ay ia-announce sa October.

Dalawa ang host cities para sa 52nd MMFF ang Mandaluyong at San Juan sa Metro Manila, at ang bongga this year ay nagdagdag pa sila ng pangtatlo dahil kasama rin ang Bacolod City na kung magkakaroon din ng Parade of Stars.

Ayon pa kay Atty. Romando Artes ang ticket price sa 52nd MMFF ay P299 or less, para mas maraming makapanod sa taunang festival.

Noong March pa huminto sa panliligaw… SOFIA, thankful kay ALLEN sa pagiging honest sa kanilang sitwasyon (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AYON kay Sofia Pablo, tunay na mahirap pagsabayin ang showbiz career at lovelife, kasabay ng pagkumpirma na hindi na nanliligaw sa kanya si Allen Ansay. 

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa GMA News ’24 Oras’ kamakailan ay ito ang ibinahagi ng Sparkle GMA Artist female star…

“Siyempre, pareho po kami na bata pa and marami kaming dreams for our family.

“Maybe it’s not the right time to continue talaga na pursue namin ‘yung isa’t-isa.”

Thankful rin si Sofia kay Allen dahil sa pagiging honest ng binata tungkol sa tunay nilang sitwasyon.

Sa umpisa pala ay nagdesisyon sila na huwag ipaalam sa publiko ang personal nilang kasunduan pero naisip nila na magtataka ang mga netizens kung bakit hindi na sila makikitang magkasama.

“Initially po kasi ang naisip po namin is hindi na namin nga sasabihin sa public kung ano man yung status ng ligawan kasi it’s personal naman sa amin.

“But we understand the fans, siyempre magtataka sila kung bakit hindi na kami nagkakasama,” saad pa ni Sofia.

Nagbigay rin ng paglilinaw si Sofia tungkol sa pagkaka-link sa kanila ni Iñigo Jose. 

“Kasi siyempre may mga fan gatherings kami and even naman inside the house naging close naman po talaga kami,” sambit ng dalaga.

“I don’t think na dapat isipin talaga ng tao na there’s someone involved kung bakit tumigil si Allen.

“Kasi clear po talaga sa amin ni Allen na tumigil kami kasi we want to focus on our respective careers.”

Sinabi pa rin ni Sofia na open sila ni Allen na magkasama pa rin sa mga upcoming projects pero kailangan din daw nilang mag-grow sa labas ng kanilang loveteam.

Noon ay very vocal at obvious si Allen sa pagpapakita ng kanyang pagtingin kay Sofia.

Pero kamakailan, sa isang comment niya sa Tiktok ay sinabi ng Sparkle GMA Artist Center male star na noong March pa siya huminto sa panliligaw kay Sofia.

Sinabi rin niya na maayos ang kanilang samahan.

Inihayag rin niya na pareho sila ni Sofia na nagbago ang mga prayoridad, lalo na pagdating sa career, at hindi nawawala ang respeto sa isa’t isa.

Labis rin ang pasasalamat ni Allen na nakasama niya si Sofia sa malaking parte ng kanyang showbiz career.

Belgium tinalo team USA 4-1 para makapasok sa quarterfinals ng FIFA World Cup

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PASOK na sa quarterfinals ng FIFA World Cup ang Belgium matapos ang 4-1 na panalo laban sa USA.

Unang naipasok ng Belgium ang goal ni Charles De Ketelaere sa siyam na minuto ng laro.

Tanging si American striker Folarin Balogun ang nakapagpasok ng goal sa pamamagitan ng free kick sa 31 minuto ng laro.

Pinilit ng USA na maitabla ang laro subalit naging matindi ang ginawang depensa ng Belgium.

Dahil dito ay makakaharap ng Belgium ang Spain sa quarterfinals sa araw ng Biyernes sa SoFi Stadium.

Ang pagkawala na rin ng USA ay kasabay ng pagkahulog ng kasamahang co-host nito na Canada at Mexico sa World Cup sa Round of 16.

Cristiano Ronaldo, emosyunal sa huling paglahok sa World Cup

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NATAPOS na ang makasaysayang karera ni Cristiano Ronaldo sa FIFA World Cuxp matapos matalo ang Portugal sa Spain, 1-0, sa Round of 16 na ginanap sa Arlington, Texas nitong Lunes.

Ang nag-iisang goal ay mula kay Mikel Merino sa unang minuto ng second-half stoppage time, na nagbigay daan sa Spain upang makapasok sa quarterfinals at tuluyang nagpatalsik sa kanilang karibal mula sa Iberian Peninsula.

Matapos ang huling pito, hindi napigilan ni Ronaldo ang emosyon at napaluha habang pinapalakpakan ang mga tagasuporta sa loob ng AT&T Stadium. Sa edad na 41, nagtapos ang kanyang World Cup career na may kabuuang 27 appearances, pangalawa sa pinakamarami sa kasaysayan, kasunod ni Lionel Messi.

Gayunman, nanatiling kulang sa kanyang koleksyon ang pinakaprestihiyosong tropeo sa larangan ng football.

EJ Obiena nagtapos sa pang-apat na puwesto sa Fly Athens tournament

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGTAPOS sa pang-apat na puwesto si Pinoy pole vault star EJ Obiena sa Fly Athens tournament sa Greece.

Mayroon itong kabuuang season-best na 5.81 meters kung saan nahigitan nito ang kaniyang dating season best na 5.78 meters noong ISTAF Indoor meet sa Berlin, Germany noong Marso.

Kahit na muntik ng hindi makuhaang podium sa countback ay masaya naman ito matapos na ma-clear ang 5.80 meters ngayong season.

