DOTr, nanawagan ng sama-samang aksyon para sa mas ligtas na kalsada
- Published on July 9, 2026
- by Francis Paolo Torres
KAUGNAY ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas ang mga kalsada, isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) ang Philippine Road Safety Summit 2026 sa Marco Polo Hotel, Pasig City, na naglalayong tiyakin ang isang bagay na mahalaga sa bawat pamilyang Pilipino—na ligtas na makauwi ang bawat isa mula sa biyahe.
Sa ilalim ng temang “Sama-sama Patungo sa Mas Ligtas na Kalsada,” pinagtitipon ng summit ang mga ahensya ng gobyerno, ang sektor ng transportasyon,at mga civil society organization para sa iisang panata: zero road crash deaths—walang dapat mamatay sa aksidente sa kalsada.
Ibinahagi rin ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan, TNVS at mga civil society group ang kani-kanilang mga programa. Nagsagawa rin ng commitment setting upang magpahayg ng pananagutan ang mga sektor upang siguruhing mas ligtas ang mga kalsada.
Isa pa lamang ito sa mga unang malaking programa ng DOTr para sa 2026—patunay na buong taon ang pagpupursigi ng ahensya para sa mas ligtas na biyahe ng bawat Pilipino.