• August 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Betrayal of Public Trust ni VP Sara, grounds for impeachment

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG ginawang pag-amin ni Bise Presidente Sara Duterte na may nakausap na siyang papatay sa Pangulo at iba pang personalidad ay betrayal of public trust na isa sa mga grounds for impeachment, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng House prosecution panel.

“The mere fact that she (Duterte) had that idea and made an understanding, an agreement with a person whose livelihood is sourced out from killing people, is already a betrayal of public trust,” sinabi ni Adiong sa isang press briefing. 

“Kasi she is expected to uphold the law, she is expected to promote the rule of law that no one should take justice into their own hands,” dagdag ng kongresista.

Pinaliwanag ni Adiong na labag sa batas kung hindi mo isusuko sa mga awtoridad ang kilalang mamamatay tao.

“‘Yun mismo ‘yung alam niya na merong mamamatay tao at hindi niya ito pinagsabi sa mga pulis, sa mga ahensya ng ating gobyerno, at siya mismo ang nakipag-usap. That alone is a betrayal of the oath that she has taken prior to the assumption as Vice President of this land,” tinukoy ni Adiong.

Ang pahayag ni Adiong ay kasunod ng pag prisenta ng isang testigo na nagpapatunay sa online video ni Duterte kung saan sinabi niya na may nakontrata na siyang papatay kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Adiong na mas malalim pa ang kahulugan ng nasabing video. “I think it’s not only about establishing the veracity and the authenticity of these video clips, but more important is what the effect of the threats that she made against the President to the whole nation.” 

 “Anong epekto nito? Hahayaan ba natin ito na basta-basta na lang ma-express without accountability? You cannot also expect that the agencies will not do anything to investigate because it was said in a manner by which it should be taken seriously. The threat was done, directed not just for an individual, but it is directed against the head of state, head of government, and the commander-in-chief. That’s why it is also a national security concern,” sinabi ni Adiong. 

(Vina de Guzman)

Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, dismayado kay PBBM sa ginawang pagpapa-ubaya ukol sa wage increase

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IKINADISMAYA ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang ginawang pagpapa-ubaya ni Pangulong Marcos sa regional wage boards na pag aralan ang kanilang kaukulang wage increase.

Ayon sa mambabatas, sa halip na aksyunan ng Malacañang na i-certify as urgent ang P200 wage hike ay pinaubaya pa nito sa “pag-aaral” ng mga regional wage boards ang wage increase. 

“Hindi na kailangangan aralin pa, nalulunod ang mga Pilipino sa taas ng presyo ng bilihin. ‘Yun ang araw-araw na reyalidad nila,” anang mambabatas.

Ito aniya ay utang ng Pangulo sa mga manggagawa na di pa rin niya bayad.

Iginiit pa ng kongresista na dapat agad-agad ang pagsasabatas ng across the board minimum wage increase. 

“Hindi selected regions lang na wage increase. Hindi baryang wage increase. Hindi installment na wage increase,” dagdag nito. (Vina de Guzman)

19-anyos na teenager na akusado sa 4 na bilang ng rape sa Malabon, himas-rehas

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIMAS-REHAS ang 19-anyos na teenager na akusado sa apat na bilang ng pangaggahasa nang maaresto ng pulisya sa pinaigting na operation laban sa mga wanted na indibidwal sa Malabon City.

Sa report ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay isang resort supervisor at residente ng Barangay San Agustin, ng nasabing lungsod.

Nang maglabas ang Regional Trial Court, Branch 73, Malabon City ng Order of Custody laban sa akusdo ay kaagad naman itong ipinatupad ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SS4) ang nasabing Order of Custody para sa (4) counts of Rape na may inilaang piyansa na P100,000 bawat bilang.

Matapos nito, dinala ang akusado sa Ospital ng Malabon para medical examination bago tinurnover sa Malabon City Police Station Custodial Facility kung saan siya pansamantalang ikukulong habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Patuloy namang hinihikayat ng NPD ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong pinaghahanap ng batas at iba pang kahina-hinalang aktibidad. (Richard Mesa)

Tambay, tiklo sa paltik sa Caloocan

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng 31-anyos na tambay nang makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, pinosasan ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 ang suspek na si alyas “Roger”, nang wala siyang naipakitang kaukulang dokumento sa nakuha sa kanya na isang kalibre.38 revolver.

Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na iligal umanong nag-iingat ng hindi lisensyadong baril ang suspek kaya nag-apply sila ng search warrant sa korte.

Nang maglabas ang Caloocan Regional Trial Court (RTC), Branch 124 ng search warrant para sa paglabag sa R.A 10591, kaagad sinalakay ng mga tauhan ng SS9 ang bahay ng suspek bago hinalughog.

Nasamsam ng mga pulis sa loob ng bahay ng suspek ang isang baril na kargado ng dalawang bala kaya mahaharap siya sa kasong paglabag sa Section 28 ng R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sinabi ni P/Bgen. Capili na patuloy ang mahigpit nilang pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na pagmamay-ari ng mga baril upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian. (Richard Mesa)

CaMaNaVa LGUs, nakahanda sa posibleng pananalasa ng Bagyong Inday

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAIGTING ng mga Lokal na Pamahalaan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ang kanilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng Super Typhoon Bavi (Inday) para siguraduhin ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga nasasakupan sa panahon ng emerhensiya.

Pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Pre-Disaster Risk Assessment Meeting para matukoy ang mga priority areas at aligned response and contingency plans, pinakilos ang iba’t ibang departamento upang matiyak ang kahandaan ng lungsod at pinatanggal ang mga billboard.

Ipinag-utos din niya ang pagtatalaga at paghahanda ng mga evacuation center para ma-accommodate ang mga residente kung kinakailangan ang preemptive o mandatory evacuation at tiniyak din na sapat ang suplay ng relief goods.

Sa Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting sa Malabon Command and Communication Center para tiyakin ang kahandaan at tuluy-tuloy na koordinasyon sa pagtugon sa kalamidad. Tiniyak din ng pamahalaang lungsod na gumagana ang 40 pumping stations, nakahanda ang 43 evacuation center, family food packs at iba pang relief supplies para sa mga pamilyang maaaring lumikas.

Sa Navotas, nag-ikot si Congressman Toby Tiangco upang siguraduhin na gamagana ang lahat ng pumping stations ng lungsod na malaking tulong para hindi tumaas ang tubig baha habang tiniyak din ng pamahalaang lungsod na nakahanda ang kanilang mga gamit pang-rescue, evacuation centers at food packs para sa mga pamilya na maaaring maapektuhan.

Tinipon din ni Valenzuela Mayor WES Gatchalian ang LDRRM Council para sa PDRA meeting upang suriin ang pangkalahatang kahandaan at mga hakbang sa pagtugon ng lungsod. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagang paghahanda, inter-agency coordination, at mapagpasyang aksyon sa posibleng panganib at pagprotekta sa buhay at ari-arian ng bawat Valenzuelano.

 (Richard Mesa)

Nagbabalik sa gabinete ni PBBM:Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec 

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,, araw ng Miyerkules, Hulyo 8 si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secrertary Benjamin “Benhur” de Castro Abalos Jr. bilang Cabinet Secretary (CabSec) ayon sa anunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nagsilbi bilang Kalihim ng DILG si Abalos simula 2022 hanggang 2024.

Matatandaang, taong 2022 nang buwagin ni Pangulong Marcos sa bisa ng Executive Order No. 1 ng Pangulo ang Office of the Cabinet Secretary na hinawakan nina Karlo Nograles at Atty. Melvin Matibag.

Ang katuwiran ng Pangulo ay para makatipid at maiwasan ang pagdoble ng mga trabaho sa gobyerno.

Sa kabilang dako, inilatag naman ni Castro ang ilan sa magiging mandato ni abalos bilang CabSec.

Una na aniya rito ay ang tulungan ang Pangulo sa pagbibigay ng napapanahon, makabuluhan at strategic advice sa umuusbong na national, local, at international issues na nakaaapekto sa political landscape. 

Bukod dito, gaya ng maaaring idirekta ng Pangulo, magsisilbi si Abalos bilang conduit ng Pangulo sa ‘national government agencies, local government units, political organizations, groups o parties, civil society organizations, at sectoral groups’ sa mga usapin na may kinalaman sa political concern.

Magsisilbi rin siya bilang pinuno ng ‘strategic action at response office’ 

“And for this purpose exercise supervision and control over its constituent offices,” ayon kay Castro.

Samantala, inaasahan naman na manunumpa sa kanyang bagong tungkulin si Abalos sa harap ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang. ( DARIS JOSE)

Atty. Ariel Inton PUNTO DE VISTA HINDI BA MAKAKABOTO ang mga SENATOR-JUDGES na PANSAMANTALANG NAKAKULONG DAHIL sa KASONG NO BAIL RECOMMENDED? 

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA MGA nangyayari ay mukhang may mga Senador pang makakasuhan at makukulong habang may impeachment trial si VP Sara Duterte. 

Inaasahang aabot daw ng pitong buwan ang trial bago ito matapos. Ipagpalagay na natin na nag-umpisa ang trial ay apat na Senator Judges ay wala dahil nakakulong, makakaboto pa ba sila sa impeachment trial?

Depende. Kung ang pagbobotohan ay isang pinagtalunan na motion during the trial ay hindi siya makakaboto dahil sa wala siya sa impeachment court. At ang boto lamang ng mga present ang kailangan para pagpasyahan ang motion.

Pero iba kapag magbibigay na ng hatol kung abswelto o hindi si VP Sara. 

NO PERSON SHALL BE CONVICTED WITHOUT THE CONCURRENCE OF TWO THIRDS OF ALL THE MEMBERS OF THE SENATE. 

Malinaw yan. Pero paano kung hindi makakaboto dahil nga wala siya. Kung wala siya ay SENATOR PA RIN BA SIYA? At kung sakali hindi siya makakaboto PERO SENATOR PA RIN SIYA mababawas ba siya sa bilang na ALL MEMBERS OF THE SENATE?