Nagwagi naman sa event sa countback si Chritopher Nilsen ng US habang pumangalawa si Thibaut Collet ng France at bronze medal naman ang nakamit ni Emmanouil Karalis ng Greece.

Nakatabla naman ng 30-anyos na si Obiena sa 5.81 meters sina Emmanouil Karalis ng Greece, Ersu Sasma ng Turkey , Baptiste Thiere ng France at Emmanouil Karalis ng Greece.

Masyado umanong papansin si VP Sara ayon sa mambabatas 

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITO ang naging reaksyon ni dating ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa pagtungo ni Vice President Sara Duterte sa senado ngunit hindi naman dadalo sa kanyang impeachment trial.

“Masyadong papansin. Di pala aattend e. Di lang bratinella, drama queen pa dahil sa madrama niyang script. Sagutin nya dapat ang tanong ng sambayanan. Saan nya ginastos ang confidential funds? Hindi ‘yung puro drama,” ani Castro.

Pahayag naman ni Gabriela Women’s Party List Rep. Sarah Elago na ang ng pagharap ni VP Sara para lamang maghatid ng isang one-liner ay nagpapakita na hindi umano niya sineseryoso ang isang prosesong sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino.

Idinagdag nito na sa halip na magbigay ng malinaw na paliwanag ay mas pinili niyang magpa-victim at gawing personal na drama ang isang konstitusyonal na proseso ng pananagutan.

“Dapat tigilan na ang drama, harapin na ang impeachment trial, sagutin ang mga alegasyon ng korapsyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko, at igalang ang prosesong hinihingi ng sambayanang Pilipino,” pahayag ni Elago.

Nagpakita si Duterte sa senado para makipagpulong sa defense team nito ngunit hindi naman siya dadalo sa pagdinig.

(Vina de Guzman)

Kung walang itinatago: VP SARA, dapat harapin ang impeachment trial – Malakanyang

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUNG walang itinatago ay makabubuti kay Vice-President Sara Duterte na personal na harapin ang impeachment court para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Ito ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pinakamagandang pagkakataon para kay VP Sara na pasinungalingan ang mga akusasyon laban sa kanya lalo pa’t kung wala naman siyang ginagawang mali.

“it is not yet time for Duterte to take the witness stand because the proceedings have yet to reach that stage,” ani Castro.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi dumalo si VP Sara sa pagsisimula ng kanyang impeachment trial, araw ng Lunes, sabay sabing “the decision to personally testify is a matter of legal strategy and constitutional rights.”

Gayunman, sinabi ni Castro, na ang pagpapakita sa impeachment court ay makapagbibigay ng pagkakataon kay VP Sara na direktang harapin ang mga ebidensiya at testigo laban sa kanya.

“As a Filipino, and as a lawyer, mas maganda na ang isang tao na naaakusahan ay makaharap niya ‘yung mga witnesses against her,” ang pahayag ni Castro.

“Although alam kong hindi niya tatanggapin ito, hindi tatanggapin ang opinyon ng kahit na sino. Pero mas maganda, kung ako ang lawyer at alam ko na walang mali, malinis, walang pwedeng ikaso sa kanya, papaharapin ko siya para mapasinungalingan lahat ang mga akusasyon sa kanya,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, muling inulit ni Castro na maraming trabaho ang Pangulo para tutukan pa ang impeachment trial ni VP Sara.

“Kapag sinabi bang monitoring eh nakatutok, hindi siya ganun. Maraming trabaho ang pangulo… ‘Yung tutok hindi,” ang sinabi ni Castro. ( DARIS JOSE )

Malabon, nakahanda sa Super Typhoon Inday

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday (Bavi) para sa muling pagpapatibay ng kanyang pangako na pangalagaan ang bawat Malabueno sa panahon ng emergency.

Ani Mayor Jeannie, bago pa man pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Inday ay nakahanda na ang mga kagamitan at pati ang mga response teams na agarang darating kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang sitwasyon dulot ng malakas na pag-ulan o pagbaha. (Richard Mesa)

“Welcome to the bloodbath” -House prosecutor Rep. Terry Ridon

Posted on: July 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITO ang naging tugon ni House prosecutor Rep. Terry Ridon ng Bicol Saro party list sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na sumipot sa Senado ilang oras bago magsimula ang pangalawang araw ng impeachment trial.

Sa isang maikling press conference, sinabi ni Duterte na “in this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.” 

Kaagad tumayo palabas si Duterte at hindi na sumagot sa mga katanungan ng mga reporters. Hindi rin sinagot ni Duterte kung dadalo siya sa impeachment trial.

Hinamon ni Ridon si Duterte na dumalo sa kanyang paglilitis. “Welcome to the bloodbath madam Vice President but you cannot have a bloodbath through proxies dumalo po tayo sa paglilitis, harapin natin ang katotohanan,” sinabi ng kongresista.

Ayon naman kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, nagpapa-biktima lamang si Duterte.

“Gusto niyang palabasin na siya ang inaaping biktima ng pamumulitika sa impeachment trial. Hindi bagay. Hindi kapani-paniwala. Siya ang bully na nambibiktima sa sambayanang Pilipino,” ani Tinio.

Binansagan ni Tinio na bully si Duterte. 

“She’s the bully who hires an assassin to kill her political enemies, misspends public funds, and accumulates hidden wealth. She considers impunity an entitlement and belittles her obligation to account for her actions by refusing to personally appear before the impeachment court to make her case to the public.” (Vina de Guzman)