Tiyak na matindi na naman ang magiging labanan sa takilya…VICE, VIC, DENNIS, MARICEL at AGA, pasok sa first four entries sa ’52nd MMFF’ (ni: ROHN ROMULO)
- Published on July 13, 2026
- by Francis Paolo Torres
IN-ANNOUNCE na ang first four official entries sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa GH Mall nitong Martes, Hullo 7, 2026 kung saan ang mga organizers ay naghain ng lineup na nagtatampok ng emosyonal na drama, nakakakilabot na horror, at comedy na pawang panghakot sa madla na manned ng mga pelikula.
Ayon kay MMFF executive committee member Boots Anson-Roa Rodrigo, ang mga inisyal na seleksyon ay pinili mula sa mga isinumiteng entries batay sa apat na pamantayan: 40 percent technical at creative merit, 40 percent commercial value, 10 percent global appeal, at 10 percent infusion of Filipino values.
Nanguna sa first batch ang ‘2nd Miracle in Cell No. 7’ mula sa Viva Films. Sa direksyon ni Nuel C. Naval at penult ni Mel Mendoza-del Rosario, ang prequel ng MMFF 2019 entry na ‘Miracle in Cell No. 7, magpapatuloy sa kuwento na kinagiliwan sa mga manonood, kung saan pagbibidahan nina Aga Muhlach at Xia Vigor ang cast.
Pumasok din sa listahan ang ‘Amir’, produced by GMA Pictures, GMA Public Affairs, and Brightburn Entertainment and directed by Zig Dulay. Pinagbibidahan Nina MMFF Best Actor Dennis Trillo, Glaiza de Castro, 9th Eddys Best Supporting Actor Will Ashley at ang bagong child actor na si Argus Aspiras, ang drama ay inaasahang maghahatid ng isang taos-puso at emosyonal na kuwento.
Nakapasok naman sa horror genre ay ‘Haunted Carnival’ mula sa Regal Entertainment na labis na ikinatuwa ni Ms. Roselle Monteverde. Sa direksyon ito ni Joey De Guzman, tampok sa pelikula ang isang ensemble cast sa pangunguna nina John Arcilla, Julia Barretto, James Reid, Ronnie Alonte, RK Bagatsing, Fyang Smith, at Maricel Soriano.
Naka-set sa isang haunted carnival backdrop, ang pelikula ay nangangako ng suspense and supernatural thrills.
Kukumpleto sa first four entries ang ‘The Greatest Showdown’, sa direksyon ni Jun Robles Lana at ginawa ng ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema), The Idea First Company, APT Entertainment, at M-Zet Films.
Nagdudulot na ng excitement ang komedya dahil minarkahan nito ang kauna-unahang big-screen collaboration nina Vice Ganda at Vic Sotto, dalawa sa pinakamalaking comedy box-office stars sa bansa.
Ang natitirang four official entries na pipiliin sa mga submitted finished films ay ia-announce sa October.
Dalawa ang host cities para sa 52nd MMFF ang Mandaluyong at San Juan sa Metro Manila, at ang bongga this year ay nagdagdag pa sila ng pangtatlo dahil kasama rin ang Bacolod City na kung magkakaroon din ng Parade of Stars.
Ayon pa kay Atty. Romando Artes ang ticket price sa 52nd MMFF ay P299 or less, para mas maraming makapanod sa taunang festival.