Paano naman kung halimbawa yung mga nakakulong nang nagsimula ang trial ay nakapag pyansa o na abswelto DURING THE IMPEACHMENT TRIAL, pero absent siya during the trial dates, pwede ba siya bumoto ng acquittal o conviction ni VP SARA?

Oo naman. Dahil Senator Judge siya. AT PRESENT NA SIYA DURING THE DAY JUDGMENT WILL BE RENDERED.

Ang two thirds vote of all members of the Senate ay sa araw ng pagboto ng hatol. NOT DURING THE TRIAL.

Paano absent naman siya during the trial ano basehan niya sa pagboto. Aba’y may transcript ng proceedings, may mga pleadings, dokumento, may video recording ng trial. Maski wala siya ay pwede niya tingnan ito para makapag-decide siya.

Walang pagkakaiba ‘yan na ang isang judge ang dumidinig sa kaso, tapos nag-resign o napalitan o nawala sa pwesto sa kalagitnaan ng trial ay papalitan ng bagong judge. ‘Yung bagong Judge ang mag dedecide hindi yung dati kahit hindi siya ang nagumpisa ng kaso.

Kaya ang debate kung 16 Senators ang kailangan para ma-convict si VP SARA ay magiging moot ang academic kung sa araw ng hatol ay present ang 24 Senators.  

At sa haba ng trial, maaaring makumpleto rin sila sa mahalagang araw na yun. At yan ang iniiwasan mangyari ng prosecution.

LTO, UMAKSYON MATAPOS ANG ENTRAPMENT OPERATIONS NG ARTA AT PNP-CIDG KONTRA FIXERS

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG bahagi ng pagpapatupad ng 7-Point Reform Agenda ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, partikular ang pinaigting na kampanya laban sa mga fixer at katiwalian, agad na kumilos ang ahensya, matapos ang pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang fixer sa isinagawang operasyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Isinagawa ang entrapment operation noong Hunyo 29, 2026 sa LTO West Manila District Office at LTO East Avenue Central Office, kung saan nahuli ang mga hinihinalang fixer na sangkot umano sa ilegal na pagproseso ng student driver’s permit at pagkuha ng lisensya.

Kasunod ng naturang operasyon, isinailalim ng LTO sa imbestigasyon ang dalawang hepe ng National Capital Region (NCR) upang matukoy kung may naging kapabayaan sa pangangasiwa ng kanilang mga tanggapan, o kung may iba pang pangyayaring dapat suriin kaugnay ng operasyon ng mga fixer.

Kasabay ng isinasagawang imbestigasyon, ipinatupad ng LTO, sa direktiba ni Assistant Secretary Lacanilao, ang region-wide reassignment o “reshuffle” sa hanay ng mga hepe sa NCR bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng ahensya at pagtitiyak na mananagot ang sinumang sangkot sa ilegal na gawain.

“Hindi sapat na mahuli lamang ang mga fixer. Mahalaga rin na matukoy kung paano sila nakapag-o-operate at kung may mga nagpabaya o nagbibigay-proteksyon sa kanila. Iyan ang layunin ng isinasagawang imbestigasyon at ng mga hakbang na ipinatutupad natin sa loob ng ahensya,” pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.

Dagdag pa niya, may pananagutan ang bawat hepe na tiyaking malinis sa fixer at iba pang ilegal na gawain ang mga tanggapang kanilang pinamumunuan. Isinasagawa ang masusing imbestigasyon upang matukoy kung may mga nagpabaya sa kanilang tungkulin o nakipagsabwatan sa mga fixer.

Alinsunod sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, patuloy na paiigtingin ng LTO ang mga hakbang laban sa fixing, kabilang ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa ARTA at iba pang law enforcement agencies upang mapanatili ang integridad at pagiging tapat ng mga transaksyon sa ahensya.

 (PAUL JOHN REYES)

DOTr, nanawagan ng sama-samang aksyon para sa mas ligtas na kalsada

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAUGNAY ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas ang mga kalsada, isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) ang Philippine Road Safety Summit 2026 sa Marco Polo Hotel, Pasig City, na naglalayong tiyakin ang isang bagay na mahalaga sa bawat pamilyang Pilipino—na ligtas na makauwi ang bawat isa mula sa biyahe.

Sa ilalim ng temang “Sama-sama Patungo sa Mas Ligtas na Kalsada,” pinagtitipon ng summit ang mga ahensya ng gobyerno, ang sektor ng transportasyon,at mga civil society organization para sa iisang panata: zero road crash deaths—walang dapat mamatay sa aksidente sa kalsada.

Ibinahagi rin ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan, TNVS at mga civil society group ang kani-kanilang mga programa. Nagsagawa rin ng commitment setting upang magpahayg ng pananagutan ang mga sektor upang siguruhing mas ligtas ang mga kalsada.

Isa pa lamang ito sa mga unang malaking programa ng DOTr para sa 2026—patunay na buong taon ang pagpupursigi ng ahensya para sa mas ligtas na biyahe ng bawat Pilipino.

Ads July 9, 2026

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments