Noong March pa huminto sa panliligaw… SOFIA, thankful kay ALLEN sa pagiging honest sa kanilang sitwasyon (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on July 8, 2026
- by Francis Paolo Torres
AYON kay Sofia Pablo, tunay na mahirap pagsabayin ang showbiz career at lovelife, kasabay ng pagkumpirma na hindi na nanliligaw sa kanya si Allen Ansay.
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa GMA News ’24 Oras’ kamakailan ay ito ang ibinahagi ng Sparkle GMA Artist female star…
“Siyempre, pareho po kami na bata pa and marami kaming dreams for our family.
“Maybe it’s not the right time to continue talaga na pursue namin ‘yung isa’t-isa.”
Thankful rin si Sofia kay Allen dahil sa pagiging honest ng binata tungkol sa tunay nilang sitwasyon.
Sa umpisa pala ay nagdesisyon sila na huwag ipaalam sa publiko ang personal nilang kasunduan pero naisip nila na magtataka ang mga netizens kung bakit hindi na sila makikitang magkasama.
“Initially po kasi ang naisip po namin is hindi na namin nga sasabihin sa public kung ano man yung status ng ligawan kasi it’s personal naman sa amin.
“But we understand the fans, siyempre magtataka sila kung bakit hindi na kami nagkakasama,” saad pa ni Sofia.
Nagbigay rin ng paglilinaw si Sofia tungkol sa pagkaka-link sa kanila ni Iñigo Jose.
“Kasi siyempre may mga fan gatherings kami and even naman inside the house naging close naman po talaga kami,” sambit ng dalaga.
“I don’t think na dapat isipin talaga ng tao na there’s someone involved kung bakit tumigil si Allen.
“Kasi clear po talaga sa amin ni Allen na tumigil kami kasi we want to focus on our respective careers.”
Sinabi pa rin ni Sofia na open sila ni Allen na magkasama pa rin sa mga upcoming projects pero kailangan din daw nilang mag-grow sa labas ng kanilang loveteam.
Noon ay very vocal at obvious si Allen sa pagpapakita ng kanyang pagtingin kay Sofia.
Pero kamakailan, sa isang comment niya sa Tiktok ay sinabi ng Sparkle GMA Artist Center male star na noong March pa siya huminto sa panliligaw kay Sofia.
Sinabi rin niya na maayos ang kanilang samahan.
Inihayag rin niya na pareho sila ni Sofia na nagbago ang mga prayoridad, lalo na pagdating sa career, at hindi nawawala ang respeto sa isa’t isa.
Labis rin ang pasasalamat ni Allen na nakasama niya si Sofia sa malaking parte ng kanyang showbiz career.