• August 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Ads July 10, 2026

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pinayuhan na inumin ang ini-endersong produkto…ALEX, pinatulan ang basher na nagni-nega sa kanyang pagbubuntis  (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KALMANG-KALMA na pinatulan ni Alex Gonzaga ang isang netizen na nagpahayag ng hindi maganda sa kanyang pagdadalang-tao.

Habang nasa livestream siya nang iniendorsong produkto kasama ang kanyang Uncle Jojo, biglang umapir ang isang netizen na nag-comment ng sensitibong pahayag para sa ipinagbubuntis na anak nila ni Mikee Morada.

“Paano po pag namatay baby nyo? Kaya pa ng paragis?” tanong ng naturang netizen kay Alex.

Pero sa halip na magalit o itigil ang live broadcast, mas pinili ng actress/content creator na diretsahang sagutin ang basher.

“The fact na nasasabi ng ibang tao yan, ibig sabihin they are really full of hate,” pahayag ni Alex.

“‘Yung negativity, hatred, yang anxiety, yang depression… mag-Paragis ka na! Alam mo kung bakit? Kasi ang Paragis nakakatanggal din po yan ng anxiety, ng panic attack,” dagdag pa ng sister ni Toni Gonzaga.

Binigyang-diin rin ni Alex ang mga benepisyo sa kalusugan ng ini-endersong produkto. Mahalagang mapanatiling nasa tamang antas ang cortisol dahil ang labis na stress ay direktang nakapipinsala sa katawan ng tao.

Marami namang nagalit na netizens sa basher dahil alam naman nang nakararami ang pinagdaanang hirap ni Alex dahil ilang beses din siyang nakunan.

Mas mabuti na patuloy na lang ipagdasal na maging malusog at ligtas ng panganganak ni Alex sa baby nila ni Mikee.  

Siyam na matatapang na pelikula ang matutunghayan…IZA, RURU, JANINE, ROCCO, ALESSANDRA at POKWANG, kabilang sa bibida sa ‘Cinemalaya 22′ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SAMPU ang pinili mula sa 199 scripts ang isinumite sa kategoryang feature films para 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na may temang “Reel Reflections.”Pero siyam lang na kakaiba at matatapang na pelikula ang natapos at matutunghayan sa filmfest. 

Kabilang sa mga artista ng Cinemalaya 22 feature films sina Ruru Madrid, Iza Calzado, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, Jhong Hilario, Janine Gutierrez, Alessandra de Rossi, Lucas Andalio, Cherry Pie Picache, Jackie Lou Blanco, Marietta Subong (Pokwang), Joey Marquez, Zaijian Jaranilla, Luis Alandy, Rocco Nacino, Nikki Valdez, Meryll Soriano, at Ruby Ruiz

Gaganapin ito sa Agosto 6, 2026, Huwebes, hanggang Agosto 18, Martes.

Ang main venue ng Cinemalaya 2026 ay ang Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City. Partner venues pa rin ang Ayala Malls at Gateway Cineplex.

Ang opening film ay ang Enjoy Your Stay na tampok sina Mercedes Cabral, Anna Luna, Hasmine Killip, Irma Adlawan, Donna Cariaga, at Madeleine Nicolas, sa direksiyon nina Dominik Locher at Honeylyn Joy Alipio.

Ang closing film ay ang Filipiña na bida si Jorrybell Agoto, kasama sina Carmen Castellanos, Teroy Guzman, Carlitos Siguion-Reyna, Isabel Sicat, at Nour Hooshmand, sa panulat at direksiyon ni Rafael Manuel.

Bahagi naman naging Facebook post ni FDCP Chairman Jose Javier Reyes matapos ang mediacon ng Cinemalaya 22 noong Hulyo 8, 2026 sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza: “This will be ONE OF THE BEST EDITIONS of the most important national film festival in our country.

“The full-length and short films in competition are all TOP CALIBER OFFERINGS.

“Mabuhay ang malayang paglalahad ng pelikula. MABUHAY ANG CINEMALAYA!”

Narito ang Top 9 Full-length Finalists ng Cinemalaya 22:

A.NI.MAL

Cast: Maxine Ignacio, Frances Makil- Ignacio, Jojit Lorenzo, Bituin Escalante, Anthony Falcon, Reymund Domingo.

Written and directed by Dustin Celestino.

2 VALID IDs 

Cast: Marietta Subong (Pokwang), Meryll Soriano, Zaijian Jaranilla, Joey Marquez

Directed by Ma-an Asuncion-Dagñalan and Abet Pagdagdagan Raz

GANGGANG 

Cast: Raine Dela Cruz, Kenneth “Butchoy” Vincent Mendoza, Don Rishmond Cerbito, Prince España, Brian Arda, Don Melvin Boongaling, Katrish Aristoki, Elora Españo, Hershey Neri, Pau Benitez, Anton Nolasco, Francis Mata, Tabs Sumulong, Manuel Genabe, Pio Raphael Benedicto, Jers Guiwa, Raphael del Prado, Jhaniel Pellado, Rencel Bago, Gene Trillana, Dave Ignacio, Wesley “Budoy” San Sebastian, Marian Lavado, April Obnamia, Alicia Bea Obligado.

Written and directed by JL Burgos.

HAND OF GOD 

Cast: Iza Calzado, Ruru Madrid, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, KDOmalin, Jhong Hilario, Cholo Barretto, Edwin Nombre, Rosh Barman, Tyke Sanchez.

Writtenand directed by Mark Duane Angos.

MAG-IINA 

Cast: Janine Gutierrez, Jackie Lou Blanco, Lucas Andalio, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Ness Roque, Bart Guingona, AlejandraCortez.

Directed by Giancarlo Abrahan and Guelan Varelan-Luarca.

KAKA SA YAWAN 

Cast: Beaver Magtalas, Luis Alandy, Nikki Valdez, Bryce Nicolo Mecader, Dennis Dato, Noelle Polack, Karl Medina, Queenay Mercado, Deanne Bautista, Benediz Ramos.

Written and directed by Alpha Habon.

STATUS: REJECTED 

Cast: Ruby Ruiz, Alessandra de Rossi, Beverly Salviejo, Yani Villarosa.

Written and directed by Vahn Leinard Pascual.

TAYO LANG ANG NAKAKAALAM 

Cast: Martin Eacudero, Yayo Aguila, Miguel Ordon, Epy Quizon, Mads Nicolas, Bodjie Pascua, Bong Cabrera, Adrian Lindayag, Nour Hooshmand.

Directed by David Corpuz.

TIRIK 

Cast: Rocco Nacino, Floyd Tena, Chai Fonacier, Jess Mendoza, Glenn Sevilla Mas, Justin Mclaire, Brian Arda, Hershey Neri, BorOcampo, Hope Summer Skye.

Directed by May-i Guia Padilla.Narito naman ang 10 shorts films ang napili mula sa 278 entries:

ELENITA ELENA ELAINE by Gabriela Serrano

HONEY, MY LOVE, SO SWEET by JT Trinidad

HOY, HOY, INGAT! by Norvin delos Santoskung paano kakalas. by Joseph Vitali

PARA-PARAAN by Mae Chan

RUNO! by Lysa Catolico and Jazmine Pateña

SILKSCREEN by Rey Anthony Villaverde

SORBETES by Jennissie Gilbuena

THE KEEPER by Nolan Rae Fabular and TRNZ

THE RIVER FLOWS IN DIFFERENT PLACES by Lot-Lot Hermosura

Excited sa dalawang pelikula na mula sa NDM+…LANCE, nagwi-wish na makatrabaho sina BELLE at DONNY (ni:  NONIE NICASIO)  

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AFTER napanood ni Lance Raymundo sa pelikulang “Neophyte 26” na tinampukan nina Derrick Monasterio at Angelica Jones, ang singer/actor ay may dalawang movie naman ngayon.

Nabanggit ni Lance ang mga proyektong ito mula kay Direk Nijel de Mesa.

Kuwento niya, “I’m doing two projects for NDM+ right now. Iyong horror/comedy na Ghost Project and yung comedy/fantasy movie na Taipei Tanders with icons Marissa Delgado, Nanette Inventor and Eva Darren.

“Sa Ghost Project, ang role ko ay nepo baby na itinakwil ng magulang dahil batugan. First time kong maghanap ng work kaya namasukan ako billang assistant sa isang construction company. Yung unang project ko ay sa isang building na may multo. Sina Moymoy Palaboy, Dennis Padilla, Regine Angeles, Analyn Baros, Toffi Santos ang ilan sa cast nito.”

Pagpapatuloy pa ni Lance, “Sa Taipei Tanders naman… since fantasy yun… sina Tita Marissa, Nanette and Eva, biglang nag-transform at bumalik ang mga itsura nila noong dalaga pa sila.

“Ang role ko rito ay si Brodie, na naging kaibigan ni Ms. Nanette (young version)… so, yung twist is eventually bumalik sa original na anyo ang tatlo… pero hanggang doon lang muna ang puwede kong ikuwento,” nakangiting wika pa niya.

Happy si Lance sa takbo ng kayang career, lalo’t  siya ay mas nakikilala na ngayon bilang international beauty pageant host.

Katatapos lang niya ng successful hosting sa Grand Coronation Night ng Mrs. Universe Philippines 2026 sa The Manila Hotel Tent City. Ang co-host ni Lance rito ay ang magandang Supermodel Universe 2025 na si Yna Angela Uy.Ayon kay Lance, target daw niyang mas maging visible sa mga beauty pageants sa ‘Pinas.

“I would also like to expand my hosting portfolio here in my homeland… so I someday hope to be involved in Miss Universe Philippines and other Philippine based pageants,” sambit niya.

Mayroon pa ba siyang wish makatrabaho sa showbiz?

Esplika niya, “Actually, napakasuwerte ko kasi sa career ko na ito, nakasama ko na sa trabaho sina Ms. Gloria Romero, Eddie Garcia, Cherie Gil, Eva Darren, Marissa Delgado, Nanette Inventor, Alma Moreno, Dina Bonnevie, Tommy Abuel, Irma Adlawan, Mon Confiado, Piolo Pascual and a lot of other icons na ni sa panaginip ay hindi ko akalain na I’ll have the privilege of working with.

“Well, I’d love to experience working with the new breed of artists and also learn from them… hindi ba learning never stops at give and take rin ito… they learn from me and I learn from them. 

“So, I’d love to work with Belle (Mariano) and Donny (Pangilinan), someday.”

Djokovic, naipanalo ang pinakamahabang quarter-final sa history ng Wimbledon; pasok na sa semis

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING gumawa ng kasaysayan ang tennis legend na si Novak Djokovic sa kanyang laban sa quarterfinals ng Wimbledon Open kontra kay Felix Auger-Aliassime.

Ang kanilang sagupaan ngayong Hulyo 8 ay nagtala bilang pinakamahabang quarter-final match sa kasaysayan ng Wimbledon.

Umabot ng limang oras at labinlimang minuto ang bakbakan ng dalawa, na nagsimula sa panalo ni Djokovic sa unang set, 7-6(10).

Bumawi naman si Auger-Aliassime sa ikalawang set, 3-6, bago muling nagtabla sa ikaapat na set na nagtulak sa kanila sa ikalimang set.

Sa huli, naipanalo ni Djokovic ang deciding set, 7-6(10-4), upang tuluyang makapasok sa semifinals. Dahil sa kanyang tagumpay, nakatakda siyang makaharap si World No. 1 Jannik Sinner sa isang inaabangang rematch.

Ang makasaysayang panalo ni Djokovic ay muling nagpapatunay sa kanyang katatagan at husay sa larangan ng tennis, lalo na sa Wimbledon kung saan hawak niya ang pinakamaraming titulo sa kasaysayan ng torneo.

Argentina, gumawa ng historic comeback para talunin ang Egypt, 3-2

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GUMAWA ng makasaysayang comeback ang Argentina at tuluyang tinanggal ang Egypt sa pagpasok ng quarterfinals ng World Cup 2026, 3-2.

Nabaon muna sa 2-0 ang three-time champion na Argentina sa second half, habang hindi rin naipasok ni football legend Lionel Messi ang kaniyang penalty kick sa ika-20 minuto ng laban.

Sa ika-78 minuto, binuhay ni striker Cristian Romero ang laban matapos makapuntos at gawing 2-1, sa tulong ni Messi.

Bago sumapit ang ika-82 minuto, nakapagtala si Messi ng equalizer na nagbigay pag-asa sa defending champion.

Sa stoppage time (90+3), tuluyang tinapos ni Enzo Fernandez ang laban sa pamamagitan ng huling goal na nagbigay ng panalo sa Argentina.

Dahil dito, lumaki pa ang agwat ni Messi bilang all-time leading scorer sa World Cup, hawak din niya ngayon ang pinakamagandang puwesto sa Golden Boot standings.

Mas maraming regional wage hikes ang paparating matapos magtaas sa Metro Manila — PBBM

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ni Pangulong Marcos na makatatanggap ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa mas maraming rehiyon habang patuloy na sinusuri ng regional wage boards ang pangangailangan para sa wage adjustments kasunod ng kamakailan lamang na pag-apruba sa P85 daily wage hike sa National Capital Region (NCR).

Sa pagsasalita sa mga mamamahayag sa Pulilan, Bulacan, sinabi ni Pangulong Marcos na na malayang pinag-aaralan ng ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ang umiiral na economic conditions sa kani-kanilang rehiyon bago pa magdesisyon ukol sa bagong wage orders.

“Ang tripartite wage board, regional tripartite wage board, patuloy ‘yan, hindi tumitigil ‘yan,” ayon sa Pangulo.

“Patuloy na tinitingnan at inaaral kung ano ba talaga ang presyuhan sa bawat region, para mailagay na tama ang ating wage rate, kung kailangan ng wage hike, kung magkano,” aniya pa rin.

Inaasahan naman na ang magiging desisyon ng Pangulo sa ilang rehiyon ay sa pagitan ng Setyembre o Oktubre ngayong taon.

“Kaya pag natapos na sila sa kanilang pag-aaral, ilalabas na rin natin ang naging resulta at kung ano ang rekomendasyon ng ating tripartite wage board sa iba’t ibang region para titingnan natin na maganda ang magiging maitutulong natin sa mamamayan na nagtatrabaho,” anito.

Aniya pa, ang Metro Manila ang unang rehiyon na inaprubahan ang wage adjustment para ngayong taon.

“Ang nanguna ay ang NCR; P85 ang naging wage hike natin,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, inaprubahan na ng Department of Labor and Employement (DOLE) ang P85 na umento sa minimum na sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ang umento, sa ilalim ng Wage Order No. NCR-27, ay ipatutupad sa dalawang yugto—P60 simula Hulyo 18, at karagdagang P25 simula Enero 1, 2027.

Ang wage hike ay kasunod ng ilang panukalang isinumite sa DOLE na naglalayong maitaas ang sahod ng mga manggagawa sa NCR.

Sa kasalukuyan, ang minimum na sahod ay P695.00 para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector, at P658.00 naman para sa mga nasa agriculture sector, gayundin sa mga nagtatrabaho sa mga establisimyentong mayroong 10 hanggang 15 empleyado.

Sa kabilang dako, idinepensa naman ng Pangulo ang rekord ng administrasyon ukol sa sahod ng mga manggagawa,

sabay sabing ang mga empleyado sa Metro Manila ay nakatanggap ng pinakamalaki kapag pinagsama-sama ang umento sa sahod sa kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang liderato.

“Again, sa buong kasaysayan ng Pilipinas, ang pinakamaraming pagtaas ng wages, lalo na sa Metro Manila, ay sa nakaraang apat na taon,” anito.

“Nakapagbigay na tayo ng P200 lahat-lahat,” aniya pa rin. ( DARIS JOSE)

PBBM, binasura ang selective school feeding, pinalawak ang programa sa buong bansa

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinalawak ng gobyerno ang school feeding program para masakop ang lahat ng mga mag-aaral sa buong bansa.

Ayon sa Pangulo, walang bata ang dapat na maiwan dahil lamang sa beneficiary selection.

Matapos pangunahan ang 2026 National Kick-off ng School-Based Feeding Program and Milk Feeding Activity sa Pulilan, Bulacan, tinuran ng Pangulo na nagdesisyon ang gobyerno na umalis sa mula sa dating estartehiya ng pagtukoy lamang sa ‘selected undernourished learners’ para sa feeding assistance.

“Alam n’yo po, meron tayong feeding program noon pero kulang-kulang dahil namimili pa tayo kung sino ‘yung kulang ang pagkain, hindi nakakain nang mabuti, kaya’t hindi makapag-aral nang mabuti,” ani Pangulong Marcos.

“Natuklasan naman namin na karamihan naman ay dapat talaga pakainin na lang natin. Huwag na natin piliin kung sino ‘yung mga dapat bigyan at sino ang hindi kasama sa feeding program,” aniya pa rin.

Sinabi ng Chief Executive na ang inisyatiba ay tanda ng unang pagkakataon para sa Pilipinas na nagpatupad ng nationwide school feeding program.

“Ito ay sa buong kasaysayan ng Pilipinas; hindi pa natin nagagawa ito, kaya ako ay natutuwa na mabuksan ngayon ang ating nationwide feeding program,” ang winika pa rin ng Pangulo.

Ang sabay-sabay na rollout ay ikinasa sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na layon ng pinalawig na programa ang alisin ang pagkagutom bilang hadlang sa pag-aaral at tiyakin na ang mga mag-aaral ay hindi nag-aalala ukol sa susunod nilang pagkain habang nasa eskuwelahan.

“Napakalaking bagay para sa akin dahil alam naman natin na kung minsan ang nagiging dahilan kung bakit hindi makapag-aral nang mabuti ang mga kabataan ay kulang sa pagkain,” ang sinabi nito.

“Tinanggal na natin ang problemang ‘yan para tiyak tayo na lahat ng mga pumapasok na nag-aaral ay hindi na kailangang alalahanin ang kanilang kakainin,” aniya pa rin. ( DARIS JOSE)

Sa ginawang pagsilip sa Senado: Malakanyang kay VP Sara: Kasagutan hindi legal na teknikalidad ang gusto ng mga Filipino

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABIHAN ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte na hindi kailangan ng publiko ang tila pagpapatakam na pagsilip niya sa impeachment proceedings sa Senado kundi ang direktang kasagutan sa mga alegasyon laban sa kanya at hindi ang pagsandal sa legal na teknalidad.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi nagawang direktang sagutin ni VP Sara ang mga akusasyon laban sa kanya nang humarap siya sa mga miyembro ng media at nagbigay lamang ng maikling pahayag, araw ng Martes.

“Feeling niya na bloodbath ito at alam naman natin na ito ang kanyang hiniling. Siya mismo ang nagnanais ng isang bloodbath,” ayon kay Castro.

Tinukoy ni Castro ang pahayag ni VP Sara nang ilarawan nito ang impeachment proceedings sa pamamagitan ng pag-quote sa popular poem Invictus ni William Ernest Henley na “In this bloodbath, in this bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.”

Habang tanggap nito na may sariling estratehiya ang legal team ni VP Sara, mas nais ng publiko na marinig mula kay VP Sara ang pagpapabula sa mga akusasyon laban sa kanya sa halip na idaan sa quote ang mga pahayag.

“Mas nanaisin siguro ng taumbayan na madinig mismo kay Bise Presidente ang pagtanggi ng mga akusasyon sa kaniya, hindi lang puro technicalities ang ginagawa ng depensa,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na marami ang natuwa nang magpakita sa Senado si VP Sara.

“Ikinatuwa natin na sa ngayon ay may nagiging basehan na si Bise Presidente ng kanyang mga sinasabi,” anito.

Samantala, idinepensa naman ni Castro ang legalidad ng impeachment proceedings matapos na tumakbo ang kampo ni VP Sara sa Korte Suprema para ipatigil ang impeachment trial dahil sa pagtatalaga kay Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.

Noong Martes, July 7, naghain si Atty. Israelito Torreon ng petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa pagkakatalaga kay Escudero bilang presiding officer kaya nais ng mga ito na para pansamantalang ipatigil ang paglilitis.

Subalit ayon kay Tolosa, hangga’t walang utos ang SC, dapat aniyang magtuloy-tuloy ang paglilitis impeachment court laban kay Duterte dahil ito aniya ang inuutos ng Saligang Batas. (Daris Jose)

VP Sara humirit sa SC: Ipatigil trial

Posted on: July 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINILING ni Vice President Sara Duterte sa Kor­te Suprema nitong Martes, Hulyo 7, na ipatigil ang isinasagawang impeachment trial sa Senado.

Sa kanyang urgent motion and manifestation kaugnay ng dalawang nakabinbing petisyon na inihain ng kanyang legal team na pinamumunuan ni Atty. Israelito Torreon, kinuwestyon ni Duterte ang kapangyarihan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na mamuno sa Impeachment Court bilang presiding officer.

Hiling niya sa SC na magpalabas ng injunction o interim relief upang pigilan ang Impeachment Court at mga opisyal nito na ipagpatuloy ang pag­lilitis, tumanggap ng ebidensya, maglabas ng kautusan, at magpatupad ng proseso hanggang maresolba ang isyung konstitusyonal hinggil sa awtoridad ng presiding officer.

Giit ni Duterte, dapat tiyakin na ang impeachment trial ay magpapatuloy lamang sa ilalim ng Rules of Procedure on Impeachment Trials na “validly adopted” at pinamumunuan ng presiding officer na may malinaw at ligal na kapangyarihan, upang maiwasan ang pagdududa sa bisa ng proseso. Ipinunto niya na ang mga amyen­da sa Rules of Procedure na inaprubahan umano noong Hunyo 3, 2026 ay may depekto dahil walang quorum, walang advance notice na hinihingi ng Senate Rules, at hindi mismong Impeachment Court ang nagpatibay ng pagbabago.

Iginiit pa ni Duterte na ang Impeachment Court na pinamumunuan ni Escudero ay produkto ng sesyon noong Hunyo 3, 2026—na siya ring kinukuwestyon sa naunang petisyon.

“A respondent in an impeachment case is entitled not merely to a trial, but to a trial before the constitutionally proper impeachment tribunal, presided over by an officer whose authority is lawfully derived,” ani Duterte sa kanyang mosyon. 

(DARIS JOSE)